logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Soul-Mirror

Soul-Mirror

Elyon Dela Cruz


Prologue

Maalinsangan ang panahon, masakit sa balat ang sikat ng araw, sari-saring amoy, kasama na ang usok na nanggagaling sa tambutso ng mga sasakyan ang naaamoy ko, sabayan pa na maingay ang paligid, kwentuhan ng mga magkakakilalang pasahero sa jeep na sinasakyan ko, nagrereklamo naman ng iba dahil sa init ng panahon, at bagal ng usad ng jeep dahil sa traffic.
Napatingin ako sa sanggol na tangan sa kabilang bisig ng ginang na nasa tapat ko. Pinapaypayan niya ang sanggol para hindi ito mainitan. "Manong, bayad po." Nag-abot siya ng bayad at kinuha naman ito ng katabi niya.
"Bayad raw po, paabot naman... Salamat." Pinagpasa-pasahan ng mga tao ang barya hanggang makaabot ito sa driver.
"Ilan 'to?" tanong ni Manong habang abala ang isa pa niyang kamay sa manibela, at sa harapan ng jeep.
"Isa lang po, kasasakay lang." Narinig kong kumalansing ang mga barya nang mailagay ng Driver sa isang garapon ang binayad ng ginang.
"Ang init," reklamo ni mama habang pinapaypayan niya ako. Ako naman, muli kong tiningnan ang baby ng ginang.
Lahat ng nabuhuhay ay dumadaan sa proseso ng pagsilang. Wala tayong idea kung anong kahaharapin natin kapag isinilang na tayo.
Pero bakit nga ba tayo nabubuhay?
Para kanino?
Para sa anong dahilan?
Ang sabi ni mama at papa hindi tayo ang pumipili kung sino ang magiging magulang natin, ang Diyos ang pumipili nito para sa atin.
Kung totoo man 'yon, dapat akong magpasalamat sa Diyos dahil napunta ako kay mama at papa.
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Papa:
"Anak, ikaw ang 'kumumpleto' sa buhay namin. Pakiramdam namin ng mama mo, napaka-blessed namin ng dumating ka sa amin. ‘Mahal na mahal’ ka namin, Raya. Gagawin namin lahat para sa'yo."
Ibinibigay sa akin ni mama at papa ang lahat ng pangangailangan ko, at ang pagmamahal na kailangan ko.
Iyon nga lang...
Ang salitang 'kumpleto' at 'pagmamahal' ay tila hindi ko maramdaman.
Bakit ba hindi ko maramdaman 'yung kumpleto at pagmamahal? Hindi ko maramdaman 'yung pakiramdam nila. I mean, masaya naman ako na sila ang naging magulang ko, at mahal ko rin naman sila.
Kayalang...
"Raya?" Biglang naputol ang mga tumatakbo sa isip ko at napatingin ako kay mama na nasa baba na pala ng jeep.
P-pano siya nakababa agad ng jeep?
"Hiya, bumaba ka na, kanina ka pa tinatawag ng mama mo hindi ka sumasagot," sabi ng ginang sa tapat ko na may hawak na baby.
"So-sorry po," hingi ko ng paumanhin. Dali-dali akong bumaba ng jeep. Hindi ko napansin na natulala na naman pala ako. Ang alam ko, traffic at malayo pa ang bababaan namin nu'ng nakatingin ako sa baby. Gano'n na pala ako katagal na tumulala?
Tiningnan ko ang mukha ni mama, para siyang nalulungkot, at nag-aalala, gano'n pa man ay pinilit pa rin niyang ngumiti sa akin. "Bilisan na natin para makapamalengke pa tayo pagkatapos ng session mo."
Tumango na lang ako kay mama at sumunod sa paglalakad.
Pupunta kami sa clinic. Kailangan kong um-attend ng session para raw sa sakit ko. Hindi ko na matandaan kung ano 'yung sakit ko. Basta ang alam ko lang may nangyari, at 'yung pangyayari na 'yon ang nagdala sa amin dito. At sa tuwing pumupunta kami rito. Nakakaramdam ako na parang may kulang sa pagkatao ko. Na parang may nababawasan sa akin kapag lumalabas ako ng clinic.
May pagkakataon na abala man ang katawan at ang isip ko, bigla-bigla na lang akong nakakaramdam ng lungkot. Minsan, bigla na lang akong umiiyak ng walang dahilan, kusa na lamang tumutulo ang luha ko kahit wala naman talagang nakakaiyak sa kung ano man ang ginagawa ko.
Kung bakit hindi ko maramdaman 'yung salitang kumpleto at pagmamahal?
‘May nawawala sa akin at kung minsan, naghahanap ako.’
-
-
-
-
"Ang ganda ng palawit na iyan, Alejandro." Manghang-mangha ang isang dalaga, habang pinagmamasdan nito ang palawit ng kuwintas na hawak ng binata.
"Pinamana sa akin ito ng aking lola noong nabubuhay pa lamang siya." Isang ngiti ang sumilay sa labi ng binata habang pinagmamasdang mabuti ang palawit na nasa kamay niya.
"Ganoon ba? Mukhang napaka importante sa iyo ng bagay na iyan."
"Oo, Rosaria." Binuksan ng binata ang palawit at tumambad ang isang orasan na may imahe sa kabilang bahagi. "Sabi ng aking lola, ilagay ko rito ang imahe ng pinakamamahal ko."
Sinilip ng dalaga ang palawit. Rumihistro ang lungkot sa mukha niya nang makitang hindi siya ang imahe.
"Ang Mahal na Birhen pala ang nakalagay, ngunit bakit hindi ang iyong Ina?"
Tumingin ang binata sa dalagang may mapungay na mata at bahagyang ngumiti sa kanya. "Hindi ako bihasa sa pagguhit na kakasya rito."
-
-
-
-
"Miss De Castro, Raya."
Isang kalabit ang nagpabalik sa diwa ko at nang tingnan ko, pag-aalala na naman ang sumilay sa mukha ni mama. Walang araw yatang hindi ganito ang itsura niya sa tuwing tumitingin siya sa akin.
"Tinatawag na tayo," sabi ni mama.
"'Ma, nakatulog po ba ako?" takang tanong ko sa kanya. Para kasing nanaginip ako.
"Nakatulala ka lang, hindi ka natulog."
"Miss De Castro, Raya," muling tawag sa amin ni Ms. Tanya sa reception area kaya naman agad kaming tumayo ni mama at lumapit dito.
Hindi ko na lang sinabi kay mama na para akong nanaginip ng gising, bigla na lang kasing may sumagi na mga eksena sa isip ko.
"Ako po 'yon," sagot ko.
"Okay, this way please..."
Sumunod kami sa kanya hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang pinto, na sakto namang bumukas at may lumabas na matangkad na lalaki. Nu'ng inangat ko ang mukha ko para makita ko sana siya, nahuli na ako, nakalampas na siya sa akin at tanging likod na lang niya ang nasilayan ko ng sundan ko siya ng tingin.
"Sir!" tinatawag siya ng kasama naming si Ms. Tanya pero nagmamadali siyang lumabas ng clinic at tila hindi na niya narinig ang pagtawag nito.
Hindi ko alam pero parang gustong humakbang ng mga paa ko at habulin siya, kayalang bigla ko na lang naramdaman na may humawak sa braso ko, nang tingnan ko ---- Si mama pala. "Ano pang ginagawa mo? Hinihintay na tayo ni doktora sa loob." Hinihila na ako ng marahan ni mama.
"Ma, hindi niya kasama 'yung mommy niya ngayon?" bigla kong tanong kay mama.
"Sino bang tinutukoy mo?"
"Yung lalaking lumabas po."
"Kilala mo ba 'yung pasyenteng 'yon?" tanong ni mama sa akin, pero hindi ako nakasagot. Likod lang naman niya nakita ko pero bakit parang kilala ko siya? "Hay naku, anak. Tara na't hinihintay na tayo ni Doktora."
Magtatanong sana ako kay Ms. Tanya pero hindi na nagpaawat pa si mama at tuluyan na kaming nakapasok sa loob.
Sinalubong kami ng matamis na ngiti ni doktora. "How are you, Mrs. De Castro?" pambungad na pagbati ni Dra. Emma Santos kay mama.
"Itong anak ko, napapatulala madalas." Pagkaupo naming dalawa ay ito agad ang sumbong ni mama.
"That's one of the side effects of her medicine. Her body is adjusting to the dosage, and sometimes may kasama 'tong hallucination, but don't worry, kaya naman ng body niya ang dosage nito, hanggang sa tuluyan siyang makapag-adjust and mabawasan ang mga side-effects," paliwanag ni doktora.
Tumango naman si mama. "Ibig sabihin hindi na mawawala ang pagiging lutang niya?”
"As I've said, mali-lessen lang." Hindi naman na nagsalita si mama. “By the way, may side effects din ang medicine once huminto siya nito sa pagti-take---" hindi na natapos ni Doktora ang sasabihin niya dahil hinawakan na ni mama ang kamay nito at nagpukaw ng makahulugang tingin sa kanya. "O-Okay, I understand..." Nagtaka ako sa kanilang dalawa pero hinayaan ko na lang. Agad namang tumingin si doktora sa akin. "So Raya, ready ka na ba?" Tumayo kaming dalawa at agad pumasok sa kabilang kuwarto na konektado mismo sa opisina ni Doktora. Iniwan muna namin si mama.
Unang bumungad sa mata ko ang higaan na madalas kong gamitin noon. "I hope na ito na ang huling session mo, Raya." Napatingin ako kay doktora na abala sa kanyang ginagawa bago umpisahan ang totoong session namin.
"Doktora, magiging okay na po ba talaga ako?" tanong ko.
Sa totoo lang? Parang pinagsisisihan kong nandito ako. Hindi ko alam kung bakit.
Ngumiti ito sa akin, umupo siya sa isang bakanteng upuan habang hawak ang pen at notebook niya. "Huwag kang mag-alala magiging normal ulit ang buhay mo sa mga susunod na araw, Raya."
"Paano po kung hindi? Marami pa po akong tanong na hindi niyo pa rin po nasasagot."
"Naniniwala ka ba sa destiny?" Hindi ako umimik. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Mukhang naunawaan niya ang pananahimik ko. "Hihintayin ko na maging handa ka na. At kung sakaling madiskubre mo ang nakatadhana sa'yo, bukas ang klinik ko. Siyempre, hindi na ako magbibigay ng charge." Kumindat pa si Doktora sa akin. "Tandaan mo lang, Raya, may dahilan ang lahat ng bagay, kung minsan mahirap itong maunawaan sa una, pero may tamang panahon para dito. Bata ka pa, hindi mo kailangang magmadali at i-pressure ang sarili mo sa mga tanong na hindi pa maaaring masagot sa ngayon."
Napatingin ako sa wrist watch ni Doktora. "'Yung relo po niyo, parang huminto na po yata." Agad naman siyang napatingin dito.
"Ah, oo, kanina lang 'to huminto." Tinanggal naman niya iyon at ipinatong na lang sa mini table. "So pa'no, let's start?"
Tiningnan ko muna 'yung relo na nasa mini table.
Destiny? Tamang panahon?
"Raya?" tumingin ako kay Doktora at tumango na lang ako bilang tugon.

Comentário do Livro (7)

  • avatar
    Dela CruzElyon

    Hi! I'm the author of Soul-Mirror. I hope na mabasa niyo ang story na ito. Thank you so much!

    09/02/2024

      1
  • avatar
    Rechelyn Quimco Salazar

    nakaka goosebumps! btw after reading listen to James Arthur Car's outside. Bakit? I can't explain the feeling. skl. Good Job author pero sana ng ka aminam cla na ako c Alejandro/Rosario sa nakaraan.

    24/10/2023

      1
  • avatar
    VelardeIrene

    nicee po nagustuhan ko ung storyyy!🤗

    01/12/2022

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes