“TAY, ihahatid ko po muna si Aivan sa eskwelahan niya. Kumain nalang po kayo mamaya, huh?” Ngumiti ito sa kanya saka dahan-dahang tumango. Bago sila umalis ay nagmano muna sila sa kanilang ama. Tinawag niyang muli si Aivan saka sila sabay na lumabas ng kanilang munting bahay. Maingat na inayos ni Ahrin ang munting gusot sa uniporme ng kapatid. Mahirap lang sila pero maayos naman silang pinalaki ng kanilang ina. Pinalaki silang masinop at maayos sa mga gamit. Kaya naman hindi sila masyadong kahiya-hiya sa ibang tao. “Ate, wala po pala akong baon. Hindi na ako humingi kay Itay dahil alam ko namang wala siyang kinita kahapon.” Natigil bigla si Ahrin sa paglalakad pagkuwan ay pasimpleng kinapa ang bulsa niya. Nang dukutin niya ito ay may nadukot siyang sampung piso. Alam ni Ahrin na may bente pisos pa siya sa wallet niya pero hindi niya ito ginastos. Kailangan niyang magtipid lalo na ngayong mahina ang pamamasahero ng kanilang ama. Isang tricycle driver ang ama nilang si Mang Adonis. Magwa-walong taon na itong namamasahero. Kahit noong nabubuhay pa ang kanilang ina. Namatay kasi ito nang ipanganak si Aivan. Pero kahit ganun, hindi niya nagawang sisihin si Aivan. Kapatid niya ito. At naniniwala siyang hanggang doon na lamang ang buhay ng kanilang ina. Walang dapat sisihin maski ang Panginoon. Dahil lahat naman ng tao ay isa lang ang patutunguhan- ang kamatayan. “Ate?” Nabalik lang siya sa katinuan ng marinig ang munting tinig ni Aivan. Doon niya lang naalala ang sampung piso na dapat ay ibibigay niya dito. “Pasensiya na, beh! May naalala lang ako bigla.” Dinukot niya ang sampung piso sa kanyang bulsa saka ito iniabot kay Aivan. Isang matamis na ngiti ang itinugon nito sa kanya. “Salamat, Ate...” Nagpatuloy sila sa paglalakad. Pagdating sa liwasan ay nagdadalawang-isip pa siya kung pasasakayin na lamang si Aivan sa tricycle o maglalakad na lamang silang magkapatid. Napatingin si Ahrin sa relong pambisig niya. Pasado alas siyete na pala. Alas siyete y medya naman ang pasukan nila Aivan sa eskwelahan nito. 30 minutes nalang. Di na ito makakaabot kaya naman nagdesisyon siyang gastusin na lamang ang bente pisos niya para makarating agad ang kapatid sa eskwelahan. Medyo may kalayuan kasi ang pinapasukan ng kapatid. “Beh, mali-late ka na sa klase. Sumakay ka nalang sa tricycle.” Tiningala siya ng pitong taong gulang na si Aivan. Nginitian niya ito sabay haplos sa ulo nito. “Eh paano ka naman, ate? Di ba malayo din ang pinapasukan mong trabaho?” nagtatakang tanong nito. Isang tipid na ngiti lamang ang itinugon ni Ahrin. Nang may dumaang tricycle ay agad niya itong pinara at pinasakay si Aivan. “Mag-iingat ka, huh? Huwag magpapasaway sa school, maliwanag?” paalala niya sa kapatid. “Opo, ate.” Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang umalis ang tricycle. Napangiti na lamang si Ahrin saka humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Ngayon, siya naman ang kailangang magmadali dahil malapit na din siyang ma-late sa pinagatatrabahuan niya. Isa siyang waitress sa isang sikat na restaurant dito sa Pilipinas- ang Yhumz restaurant. Halos magda-dalawang taon na siyang nagta-trabaho dito. Sa panahon ngayon, mahirap maghanap ng matinong trabaho. Aminado siyang hindi siya kailan man nakatuntong ng college pero kahit papaano ay may pinag-aralan naman siya. Kapos sila sa pera at alam niyang hindi na siya kayang pag-aralin ni Mang Adonis kung nagpatuloy pa siya sa kolehiyo. Hindi sapat ang kinikita nito araw-araw upang tustusan ang pag-aaral niya. Kaya mas pinili niya na lamang ang magtrabaho nang sa gayun ay masuportahan niya din ang pag-aaral ng kapatid niyang si Aivan. Pagdating sa pinagatatrabahuan ay agad nagtungo si Ahrin sa locker niya upang magbihis ng uniporme nila. Mabuti nalang at hindi pa siya masyadong late nang dumating siya sa Yhumz. Tinali niya ang mahaba niyang buhok saka nagpunas ng pawis sa kanyang noo bago tuluyang lumabas ng banyo. Nakasalubong niya pa ang kaibigan niyang si Morisse. “Nandito ka na palang babaita ka!” gulat pa nitong sigaw sa kanya sabay kurot sa kanyang tagiliran. Napangiti naman siya. “Pasensiya na. Hinatid ko pa kasi si Aivan patungong liwasan kaya medyo natagalan ako. Marami na ba ang customer sa labas?” Hinila siya ni Morisse saka sila sabay na lumabas ng locker room. “Hindi pa gaano. Maaga pa naman kaya kakaunti pa lang ang nagsisidatingang customers. Siyanga pala, kumusta naman si Aivan?” Nilingon niya si Morisse na parang tangang nakangisi sa kanya. Napangiti na lamang siya saka napailing. Ang babaeng ito. Pati kapatid niyang siyete anyos ay talagang natipuhan pa nito. “Ayos lang naman si Aivan. Ikaw huh! Maawa ka naman sa kapatid ko. Jusmiyo! Seven years old palang yun pero crush na crush mo.” Napahagikhik pa ang kaibigan niya. Wala talagang sinasanto. Pati bata ginugusto. “Hay! Super cute naman kasi nung si Aivan eh. Lalo na kung ngumingiti siya. Labas yung dalawang malalalim na dimple!” kinikilig na sambit nito. Bahagyang napairap si Ahrin. Hay! Loka-loka talaga. “Eh, si Uncle Adonis? Kumusta siya?” Muli niyang pinunasan ang noo at leeg niya saka muling binalingan si Morisse. “Ayos lang naman siya. Medyo maayos na ang pakiramdam niya. Yun nga lang, inuubo pa rin siya...” Nagtungo sila ni Morisse sa main area ng Yhumz. Nakasalubong pa nila si Tanya na todo ang irap sa kanila. Napailing nalang siya sa inasal nito. “Iyang Tanya na iyan, makakatikim talaga yan sa akin! May pairap-irap pa talaga siyang nalalaman.” Nanggagalaiting sabi nito. Balak pa sana nitong habulin ang kinaiinisan kung di niya lang ito nahila sa braso. “Umayos ka nga! Hayaan mo siya. Baka may pinagdadaanan lang...” mahinang sabi niya dito saka nagsimulang mag-ayos ng mga upuan. Napaingos naman ang kaibigan. “Anong may pinagdadaanan lang? So, ibig sabihin na araw-araw siyang may pinagdadaanan kaya araw-araw niya din tayong iniirapan? Aba! Malilintikan talaga siya sa akin.” Hindi niya na lamang pinansin ang pag-aalburuto nito at pinagpatuloy na lamang ang pag-aayos ng mga upuan. Mabuti na lamang at hindi masyadong marami ang gawain nila ngayon. Kadalasan kasi madami ang customers kahit maaga pa kaya madami rin silang gawain. Napatigil si Ahrin sa pag-aayos ng mga upuan ng may lumapit sa kanya. Si Kaila, isa ding waitress gaya niya. “Ahrin, pinapatawag ka ni Madam sa office niya.” Ani nito sa kanya. Nagtaka naman siya. “Huh? Bakit raw?” Nagkibit-balikat lamang ito. “Hindi ko rin alam eh. Sige, punta muna ako sa kitchen.” Nang tumango siya ay saka lang ito umalis. Ano kayang kailangan sa kanya ng manager nila? Sana naman good news ang sasabihin nito sa kanya. PAGOD na isinandal ni Rhum ang likod sa swivel chair na kinauupuan niya. Maaga pa siyang nagising kanina dahil marami siyang papeles na dapat permahan. Noon pa man ay wala talaga siyang hilig sa pagpapatakbo ng negosyo nila, ang McBelli Company, kung hindi lamang siya kinukulit ng kanyang ina na pagbigyan ang kagustuhan ng kanyang ama. Ipinikit niyang muli ang mga mata. Sumasakit na ang ulo niya. Pakiramdam niya ay mas sumakit pa ito lalo nang maalala ang girlfriend niyang si Aemy. Nagtampo ito sa kanya kagabi dahil hindi niya ito kaagad nasundo. Tapos ngayon ay wala siyang oras upang suyuin ang nagtatampong kasintahan. Napadilat siya ng marinig ang pagbukas ng pinto ng opisina niya. Pumasok mula doon ang sekretarya niyang si Jen. Bitbit nito ang pagkaing pina-order niya sa labas. “Pasensiya na po, Sir kung natagalan ako. Mahaba po kasi ang pila. Mahirap makasingit.” Hinging-paumanhin nito sa kanya. Inilapag nito ang pagkain sa table niya. Tumango lang siya kay Jen. “It's okay. You can go now.” “Yes, Sir.” Pagkasabi nun ng sekretarya niya ay agad din itong lumabas ng opisina. Doon lamang siya umayos ng upo. Pagkuwan ay napatingin siya sa wrist watch niya. Quarter to 12 na. Kaya pala nag-aalburuto na ang tiyan niya kanina pa. Dahan-dahang binuksan ni Rhum ang pagkaing pinabili niya sa sekretarya. Rice and chicken adobo. His favorite food. Pakiramdam niya ay mapapadami siya ng kain ngayon lalo na at pagod na pagod siya sa trabaho. Susubo na sana siya nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Inilapag niya muna ang kubyertos na hawak saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makitang si Aemy iyon ay sinagot niya agad. “Hello?” “Hi, Babe! Can I ask you out today? Let's lunch together.” Masayang bungad nito sa kanya. Napaarko ang kilay niya. Hindi ito galit? Napahilot siya sa sintido niya pagkuwan ay napatitig sa pagkaing nasa harapan niya ngayon. “But I already have my lunch, Babe. Marami din akong aasikasu------” “Okay.” Agarang sagot nito sa malamig na tinig. “I'm sorry, Babe... Babawi nalang ako la----” Muli ay pinutol na naman nito ang sasabihin niya. “Oh shut up! Kung ayaw mo edi wag! Kainin mo 'yang pinagkaka-abalahan mo. Huwag mo akong tatawagan!” Saka nito pinatay ang tawag. Muli ay napahilot ng sintido si Rhum. Gustuhin man niyang pagbigyan ang kagustuhan ng kasintahan ay hindi talaga pwede. Kailangan niyang tapusin ang mga gawain niya lalo na at posibleng madagdagan pa ito next week. Ayaw niya sa lahat ang natatambakan siya ng trabaho. Tila nawalan na din siya ng ganang kumain. Napabuntong-hininga siya ng malalim saka itinabi ang pagkaing dapat ay kakainin niya. Pakiramdam niya ay umatras nalang bigla ang kagutoman niya dahil sa galit na tinig ni Aemy. Mabilis na lumipas ang oras. Quarter to 10 na nang matapos niyang permahan ang mga papeles. Tumayo na siya at inayos ang mga gamit niya. Dinukot niya sa bulsa ng suit niya ang kanyang cellphone saka tinawagan ang isa sa mga kaibigan niya. “Yow!” Mabilis na sagot sa kabilang linya. Naglakad na siya papasok sa elevator saka pinindot ang ground floor button. “Where are you?” tanong niya dito. Rinig na rinig niya ang ingay mula sa kabilang linya. Base sa ingay ay alam niya kaagad kung nasaan ang kaibigan. Legals Bar. “Nasa Legals ako ngayon. Why?” Saktong huminto naman ang elevator. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang nito ay lumabas agad siya. Dinukot niya sa bulsa ang susi ng Lamborghini niya. Nang makapasok sa sasakyan ay pinaandar niya kaagad ito. He needs to unwind and calm his self. Bukas na bukas ay pupuntahan niya kaagad si Aemy para suyuin ito. Hindi siya sanay na hindi siya nito kinakausap. He loves Aemy so much. At handa siyang gawin ang lahat para lamang suyuin ang kasintahan. After few minutes ay narating niya agad ang Legals Bar. His friend Brandon owned it. Pagbaba niya palang sa Lambo niya ay rinig niya na kaagad ang malakas na tugtog mula sa loob ng bar. Napangisi siya. It's time to unwind and temporarily forget all of his problems, personal or company related. Pumasok si Rhum sa loob. Agad niyang tinungo ang pwesto nila ng mga kaibigan niya. Malayo palang ay tanaw niya na si Kiam. May kasama itong dalawang sexy na babae. He smirked. Lumapit siya sa mga ito. “Hey, dude!” Doon lamang natinag ang kaibigan. “Yow! You're here na pala.” Tumayo pa ito saka siya niyakap. “Kasama mo si Aemy?” Umiling siya saka naupo. “She's really upset. Nagtampo sa akin dahil hindi ko siya nasundo kahapon. And then, she called me earlier. Inaya niya akong lumabas para mag-lunch. But I declined her because I have to finish all the paperworks.” “Don't stress yourself too much, dude! Kaya nga nagpatayo ng bar si Brandon para dito tayo magsaya. Hahaha!” Napailing si Rhum. Kahit kailan ay wala talagang sense kausap ang isang Kiam Ferrejas. Nagsalin siya ng vodka sa isang baso. Inisang inom niya lang ito. Bottoms up. Nang ilapag niya ang baso ay napabaling siya sa isang babaeng kasama ni Kiam. Malandi itong nakatitig sa kanya. Napangisi siya habang napapailing. Woman and their dirty tricks. He loves her girlfriend and he don't do cheating. He maybe a jerk sometimes but cheating on Aemy is not in his vocabulary. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso niya. Pagkatapos niya itong inumin ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Pero mas naagaw ng pansin niya ang pamilyar na bulto ng isang tao. She's sexily grinding her hips together with two men. Tatayo na sana siya ng biglang may natumba sa harapan niya. Agad niya itong dinaluhan. “Are you okay, Miss?”
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
impressive
09/07/2024
0hello
09/07/2024
0i dont know
13/06/2024
0Ver Todos