logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 6: IAN'S FIANCÉE

(ALLYSA'S POV):
“Natapos ko na ang utos mo, gusto ko nang umuwi.” tila pinagsakluban ng langit at lupa ang kanyang itsura.
“Mabuti! Atleast may naging silbi ka na rin!” mapang-asar kong papuri.
Nginitian n'ya na lang ako at pagkatapos nun ay pinaandar ko na kaagad ang kotse pauwi sa bahay namin.
Nakakarindi na talaga 'yang ngiti n'ya pero mas gwapo talaga s'yang tingnan kapag nakangiti eh....Ayyy...Ano ba 'yang pinagsasasabi mo, Allysa??!
“Oh, Anak, Nandito si Shaira.” pagsalubong sa'kin ni Mama sa may gate.
Ang bilis naman nun? Ganun ba talaga 'yun kapag natatakot para mabilis s'yang makarating sa bahay namin?
“Sige po, Ma.” masayang sagot ko sabay pasok sa loob ng bahay namin.
Pagpasok ko ay nadatnan ko kaagad si Shaira na nakaupo sa sofa.
Hala! Patay! Nandito rin pala 'yung multo!
Tumingin ako sa gawi ni Ian at parang nagtataka lang ako na wala s'yang reaksyon nang makita n'ya si Shaira, dapat magtataka s'ya kasi nalaman n'yang kaibigan ko ang ipinatakot ko sa kanya.
“Umalis ka muna, mag-uusap lang kami ng Bestfriend ko.” utos ko sa kanya.
Tumingin sa akin si Shaira na may pagtataka sa kanyang mukha at tila nag-uusisa kung sino ang kinakausap ko.
Ngumiti lang sa'kin si Ian at bigla na namang naglaho ng parang bula.
“Sa ibang lugar tayo mag-usap.” pagyaya ko kay Shaira.
Lumabas muli ako ng bahay kasama si Shaira at sumakay sa kotse papunta sa isang Park. Napili naming maupo sa isang mahabang upuan na nalililiman ng malaking puno.
“Bakit dito tayo mag-uusap?”
“Baka kasi marinig ni Ian ang pag-uusapan natin.” tugon ko habang nakangisi ng pilit.
Mabilis na nanlaki ang dalawang mata ni Shaira dahil sa pagkabigla.
“Ian?! Do you mean, Ian James Fuentes?!!” pagkabigla n'ya.
Nagtaka naman ako bigla kung bakit gulat na gulat s'ya at alam na alam pa n'ya ang buong pangalan ng lalaking tinutukoy ko.
“Teka, Bakit kilala mo s'ya? Huwag mong sabihin na nakikita mo rin ang manyak na 'yun?!” magkasunod kong tanong.
Natamime naman s'ya sa tanong ko at nakahalata kaagad ako na mukhang may itinatago sa'kin ang kaibigan ko.
“....S'ya kasi 'yung Boyfriend ko na namatay eh.” sagot n'ya na nagpasingkit ng mga mata ko.
Ano?! Nagkaroon pala s'ya ng Boyfriend? Hala! Ibig-sabihin s'ya 'yung fiancée na tinutukoy ng manyak na 'yun??
Hindi magawang kainin ng utak ko ang mga ipinagtapat n'ya sa'kin. All this time, nagka-boyfriend pala s'ya pero hindi ko alam.
Ngayon alam ko na kung bakit laging sunod ng sunod sa'kin ang multong 'yun. Gusto n'ya palang masilayan ang kaibigan ko bago s'ya tuluyang mawala at gusto n'ya akong gawing tulay para magawa n'ya 'yun.
Pero bakit n'ya naman nagawang takutin ang Fiancée n'ya?
“Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?” nagtatakang tanong ko.
“Dahil nang maaksidente ka, nabura ang iilan sa memory mo, nagkaroon ka ng Partial Amnesia.” aniya.
Ibig-sabihin, simula ng makauwi ako sa bahay, itinago sa'kin ni Mama at Papa na nagkaroon pala ako ng Amnesia? Pati rin ang Bestfriend ko, hindi rin sinabi sa'kin?!
“So ikaw pala ang tinutukoy n'yang Fiancée?”
“He's died in a car accident before we're gonna married.” mangiyak-ngiyak n'yang paliwanag.
Bahagya akong nalungkot para sa kanya. Masakit siguro ang mamatayan ng minamahal.
Pero ang ipinunta namin dito ay tungkol sa manyakis na multong 'yun kaya dapat mawala na s'ya para tuluyan ng makapag-move-on ang kaibigan ko at nang hindi na rin ako matatakot pang maligo sa CR.
“Bakit mo nga pala ako tinawagan kanina?” paglilihis ko sa usapan.
“Alam ko na ngayon kung sino ang nagpaparamdam sa'kin kanina.” seryosong saad n'ya habang nakayuko at umiiyak.
“Ha?”
Tumayo na s'ya sa kanyang kinauupuan at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi.
“May kilala akong espiritista, baka alam n'ya kung paano tayo matutulungan.” suhestiyon n'ya habang pinipilit na hindi na maluha.
“Pero diba fiancé mo s'ya?”
“Hindi na naman kami pwedeng ikasal di ba? Hahayaan ko na s'yang magpahinga kahit sobrang sakit para sa'kin” naluluhang tugon n'ya.
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo para sumama sa kanya lalo't alam kong may punto rin naman talaga s'ya.
Hindi ko pa kasi nararanasang magmahal kaya hindi ko talaga alam ang pakiramdam n'ya.
“Sige na, mas magandang makapag-move-on ka na rin.” tugon ko.
Umalis na kami at nagtungo sa isang Mall dahil doon daw matatagpuan ang espiritistang makakatulong sa amin.
“Mukhang nakikita mo rin sila, ija” pambungad na saad ng babae bago pa man kami makaupo sa silya na nasa harapan ng kanyang lamesa kung saan s'ya nakapwesto.
Nagkatinginan naman kami ni Shaira at nauna s'yang nagsalita habang dahan-dahan kaming umuupo sa silya.
Kung ilalarawan ang babaeng espiritista ay mukhang katulad lang s'ya ng mga manghuhula sa Quiapo.
“Gusto po sana nami…"
“Ang kaibigan mo ang gusto kong makausap.” galit na sabi nito kay Shaira at tumingin sa'kin.
“B-Bakit po?” kinakabahan kong tanong habang tumitingin kay Shaira.
“Naiinis ka ba sa kanya?” tanong ng espiritista sa'kin.
'Pinagsasasabi nito?!
“Po?Kanino naman po?”
“Sa espiritu na umaaligid sa'yo!” nakakatakot n'yang sigaw na sinamahan pa ng dilim ng paligid kaya naman lalong nakakapangilabot.
“O-Opo, lagi po s'yang nakasunod sa'kin.”
“Hayaan mo lang s'yang sumunod sa'yo dahil s'ya ang taong nagma…” naputol ang sasabihin ng espiritista dahil bigla nang sumingit sa usapan si Shaira.
“Ako ang Fiancée ng espiritu na 'yun, kaya dapat ako po ang kausapin n'yo, di ba? Atsaka, Ano ba 'yang pinagsasasabi n'yo?!” galit na komento ni Shaira.
Napatamime na lang ako sa mga nangyayari na tila walang ideya.
Ngayon ko lang kasi nakitang ganito magalit ang kaibigan ko, siguro dahil masakit pa rin sa kanyang matanggap na kailangan n'yang palayain ang kanyang minamahal.
“Halika na Alice, sa Pari na lang tayo pumunta!” mariing sabi pa ni Shaira kasabay nito ang pagtayo n'ya sa upuan at paghila sa wrist ko palabas.
“Mag-iingat ka, ija.” seryosong pahabol na saad ng espiritista habang prenteng nakaupo.
Nang makalabas na kami sa Mall ay parang kumalma na rin si Shaira.
“Siguro nga, tama ka, sa pari na lang tayo humingi ng tulong.” seryosong suhestiyon ko.
Hinaplos lang ni Shaira ang dibdib n'ya at nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha.
“Ayaw ko pa kasi talagang mawala si Ian eh, nahihirapan pa ako.” naluluhang wika n'ya.
Hinaplos ko lang ang kanyang likod at pinapakalma na s'ya. Hindi ko maintindihan kung bakit s'ya nagkaganito eh dahil sa pagkakaintindi ko kanina, wala namang masamang sinasabi ang espiritista maliban sa ako lang ang gusto nitong makausap.
“May malapit na simbahan dito, 'dun nalang tayo magtanong.” suhestiyon ko.
Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa Parking Lot at kaagad kaming sumakay sa kotse ko papuntang simbahan.

Comentário do Livro (38)

  • avatar
    Christine Joy Sacla Butangen

    naka hurt na nakakakilig

    3d

      0
  • avatar
    SiclotMayann etorma

    hanggang 27 lng po ba too Ang Ganda po kasi

    21d

      0
  • avatar
    Alexander Lazarte NI

    Alexander

    31/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes