logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3: THE PERVERT GHOST

(ALLYSA'S POV):
“Ang ganda pala ng kwarto mo, noh?” nakangiting tanong n'ya habang prenteng nakaupo sa kama ko.
“S-Sino ka ba ha? Bakit mo ba ako ginugulo?!!” galit na singhal ko sa kanya.
Sandaling sumiryoso ang kanyang mukha at dahan-dahang tumayo.
“Isa na lang akong kaluluwa kaya hindi na ako nakikita pa ng isang ordinaryong tao at maswerte ka dahil nakakita ka ngayon ng isang gwapong multo sa harapan mo.” pabiro n'yang tugon.
Bweset! Akala ko siseryoso na s'ya!
Totoo ba 'to? Nakikipag-usap ako sa isang multo? Naku! Matindi na nga ang tama ko sa ulo, kaya bukas magpapakonsulta na ako sa Psychiatrist!!
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi n'ya kaya lumapit ako sa kanya at walang pag-aalinlangang hinimas ko ang kanyang mukha subalit tumagos lamang ang aking palad na para bang isang hangin ang aking hinipo.
D'yos ko! Totoo nga!!
“M-Multo ka nga! P-Pero...B-Bakit naman sa'kin.... Hindi!...Mali-Mali!....Anong ginagawa mo rito?!...Oo!! Tama! Anong ginagawa mo ba dito, ha?!” nauutal kong wika dahil sa labis na takot at pagkatarantang nararamdaman ko.
Unti-unti s'yang lumapit sa'kin kasabay nang isang malamig na hangin na umihip sa aking mukha.
“'Wag ka nang matakot, Don't worry, hindi naman kita sasaktan.” pagpapakalmang tugon n'ya.
“Gusto ko lang mapuntahan lahat ng mga lugar na nagpapasaya sa'kin bago pa ako tuluyang maglaho dito sa mundo.” dagdag n'ya pa.
Kaagad na kumunot ang aking noo at naningkit naman ang aking dalawang mata.
Ano naman ang pakialam ko kung gusto n'yang pumunta sa lugar na gusto n'ya bago s'ya mawala? Eh ni hindi ko nga s'ya kilala eh at hindi kami close noh!
Mahirap mang paniwalaan na may kausap ako ngayong isang multo ngunit kung isa nga lang s'yang halusinasyon o produkto ng malikot kong isipan, paano n'ya naman ako nagawang masalo kanina? Hindi naman ako kayang saluhin ng hangin di ba?
“Umalis ka na dahil wala naman akong pakialam kung saan mo gustong pumunta eh.” pranka kong tugon sa kanya.
Nakatayo lang s'ya at pinagmamasdan ang aking mukha na tila ba ngayon lang s'ya nakakita ng katulad kong mala-d'yosa ang ganda.
“No, ikaw ang unang babae na nakita ko na kaya akong kausapin ng ganito, kaya gusto kong samahan mo ako.” pagmamatigas n'ya habang naka-cross-arm.
“Bweset ka ni hindi mo nga ako kilala eh tapos uutusan mo pa akong sumama sa'yo atsaka hindi....”
“Allysa Ortega, right?”
“A-ano? P-Paa...”
“Athleast, alam ko ang pangalan mo.”
Halos kapusin ako ng hininga 'dun...Pero papaano n'ya ako nakilala? Lah! Baka stalker ko s'ya nun!
“Che!" pagtataray ko.
Ang angas ng dating n'ya pero anong akala n'ya matatakot n'ya ulit ako di porket alam n'ya lang ang pangalan ko? Mas takot kaya ako sa buhay kaysa sa patay!
Talagang tumataas na ang dugo ko dahil sa kanya kaya dumiretso na lang ako sa Closet ko at kinuha ang isang tuwalya kasama ang isang Bathrobe.
Naisip kong sa mukha n'ya ay hindi naman s'ya siguro bastos or manyak, kaya nakaisip ako ng plano para pansamantala n'ya akong tigilan nang sa ganun hindi ako tuluyang mabaliw.
“Mamaya nalang tayo mag-usap kasi magsa-shower muna ako.” mataray kong sabi sa kanya at dali-dali na akong tumakbo papunta sa CR at ini-lock ko kaagad ang pinto.
Kaagad ko nang hinubad ang aking damit at sinimulan nang buksan ang Shower.
Sa sobrang saya ko sa pagkanta habang nagsasabon ay s'ya namang biglaan kong pagtili at mabilis na nanlisik ang aking mga mata nang bumulaga sa akin ang mukha ng multong kinaiinisan ko sa lahat.
At talagang nakangiti pa s'ya!
Sa pagkataranta ko ay mabilis akong napahatak ng nakasabit kong tuwalya sa may dingding at nagmadali kaagad akong itapis ito sa aking basang katawan.
“Akala mo ba, maiisahan mo ako?!” natatawang sabi ng manyakis na multo.
Kaagad kong hinagis sa kanya ang mga bagay na mahawakan ko sa loob ng CR ngunit tumatama lang ito sa pintuan matapos tumagos sa kanya.
“Bweset kang multo ka!!! Bastos ka!!! Manyak ka!!!” galit na galit kong sigaw sa kanya habang hinahagisan s'ya ng sabon.
“Ma?!!” bulalas ko ng matamaan ko si Mama ng sabon sa kanyang mukha dahil sa biglaan n'yang pagbukas ng pinto na dala-dala pa ang mga susi.
PATAY!!!
“Bakit ka ba sumisigaw?!” galit na tanong ni Mama sa akin.
“At bakit ibinabato mo 'tong mga sabon, Anak?” dagdag na tanong n'ya pa.
Napatingin ako kaagad sa likuran ni Mama nang makita ko ang bastos na multo na pinagtatawanan ako.
Kinagat ko na lamang ang ibabang bahagi ng aking labi at tumingin ng masama sa kanya kasabay nito ang pagkuyom ko ng aking kamay lalo't wala naman akong magagawa dahil baka sabihin pa ni Mama na nababaliw na ako.
“Anak, tinatanong kita! at bakit ka ganyan makatingin sa'kin?” kunot-nuong tanong ni Mama.
“M-Ma, kasi muntikan lang po ako madulas kanina, s'yempre may trauma pa po ako di ba?” pabalik kong tanong kay Mama.
“Nag-alala lang ako sa'yo, Anak. Mag-iingat ka dito ha? Baka mabagok ka tapos mapuruhan na naman 'yang ulo mo”
“Opo, Ma, salamat po sa pag-aalala. Okay na po ako.” nakangiting sagot ko sa kanya.
Umalis na si Mama at isinara na ang pinto ng CR. Pagkatapos nun ay tumitig ako ng masama sa manyak na multo.
Gusto nang lumabas ng lahat ng dugo mula sa aking katawan dahil sa sobrang pagkairita at inis na nararamdaman ko dahil sa kanya.
Habang nasa loob pa rin ako ng CR at nakatapis ng tuwalya habang unti-unting natutuyo ang basa sa aking katawan ay s'ya namang pagdampi ng malakas na hangin sa aking balat at tila tagos hanggang buto pa ito.
Ang ginaw!!
“Sige!Sige na! Sasamahan na kita!” napilitan kong tugon.
Kaagad na umaliwalas ang mukha ng multo at kapansin-pansin na ang napakatamis na ngiti sa kanyang mukha na abot taenga.
Bweset! Kung may choice lang talaga ako eh!
“Umalis ka na! Nangangatog na ako sa lamig!!...Please naman Manyak oh, umalis ka na!!!”
Pagkasabi ko nun ay tumingin lang s'ya sa akin at bigla na lang naglaho ng parang bula.
Nang makaalis na s'ya ay mabilis akong nagbanlaw kaagad at nagpunas ng katawan, pagkatapos nun ay isinuot ko na ang aking Bathrobe na puti at nagmadali na akong lumabas ng banyo dahil baka bigla ulit pumasok ang manyak na multong 'yun!
“Dalian mong magbihis at mag-ayos.” pagsalubong ng manyakis na multo sa'kin habang naka-cross-arm.
Inirapan ko na lang s'ya at kumuha na ng isusuot sa Wardrobe Cabinet ko.
Hindi ako basta-basta sumasama sa hindi ko kilala pero disperada na akong tantanan ng kabaliwan na'to.
Ayaw ko na!!
Matapos kong magbihis ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko at walang pag-aatubiling tinawagan si Shaira para makahingi ng tulong.
“Hello, Shaira”
“Bakit ka napatawag, Sis, may problema ba?”
“Magkita tayo mamaya sa ite-text kong Address.”
“Bakit?” pagtataka n'ya, subalit kaagad kong tinapos ang usapan namin para hindi ako mapansin ng manyak na multo.
Nakaktakot, baka kung ano pa ang gawin n'ya sa'kin!
Mabilis kong inilagay sa Shoulder Bag ko ang aking cellphone at nagtungo na sa may kama ko para puntahan ang naghihintay na multong manyak.
“Let's go!” masayang pagyayaya n'ya.

Comentário do Livro (38)

  • avatar
    Christine Joy Sacla Butangen

    naka hurt na nakakakilig

    4d

      0
  • avatar
    SiclotMayann etorma

    hanggang 27 lng po ba too Ang Ganda po kasi

    21d

      0
  • avatar
    Alexander Lazarte NI

    Alexander

    31/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes