logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

"Do you have lights?" Napakurap ako dahil tila ba nag-iba ang Mosqueda na nasa harapan ko ngayon.
"You smoke?" Ang unang lumabas mula sa labi ko.
Ibinaba niya ang tingin sa sigarilyong hawak niya saka muling tumingin sa akin.
"I guess?" hindi siguradong aniya.
“At paano mo naman naipasok iyan sa school?” She just smiled at me saka inilagay ang sigarilyong walang sindi sa kaniyang bibig.
She looked up to the sky and her big round eyes squinted as the sun met her gaze. Natahimik kami pagkatapos noon. Kagaya niya ay tiningala ko rin ang kalangiatan at napangiti ako kung gaano kapayapa iyon.
I smiled as my hair danced along with the cold wind. I shut my eyes to feel it gently brushing to my skin.
I love days like this. Hindi gaanong mainit, pero hindi rin naman gaano malamig. the sky is clear blue and the clouds above are like a fluffy cotton balls. Na para bang nagbibigay ito ng senyales na magiging mabuti ang mundo sa iyo sa araw na ito.
I breathed the fresh air the same time I opened my eyes.
Bumaling ang tingin ko kay Mosqueda nang marinig ko siyang mag-tsk. Nakatingin siya sa sigarilyong hawak niya habang pinaglalaruan ito. Nakakunot ang kaniyang noo at matalim ang pagkakatingin dito na tila ba may nagawa itong kkasalanan.
"Kainis," naiiritang bulong niya sa sarili ngunit hindi iyon nakatakas sa aking pandinig.
I sighed then walked towards her. Kinuha ko iyong panyo sa bulsa ko saka ini-offer iyon sa kaniya. Tiningala niya ako saka kinuha iyon.
I sat on the floor next to her saka niyakap ang aking tuhod.
"Sorry," saad ko na ang tingin ay nakatuon pa rin sa kalangitan.
"Bakit ka nagso-sorry?"
Nagkibit balikat ako saka sandaling binaling ang tingin sa kaniya bago siya nginitian. "I just feel like it."
Muling nabalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang mga bulong lamang ng hanging humahampas sa aking balat ang naririnig ko.
"Do you know that the sky can make a bad day better?" Bumaling siya sa akin. She's smiling na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Oo nga!" pamimilit ko pa.
"Look," tinuro ko ang langit. "Peaceful right?"
Iniling niya ang kaniyang ulo saka ngumisi.
"Nah," she said pero tumingala rin naman para tignan ang tinuturo ko. "I hate it," pabulong na dagdag niya pa pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.
I tilted my head to look at her. Everything about her is odd. I mean, who wouldn't like the calm and soothing aky above?
"Bakit?"
"Wala lang," kibit balikat niyang sagot.
Napasimangot ako at natahimik. Umiisip ng posibleng dahilan kung bakit ayaw nita rito pero wala talaga akong maisip.
I heard her chuckle and when I glanced her way, I caught her watching me. Her smiled remained saka muling tumingala.
"Hindi ba parang nakakapagod?" she asked. "Look at that, the sky is calm. It is soothing and peaceful. And then you'll start thinking na 'everything will be alright in time.' You'll convince yourself that you will get through this. Pero kinabukasan, iyang nakakasilaw na liwanag na 'yan? Mawawala 'yan. Matatakpan ng ulap and then the rain will start to pour. Pagkatapos, muling magpapakita ang araw. Tutuyuin ka and then you will start hoping again."
Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakatingala siya at nagsasalita. Mukhang talagang seryoso siya sa sinasabi niya.
"A never ending cycle. It is exhausting pero kapag hindi ka naman humawak sa 'hope' na nasa harapan mo ay alam mong ikaw ang matatalo," dagdag niya pa. "I wonder why God created us."
"He created us because He love us," I said.
"He love us pero hinahayaan niya tayong masaktan? Ganoon?"
"In love, there is pain. In every pain there is a lesson to learn. Ang boring naman kasi kung puro masaya lang tayo. Kung hindi tayo masasaktan, hindi tayo matututo. Kung hindi tayo matututo, how will we able to grow as a better person?"
She just smiled after I said that at muli kaming natahimik. It's not an awkward silence, this is actually peaceful. Tahimik pero ramdam na ramdam ko siya sa tabi ko.
I can hear her breath and the smell of her shampoo goes along with the wind. She smells so intoxicating and addicting. I just feel like I want to bury my face on her neck and inhale her scent.
I sighed and mentally slapped myself. What the hell are you thinking Tyson Guevarra?
"What would you do..." she paused, probably thinking kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya o hindi. "What would you do when the world ends?"
Napakurap ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang iyon ang titulo ng sinulat niyang letter.
"I don't know."
I remained calm kahit na umaapaw na sa excitement ang puso ko. Sasabihin niya na kaya sa akin ang purpose ng letter na isinulat niya?
"Spend time with my family and friends, I guess?" Binalingan ko siya. "Ikaw?"
"Ako?" Umakto siyang nag-iisip. "Kakain ako ng maraming-maraming pizza!"
Nakita ko ang pagdaan ng kislap ng kasiyahan sa mga mata niya. I chuckled. Mukha siyang batang excited na i-kuwento ang nangyari sa buong araw niya.
"The world will come to its end and what? Kumakain ka ng pizza?" I said while chuckling.
"Bakit?" Nilingon niya ako. "Pizza is delicious lalo na kapag maraming cheese tapos hot sauce. Heaven iyon!"
Nakangiti lamang ako ng malawak habang pinapanuod siyang i-explain sa akin kung anong lasa ng pizza na para bang hindi pa ako nakakatikim noon. It's amazing to see her like this. Ibang-iba ito sa Mosqueda na nasa classroom. This Mosqueda in front of me is simply adorable. I'll pay a million just to see this side of her again.
"Oh!" usal niya sa gitna ng pagku-kuwento na para bang may naalala siya pagkatapos ay tinignan ako. "Anong oras na?"
Tumingin ako sa relong suot ko. "Ala-una na. Bakit-- shit!" Napamura ako nang napagtantong hindi na pala kami nakapasok sa next subject namin.
Napatayo ako sa inuupuan ko saka natatarantang tumakbo patungo sa pinto ng rooftop.
"Saan ka pupunta?" natatawang sigaw niya dahil medyo malayo na ako sa kaniya.
"Sa classroom," sagot ko at humalakhak siya.
"Huwag na!" Huminto ako sa paglalakad. "Dito na lang tayo saka kapag pumasok ka ngayon ay mabe-beast mode na naman si Ma'am Guinoo."
Natigilan ako dahil may point nga naman siya. Bumalik ako sa tabi niya saka natulala. Hindi naman kasi ako nagc-cut class. I've tried it one time, nag-cut class ako kasama nila Bernard para maglaro nh DOTA sa computer-an pero buong oras na nandoon kami ay nasa school ang utak ko.
Yep, I exist. Ako iyong tipo ng tao na hindi mapakali kapag hindi pumapasok sa school. Feeling ko kasi ay marami akong makakaligtaang lesson kapag lumiban ako sa klase.
I heard her chuckle beside me kaya nilingon ko siya.
"First time mo bang mag-cut class?"
I shook my head to answer her question, "I've tried it. Just once."
Her smile widens saka inangat ang kamay niya at ipinatong iyon sa ulo ko.
"Good boy ka naman pala," she said then messed my hair.
Nanlaki ang mga mata ko at nahigit ko ang aking hininga dahil sa kaniyang ginawa. Feeling ko ay nakikipag-karera ang puso ko at halos marinig ko na ang bawat tibok no'n.
Mukhang natigilan din siya sa ginawa. Unti-unting bumagsak ang ngiti sa kaniyang mga labi ngunit ang kamay niya ay naroon pa rin at nakapatong sa ulo ko.
Our eyes met, her chocolate brown eyes are as wide as mine.
Nagtagal iyon ng ilang segundo bago niya iniangat ang kamay pagkatapos ay malakas na hinampas ang ulo ko.
"Aray!" Daing ko. Lumipad ang aking mga palad sa likuran ng aking ulo kung saan niya ako hinampas saka patagilid na humiga sa malamig na semento.
Narinig ko ang pagsinghap niya at ang tunog ng silya nang lumuhod siya para daluhan ako.
"Shit! Sorry, sorry," paulit-ulit siyang humihingi ng paumanhin habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa aking ulo.
Nagawa ko ng umupo pero may katiting na sakit pa akong nararamdaman. Ibinaba ko na ang mga kamay ko at siya na ang humihilot sa ulo ko.
Ano bang klaseng kamay iyon, may halong bakal at semento? Ang sakit!
"Ikaw kasi e." At kasalanan ko pa nga!
Hindi ako sumagot at hinayaan siyang hilutin ang ulo ko. Her hands are soft, almost sending me to sleep. Nawala na rin ang pananakit kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.
Maya maya pa ay naramdaman kong tumatawa siya kaya iminulat ko ang mga mata ko at hindi nga ako nagkamali. She's biting her lips to stop herself from laughing but her eyes are giving her emotions away.
"Bakit?" I asked her at doon na nga siya bumunghalit ng tawa.
"I just think that what happened is hilarious," natatawang wika niya habang nakaupo na rin sa semento at nakahawak sa kaniyang tiyan.
I don't understand what's funny but her laugh is just too contagious so I started laughing too.

Comentário do Livro (20)

  • avatar
    Careen Cantomayor

    thanks

    25d

      0
  • avatar
    AromcaraRhealeo

    nice story

    18/06

      0
  • avatar
    Kheia Hahsha

    nice

    27/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes