logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

I didn't mind replying his message. Baka isipin pa niya na interested ako sa kaniya. When I entered the house, there was Manang Apple waiting for me. Marahil nagtataka siya kung bakit nakasimangot ako.
"Ida, ba't naman hindi maipinta ang mukha mo ngayon? May nangyari ba? Nasaan si Parc? Nagsabi siya na susunduin ka niya ngunit bakit tila hindi ka naman niya sinundo? Nasaan na nga ba ang batang iyon?" May pag-aalala sa boses niya kaya napangiti nalang ako. Of course, she cares for me as always.
"Ayos lang ho ako, manang. Inihatid niya ho ako pero umalis din ho siya kaagad," sambit ko bago muling ngumiti.
"Maigi naman kung ganoon. Dumaan ang mommy mo rito kanina at ang sabi niya sa akin ay sabihan kitang mag-ayos na ng mga gamit mo dahil magbabakasyon ka."
"Ho?" hindi makapaniwalang tanong ko. Magbabakasyon talaga? Sa pagkakaalam ko hindi ako puwedeng magbakasyon. Paano na ang office? Ang business?
"Kung iniisip mo ang business niyo, nasabi niya rin na sila na raw muna ng daddy mo ang bahala roon. Deserve mo raw mag-enjoy kahit saglit lang. Birthday gift daw nila sa'yo. Trip to Palawan. Coron, Palawan daw. Maraming beaches doon sa pagkakaalam ko," she said. Then, I suddenly felt too much glee. Geez, it's Palawan! Coron, Palawan specifically!
Hindi ko napigilang tumalon-talon dahil sa excitement. "Yes, freedom!" Panandaliang kalayaan mula sa trabaho.
"Tama nga ang mommy mo. Natuwa ka nga talaga."
"Siyempre naman ho, manang. Talagang kailangan ko ho ng bakasyon. Para na rin ho makapag-isip ako nang malaya patungkol sa mga bagay-bagay."
"Maigi nga iyan. Bukas na kaagad ang alis mo at nakahanda na rin ang private plane na sasakyan mo. Tawagan mo nalang ang mommy mo para sa mga mahalagang detalye."
"Sige ho, manang. Baka gusto niyo hong sumama?"
"Naku, hindi ako maaaring sumama sa'yo. Kailangan kong bantayan itong bahay at hindi rin maaaring walang maglinis dito. Kabilin-bilinan pa naman ng mommy mo na dapat laging malinis ang bahay. Maigi rin na ikaw nalang mag-isa ang magbakasyon upang mas mag-enjoy ka. Mas makakapag-isip ka nang maayos kapag ikaw lamang mag-isa. Mas magagawa mo rin ang mga nais mong gawin. Basta mag-enjoy ka roon sa Palawan, ah. Uwian mo na lamang ako ng kahit na anong pasalubong," magiliw niyang sambit bago siya ngumiti.
"Kayo ho ang bahala, manang. Tiyak hong may pasalubong ako para sa'yo pag-uwi. Tutuloy na ho muna ako sa kuwarto para makapagbihis. Lalabas nalang ho ako mamaya kapag kakain na ho tayo. Ire-ready ko na rin ho ang mga gamit na dadalhin ko sa Palawan. Excited na ho talaga ako. Sige ho, manang." Nagpaalam na ako at tumuloy na sa kuwarto. Gaya ng sinabi ko kay manang ay nagbihis muna ako bago nag-impake ng ilang mga gamit. Hindi naman ako magtatagal sa Palawan panigurado.
Nang oras na para mag-dinner ay saka lamang ako lumabas sa kuwarto. Sabay kaming kumain ni manang. At nang tapos na kaming mag-dinner ay bago ko pa lang tinawagan si mommy. I found out na maaga ang flight ko. I needed to be at the airport before 3 in the morning. Excited na talaga ako. Add the fact that everything's free. Sa madaling salita, nilibre ako nila mommy at daddy. Hindi mababawasan ang savings ko. Nagre-ready na kasi ako for my future expenses so that I could live comfortably kahit papaano.
I was about to sleep when my phone vibrated, indication that there was a new message from someone. Perwisyo talaga siya. Hindi nga ako nagkamali, si Parc ang nag-text. Mom and dad usually do call me instead of sending me a text message. Same with my secretaries and other personnel. Si Gara naman madalas talaga siyang tumawag kaysa mag-text.
From: 09×××××××××
We need to go somewhere tomorrow.
Isinantabi ko lang ang text niyang iyon at hindi ako nag-reply. Bahala siya pumunta sa kung saan man iyon. Basta tuloy na ang pagpunta ko sa Palawan! "See you soon, Coron."
Nakapunta na ako sa Coron, Palawan pero iba ngayon dahil ako lang talaga mag-isa. It would be nice to travel alone. I wanted to be with my parents but they were up to something. They couldn't leave the business to other person or people. Iti-take ko na rin ang opportunity na mapag-isa. I would do everything to enjoy my vacation... My very own short escape.
Naka-usap ko na rin si Manong Lito na ihatid ako sa airport bago mag-alas tres ng umaga. Um-oo naman siya kaagad kaya sa tingin ko ay ayos na ang lahat. Oras nalang talaga ang hinihintay ko.
I would stay sa resort nila Gara na kung tawagin ay Queen Coron Resort. I was once there, specially noong kasal niya. Sa lugar din na iyon mas nagkaroon ng pagkakataon si Sai na lapitan ako noon. Sa tuwing sinusundan at inaasar niya ako ay gigil na gigil akong itapon siya sa dagat. Pero hindi ko maikakailang ang ganda ng ngiti niya nang panahong nandoon kami. 
Marahan kong ipinikit ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na ako.
DAY 1
Maaga akong gumising para mag-ayos. Nang naikarga na ni Manong Lito ang mga maleta ko at matapos kong makapagpaalam kay Manang Apple ay umalis na rin kami sa bahay. Nakasuot ako ng white t-shirt at jacket dahil ang lamig tuwing madaling araw. Pants naman ang suot ko pang-ibaba at puting sapatos naman ang pangyapak.
Ilang minuto lang ang lumipas matapos naming bumyahe ay narating na namin ang airport. Everything went well hanggang sa makarating na kami sa Palawan. Kinailangan ko pang sumakay sa van para makarating sa mismong bayan ng Coron. Nang nasa bayan na ako ay sumakay ako sa isang bangka upang makarating sa resort. Nakakapagod ang byahe kaya minabuti ko na munang magpahinga sa kuwarto na napili ko sa second floor. When I felt hungry, cookies nalang muna ang kinain ko. May baon din akong fresh milk kaya iyon nalang muna ang ininom ko.
It was three in the afternoon when I decided to get up from my bed. Geez, napagod talaga ako sa byahe. Inilagay ko muna ang mga gamit ko sa mga puwedeng paglagyan sa loob ng room ko. Right after ko ayusin ang mga iyon ay may kumatok sa pinto ko. Hindi naman ako nag-hesitate na buksan iyon dahil baka staff lang ng hotel ang kumakatok. Hindi na rin ako nagtanong kung sino siya. At nang binuksan ko na ang pinto ay medyo nagulat ako dahil hindi ko ini-expect na makikita ko siya ulit.
"Oh, hi. Kino, right?" sambit ko matapos kong maalala kung sino siya. Siya ang guy bestfriend ni Gara sa Palawan. Samantalang ako naman ang girl best friend ni Gara.
"Oo, ako nga. Kino Rivera Roser. It's nice to see you again." Ngumiti siya kaya nasilayan ko na naman muli ang dimples niya. Napapalibutan na yata ako ng mga guwapong nilalang. Una si Sai, sunod si Parc. At ngayon itong si Kino Roser naman.
Ngumiti rin ako. "It's nice to see you again too. May kailangan ka ba sa akin?"
"Wala naman. May mga kailangan ka ba? Nasabi kasi ni Gara na pupunta ka rito kaya nakiusap siya na i-check kita at alamin ko kung ano ang puwede kong gawin para sa'yo habang nandito ka pa." Yeah, I told Gara that I would stay in their resort. Ang babaeng iyon talaga talagang hindi ako pinababayaan kahit saan pa ako mapunta.
"Sa ngayon wala pa naman akong kailangan," sagot ko sa kaniya bago muling ngumiti. "Thank you for coming here. Siguro magpapasama nalang ako sa'yong maglakad sa tabing-dagat mamayang alas-singko kung okay lang sa'yo."
"Sure, free ako mamayang alas-singko. Magkita nalang tayo sa isa sa mga cottage sa labas ng resort. Kunin mo pala ito," saad niya bago iniabot sa akin ang isang kulay blue na papel.
"Cellphone number?" agad na tanong ko matapos kong tanggapin at makita kung ano ang nakasulat sa papel.
"Yes, that's my cellphone number. Send me a text message or call me if you need something."
"Oh... Thank you. Kita nalang tayo mamaya."
"Welcome. See you later. Bye." Ngumiti siya bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo. I would grab the opportunity na magpasama sa kaniya since nag-offer naman. I could see na mabait si Kino at tiyak na mas maayos kasama kaysa kay Parc.
Muli kong isinara ang pinto bago ako umupo sa couch. Napa-isip ako kung saan sana kami pupunta ng Parc na iyon. Hindi naman siguro sobrang importante kaya hindi na siya nag-text ulit. Bahala muna siya sa buhay niya habang nasa Palawan ako. Nagpa-deliver muna ako ng fruit waffle at hot cappuccino para hindi ako magutom habang naglalakad sa tabing-dagat. Nang dumating ang pagkain ay agad din akong nagbayad at kumain. Tinawagan ko rin si mommy para muling mag-thank you sa gift nila ni daddy. At siyempre in-update ko rin si Gara at manang.
Hinanap ko si Kino sa mga cottage nang alas-singko na. I was lucky to find him immediately. Halatang inaabangan niya rin kasi ako. "Hi again, Kino."
"Ready ka na bang maglibot?" he asked. Nagkataon lang siguro na pareho kaming naka-white pants at naka-black shirts na v-neck. Geez, hindi naman siguro kami mukhang couple.
"Ready na," sagot ko bago bahagyang ngumiti.
"Tara na," saad niya. Nagsimula siyang maglakad kaya sumabay na ako.
"Lagi ka bang nandito?" Naitanong ko lang. Baka kasi pumunta lang siya sa resort dahil sa pakiusap ni Gara. Hindi ko naman gustong maging pabigat sa kaniya.
"Madalas akong nandito sa resort ngayon dahil katatapos lang ng school year. Nagre-relax." Nabanggit na sa akin ni Gara noon na isang teacher si Kino.
"Oh, mabuti iyan nakakapag-relax ka na. Actually, same tayo. Nandito rin ako para mag-relax," saad ko habang nakatingin sa asul na asul na dagat. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang kalikasan.
"While I'm here to accompany you, girlfriend."
Gulat akong napalingon sa nagsalita mula sa likuran namin ni Kino. Kaagad ding gumapang ang inis sa sistema ko nang makumpirma kong si Parc nga ang nagsalita. Argh! He's an alien!
"I'm really jealous, girlfriend."

Comentário do Livro (110)

  • avatar
    Carzeil Burgos

    complete reading thank u for storyy😍

    16d

      0
  • avatar
    Dela CruzRichard

    super nice

    19d

      0
  • avatar
    RO EL YN III

    maganda sya

    25d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes