logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

Itinuloy ko kaagad ang mga dapat kong gawin matapos makaalis ng Olga na iyon. Sai hadn't told me na may ex-girlfriend siya. Sabagay hindi naman pala ako nagtanong.
"Good afternoon, ma'am. Magpapasundo ka po ba ngayon?" tanong ng driver ko sa kabilang linya.
"Hindi na ho muna," sagot ko naman kay Manong Lito.
"Sige po, ma'am."
I wanted to ask Sai about his ex-girlfriend kaya hindi na ako magpapasundo. Tinawagan ko siya at tinanong kung puwede niya ba akong maihatid sa bahay. He immediately said yes naman.
He didn't disappoint me because in just minutes nasa labas na siya ng office, hinihintay na ako. Sa front seat ako umupo at habang nasa byahe ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.
"Who's Olga Iyalde?"
Gulat siyang napatingin sa akin pero saglit lang iyon. "How did you know her?"
Ngumiti ako. "Pumunta siya sa office at tinignan ako magmula paa hanggang ulo."
"Olga was my girlfriend before," tipid niyang sagot.
"Paano mo siya nakilala? Mukhang mabait ah." Mukha naman talagang mabait kapag tinignan mo.
"Magkaklase kami noong college. We fell in love with each other. Naging magkarelasyon. Pero gaya rin ng iba, naghiwalay rin kami."
"I think mahal ka pa rin niya."
"Hindi ko na siya mahal."
Tipid siyang sumagot kaya tumahimik nalang ako. Ngunit alam kong tama ako, mahal pa rin siya ni Olga. Hindi naman siguro susugod sa office ang babaeng iyon para makita ako kung hindi na niya mahal si Sai.
"Thank you sa paghatid!" saad ko nang makababa na ako sa kotse niya. "Take care."
Tipid siyang ngumiti. "You're welcome."
"I'll go inside. Bye."
Nang tumango siya bilang sagot ay nagsimula na akong maglakad papasok sa gate ng bahay ko. Lumingon lang ako nang maramdaman kong nakaalis na siya. I felt that he wasn't comfortable about our conversation earlier, siyempre tungkol sa ex-girlfriend niya iyon.
Hindi ko alam na may bisita pala akong naghihintay sa loob kaya nagulat talaga ako. She knew my house too. Medyo nakaramdam ako ng kaba. Though I was still lucky dahil hindi sila nagkita ni Gara. Hindi ko gustong malaman pa niya na ginagambala ako ng ex-girlfriend ni Sai. May mga mas importanteng bagay siyang dapat pagtuunan ng pansin bilang isang maybahay.
Olga didn't say anything the moment I entered the house. Nginitian niya lang ako.
"Kanina pa iyan dito," bulong sa akin ni Manang Apple nang makalapit siya sa akin para kunin ang bag ko.
"Ako na ho ang bahala," saad ko bago ngumiti.
When Manang Apple left us, I sat down beside Olga. I wanted her to feel na hindi ako apektado sa kaniya. As expected, tinaasan niya nga ako ng kilay.
"Hindi ko alam na na-miss mo ako kaagad. Nag-effort ka pa talagang hanapin ang bahay ko."
"Do you love him?" pag-iiba niya sa usapan.
"Why do I need to answer your question?"
"For me to know if you're a threat," may pagtataray niyang sabi.
"Hmmm... What do you think?" Ayaw kong sagutin ang tanong niya kaya siya ang mag-isip ng sagot.
"Tsss. You don't love him."
Nginitian ko siya. "If you think so."
Napahagikgik siya. "Hindi ka naman pala sagabal."
"Sagabal?" may pagtataka kong tanong sa kaniya.
"It's none of your business, girl. Since hindi mo naman mahal, huwag ka nalang makialam. Sooner or later magiging kami na ulit."
She seemed so sure that they would be together again. Grabe rin ang fighting spirit. "But I heard hindi ka na raw mahal."
"Maybe hindi na nga. Pero marami namang paraan to get him back e. I have my ways naman, girl."
"If you don't have something to ask, you may leave my house." Mukhang wala na rin namang patutunguhan ang usapan namin.
"You're so serious. Ang pangit mong ka-bonding."
"We're not friends in case nakakalimutan mo." It was true naman na we're not friends. Hindi talaga ako katulad ni Gara na sobrang mabait. It's not good kasi na sobra kang mabait.
Tumayo na siya. "Yeah, I know that. Okay, bye."
I stood up also. "Bye. Ingat sila sa'yo."
Ngumiti nalang siya bago naglakad palabas ng bahay ko. Nakasunod lang ako sa kaniya to make sure na talagang aalis na siya. I locked the gate after she went out.
Ayaw ko na siyang bumisita ulit.
"Manang Apple, kumusta po?" tanong ko sa kaniya habang nagtitimpla siya ng kape niya sa kusina. Nasa harap ako ng lamesa at kumakain ng banana chips.
"Maayos naman. Siya nga pala darating na ang anak kong si Parc kaya ang saya-saya ko talaga, hija. Parc Joseph Delgab ang buo niyang pangalan." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Manang Apple dahil alam kong mayroon siyang anak na nasa America. In fact, she was pertaining to her youngest son. Parc, the doctor.
"Matagal na niya akong gustong mag-resign sa trabaho pero hindi naman kita maiwan-iwan. Para na kaya kitang tunay na anak." My heart seemed to melt because of what manang had said. Walang dudang masuwerte talaga ako sa kaniya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan at yakapin siya. "I love you, manang! Thank you ho."
"Salamat din dahil tinanggap mo ako, Ida. Tiyak makakasundo mo ang anak ko kapag nagkita kayo. Ang sabi niya sa akin bibisita siya."
"Talaga ho?" agad na tanong ko matapos ko siyang palayain mula sa yakap ko. Hindi ko pa kasi nakikita ang anak niyang iyon kahit sa picture man lang.
I sat down in front of my kitchen table again. Umupo rin si Manang Apple malapit sa akin.
"Oo, bibisita raw siya. Titignan niya raw kung maayos ang kalagayan ko rito sa trabaho. Hindi ko nga alam sa batang iyon kung bakit bigla niyang naisipan na umuwi sa Pilipinas. Baka maghahanap na ng nobya."
"Baka nga ho," maikling sabi ko. Marami namang puwedeng maging girlfriend sa States ah.
"Ang gusto kasi ng batang iyon Pinay. Ayaw niya ng ibang lahi. Ang gusto niya sa babae mapagmahal sa magulang." I didn't know why manang told me those things. At parang alam niya ang iniisip ko. Siguro dahil na rin makuwento talaga siyang tao kaya nabanggit niya iyon sa akin.
"Tiyak hong makakahanap siya rito sa Pilipinas."
"Naku, sana nga. Gusto ko na rin kasing magka-apo sa kaniya bago ako mawala sa mundong ito."
"Manang Apple, huwag ka hong magsalita nang ganiyan. Matagal ka pa hong mamamalagi rito sa mundo. You'll just turn 55 years old this coming December 23. Still young and pretty oh." Agaran naman siyang napangiti sa huling sinabi ko.
"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka talaga nagsasawang pangitiin ako. Isa talaga iyon sa mga simpleng pangarap ko. Gusto ko talagang makita ang mga apo ko sa kaniya. Siya nalang kasi ang hindi pa nagkakaroon ng pamilya. Ang ate niya naman may maayos na pamilya na. May dalawa na ring anak."
"Basta ho huwag kang mag-aalala masiyado. Mangyayari rin po ang pangarap mo sa tamang panahon."
I was really glad to know her thoughts. Napa-isip tuloy ako kung gusto na ni mommy at daddy magka-apo gayong solong anak nila ako. Pero sana hindi pa. Hindi pa ako ready.
"Ikaw ba, Ida, may plano ka na bang mag-asawa? Nasa tamang edad ka na."
To be honest, I already expected that question from manang. Gara got married na rin kasi. "Wala pa ho akong plano."
"Bakit naman?" casual na tanong ni manang. We seemed to have a friendly talk lang.
"Hindi pa ho ako handa sa ngayon. Marami pa ho akong dapat at kailangang gawin lalo na sa kompanya nila mommy at daddy. Mahirap po maging solong anak. Pakiramdam ko ho hindi ko kayang pagsabayin ang negosyo at pagkakaroon ng sariling pamilya. May mapapabayaan hong isa panigurado."
"Naiintidihan kita, ang tanging payo ko lang sa'yo ay huwag mong hadlangan ang sarili mo na maging masaya. Maikli lang ang buhay ng tao."
I held her right hand. "Salamat ho, manang."
"Walang anuman," nakangiti niyang sabi.
"O-m-g! Manang, nagsimula na ang paborito mong teleserye! Hala!" I never thought na matataranta ako matapos kong makita kung anong oras na sa wristwatch ko. Paborito kasi talaga ni manang ang teleseryeng iyon. Gabi-gabi siya nanunood.
"Naku, oo nga! Maiwan na kita ah. Maghihiganti na pa naman si Magy."
Nakangiti ko siyang pinanood maglakad patungo sa sala. I couldn't deny that watching K-drama series is one of her simple happiness. Makita ko lang na masaya siya, masaya na rin ako.
I went to my room after I had eaten all the banana chips on my plate. Inaantok na rin kasi ako. Mabilis akong mapagod kaya madalas pag-uwi ko sa bahay gusto ko na kaagad magpahinga at matulog. If ever I would marry someone, he should be understanding. It wouldn't be easy to be my husband. Medyo sakitin pa naman ako.
Agad din akong nakatulog matapos kong humiga sa kama. Kinaumagahan maaga akong nagising dahil kailangan kong magtrabaho sa office. Ngunit hindi pa ako nakakaalis sa bahay nang biglang may dumating na bisita. Mommy and daddy surprised me with a cake. Birthday ko na nga pala. They told me to enjoy my day without thinking of the office and the business.
Siyempre hindi mawawala ang gifts nila. I got an expensive necklace from mommy and a box of pizza naman from daddy. Mas matimbang pa rin sa akin ang pizza, 'no. Alam talaga ni daddy na masaya na ako basta may pizza.
I just turned 24, still young.
Umuwi rin sila mommy at daddy before two in the afternoon. Marami pa silang dalang pagkain bukod sa pizza at cake na hindi naman namin kayang ubusin ni Manang Apple. They also told me na nagpadala rin sila ng pagkain sa mga employee namin as part of my birthday celebration. Every birthday ko ganun talaga ang ginagawa namin.
"May hinihintay ka ba?" tanong ni Manang Apple sa akin nang mapansin niyang nakadungaw ako sa bintana.
"Wala naman ho," kaagad kong sagot bago ako ngumiti.
Ilang segundo matapos kong magsalita ay may humintong sasakyan sa harap ng bahay. Mabilis namang naglakad si manang para buksan ang gate. Ngunit laking pagkadismaya ko nang mapagtanto kong hindi ang taong ini-expect kong dumating ang lulan ng kotseng iyon.
"Darating ba siya?" bulong ko sa hangin.

Comentário do Livro (111)

  • avatar
    AraquilOlong

    100

    5h

      0
  • avatar
    Carzeil Burgos

    complete reading thank u for storyy😍

    17d

      0
  • avatar
    Dela CruzRichard

    super nice

    20d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes