logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5

Sabi nila, kapag sobrang saya mo ngayon ay tiyak na babawi ang kalungkutan.
Nang matapos ang huling course ng dinner ay hindi na kami nag-tagal sa mansyon ng Palabraz.
Sunday came and we spent it like a normal day for us. Well for me, I'm still reviewing at inihahanda ang sarili. When afternoon came, we attend a Sunday mass as a whole family, with Lolo of course.
Wearing my Sunday floral dress, I tied my hair into a ponytail. Sa may bandang unahan kami nakaupo, at nasa may pinakaunahan pa namin ang mga Palabraz. They also attended the mass as a complete family with the Governor.
I met Santi's gaze when its time for the “peace be with you,” he even sent me a flying kiss! Oh Lord, ayaw ko pong mag-mura dahil kasisimba ko lang, pero dahil sa ginagawa ni Santi ay hindi ko maiwasang mag-usal ng bad words but pinigilan ko ang sarili ko. I rolled my eyes on him.
The mass ended peacefully, hindi muna kami lumabas ng simbahan at pansin kong ganoon din sina Governor. This is our Sunday routine, after ng mass ay hihintayin naming mag-sialisan ang mga taumbayan bago ay pupunta kami sa unahan kung nasaan si Father atsaka magbebless. Pansin kong ganoon din ang ginawa ng mga Palabraz kaya kasabay namin sila.
“God bless you,” Father uttered as he pats my head. I smiled at him.
Kinausap pa muna nila Lolo si Father, tungkol sa mga donasyon ang pinag-uusapan nila. Sumasabat sila Mommy sa pinag-uusapan nila, Lolo gestured something to Dad which I don't really understand what they're going to do until Dad gave an envelope to Father.
“Here is our donation, Father. Puwede nyo 'ho itong magamit sa pagpapaayos ng simbahan. Kayo 'ho ang bahala,” Dad said. Malugod na tinanggap iyon ni Father atsaka nagpasalamat.
“Pasensya na at maliit lang 'ho iyan,” dagdag ni Lolo. Father shook his head, “Na'ku, malaking bagay na 'ho ito sa simbahan Mayor, kaya salamat at napakabuti ninyong tao,” ani Father.
Nagpatuloy lang sila sa pagkukuwentuhan. Kahit si Governor ay may iniabot din, sinabi pa nito na kung ipaaayos ang simbahan ay may kilala si Tito Damario na Engineer para dito. Nagpaalam ako kay Mommy na lalabas na'ko ng simbahan at pumayag naman ito. Actually, si Kuya ay kanina pa nakalabas at talagang nag-stay pa muna ako doon sa loob. Nakita ko ding nagpaalam si Santi sa Lolo niya at halos kasabay kong lumabas.
Nagulat na lang ako nang may humablot sa kamay ko at tuluyan akong tinangay palabas ng simbahan.
“What the hell— Oh my god, I'm sorry po Papa God, I cursed— Saan mo ba ako dadalhin Santiago?!” Halos sampalin ko ang sariling bunganga gamit ang isang kamay nang makapagmura ako sa gulat nang bigla akong hatakin ni Santi. My god!
Sabbath day and Santi's still annoying the hell out of me! Wala ba siyang pahinga?
Imbis na sagutin ang tanong ko ay patuloy lang siya sa paghigit sa 'kin, nakalabas na kami nang tuluyan sa simbahan at nakalayo-layo na rin kami. Pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya ngunit hindi ako magtagumpay dahil malakas ang puwersa niya.
“Stay still, Ximena!” Santi roared. Natutop ko ang bibig ko sa gulat at hindi na nagpumiglas. Maya-maya pa ay tumigil kami sa isang stall sa labas ng simbahan kung saan nakahilera ang mga nagtitinda ng kung anu-ano; mga laruan ng bata, mga bracelets na may krus, mga nagtitinda ng rosary and novenas, mga nagtitinda ng kandila, ng langis at kung anu-ano pa. Ngunit sa tapat ng tindahan ng mga sampaguita ako dinala ni Santi.
He let go at my hand, kumuha ito ng isang libo sa wallet niya at kinausap ang tindera.
“Ale magkano po ang sampaguita?” tanong nito sa tindera. I crossed arms and stand beside him, but not too close.
“Sampung piso isang kuwintas nere, hijo,” sagot naman nung tindera. Napatango si Santi at tila nag-isip pa.
“Tsk. Kaya mo namang bumili nang mag-isa, talagang kinaladkad pa ako. Ano ka bathala?” I murmured. Kung anu-ano pang reklamo ang binubulong-bulong ko yet Santi didn't paid me attention at nakalagay sa baba niya ang kanyang kamao tila nag-iisip pa kung bibili o hindi ng sampaguita. I rolled my eyes heavenwards, naiinip.
After seconds of thinking ng kaartehan niya, he snapped his finger as if he saw a lightbulb above his head.
“Right. Ale, pakyawin ko na po.” Pati ako ay nagulat sa sinabi nito, at aanuhin niya naman ang sampaguita? Bakas sa mukha ng ale ang gulat ngunit bakas din galak nang asikasuhin niya ang mga sampaguita. Nang maibalot niya ang mga ito ay iniabot niya kay Santi, iniabot naman nito ang bayad na isang libo.
“Keep the change po!” he said pa.
Akala ko ay aalis na kami agad sa may tapat ng bilihan ng sampaguita pero hindi, instead he looked at me from head to toe and flashed his famous annoying smirk. Inirapan ko ito, hindi nagugustuhan ang ngisi niya dahil parang may binabalak siyang kung ano.
Maya-maya'y inilabas niya mula sa plastic ang kumpol ng sampaguita saka isinabit ito sa 'kin. Inis na binigyan ko siya ng nagtatakang tingin matapos niyang ikabit sa leeg ko ang kumpol na sampaguita. What's with him?
“Ayan! Ganap na sampaguita ka na, tutal ay puting bestida na bulaklakin ang suot mo.” Sinabayan pa ng nakakaloko niyang halakhak atsaka tinakasan akong nanlalaki ang mata sa gulat dito sa may tapat ng pinagbilihan niya ng sampaguita.
Ang lalaking iyon! Narinig ko pang tumawa ang mga tinderang malapit saamin na nakarinig sa sinabi niya.
“Na'ku, ang cute ninyo naman tignan ng boyfriend mo hija. Galante pa, huh,” dinig kong sabi nung tindera ng sampaguita. Tila nakabawi ako sa pgkakagulat sa ginawa nang walanghiyang Santiago na iyon kaya napalingon ako kay Ale at nginitian ng tipid.
“Ah eh, hindi ko po boyfriend ang siraulong iyon. Maghahalo po ang balat sa tinalupan kung iyon ay mangyari,” tanggi ko pa dito. Mabuti na lamang at naka-flats ako kaya naman walang hesitasyong akong naglakad takbo pabalik sa tapat ng simbahan kung saan andoon na sila Daddy at naghihintay sa 'kin. Nagtaka sila kung bakit ang daming sampaguitang nakasabit sa leeg ko, hindi ko sila sinagot at binalingan ng masamang tingin si Santi na natatawang tinignan ako. Marahas na tinanggal ko ito sa leeg.
After that short at nakakainis na namang interaction with Santi that Sunday, I readied myself the day after. Umaga nang Lunes na 'yon at back to school siyempre dahil maiksi lang ang weekend.
It was a normal day for me as well, kinalimutan ko ang pangbubuwisit ni Santi sa 'kin nung Linggo dahil sobra ko pa ring saya na isa ako sa magrerepresent ng school. That day I treated Rico and Yesenia lunch again, hinayaan ko nga rin noon na inisin ako ni Santi sa pamamagitan ng pag-kain niya nanaman sa lunch ko. I just shrugged it off. Ayaw kong maging bad mood at ayaw kong masira ang pagka-good mood ko at baka madala ko pa 'yan sa nalalapit na culmination.
“You really let Santi eat your lunch?” Yesenia asked me after our lunch, we're currently back in our room and she's occupying Rico's seat since nag-banyo muna ito.
I nodded as an answer and smiled at her.
“Wait— don't tell me hindi na kayo Tom and Jerry?” tila naeexcite na tanong nito. “Ay shit ka, ika nga ni Heneral Luna; ‘May nangyayari na!’” she said exaggeratedly and gestured her finger as a quotation mark. I smacked her head and grimaced.
“Sira! I still hate his guts 'no! Its just that, I don't wanna ruin my mood. Dapat good vibes lang, plus I'll be with him for a day since we're representing our school as a team. Siyempre after noon ay Tom and Jerry na ulit kami,” I smiled proudly as I explained myself.
“Ay, akala ko pa naman na-iin love ka na. Kasi 'di ba, ‘the more you hate the more you love!’” Yesenia laughed at my reaction when she said that another quotation.
Halos magkasabay naman na pumasok ng classroom si Miss Cabrales at Rico, kaya naman nagpaalam na si Yesenia na babalik na siya sa puwesto niya.
“Siya sige na, babalik na'ko sa upuan ko. Basta i-text mo na lang ako kapag na-in love ka na kay Santiago sa isang araw niyong pagsasama sa culmination, ha?” pahabol na bulong pa nito saka kinindatan ako. Irap lang ang sinagot ko sa kanya.
Miss Cabrales started her discussion. When the class ended, Miss Cabrales called me.
“Miss Rubio, please come to the office after,” she said. Nagtataka man sa biglaang pagpapunta sa office ay tumango na lang ako. Siguro ay announcement lang para sa nalalapit nga na culmination.
“Hintayin ka pa ba namin?” Yesenia asked nang makalapit siya sa puwesto namin ni Rico. They both looked at me, waiting for my answer.
“Sure!” I exclaimed. Inihatid pa ako ng dalawa sa may pinto ng office, sinabi ko na lang nag maghintay sa may bench dahil baka saglit lang naman ito but I also told them na kapag natagalan ay puwede na silang mauna palabas dahil maghihintay pa sila ng tricycle.
I entered the office at nakita kong naandoon na rin si Santi, tila wala ring kasiguraduhan kung bakit biglaang pinatawag. Kasama ni Miss Carables sa table niya sina Sir Aldrich at si Mrs. Trevino, ang school head. Binati ko muna sila at humingi ng paumanhin dahil nahuli ako ng dating.
Pinaupo nila ako, nakatayo lang sila at nanatiling tahimik. Tila nagkakapaan ng tamang salita. But Santi broke the deafening silence.
“Bakit po pala kami pinatawag?” he asked. Sir Aldrich cleared his throat.
“Well you see, our school got a call. And its from the head of the judges sa nalalapit na Math-Sci,” he stated. Nakinig lang kami kay Sir.
Sumabat naman bigla si Miss Cabrales, “Its happening next week.” My eyes widened at the news I have heard, but my insides are so excited for it.
“As I was saying, our school got a call from the head just yesterday. At sabi nila ay isa na lang ang magcocompete per school,” Sir Aldrich trailed off. I furrowed my brows not exactly getting his point. So ano pa't nag-pa-elimination?
“Kung kailan kumpleto na ang representative ng school natin ay saka naman sila nag-send ng notice. Kaya naman kahit masakit at nakakapanghinayang ay isa na lang sainyo ang lalaban,” dagdag pa ni Sir. Nanatili akong tahimik at seryoso lamang na nakikinig sa sinasabi nila, pilit iniintindi bawat salitang lumalabas sakanilang bibig.
“And since, the overall ranking was topped by Mister Palabraz. He'll compete,” singit pa ni Miss Cabrales. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-lingon sa 'kin ni Santi, but I didn't gave him a glance.
“So meaning to say, Mister Palabraz will represent our school for the Math-Sci. We are very sorry for the inconvience, Miss Rubio,” hinging paumanhin ni Mrs. Trevino.
Parang nabingi ako sa narinig at sa balitang iyon, kaya naman humingi ako ng paumanhin bago tumungo palabas ng faculty room.

Comentário do Livro (79)

  • avatar
    Max Well

    ako maw isang pintor sa manila magaling ako sa pag paint at sa pag pintora

    17/05

      0
  • avatar
    Salahodin Marogong Abdulcarim

    Great wow

    17/05

      0
  • avatar
    Matteo Balate

    the story is beautiful

    17/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes