logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

Pumasok parin si Gemima kahit anong pigil ni Xander na magpahinga nalang siya. Sinabi niya ditong hindi rin siya makakapagpahinga sa bahay dahil lagi niyang iisipin ang nangyari ng nagdaang gabi.
"Alright... " Pagsuko nito habang nakataas ang dalawang kamay na tanda ng pagsuko sa pakikipagtalo nito sa kanya," In one condition,ako ang maghahatid sa'yo at ako din ang susundo sa'yo mamayang hapon."
Kaya naman ng pumasok siya na kasama ang lalaki. Parang namatanda ang itsura ni Mitche sa pagkakatitig sa kanila. Hindi man lang sinagot ang pagbati ng lalaki dito. Bumalik lang sa huwisyo ito ng makita na palabas na ng shop si Xander.
Agad itong sumunod sa kanya sa opisina.
"Anong ganap sa inyo? Dali mag kwento kana!" Ang laki ng pagkakangiti nito sa kanya.
Umupo muna siya sa kanyang swivel chair saka tumingin dito ng diretso.
"Kagabi pinasok ako ng magnanakaw o mga magnanakaw,hindi ko pa alam sa ngayon kung ilan sila. At si Xander ang tumulong sa'kin." Buong sagot niya dito.
Napawing bigla ang mga ngiti nito at nahalinhinan ng pagkabahala.
"Ok kalang ba ? Hindi kaba nasaktan? " Sinipat pa nito ang kabuoan niya.
"I'm perfectly fine. Wala naman nanakaw sa bahay ko."
Napabuga ng hangin si Mitche sabay hawak sa dibdib.
"Salamat naman kung ganoon."
Akala ni Gemima,lalabas na itong muli matapos niyang masagot ang mga tanong nito. Pero nakatayo parin ito sa kanyang harapan. At nang tingnan niya ang mukha nito, nanunukso na naman ang mga ngiti nito.
"Oh bakit?" patay malisya niyang tanong.
"Kayo naba ni Sir Xander?"
Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago sumagot, " irewind mo nga iyong mga sinabi ko? May nabanggit ba ko doon na kami na?"
Humagikgik pa ito na hindi apektado sa pambabara niya.
"Akala ko sinagot mo na kaya kayo magkasama kanina. Eh bakit sa kanya ka huminge ng tulong imbes na sa amin?" may pagtataka tanong nito.
"N-nataranta na kasi ako kaya siya ang natawagan ko." Pakiramdam niya guilty siya kaya hindi siya makatingin ng diretso dito.
"Sabi mo eh..." nahimigan niya na parang nanunudyo padin ito kaya muli niya itong tiningnan.
"Wala pa bang customer sa labas?" desimuladong pagtataboy niya dito.
Hindi parin mapuknat-puknat ang mga ngiti nio sa labi at nanunuksong tingin.
"Aiish.. pabitin ka naman. May gusto pa akong malaman eh." Kunwari reklamo nito.
"Nasabi ko na lahat," seryusong saad niya.
"Mamaya aamin ka din," saka ito lumapit sa pinto, " bagay kayong dalawa,kaya kung ako sa'yo sagutin mo na. Halata naman kasi na patay na patay sa'yo iyong tao eh." Saka ito tuluyan lumabas ng opisina niya.
Nang makalabas ito,saka siya nahulog sa malalim na pag-iisip. Parang daloy ng tubig sa batis na unti-unting nagbalik ang nakaraan sa kanila ni Xander.
Huling taon niya sa kolehiyo nang makilala niya ito. Noong una hindi niya ito pinapansin dahil may kayabangan ang dating sa kanya. At ng time na iyon,hindi pa siya handa na pumasok sa isang relasyon dahil sa pangako sa mga magulang na magtatapos muna ng pag-aaral.
Nakilala niya ang lalaki dahil classmate niya ang pinsan nito na sa New York na nakabase ngayon kasama ang buong pamilya. Inimbitahan siya ng dating classmate na pumunta sa bahay nila. Sakto naman na nandoon ang lalaki.
Ito mismo ang nagpakilala sa sarili nito sa kanya. First impression niya malaki ang believe sa sarili. Tila sanay sa atensyon na binibigay ng mga tao. Sanay na hindi tinatanggihan. Kaya laking gulat nito nang tanggihan niya ang paanyaya nito na kumain sila sa labas.
Isang buwan hindi niya ito nakita simula ng tanggihan niya ang paanyaya nito. Akala niya nagalit ito sa ginawa niya. Minsan maulan na hapon,pauwi na siya galing eskwelahan. Hindi agad siya nasundo ng kanilang driver noon sa kadahilanan nasiraan ito ng sasakyan habang papunta sa eskwelahan niya. Sa kagustuhan makauwi na ng maaga dahil sa balitang may bagyong parating ay naisipan niyang mag commute nalang pauwi.
Habang naghihintay ng masasakyan,lalong lumalakas ang ulan na sinabayan pa ng malakas na hangin. Nasa waiting shed siya at nag-aabang ng masasakyan. Sa kasamaan palad kahit mga taxi ay punuan na. Tinawagan niya si Mang Ernest kung masusundo pa ba kaya siya nito. Ngunit sadyang malas siya ng araw na iyon dahil hindi pa naaayos ang sasakyan. Baka daw pa tow nalang nito ang sasakyan.
Habang mag-isang nakatayo sa waiting shed at yakap ang sarili dahil sa lamig na nararamdaman. Isang magarang sports car ang huminto sa tapat niya. Isang matangkad na lalaki ang bumaba na may dalang malaking payong ang palapit sa kanya. Hindi niya agad ito namukhaan dahil bahagyang natatakpan ng payong ang mukha.
"Ikaw?" nagulat niyang sambit na makalapit ito.
"Ihahatid na kita sa inyo. Mahihirapan kang makasakay niyan pag ganito ang panahon." nakangiti nitong alok sa kanya.
Bumadya naman sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan sa alok nito. Kahit pa sabihin nitong pinsan siya ng classmate niya,hindi siya maaring magtiwala nalang basta. Pangalawang beses palang nilang pagkikita ito,noong una ay iyong tanggihan niya ang imbitasyon nitong kumain sila sa labas.
"Salamat nalang X- Xander, pero parating narin kasi ang sundo ko."
Matagal siya nitong tinitigan na ikinaasiwa niya kaya umiwas siya ng tingin. May kinuha ito sa bulsa ng likod ng suot nitong pantalon. Isa palang wallet,kinuha nito ang ID nito at saka iniabot sa kanya.
"Hayan ang ID ko,pwede mong i-screenshot saka mo ipadala sa parents mo. Just in case na may masamang mangyari sa'yo,alam nila ang magiging primary suspect."
Napamaang nalang siya dito,hindi niya malaman kung nagbibiriro lang ba ito o seryuso ito sa mga pinagsasabi. May sumilay na ngiti sa mga labi nito kaya alam niyang nagbibiro nga lang ito.
"Itago mo na iyang ID mo." Ingos niya dito.
"Ano magpapahatid kana ba?"
Matagal bago siya sumagot, tumingin muna sa kalsada kung saan mangagaling ang sundo niya. Wala na siya halos maaninag dahil sa lakas ng ulan. Tumingin siya sa mukha ni Xander na naghihintay sa kanyang sagot.
Ngumiti siyang pilit saka pumayag narin na magpahatid dito. Pagpasok sa kotse nito,lalo siyang nakaramdam ng panlalamig. Nahalata siguro nito na giniginaw siya kaya iniabot ang jacket nito na nakasampay sa driver seat.
"Pwede mong gamitin mo na iyan para hindi ka ginawin," anito saka pinaandar na ang sport car nito.
Hindi na siya nagdalawang isip na gamitin muna ang jacket nito. Nasamyo niya mula rito ang amoy panlalaking pabango na naiwan sa jacket. Napapapikit nalang siya,para siyang inaantok sa pinaghalong amoy ng pabango nito at ang lamig sa loob ng sasakyan nito.
"Ayos kalang?" bahagya pa siyang napapitlag ng marinig ang boses nito.
"O-oo naman,medyo nilalamig lang ako,"tugon niya dito. Sinabi niya ang direksyon pauwi sa kanila, tumango lamang ito. Ilang sandali nang tumatakbo ang sasakyan ngunit tahimik lamang ito. Tumanaw na lamang siya sa labas ng bintana kahit wala siya matanaw dahil sa lakas ng ulan.
Nang malapit na sila sa bahay nila,pinahinto na niya sa isang tabi ang kotse nito na ipinagtaka ng lalaki.
"Pasensya kana Xander, dito nalang. Baka kasi makita ka ng Daddy,medyo istrikto kasi iyon. Lalakarin ko na lang mula dito hanggang sa bahay namin. Mahina narin naman ang ulan, salamat sa paghahatid. " Buong sabi niya,nang akmang bababa na siya ng kotse nito nang pigilan ng lalaki ang isang braso niya.
"Sure kang dito nalang? Puwede naman akong magpaliwanag sa Daddy mo kung sakali."
Nagpakailing-iling si Gemima,"ok na talaga ko dito."
"Alright... "Waring pagsuko ng lalaki, " dalhin mo ang payong ko para hindi ka mabasa."
"Huwag na,maliligo rin naman ako pagdating sa bahay namin."
"Itong jacket ko nalang,may hood to kaya kahit papaano mapu-protektahan ka sa ambon. " Ito na ang na mismo na ang nagsuot ng jacket sa kanya.
"Kahit hindi na,nakakahiya naman___."
"Ok lang,para may dahilan ako para makipagkita sa'yo uli ." Nakangiti nitong turan.
Napatulala nalang siya sa sinabi nito,at parang natuwa pa ang puso niya sa sinabi nito. Pinanatili niyang seryuso ang mukha . Kahit kabaliktaran ito ng kanyang tunay na nararamdaman. Parang gusto ng lumabas ng puso niya sa bilis ng pintig nito. Biglang pumasok sa isip niya ang mga sinabi ng pinsan nito tungkol sa lalaki. Parang nagkaroon ng warning sign sa utak niya.
Nagpasalamat ulit siya,hindi na niya hinintay ang tugon nito. Mabilis siyang bumaba at walang lingon-lingon na mabilis na siyang naglakad palayo. Nasundan nalang siya ng tingin ni Xander.
Isang linggo nang nakalipas ng mangyari ang huling pagkikita nila ni Xander. Isang hapon na pauwi siya,isang pamilyar na sasakyan ang natanawan niya sa malapit sa gate ng eskwelahan na kanyang pinapasukan. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya,kahit hindi pa niya nakikita ang sakay nito,batid na niya kung sino ito. Nang matapat siya ,agad bumaba ang sakay nito
Nakangiting pinagbuksan siya ng pinto ni Xander, " ihahatid na kita."
Para naman siyang itinuod sa kanyang kinatatayuan. Pinagtitinginan na rin sila ng mga dumaraan na halos puro estudyante sa naturang eskwelahan.Ang iba ay sa binata nakatingin,na agaw pansin. Ang iba naman ay sa minamaneho nitong sasakyan. Nakakaramdam na siya ng pagkailang.
"S-salamat nalang may sundo naman ako," saad niya dito.
"Ba't ang sabi ni Nikki,isang linggo kana daw walang sundo simula ng masira ang kotseng ginagamit pangsundo sa'yo."
Napataas naman ang kilay niya,wina-warningan kasi siya ng babae tungkol sa pagiging certified playboy ng pinsan pero ito naman ang gumagawa ng way para mapalapit sa kanya ang lalaki.
Lalong lumawak ang pagkakangiti nito sa kanya, " bakit hindi nalang si Nikki ang sunduin mo?"
"Alam naman natin na na araw-araw siyang sinusundo ng boyfriend niyang si Angelo." Diniinan pa talaga ang pagkakasabi nito na para bang pinapahiwatig nito na alam niyang batid niya ang bagay na iyon.
Napalingon si Gemima sa may bandang kaliwa niya,sa may gate ng eskwelahan. Kasalukuyan palabas ang isang lalaking mataas at payat ang pangangatawan. Nakatayo ang may kulay na buhok dahil sa gel. At higit sa lahat maangas ang dating dahil sa paraan ng paglalakad.
Mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawa niyang pag dive sa kotse ng lalaki.
"Ano pa ang ginagawa mo? Umalis na tayo dito!" sabi niya sa lalaki na nabigla sa kanyang ginawa.
"Ah oo," agad narin ito sumakay sa driver seat at pinaharurot ang kotse nito.
Lumingon pa siya sa pinanggalingan nila ,natanaw niyang nakasunod ng tingin sa kanila ang lalaking ka school mate niya.
"Sino siya? Boyfriend mo?" walang kangiti-ngiting tanong ni Xander sa kanya.
"Hindi ko boyfriend iyon, manliligaw palang. Wala akong balak mag boyfriend hangga't hindi ako nakakapagtapos ng pag-aaral katulad ng pangako ko sa mga magulang ko. And one more thing,hindi siya ang tipo na gusto kong maging first boyfriend." Buong sabi niya dito,bahagya pa siyang hiningal sa haba ng sinabi niya.
Natawa naman ang lalaki sa mga sinabi niya. Hindi narin ito nag komento pa.
Sa ganoon nag-umpisa ang lahat sa kanila,sa katagalan hindi narin niya napigilan ang sagutin ito. Ngunit kinailangan nilang ilihim ang kanilang relasyon dahil narin sa pangako sa kanyang mga magulang. At Isa pa ilang buwan nalang magtatapos narin siya. Balak niyang ipakilala ito sa mga magulang niya after ng graduation day niya.
Nalaman niyang sikat na F1 Car Racer ang lalaki na nakikipag-compete sa iba't ibang bansa. Nang minsan kumain sila sa isang Italian restaurant,may nagpa autograph dito. Nakakaproud para sa kanya na sikat ang first boyfriend niya. Siya lang ata ang hindi nakakaalam na sikat ito.
Isang araw, nagpaalam ito na mawawala ng two weeks dahil makikipag compete sa Japan Grand Prix. Isang linggo nang wala ang kanyang boyfriend at siya naman ay abala sa nalalapit na pagtatapos.
Habang wala ang kanyang mga magulang,isang babae ang dumating. Iba ang kutob niya ng makaharap ito,at tama nga siya. Sinabi nito na girlfriend siya ni Xander,at kasalukuyan na nakabase sa New York dahil nag-uumpisa palang ang career nito bilang modelo. Ito ang paliwanag bakit mukha itong walking doll, parang nabuhay ang isa sa mga barbie niya nung bata pa siya.
Pinaliwanag nito na nagkatampuhan lang silang dalawa dahil hindi siya pumayag na tumigil sa pagmomodelo nito. Binigyan pa siya ng payo nito na huwag magpagamit sa lalaki.
Buong magdamag siyang umiyak dahil sa kasawian niya. Kinabukasan, kahit mugto ang mga mata ay pumasok padin siya sa eskwelahan. Habang nasa canteen,lumapit sa kanya si Noby,ang manliligaw na binasted niya. Isang envelope ang iniabot nito sa kanya.
"Ano 'to?"
"Courtesy of Miss Cathy Tuazon," isang ngisi ang namutawi sa mga labi Ng lalaki.
Naalala naman ni Gemima ang babaeng naging bisita ng nagdaang araw. Nagtataka man kung paano ito nakilala ng lalaki,tila nabahag naman ang buntot niya para magtanong.
"Sa wakas makakaganti narin ako sa iyo sa pananakit mo sa damdamin ko. Enjoy!" Saka siya tinalikuran.
Hindi na nakahuma si Gemima,nakatanga parin siya habang nanginginig ang mga kamay na may hawak ng brown envelope. Buong buhay niya ngayon lang siya natakot ng ganito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tinungo ang comfort room at doon binuksan ang envelope.
Nag-uunahan sa pagragasa ang mga luha niya sa mga mata. Mga picture ang laman ng envelope, picture ni Xander at ni Cathy, masayang picture habang kasam ito sa podium kung saan ginanap ang competition at ilang larawan na nasa restaurant at hotel sa Japan.
Hindi na niya hinarap ang lalaki kahit ng dumating pa ito. Pinabigay nalang niya kay Nikki ang envelope at nagbilin na ayaw na niya itong makita kahit kailan. Ilang beses siyang tinangka nitong kausapin pero sarado ang isip at puso niya sa ginawa nito. Pumunta pa ang lalaki sa kanilang bahay upang kausapin siya,ngunit hindi niya hinarap. Hanggang lumipat na sila ng tirahan ng kanyang mga magulang.
"Bakit ka pa nagbalik Xander?" namutawi sa mga labi niya nang magbalik sa kasalukuyan ang diwa niya. Isinandal ang ulo sa swivel chair. Ngayon siya nakakaramdam ng pagod at antok. Sinulyapan niya ang mahabang sofa na nasa sulok ng kanyang opisina.

Comentário do Livro (27)

  • avatar
    Niffah Baraacal

    hi, guys

    19d

      0
  • avatar
    LindaPetra

    boa

    26/07

      0
  • avatar
    Myrna Castorico

    so very enjoy

    16/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes