logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 7

"Wow, dito pala bahay niyo ni mama," napakunot kaagad ang noo ko nang nakimama siya kay Mama.
"Kadiri naman p're, nakikimama," Pang-aasar sa kaniya ni Christian at saka inakbayan.
Hindi ko na lang pinansin ang dalawa at nagtungo na sa pinto ng bahay. Dala-dala ko ang bag ko para sa panandaliang pananatili dito sa bahay. Sabagay, sa lunes pala ay wala kaming pasok kaya halos weekend ko rin ang magugugol dito.
"Mama!" Sigaw ko nang nakatapat na ako sa pinto. 
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para papasukin na rin ang mga bwisita. Alam kong manggugulo lang talaga 'tong mga 'to.
"Ang ganda ng mga bulaklak ng mama mo," dinig kong sabi ni Marvin kaya kaagad akong napalingon at nakita kong hinahawakan niya ang isa sa mga tanim na bulaklak ni Mama.
"Ang cute nga," pag-agree ni Chris. 
"Wala ba kayo niyan sa bahay niyo?" Tanong ko habang pinapatong ang bag ko sa upuan.
"Mayro'n niyan sila Marvin, mas maganda pa nga at mas authentic pero halatang may chemical na hinahalo and for sure naman na hindi hinaluan ni Mama iyang tanim niya," paliwanag ni Joeros, hindi naman iyon iyong kailangan kong sagot sa tanong ko.
"Nasaan pala si Mama?" Kaagad na napakunot ang noo ko nang tawagin din niyang Mama si Mama. anong nangyayari sa kanila?
"Hindi ko nga rin alam," sagot ko at saka binuksan ang bag pero nakalimutan ko kung anong kukuhanin ko kaya saka na lang. "Hahanapin ko muna," iniwanan ko silang tatlo doon at dumaan sa back door.
Dito kasi ang daanan ni Mama kapag magtatanim siya ng palay doon sa lupa namin pero nakapagtataka na wala siya dito kaya nagtungo kaagad ako sa igiban ng tubig dahil baka umiigib ng tubig iyon ngayon. 
"Ma!" Sigaw ko nang matanaw ko siya na bumabayo sa poso. Mahina ang tubig kaya siguro nakakapagod iyon. Napansin ko na rin na pawis na pawis na siya. "Tulungan na po kita diyan," 
"Kailan ka pa dumating?" Tanong niya at saka binitawan ang poso.
"Ngayon lang, Ma," gusto kong sabihin sa kaniya na may mga bisita kaso baka magalit siya pero siguro hindi naman. "Ahh, ma," itinuon niya ang pansin sa akin at hinihintay ang kasunod na sasabihin ko. "May kasama po pala ako,"
"Si Jei ba?" Lagi kasing nasa bahay si Jei kapag weekend kaya nasanay na siguro si Mama na gan'on, na siya ang kasama ko. Alam din niya na siya ang best friend ko.
"Hindi po," pagtanggi ko kaya nangunot ang noo niya. "Mga kasama ko sa dorm,"
"Ah…" Aniya na para bagang hindi nagtataka.
Nang matapos kami sa pag-iigib ay tag-isa kami ng balde. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya kapag nakita niya na puro lalaki kasama ko.
"Hoy! Gag* ka p're, huwag ka ngang mangialam diyan," napasinghap ako ng hangin nang marinig ko ang boses ni Chris na sinasaway ang isa sa mga kasama niya. Sana hindi narinig ni Mama iyon.
"Takte, ganda-ganda pa rin ni Lauren. Simula pagkabata hanggang ngayon, tsk," hindi ko maiwasang mamula dahil sa sinabi ni Joeros.
Marunong palang mamuri 'yong kumag na iyon?
"Tara na, Lauren," ani Mama pero hindi ako sumagot. Hinintay ko lang siya na maglakad papasok sa bahay para ilagay ang balde sa loob ng C.R.
"Uh, Ma-"
"Sino kayo?!" Natigilan ako sa biglaang pagbulyaw ni Mama pagpasok na pagpasok namin sa bahay. Naalerto ako nang kumuha si Mama ng itak sa tabi lang ng mukha niya. "Mga magnanakaw!"
"Ma, hindi po sila magnanakaw," hinarang ko ang katawan ko sa harap niya dahil baka masaktan niya ang tatlo, I mean ang dalawa. Okay lang masaktan si Joeros, huwag lang iyong dalawa.
"Anong hindi magnanakaw‽ Hindi ko sila kilala, Lauren! Bigla na lang silang nandito sa bahay," galit na sagot sa akin ni Mama.
Napahilamos ako sa mukha ko at suminghap ng hangin. "Ma, sila po iyong mga kasama ko," 
"Kasama‽ Sa dorm ba kamo‽" Halos mabingi ako sa lakas ng galit ni Mama. Hayy, ngayon ko ulit narinig ang ganitong kalakas na boses niya.
Lumingon ako sa tatlo at ang mukha nilang lahat ay mukhang ewan, gulat na takot. Nakatingin lang silang lahat kay Mama.
Humarap muli ako sa Mama ko para sagutin ang tanong niya. "Opo, Ma. Sila po ang mga kasama ko sa dorm at kulang pa nga po sila ng isa, e," sabi ko
"Hindi kita pinalaking malandi, bakit mo naman napiling maki-share ng dorm sa mga lalaki?" Kunot na kunot ang noo niya, ramdam ko talaga ang galit.
"Ma, sorry hindi ko nasabi sa'yo ang tungkol dito kasi nga plano ko pag-uwi ko na sasabihin para maintindihan mo," sambit ko. "Wala na po kasing dorm na vacant, as in lahat occupied na at iyong room na lang nilang apat ang natitira kaya no choice na ako, Ma. Kaysa naman gumastos pa tayo nang gumastos sa uwian kong pamasahe, 'di ba? Saka hindi naman sila masasamang tao, mababait po silang lahat," 
Inilipat niya kaagad ang tingin niya sa tatlo kaya napalingon ulit ako. Nakatingin lang sila kay Mama na parang takot na takot
"Okay," napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kanina galit na galit tapos ngayon, okay lang ang isasagot? "Sino boyfriend ni Lauren sa inyong tatlo?"
"Ma naman," bulong ko dahil nakakahiya iyong biglang tanong na gan'on.
"W-Wala po, s-sa amin. H-Hindi ko lang po alam kung m-mayro'n s-sa iba," nauutal na sagot ni Joeros. 
Gusto ko kaagad humagalpak ng tawa dahil sa akto niya. Tiklop pala siya kapag si Mama kaharap pero kung siguro hindi nagalit si Mama ay malakas ang loob ng kumag na 'to.
"Nay boyfriend ka na, Lauren?" Takang tanong sa akin ni Mama kaya dali-dali akong umiling. "Pag-aaral muna, naku!" Aniya at saka binitbit muli ang balde.
Halos mabunutan ako ng tinik nang humupa na ang galit niya at bumalik na sa normal niyang tono ng boses ang pagsasalita.
"T-Tulungan ko na po kayo, m-ma," pagprisinta ni Joeros at dinala ang balde papasok sa C.R.
Gusto kong tumawa dahil nahiya pang tumawag ng Mama kay Mama samantalang kanina, ang tapang tapang. 
Napansin kong lumabas si Marvin kaya sinundan ko siya nang hindi man lang nagpapaalam sa iba pa.
"Oh, bakit ka lumabas?" Tanong ko at saka pinagkrus ang braso sa dibdib ko.
"Wala lang, ang cute magalit ng Mama mo haha," natatawang aniya.
"Kaya ka ba lumabas kasi hindi mo na mapigilan ang tawa mo?" Tanong ko at saka siya tumango. "Walangya ka naman, pwede ka naman tumawa sa loob. Wala naman kaming batas na nagsasabing bawal tumawa kapag may nakakatawa,"
"Hindi, nakakatakot lang kasi baka sabihin ng Mama mo na tumatawa ako sa seryosong bagay," aniya.
"Ahh... Baka sakyan ka pa n'on kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit ka natatawa. Mabait naman talaga si Mama, nagulat lang siguro na may mga lalaki sa bahay," 
"Nakakagulat din naman talaga iyon," tugon niya. "By the way, saan ka galing kanina?"
"Hinanap ko si Mama. Pinuntahan kong una 'yong sa palayan kaso wala siya doon, nasa poso pala, nag-iigib kaya tinulungan ko na rin," sagot ko.
"Iyong tubig poso, iniinom niyo ba iyon?" Takang tanong niya at saka naman ako tumango. "Really‽ Hindi ba siya marumi or contaminated?"
"Charot lang, bilis mo naman mauto. Syempre hindi naman iniinom iyon, panghala-halaman lang or pangligo," natatawang sagot ko sa kaniya. Paano, napaniwala ko kaagad.
"E, ano ang iniinom niyo?"
"Tubig ulan," sagot ko, nagpipigil ng tawa. For sure, maniniwala na naman 'to. Uto-uto e.
"Seryoso ka ba‽"
"Gagi, syempre hindi. Kahit mahirap ako, hinding-hindi ko iinumin ang tubig ulan. Abnormal lang ata ang gumagawa n'on," bawi ko kaagad. I was right, maniniwala kaagad siya. "Tara na nga sa loob," yaya ko at saka pumasok sa loob ng bahay.
Halos umatras ako nang makita kong pinapagitnaan ng dalawa si Mama at parehas silang tatlo na nagtatawanan. 
Kaagad akong kumaripas ng takbo nang makita ko ang album na punung-puno ng baby pictures ko! Nakakahiya!
"Ma naman, bakit mo 'to pinapakita sa kanila‽" Sigaw ko habang yakap-yakap ang album.
"Hala, e. Natutuwa nga sila na makita iyong baby pictures mo, 'di ba?" Tanong niya sa dalawa at pareho silang tumango.
"Ibalik mo na kay Mama iyang mga picture, ang bastos naman nito," ani Joeros at binawi sa akin ng picture album kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap para hindi niya makuha. "Ma, oh!" Sumbong pa niya.
"Invading my privacy ginagawa niyo," sabi ko habang masama ang tingin sa kaniya.
"Yak, anong invading the privacy doon, e si Mama mismo nagpapakita. Related sa'yo iyong tao kaya walang kinalaman ang invasion of privacy, Lauren kaya ibigay mo na lang," paliwanag sa akin ni Chris. Medyo napahiya ako pero keri lang.
"Ayoko!" Sigaw ko pero kiniliti ako ni Joeros. "Hahahaha-- Joe, tama na kasi hahaha-- hoy! Tama na, kuma- hahahaha," hindi ko mabanggit nang maayos ang sasabihin ko dahil sa lakas ng pangingiliti niya. 
Napahinto kaming pareho nang mahulog ang album sa sahig. Nagpaunahan pa kami kung sinong unang makakadampot and as expected, siya ang nakakuha. Sa laki ba naman ng kamay at sa haba ng braso, may pag-asa pa bang manalo ako?
"Talo ka pala, Lauren," pang-aasar pa ni Chris. 
Pumunta na lang ako sa galon ng tubig namin at uminom. Magpakasaya kayo sa pagtingin diyan, kakarmahin din kayo.
"Hahahaha!" Hindi ko maiwasang mainis habang naririnig ko ang tawa nila. Sayang-saya talaga sila sa nakikita nila, as if ikayayaman pa nila iyan nang bongga.
Lumingon ako para sana tignan kung anong itsura nila kaso dapat pala hindi ko na lang ginawa dahil nakita ko si Marvin na nakisali sa pagtatawanan nila. Akala ko pa naman kakampi ko siya dito pero nakisali pa.
Siya pa nga ata may pinakamalakas na tawa. 
Hayst! Nakakabadtrip naman silang lahat.
Padabog akong pumasok sa kwarto para magmukmok pero kahit pala nandito ako ay dinig ko pa rin ang tawanan nilang apat. Imbis na si Mama maging kakampi ko, sumanib pa sa kalaban at mukhang siya pa mastermind.
Pinilit ko ang sarili ko na matulog pero hindi ako makatulog dahil sa lakas ng tawanan nila. Ang hirap naman kasi sawayin at nandoon si Mama baka sabihin niya ay nag-iinarte ako dahil may tatlong lalaki. Minsan pa naman may pagka-basher 'tong si Mama sa sarili niyang anak.
Lumabas ako ng kwarto at sinamaan ng tingin silang tatlo: Joeros, Marvin at Chris.
"Kailan pala kayo babalik sa dorm?" Tanong ko habang nakataas ang dalawang kilay.
Nagtitigan silang tatlo at kibit nang kibit ang balikat.
"Sa pagbalik mo sa dorm, sabay-sabay na tayo. National holiday naman bukas kaya oks lang tayo dito," sagot sa akin ni Joeros.
"Ayos lang po ba, Ma na dito kami makikitulog?" Halos magulantang ako nang tawagin na ring Mama si Mama ni Marvin. Hindi ko inaasahang iyon ah.
"Aba'y ayos naman kaso baka hindi ayos sa inyo ang matulog sa banig? mukha pa naman kayong yayamanin," ani Mama kaya pinagkunotan ko siya ng noo.
"Ma, hindi tayo sigurado kung mayayaman iyang mga iyan o kahit mayaman ay baka dekwatan tayo dito," pagpapalusot ko.
"May nawala ba sa gamit mo habang nasa dorm ka?" Tanong sa akin ni Mama at natigilan ako doon. 
"Wala," nahihiya kong sagot dahil alam kong titirahin ako nang matindi nito ni Joeros sa pang-aasar.
"E, wala naman pala. Saka hayaan mo na sila dito manatili kahit ilang araw lang, grabe ka naman," ani Mama kaya kitang-kita ko na nagliwanag ang mukha ng tatlo.
"Ma, gusto mo po ba bilhan ka namin ng kama? Iyong malambot?" Tanong sa kaniya ni Joeros, alam kong pang-uuto lang iyon.
Umiiling ako sa nang pasikreto habang nakatuon ang pansin ni Mama sa kaniya. Nakatingin naman sa akin ni Joeros habang hinihintay ang sagot niya.
"Aba'y oo naman, kaso nakakahiya naman sa iyo, hijo," sabi ni mama kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.
"E, hindi naman po ako ang gagastos kaya okay lang po iyon," ani pa ng kumag.
"E, sino pala? Baka pera pa ng magulang mo ang gamitin mo ha,"
"Ay, naku hindi po. Pera lang po ni Chris," sabay turo sa inosentinf Christian.
Napansin ko ang mapait na ngiti ni Chris kaya tumatawa na ako sa utak ko. Hindi ko lang pinapahalata kasi baka isipin ng kumag na natutuwa ako sa kaniya.
"Ayos na ayos lang po sa akin, Ma. Ano po bang brand ang gusto niyo?" Tanong ni Chris pero kita ko sa mata niya na napipilitan lang siya. 
"Kahit uratex lang ay ayos na sa akin dahil nananakit na nang sobra ang likod ko kakahiga sa matigas ng sahig," ani Mama at umarte pang inuunat ang likod.
Banggaling talaga ni Mama umarte aba. Ka-vibes niya 'tong mga bwisita ko kaya malamang sa susunod na pagkakataon ay hahanapin niya sa akin 'tong tatlo.
"Oksie, mother earth!" Sigaw ni Chris at saka tumayo.
Umalis silang tatlo kaya nanahimik na ang bahay.
Pero akala ko lang iyon dahil bumalik si Joe at hinatak ako palabas at pinasakag sa kotse. 
Walanjo?
:>

Comentário do Livro (79)

  • avatar
    OkByee

    After reading some d*pressing stories, This novel gave a relief to me. I really like that the boys respected her and they enjoy each other's company. This is a fun read, thank you author.

    19/04/2022

      1
  • avatar
    Raceson Lopez

    beautiful story 👏😍

    13d

      0
  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    nice stories🥰

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes