logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4

"How's your night? Did I snore so loud?" tanong ni Marvin nang sabay kaming magising. Nakahiga pa lang kaming dalawa sa higaan.
"Hindi naman, bigla ko lang na-miss si Mama kaya nagising ako. mamaya pa klase ko mga 10," sagot ko at tumagilid siya para tignan ako.
"Puwede mo naman silang bisitahin, tuwing weekends 'di ba?" suhestiyon niya.
"Oo, usapan naman namin ni Mama na uuwi ako tuwing weekends para mabawasan kahit kaunti 'yong bayarin dito sa dorm, pangmayaman pala kasi 'to. Hindi ako na-inform," tumawa ako nang marahan at ngumiti lang siya.
"Gusto kong makapunta sa lugar niyo," sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko..
"Gagi huwag, nakakahiya 'yong bahay namin. Hindi maganda at halos pakubo na, nakakahiya sa inyong mayayaman," pagtanggi ko.
"Ganiyan ba talaga tingin niyo sa mayayaman?" tanong niya at tumingin lang ako sa kaniya. "I'll take that as a yes," sabi niya at tumingin sa kisame.
"'Yong mama ko kasi nagtatrabaho siya sa isang mayaman na pamilya before kaso sobra siyang pinapahirapan doon. 'Yong mga pinapakain sa kaniya, tira-tira na lang nila tapos minsan sinasaktan pa siya, hindi na nga siya minsan makatulog lalo na kapag may okasyon iyong pamilya na iyon kasi busy sila maglinis. Hindi kalakihan ang sahod kaya umalis siya doon. Mula noon, gan'on na talaga tingin ko sa mayayaman, lahat sila gan'on," pagkuwento ko at namayani na lamang ang katahimikan sa kuwartong ito.
"Gusto mo bang dalhin kita sa bahay para magbago iyang paniniwala mo? baka gusto mo rin na papasukin iyang mama mo sa pamilya namin, naghahanap ngayon sila Mama ng magtatrabaho sa kanila para may makatulong. Hindi siya pahihirapan, sa katunayan ituturing siyang pamilya doon," suhestiyon niya at tumaas lamang ang gilid ng labi ko.
"Hindi na, traumatized na si mama doon kaya mas pinili niyang maging labandera at magsasaka na lang sa bukid," sabi ko at umupo na. "Gusto ko ring maging mayaman kaso paano?"
"maraming paraan," aniya. "sipag at tiyaga lang ang kailangan,"
"5 am thoughts?" at parehas kaming natawa sa sinabi ko.
Hindi namin aakalain na magkakausap kami ng ganito. Sa kaniya pa, na hindi ko inaakala.
"Magluluto na ako ng almusal," sambit ko at tumayo na at pumunta sa kusina.
Inilabas ko ang itlog at natitirang noodles sa ref. Gusto ko silang yayain mamalengke kaso baka hindi pumayag itong mga 'to dahil alam ko ang palengke ng mayayaman ay sa mall, sa supermarkets, hindi sa wet market.
papayag kaya sila kung ang bibilhin kong pagkain ay galing sa wet market? malamang hindi, sanay sa mayayamang pagkain iyan. Hayaan na nga.
niluto ko ang noodles at itlog para sa almusal nila. Saktong-sakto na pagtapos ko ay lumabas sila paisa-isa, halatang kagigising lang.
"Good Morning, may mga pasok kayo?" tanong ko at tumingin sila nang may mapupungay na mata, nahihikab pa.
"Oo, mayroon... mamaya atang 8, 'di ko sure," sagot sa akin ni Christian at pagtapos ay humikab. "Ikaw ba?"
"Mamaya pang 10," sagot ko.
"8 din pasok ko," sagot ni Lawrence at nagpunta sa table para sumandok ng pagkain.
pumasok ako sa kuwarto at kinuha ang pitaka at bag ko. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang nagtanong sa akin si Joeros kaya napalingon ako.
"Saan ka pupunta? ang aga pa ah," aniya at nakatingin sa orasan. "6:30 pa lang oh, wala ka bang pasok?"
"Seryoso ka pala 'pag bagong gising," bulong ko at ngumiti sa kaniya. "Mayroon ako pasok pero mamaya pang 10, kaya mamamalengke muna ako,"
"Pera mo?" tanong niya at tumango naman ako. "sige, ingat, mabuting desisyon na ililibre mo pa kami," aniya at tumungo na rin sa kusina.
Gumusot ang mukha ko at lumabas na ng dorm. Wala pa sa isang libo ang pera ko para okay na siguro 'to basta may makain kami kahit dalawang araw lang tapos hihingian ko na lang sila sa susunod na pagkakataon.
Sumakay ako ng tricycle at pumunta sa pinakamalapit na mall para mamalengke. Pagkarating ko sa mall ay kaagad akong nagpunta sa supermarket para mamili na.
Halos nalibot ko na ang buong supermarket pero wala akong mapiling mura kaya binili ko na lang iyong manok at karne at 'yong tirang pera ay pinambili ko na lang ng mga itlog at kung ano pa.
pagkabalik ko sa dorm ay wala na si Christian at Lawrence, malamang ay pumasok na sila. Dumiretso ako ng kusina at inayos sa refrigerator ang mga pagkain namin.
Naupo ako saglit at tiningnan ang resibo para i-check kung nasa akin ba lahat ng pinamili ko. Nang makumpirma ay inilagay ko na kaagad sa basurahan at nagpahinga.
Tumungo muna ako saglit para makapagpahinga dahil papasok pa ako mamayang 10, kailangan kong maging fresh.
May kung anong maingay ang nakapagpagising sa idlip ko at pagkatingin ko sa orasan ay alas nueve na kaya dali-dali akong nag-asikaso at pumunta sa kwarto para mag-ayos.
Pagkabihis ay kinuba ko lang ang bag ko at umalis na.
Pagkarating ko sa klase ay nagsulat lang ako at ginawa ang mga pinaoagawa ng professor kaya nang matapos ang unang klase ay hinanap ko si Jei para may kasama akong tumambay saglit kaso mukhang may klase pa siya.
Naupo ako sa isa sa mga benches ng campus at inilaan ang sarili sa pagbabasa ng libro dahil malapit na talaga ang exam. Kailangan kong iayos 'to.
Napatulala ako saglit dahil walang pumapasok na ideya sa isip ko. Nabalik ako sa reyalidad nang may kamay na kumakaway sa mismong harapan ko kaya tinignan ko kung sino iyon.
As usual, si Joeros.
"Bakit ka nandito, wala ka bang klase?" tanong niya at naupo sa tabi ko.
"wala, nagre-review lang ako," sagot ko at isinara ang libro.
"oh? bakit mo sinarado? hindi naman ako manggugulo, e," aniya at pinagkrus ang braso at tumingin sa kawalan.
"Hindi ako nakakapag-focus kasi alam kong madaldal ka," sagot ko at saka siya tumingin sa akin.
Inakbayan niya ako at tumawa-tawa. Napaikot ko na lang ang mata ko dahil sa tama nga ako, manggugulo siya.
"Kilala mo na kaagad ako ha," sabi niya habang inaalog-alog ako at tumatawa.
"Showy ka masyado kaya ang dali mong kabisaduhin," sagot ko naman at bigla siyang tumayo.
"Hindi na nga, e. Aalis na ako, ba-bye!" aniya at saka biglang tumakbo, muntikan pang madapa, sayang hindi natuluyan. Napakunot na lang ako ng noo.
Nawalan na ako ng gana mag-review, mamaya na lang sigurong gabi.
Isasauli ko na sana ang libro sa bag ko nang may nakita akong libuhin sa loob nito. Kinuha ko kaagad at binilang, 3,000?
Saan naman 'to galing? Hindi kaya may naglagay nito para mapagbintangan akong magnanakaw? e, sino naman? wala naman akong nakasama kanina.
binulsa ko na lang at isu-surrender sa head teacher baka sakaling alam nila kung sinong nawawalan ng pera.
:)

Comentário do Livro (79)

  • avatar
    OkByee

    After reading some d*pressing stories, This novel gave a relief to me. I really like that the boys respected her and they enjoy each other's company. This is a fun read, thank you author.

    19/04/2022

      1
  • avatar
    Raceson Lopez

    beautiful story 👏😍

    13d

      0
  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    nice stories🥰

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes