logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

Flashback
"Elsie's POV"
"OMG! Look at that trash, over there."
Napuno ng tawanan ang paligid na para akong nakakatawang bagay sa harapan nila. Nangungutya ang kanilang mga mata na parang nandidiri sila sa kanilang nakikita.
Nakaupo ako ngayon sa malamig na sementong daan matapos akong pinagtulakan nang mga babaeng walang magawa sa buhay kundi manghusga at tumapak ng kapwa tao.
Kaya kong ipaglaban ang sarili ko pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Pag pinatulan ko sila mawawalan ng trabaho si Kuya. Ayaw kong mangyari iyon.
Pinagmasdan ko ang mga gamit ko na nagkalat sa daan na pawang mga sira na at puno nang dumi. Ang isa doo'y pinilit kong abutin ngunit hindi ko pa man naabot ay nakita ko nang tinapakan na ito.
"Ano ba ang nagawa ko sa inyo at ginaganito niyo ako?" tanong ko sa kanila. Hindi ko pa inaangat ang tingin.
"Because a trash like you should be treated this way. 'Coz, looking at you right now? You really look like one," aniya ng babae nangungutyang tono.
Nakakasawa na ang ganitong eksena na kung saan ang mga mahihirap ang naapi at ang mayaman ang nang-aapi .
Sinasabihan nila kaming basura dahil lamang sa estado ng aming buhay habang sila na nasa mataas at maayos nga na pamumuhay pero ang ugaling pinapakita nila ay ugaling mas pa sa basurang nasa harapan nila ngayon.
Hindi ko na lamang binigyang pansin ang kaniyang sinabi at akmang tatayo na sana ng bigla akong sabunutan nito. Siya ang tinutukoy kong anak ng amo ni kuya.
"Bitawan mo ang buhok ko please... Nasasaktan ako," saad ko at pinipilit na tanggalin ang kamay sa aking buhok.
Nagmamakaawa ako dahil iyon lang ang magagawa ko ngayon, ang magmakaawa. Dahil pag may sinabi akong masama sa kanya, isang tawag niya lang sa tatay nito ay mawawalan ng trabaho si kuya at magugutom ang mga kapatid namin. Iyon ang ayaw kong mangyari kaya kahit nasasaktan ako, tinitiis ko dahil walang magagawa ang pakikipaglaban kung sa una at huli wala kanang laban.
"Did you hear that girls? she's begging for me to let go of her hair," sabi nito sa nangungutyang tono. Narinig kong nagtawanan ang mga kasama nito.
"Akala ko ba matapang ka?" tanong nito sa akin.
"Or, maybe, you are afraid to fight me because your older brother might get fired, right?" napansin ko ang awa sa mga mata niya. Ngunit, alam kong ito'y pakitang tao lamang.
"How pitiful," sabi nito sa akin na hanggang ngayo'y hawak parin ang buhok ko.
"Tama na please..." gusto ko silang patulan at iparamdam ang ginagawa nila sa akin.
"Okay. Titigilan ka na namin in one condition," aniya habang naka arko ang isang kilay.
"Lick my shoes."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
F4 ang peg? Pero walang ice cream iyong sapatos niya.
Tinignan ko naman ang sapatos nito dahilan ng pagtawa nila na parang alam na nila ang desisyon ko sa pagtingin ko palang sa sapatos nito.
Binitawan niya ang buhok ko at tinulak muli para dumapa ako, at dilaan ang kaniyang sapatos. Gagawin ko ito para matapos na at hindi na nila akong muling guluhin. Dahil pag pinagpatuloy parin nila ito, hindi ko na hahayaang tapakan muli nila ang pagkatao ko.
Itinaas na niya ang sapatos niya senyales na dapat ay simulan ko na. Ngunit, ilalapit ko na sana ang mukha ko sa sapatos ng bigla ay may narinig akong boses. Nakayuko ako ngayon at halos matakpan na ng buhok ko ang aking mukha.
Narinig ko ang ilang singhapan ng mga taong nanonood sa kaguluhan. Biglang umingay. Napuno ng bulungan ang paligid na parang may dumating na artista. Sa aking kuryusidad ay inangat ko ang aking tingin para malaman ko kung sino ba ang nasa harapan. 
Nakatalikod na ngayon sa akin si Shanaya matapos marinig ang mga bulungan. Parehas kaming natigilan ng makita namin ang nagmamay-ari ng boses na nangahas pigilan siya.
Anghel nga! Ang gwapo!
Nakatayo ngayon ang isang lalaki sa harapan ni Shanaya. Tindig palang sumisigaw na ang kagwapuhan. Nakapaskil sa mapula-pula niyang labi ang pagkaasar.
Heart naman pipili kana lang ng matitipuhan 'yon pang hindi ko maaabot. Kung titignan mo ang kabuan niya mahahalata mo na mayaman siya. Mula sa damit na mamahalin. Kutis na parang hindi naghirap. Napansin kong sinulyapan niya ako kaya dali-dali akong yumuko.
Hindi ko alam bakit ako nakaramdam ako ng hiya.
"What's going on here?" narinig kong tanong nito kaya tumingala akong muli at tinignan kung ano ang nangyayari.
"Oh! Nothing babe," sabi ni Shanaya ng mapagtantong para siyang tangang nakatitig lang sa lalaki.
Babe? jowa niya ba iyong lalaki? Love is blind nga.
Nang tumingin muli Ako sa lalaki ay halos mapaatras ako sa takot ng mapagmasdan ang lalaking ngayon ay parang napapaligiran ng madilim na aura sa katawan at ang mapupulang labi niya na ngayon ay may nakakainsultong ngiti .
"Who do you think you are to call me, such thing? Nakikita mo ba ang mukha mo sa salamin?" nakakainsulto niyang sambit.
Tinignan niya si Shanaya mula ulo hanggang paa.
"Mukha kang basahan,"aniya.
Dinig ko naman ang mga hagikgikan sa paligid. Nagkabaliktad ata ang sitwasiyon. Ngayon siya naman ang pinagtatawanan. Pero masiyado naman atang matabil ang dila ng lalaking ito.
"Umalis ka na nga sa harapan ko nababanas na ako sa pagmumukha mo," inis nitong sambit.
"Girl, 'lika kana. Kanina kapa nakatulala lang d'yan," dinig kong wika ng kasamahan niya.
"Nakakahiya na. Look oh, pinagtatawanan ka na ng mga tao nakatulala ka parin diyan," bulong nito.
Nang marealize niyang mukha na nga siyang tanga ay iniwas na niya ang tingin sa lalaki at ibinaling muli ang kaniyang paningin sa akin.
"You!" mula rito sa aking pagkaka-upo ay nakikita ko ang galit at pagkapahiya sa kaniyang mukha.
"Kasalanan mo 'to! Sa tingin mo tapos na ako sa'yo? Hindi pa tayo tapos! Babalikan kita!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila na siya ng mga kasama niya.
Nang makita kong malayo na sila ay sinimulan ko nang pulutin ang mga gamit ko na malapit lamang sa akin.
"Tapos na po ang palabas! Makakaalis na po kayo. Salamat sa panonood!" dinig kong pasigaw na saad ng lalaki.
Change of attitude?
Pagkatapos kong makuha ang ilan sa mga gamit ko ay tumayo na ako at pinagpagan ang nadumihan kong d
pantalon. Ngunit natigilan naman ako sa gulat ng makita kong may pumupulot sa mga ilang gamit ko na malayo sa akin. Napansin ko naman na nakuha na niya ang lahat ng mga gamit ko kaya pumunta na sa siya sa gawi ko.
Kinakabahan ako.
"Ito, oh. Okay kalang ba?" nagulat ako sa tanong niya dahil akala ko ay iinsultuhin niya rin ako gaya ng ginawa nito kay Shanaya. Ngunit nagkamali ako dahil inabot niya sa akin ang mga gamit ko at tumingin sa akin na may ngiti sa kanyang labi.
"Oo, salamat," naisagot ko na lamang dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kinakausap niya ako ng maayos. Ang akala ko kasi masama talaga ang ugali niya at gusto niya lang ipahiya si Shanaya kanina.
"Mabuti naman, tulangan na kita diyan, parang ang bigat ng mga dala mo eh." Kinuha niya naman ang sako ng bote at binuhat ito. Buti nalang hindi ito pinagbabasag kanina ni Shanaya, mabebenta ko pa ito eh.
Hindi na ako umangal sa pag-presinta nito dahil malaking tulong iyon sa akin.
Sinulyapan ko naman ang lalaki at nakita kong hirap na hirap siyang buhatin ang mga bote sa sako. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay bigla siyang tumuwid ng tayo at pinakitang hindi siya nabibigatan.
Hindi ko naman pinahalata na natatawa ako sa itsura niya, at baka ay magbago pa ang isip niya na tulungan ako.
Tinalikuran ko na siya at sinimulang buhatin ang karton na puno ng mga gamit ko ng may mahagip ang aking paningin. Sa aking harapan  ay makikita ang isang lalaki na bigat na bigat sa dala nitong isang sako na puno ng bote.
Halos matawa ako ng malakas ng mula sa salamin ng kotse ay nakikita ko ang pangyayari sa aking likuran. Hindi na makalakad ang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. Mukhang hindi siya sanay sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. Kasi sa itsura niya palang ngayon na pawisan na agad ay mukhang lumaki itong walang trabaho sa buhay.
Hinarap ko naman siya at napansin ko ang biglaan niyang pagtayo ng matuwid at nakangiti niyang mukha ang sumalubong sa akin.
"Kaya mo bang buhatin 'yan?" tanong niya sa akin at tinignan ang buhat kong karton na puno ng mga gamit ko.
Lilipat kasi kami ng bahay kaya dala ko ito.
"Dapat ako nga ang magtanong sa'yo niyan eh, parang hirap na hirap kana sa pagbubuhat palang."
Hindi ko na napigilang tumawa ng mapansin ko ang pagpula ng mukha nito senyales na nahihiya siya.
"Oy! Sinong may sabing nahihirapan ako? Kaya ko pa ngang buhatin 'yang dala mo eh!" pagyayabang niya kahit alam kong hindi naman totoo.
"Huwag na. Kaya ko na itong buhatin," natatawa kong saad.
Tinalikuran ko na siya. Ihahakbang ko na sana ang aking paa ng marinig ko ang bulong nito.
"Kaya ko 'to!!" aniya na nag-pangiti sa akin.
NAKAKAILANG ang katahimikan habang naglalakad kami ngayon ng sabay. Sinabayan niya ang lakad ko kanina dahil may nakita siyang mga aso na nag-aawayan sa daan. Natakot ata.
Iisipin ko na sanang wala akong kasama ng bigla niya akong tinanong ng hindi ko inaasahang tatanungin niya. Dahilan ng paghinto ko sa paglalakad, ganoon din siya.
"A-Ah, ano nga pala ang pangalan mo?" nakita ko naman na iniwas niya ang paningin niya sa akin.
"Elsie," sagot ko kanya at napansin ko ang pag kuno't ng noo nito makalipas nang ilang segundo.
"Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?" tunog tampo niyang saad. Nang tingnan ko siya ay nakalabi ito habang nakayuko.
"Hindi. Bakit ko naman tatanungin ang pangalan mo?" tanong ko rito na ngayon ay gulat at hindi makapaniwala akong tinitignan.
"Ang daya! Dapat tanungin mo rin ang pangalan ko! Kainis kana man eh!" saad nito.
Sa inis niya ay inunahan niya ang paglalakad at iniwan ako.
Natatawa ko namang pinagmamasdan ang hirap na paglalakad niya. Inaasar ko lang naman siya eh.
Bago pa siya makalayo ay naglakad na ako at hinabol siya. Kinalabit ko naman ito ngunit hindi niya man lang binigyan ng pansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
I feel so comfortable around him. Laking pasalamat ko rin na tinulungan niya ako kanina at ngayon.
Kinalabit ko muli siya ng ilang beses at noong hindi parin ako tumitigil ay inis niya akong hinarap.
"Ano ba!? Kita mong nag e-emote ako eh!" napatigil naman ako sa narinig ko at natawa ng tuluyan. Isip bata.
"Bakit ka ba kasi nag e-emote diyan?" nangingiting tanong ko. Ngunit umirap lang ito at hindi sumagot.
"O, sige na nga," pagsukong wika ko.
"Ikaw? anong pangalan mo?" tanong ko na nagpaliwanag ng mukha niya at mabilisang sinagot ang aking tanong.
"Zayne Vlad Guevarra. 'Dba ang ganda ng pangalan ko?" nakapaskil sa mukha niya ang isang ngiti na abot hanggang tenga. Ang cute lang.
Kung kanina ay ako ang iniwan niya ngayon ako naman ang nang-iwan sa kanya. Ang lakas ng hangin pati pangalan pinagyayabang.
Nang mapansin kong hindi pa siya nakakasabay sa paglalakad ko ay sinulyapan ko siya at napansin ko ang dismayado niyang mukha.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakita ko si Kuya mula sa malayo na aligagang tinitignan ang cellphone niya. Mukha rin siyang kinakabahan. Malayo-layo pa ang distansiya namin sa isa't isa, ngunit nakikita ko mula rito ang bawat expression ng mukha niya. Sa kuryusidad ko kung ano ang nangyayari ay pasigaw ko siyang tinawag.
"KUYAAA!" nakita ko namang napahinto ito ngunit hindi man lang pinansin ang tawag ko at tinitingnan parin ang cellphone niya. Narinig ko namang bumulong si Zayne sa likuran ko na kinatawa ko ng bahagya.
"Kuya?" bulong nito.
Bago pa siya magtaka ng tuluyan ay tinawag kong muli si Kuya at siniguradong sa pangalan nito ko siya tatawagin.
"KUYA ELIXIAN!!" sigaw ko.
Nakita ko namang naging malikot ang mga mata nito sa paghahanap sa akin. Marahil ay nakilala niya agad ang boses ko. Nang tuluyan na niya akong makita ay tila lumiwanag ang mukha nito na parang nakahinga ito ng maluwag.
Tinakbo niya ang distansiya namin at noong makalapit siya sa akin ay kinuha niya agad ang karga kong kahon.
"Saan ka ba galing ah?! Nag-alala ako sa'yo, alam mo ba 'yon? Bakit hindi mo ako sinabihan kung saan ka pupunta?!"
Nakikita ko naman ang pinaghalong galit at pag-aalala sa mukha nito.
"Sorry, Kuya. May dinaanan lang ako kaya hindi ako kaagad nakasunod sa'yo," paghingi ko ng tawad. Alam ko namang nag-aalala lang siya kaya siya nagagalit ngayon.
"Ehem!!" Muntik ko nang makalimutan na kasama ko nga pala si Zayne. Hindi nakalagpas sa aking paningin ang pagsilip ni Kuya sa taong nasa likod ko.
"Ah, Kuya si Zayne, Nakilala ko siya kanina lang at nagprisentang tutulungan niya ako sa pagbubuhat sa mga bote."
Napansin ko namang napalunok ng laway si Zayne.
"Hi po kuy--" naputol ang dapat ay sasabihin ni Zayne ng biglang sumabat si kuya.
"Ano ang intensiyon mo, bakit mo tinutulungan ang kapatid ko?" tanong ni kuya. Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata ni Zayne na kalaunan ay naging seryoso.
"Syempre, po. Kahit ikaw po ang nasa sitwasiyon ko ay tutulungan mo rin ang isang taong hirap sa pagbubuhat nitong mga bote," tinuro niya pa ang buhat nito. "'Kapag  may nakita kang nangagailangan ng tulong at nahihirapan sa dala niya 'dba po tutulungan niyo?" pabalik na tanong nito kay Kuya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi niya binanggit ang pangyayari no'ng inaaway ako.
Nakita ko naman na tumango si kuya na pinakitang sumasaang-ayon sa sinabi nito.
"Gano'n ba? Salamat sa pagtulong sa kapatid ko," saad ni Kuya at nginitian si Zayne.
At hindi ko akalain na ang pagtatagpo naming iyon ni Zayne ang magpapabago sa buhay ko .
Ang lalaking magpapatibok ng puso ko .
Ang lalaking unang magmamahal sa akin.

Comentário do Livro (87)

  • avatar
    جهيرة ۦۦۦۦ

    So cute

    17d

      0
  • avatar
    Diane Teting

    maganda ang story natutuwa Ako,

    20/08

      0
  • avatar
    Jhian

    so good 😊 rjbdkidhrihbdkdhvrir ndjfvfkdhrvhbdidgvt jdhvfdkifhrhjdidhvrjdid dkdvvrirurjrorirhrjrkeiegroduyteoryeyr dodjhrjrjrjdjdjdjdjrjddj snndndbdhdhshshshdbdodhdmd ekdjjdhdoeyrodyrrrksycrmsidgd ihgrugdhrldhhbeoyhekd siksyv dijbdhevr sjbbrirugegvrvrjriekwjvtpsygrurgvbdkd sjjbeviejhbwkwihveksgzudln 😹 ttigigigifystaawerirufohogogphigogigifjvicjvkvkcudjcjvjfkvifuelixurzhfsngxkhdnfJgsmhzkulhdkydirskyzkgxcocuxkhdkydlikyxouduoduyhdoyro jeheojhevjejehehejksicrisuwfeidurgririrvslfhdjjetjdudhdjdodid

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes