logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Would (Matchmaking Series #2)

Would (Matchmaking Series #2)

Alley_Jang


Panimula (Part 1)

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, businesses and incidents are either the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without permission.
Plagiarism is a crime punishable by law.
****
Panimula
Would
Namamawis na umupo ako sa sofa nang dahil sa sobrang pagod. Marami-rami na rin akong nagawa ngayong araw, bagaman day-off ko ngayon ay hindi ko naman matiis ang bahay naming nangangapal na sa dumi kaya nilinis ko na.
Madalang lang naman kasing may mag-stay sa bahay. Si Mama ay abala sa online shop niya, habang sina Klaris at Wanda ay abala sa college life nila, at ako'y heto.. nagtatrabaho bilang staff sa Dela Meda's. Hindi na rin naman kami nag-hire ng kasam-bahay dahil dagdag gastos.
I glanced at the wall clock and heaved a sigh when I realized that it's almost eve. Gano'n pala kadumi ang bahay, 'kakaloka.
I am already in the stage of marriage but I wasn't planning to get married. Dahil una, hindi ko pa kayang iwanan ang pamilya ko at panghuli.. hindi ko pa nahahanap si Mr. Left. Puro mga pakboy lang ang nakapaligid sa akin e,
Nabaling ang tingin ko sa cellphone ko na nasa lamesita sa harapan nang mag-ring ito. Kinuha ko ito at tinignan ang caller's ID. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Giselle iyon,
Itinapat ko sa tenga ang cellphone, "Bakla ka! Ba't ngayon ka lang tumawag?!" bungad ko agad sa kanya.
Tahimik ang background kaya maayos ko siyang naririnig. "Tanga, alam mo namang busy ako e. Alam mo na, ekeshe.." umandar na naman ang pagiging pabebe ng malanding 'to.
Napairap naman ako. Edi ikaw na may lovelife! "Oh e kung busy ka ba't ka pa tumawag?!" kunwaring nagtatampo kong sagot.
Iniunat ko ang paa sa sofa kaya patagilid akong nahiga. Ramdam ko ang sobrang pagod at napakasarap sa pakiramdam ng nakahiga. Parang ngayon lang kami nagkita ni sofa,
Rinig ko ang tawa niya. "Gaga! Makapagtampo.. Jowa ka? Jowa?" aniyang nanunuya. "Kaya pala ako napatawag kasi may party'ng inihanda si Cohan bago ang kasal. Sabi niya mag-imbita na rin daw ako kaya ikaw na ang una kong tinawagan!" dagdag niya.
Sa totoo lang ay masaya ako para sa kanilang dalawa ni Cohan. Although kaunting oras lang ang ibinigay ng panahon ay nagawa nilang sabihin ang tunay nilang nararamdaman sa isa't-isa. Also I am happy for my friend, Giselle, that she's been loved by a man like Cohan. Sobrang gwapo't mayaman!
Noong una nga ay hindi ako halos makapaniwala na mapagtutuunan siya ng pansin ni Sir dahil hmm.. syempre, ang kalakaran ng mundo, sa panlabas ng anyo bumabase. Pero may kakaibang mundo si Cohan kaya tumatak sa puso niya ang pagkatao ni Giselle. And Giselle? I think she deserve to be happy with his future poging-poging Cohan.
Tumikhim ako. "Oh sige! Basta lakwatsa.. larga! Pero seryoso.. masaya ako sa 'yo, Giselle. Sana bigyan mo ako ng sampung inaanak," masaya na may halong pagbibiro kong sabi.
Rinig ko ang tawa niya. "Grabe! Sampu? Baka malanta naman ang kipay ko, girl!" sagot niya sa kabilang linya.
Tumawa ako. "Gaga! Anong lanta? Gulay lang?" natatawa kong sabi.
"Yes! Ang kipay ay tulad ng gulay kapag sumobra, patay!" aniya. Napailing nalang ako.
Matino kasi ako, hashtag Go0dg1rL.
"Oh siya! Ba-bye na muna, maghahanda pa ako.." paalam ko. Dahil kapag nagtagal pa ang usapang ito, mauuwi na naman sa kalandian niya ang lahat.
"Okay! Ite-text ko nalang sa 'yo kung anong oras at saan." tila excited ang tono niya. Hindi ko tuloy mapigilang mang-asar,
"Naks! Makakapang-asawa ka lang ng boss, lagi ka na may load ah?" biro ko.
Tumawa siya. "Maghanap ka din ng iyo!" at saka pinatay na ang linya. Natawa ako ng mahina at iiling-iling na tumayo upang maligo.
"Talagang maghahanap ako." I mouthed.
As if on its cue, nagbukas ang pinto at iniluwa niyon ang dalawa kong kapatid na magkasunod lamang pumasok. "Oh! Anong oras na ah? Ganito ba talaga kayo umuwi?" nakakunot-noo kong tanong.
Madalas kasi ay pagdating ko sa bahay, tulog na silang lahat. Hindi ko alam na ganito pala sila umuwi,
Rumehistro sa mga mukha nila ang gulat. Naunang sumagot si Klaris, "A-ate! M-maaga ka yatang nauwi ngayon?" bakas ang kaba habang nagsasalita siya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Day-off ko," sagot ko nalang. "At bakit naman kayo ginabi? Huwag n'yong sabihing galing kayong school dahil alam ko ang kalakaran sa eskwelahan! Ano 'yon? School ang nag-adjust sa inyo?" dagdag ko.
Nagkatinginan ang dalawa saka parehong napayuko. Napabuntong-hininga nalang ako, "S-sorry, ate. Nagkayayaan lang sa ano.." pagpapaumanhin ni Wanda.
Sa aming tatlo ay ako ang panganay, na sinundan ni Klaris na sinundan ni Wanda. Namatay ang Papa sanggol pa lang si Wanda kaya wala siyang kinagisnang tatay. Kaya hangga't maaari, kung makakaya namin ay ibinibigay namin ang gusto niya. Kumbaga, spoiled pero hindi naman brat. Kontrolado pa din naman namin siya. Kasi kapag naging pasaway siya, itinali na siya ni Mama sa puno dito.
E walang puno, kaya hindi siya maitali.
"Okay na! Basta, hindi na mauulit iyan!" masaya namang tumango ang dalawa. I frowned, "Haya'n! D'yan kayo magaling! Marinig ko lang talagang kumakalampag na kayo, naku! Makukurot ko ang mga singit niyo." tumalikod na ako at tumungo ng hagdan para makapuntang kwarto ko.
Bago mamatay ang Papa, nakapagpundar na siya ng bahay at lupa dito sa subdivision kaya naman hindi nahirapan ang Mama na kumuha ng tirahan. May mga negosyong naiwan si Papa noon, ngunit isa-isa iyong nalugi nang kinailangang ipagamot si Klaris. Kaya balik hanap-buhay ulit kami. Sa ngayon ay nagtutulungan kami ni Mama sa mga expenses.
Pagdating ng sariling silid ay naghanda na ako. Nang matapos akong maligo ay itinext ko ang iba pa naming kaibigan upang makapaghanda na rin sila. I forwarded Giselle's message, too.
From: Giselle
-9:00 pm at ToxiCity bar-
Iyan ang text sa akin ni Giselle. Humanga ako't hindi napigilang ma-excite. Noon kasi ay sa mga club house lang ang pinupuntahan namin dahil wala kaming perang makapunta ng pang-mayamang bar kaya mas ginandahan ko ang porma, baka mahanap ko na si Mr. Left.
I wore a seductive red halter dress above the knee. Wala itong manggas, bagkus ay manipis lang na strap ang ipinantali rito showing more of my skin. Heart-shape ito dahilan upang makita ang cleavage ng malulusog kong dibdib. Fit din ito sa akin kaya korteng-korte ang mala-cocacola kong katawan.
I smirked when I saw my body. Bagay na bagay ito sa aking kremang balat. Hindi nga aakalaing nagta-trabaho ako ng sobrang stress dahil hindi ako nagkakaroon ng pimples, eyebags, at kung ano-ano pang dirt skin. At ipinagpapasalamat ko iyon,
I fixed my hair. I bunned it upang mas lalo pang lumantad ang likuran ko. Kinuha ko ang pamplantsa ko ng buhok at ini-straight iyon para maganda. I also put some highlights on my face. I did light makeup yet seductive face. Sabi nila, mukha raw sopistikada ang mukha ko. Asset ko naman iyon kaya mas lalo ko pang hina-highlight. I made my lips red so it could fit on my fitted-dress.
Nagsuot naman ako ng hindi gaanong kataasang heels. Regalo sa akin ito ng kapatid ni Sir Cohan na si ma'am Cherry. Prada shoes. Kulay itim ito pero maganda, may silver ring ito sa gilid.
I got my black tiny-small bag and got out of my room. Naabutan ko ang mga kapatid ko sa sala na nakaupo sa sofa at sabay na may hawak na libro, busy sila kaya hindi nila napansin ang pagbaba ko.
Tumikhim ako upang kunin ang kanilang atensyon. Magkasunod silang nag-angat ng tingin sa akin at bumakas ang paghanga sa kanilang mata. I stood proudly.
"How do I look?" nagpaikot-ikot pa ako na parang nagmo-model. Pumalakpak naman si Klaris.
"Wow, ate! Ngayon lang kita nakitang gumayak ng ganyan ah!" ani Klaris, humahanga.
"Oo nga, ate! Ang ganda-ganda mo!" ani naman Wanda. Ngumiti ako sa kanila.
"Salamat sa compliment." masaya kong sabi. Mas lalo tuloy na-boost ang confidence ko.
"E ate, sa'n ba ang punta mo?" usisa ni Wanda.
I checked my phone when it beeped. Text mula kay Rowvey. "Ah, sa ToxiCity bar. Party ng kaibigan ko," sagot ko sa kanila. Natigilan sila pareho at nagkatinginan. Kumunot ang noo ko sa iniasta nila. "Oh? Bakit?" dagdag kong tanong.
Natauhan sila't naunang sumagot si Klaris. "U-uh, wala naman ate. P-pangmayaman kasi iyon." aniya.
Sinegundahan siya ni Wanda. "O-oo nga. E-enjoy, 'te." nagkatinginan ulit sila't nag-iwas ng tingin.
Tumaas ang kilay ko at hindi napigilang magduda ngunit di kalauna'y nagkibit-balikat na lamang. "O-kay.. Alis na 'ko! I-lock ninyo iyong pinto ha!" bilin ko. Hindi ko na hinintay na sumagot sila dahil nang nabasa ko ang text ni Rowvey na nasa labas na sila ng subdiv ay nagmadali na ako.
Nahihirapan man dahil sa takong ay pinilit kong maglakad. Kasi naman! Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nilang pumapasok rito. Kapag naman tinatanong ko, nakakatamad raw.

Comentário do Livro (10)

  • avatar
    Gennybel Anaca

    beautiful story

    03/07/2022

      0
  • avatar
    Grace Ann Garcia

    sinimulan ko tong basahin ng 11 i think and natapos ng 2 omj i was so speechless your story is exquisite and its gave me a goosebumps literal so i rate this 50/5 stars keep it up <3

    11/06/2022

      0
  • avatar
    Katherine Hazel Maxine Escaraman

    so good

    16/05/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes