logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 4

Kabanata 4
Kunin
Kung may susundo sa 'kin, hindi si san pedro 'yon.
Sumalubong sa aking paningin ang puting kisame pagkadilat ko palang ng aking mga mata. Medyo nahihilo pa 'ko at nasilaw dahil sa liwanag pero nang magawang makapag-adjust ng mata ko ay saka ko lang napagtanto kung nasa'n ako.
Maybe I'm at the hospital. With the white stuffs around me and with the chemical smell, I'm sure nasa ospital ako.
I heaved a sigh as I felt my head aching. Napapikit ako ng mariin bago dahan-dahang sinubukang umupo. No one is in here except me, of course.
I can still remember when I passed out in the info room. At kahit hindi ko tanungin ang doktor, alam kong gutom ang ikinahimatay ko. Tuluyang umahon sa dibdib ko ang inis nang maisip na dahil kay sir Cohan kaya ako nandito. That jerk, walang awang boss!
Akma na 'kong tatayo nang kasabay niyon ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang naka-uniporme'ng doktor. He greeted me with a smile plastered on his face,
"Gising ka na pala." he said in a friendly tone.
'Hindi, doc. Tulog pa ako,'
I gulped before returned his smile. "Yes, doc, salamat po. Sino po ba'ng nagdala sa 'kin dito?" I asked.
Ngumiti siya, nagpapakalmang ngiti. "Someone brought you here," he said.
Umarko ang kilay ko sa kanyang isinagot. "Who?" I asked again.
He sighed and smiled again. "Someone," he safely answered.
Naguluhan akong bigla. Why can't he just say who that person is? Para naman makapagpasalamat ako dahil natagpuan niya ako sa info room... natigilan ako.
"Uh, doc. Sino po ang nakakita sa akin sa info room?" nagtanong akong muli.
His manly chuckle filled my ears. "Someone." inulit lang niyang muli ang kanyang sinabi. Palihim akong napaismid. Masyadong pa-misteryoso ang doktor na 'to, pero dahil gwapo siyang binata.. palalagpasin ko nalang 'to.
Wala akong nagawa kundi ang tumango. If he don't want to answer my questions, then fine.. I won't force him. Basta kung sino man iyong taong 'yon, nagpapasalamat ako sa kanya. I bet his or her is a good person.
Kinumusta niya ako kung ano na'ng lagay ko at pinayuhan niya rin ako na 'wag masyadong magpapakagutom kung ayaw ko raw na mangyari ulit ito.
"You should take care more of yourself, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom." he advised.
Alam ko naman iyon. Sadyang wala lang akong pamimilian.
"I'll keep that in mind. Thanks, doc.."
"Quer, call me doc Quer." he smiled brightly.
I nodded. "Doc Quer, thanks." I said.
Pinaalalahanan niya ako ng paulit-ulit bago lumabas ng kwarto ngunit bago iyon ay may sinabi pa siya.
"Try to fight back para masaya.." he then gave me a playful smile bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi, that man.. I really can't read what he meant.
He's a good-looking doctor. 'Yung tipong ngingitian ka palang niya, magaling ka na. Hindi siya gaanong katangkaran ngunit nagsusumaksak naman ang kanyang kagwapuhan.
Iyon nga lang, weirdo siya. So turn off for me.
I was alone at the hospital for a day. Walang dumalaw, kahit sina Kirsten.. I think nga hindi nila alam na na-ospital ako but that is fine, I also don't want to make them worry.
Pero ipinagtataka ko, wala ngang nakakaalam pero the way those nurses' treat me, parang espesyal pa 'ko. At nang pauwi na 'ko ay ikinagulat kong lalo ay ang bill!
"Ma'am, we double checked it pero gano'n pa rin po ang bill niyo." the nurse politely answered.
Naguluhan pa ako lalo. "Pero sino naman ang nagbayad?" nagtataka kong tanong. "Can you please check who paid for my bill, please?" saad ko pa.
Ngunit ngumiti lang ang nurse. "Bayad na po siya, ma'am." matapos no'n ay nagpaalam siyang may aasikasuhing bagay at saka ako iniwan.
Buo ng pagtataka ang kalooban ko hanggang sa makauwi ako ng bahay.
Why do people are so strange?
~°~°~
ANG mga katanungan sa isip ko ay lalo pang nadagdagan nang bumalik ako sa opisina. Hindi pansin ng mga kasamahan ko ang pagliban ko ng isang araw, bukod pa ro'n walang nakatambak na sana'y gagawin kong trabaho. Maliban sa isang karaniwang marapat kong gawin.
Hindi rin ako ipinatawag ng buwisit kong boss para pahirapan ako. Plus, I got food from someone!
"Kuya, sino raw po ang nagpapabigay?" tanong ko sa bodyguard na pinag-iwanan ng ipinapadala sa aking pagkain.
Napakamot siya sa ulo. "Pasensya na, hindi ko alam e. Basta ipinapabigay raw sa 'yo sabi ng deliveryman." he said.
Mas lalo pa 'kong nagduda. But I chose to not be bother by it. Nagpasalamat ako sa bodyguard bago umakyat muli sa taas, sa aking cubicle at kinain ang pagkain. Sayang naman! At kung sino man ang nagpadala nito, salamat ulit. I'm happily full because of these! Ngayon lang ako ulit nakakain ng ganitong kasarap.
Nang sumapit ang hapon ay malapit na ang out ko nang ipinatawag ako ni sir Cohan.
Heto na naman po siya. At mukhang nagkamali yata akong titigil na siya.
Before I walked into his office, nag-isip muna ako ng paliwanag kung bakit ako absent kahapon. And I will really punch him on his jaw kapag pinagtaasan niya ako ng boses, kasalanan niya naman kasi iyon. Kung hindi ba naman siya nagpabili ng kape sa mamahaling coffee shop ay hindi ako mahihimatay. So if mayro'n mang dapat sisihin, it is all on him!
Ngunit ang inaasahan kong pagagalitan niya ako, miracle happen indeed because he didn't.
At kung bakit niya ako ipinatawag?
"Take care of him for awhile, I'll just attend this last meeting." he firmly said.
Sarkastiko akong ngumiti bago kuhanin ang asong nasa kanyang kandungan.
"What if he pee? Or poop?" I asked. Naiisip ko palang ang mangyayari, natutuliro na ako. Huwad na Cohan!
Playfulness evident on his face. "Take care of it, then." he smirked and stood up. He fixed his necktie, "For the meantime, you'll be Conan's nanny." he said before patting his dog's head and leaving me alone with his dog on his office.
Bumuntong-hininga ako bago panoorin ang asong dilaan ang aking braso.
"Mukha ba 'kong taga-alaga ng aso?!" naiinis kong bulong. "Bakit ba kasi sa 'kin ka pa iniwan?!" pagkausap ko sa aso.
Biglang tumahol ang aso sa akin kaya nagulat ako. Munit matapos no'n ay bumalik siyang muli sa pagdila ng braso ko. Nasasarapan ba siya d'yan?
Wala na akong nagawa kung hindi ang alagaan at libangin ang sarili sa aso, malapit naman na akong mag-off saka tapos na ang trabaho ko. Malaon ay nag-enjoy na rin akong kalaruin si conan, the dog, at talaga namang nakakatuwa siya. Sumaya naman ako kahit papa'no.
Conan's cute and fluffy. Hindi ko alam kung ano ang breed niya pero alam kong mamahalin siyang aso. Hindi 'gaya ng aso sa lugar namin, mga may pulgas at mga kati-kati. Pero ito, mas mabango pa yata sa akin. Pero sa bagay, mas lalo pa akong magtataka kung mabaho siya e si Cohan ang nagmamay-ari sa kanya.
Nasa gitna kami ng paglalaro ni conan nang mag-beep ang cellphone ko. I checked it and it was a message from an unknown number.
Unknown number:
Lock my office. Wait me at the ground.
Nag-vibrate ulit.
Unknown number:
Make it faster!
Hindi ko man batid kung sino iyon. Batid kong si sir Cohan iyon. Sa words palang ng text niya, demanding na. It is him.
Maybe I should save his number next time para hindi na 'ko maguluhan pa.
Dinala ko si conan sa aking mga bisig at saka isinarado ang kanyang office. Nilalaro ko pa si conan habang pababa kami sa ground. At nang makarating kami roon ay wala pang tao. 'Kita mo yung taong iyon, laging epal.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago may tumapat na pares ng sapatos sa tapat ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Cohan iyon.
Sumibangot akong agad nang makita ang nakangisi niyang puwet----mukha pala. Nakakalito kasi,
"You looked stress. Conan is stubborn kasi," he smirked.
Pinaningkitan ko siya ng mata bago sumagot. "Sorry ka, pero behave siya ngayon." dinilaan ko pa siya.
He chuckled. "Lucky day." he whispered but I could hear it.
I rolled my eyes. "Oh! Kunin mo na nga 'yung aso kasi!" naiinis kong asik.
Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ako sa bewang at hilahin. Sinipa ko siya sa binti pero mukhang hindi niya iyon ininda.
Instead, he roared a laugh. "What? I just did what you said!" nang-aasar niyang sabi.
Lumaki ang butas ng ilong ko. "Gago." bago siya sipain ng sipain.
Natatawa niya lang iyong iniwasan.
Nakakapagtaka rin ang tao'ng ito. Bakit parang hindi niya ako pinahirapan ngayong araw?

Comentário do Livro (18)

  • avatar
    De PedroJohn Leenard

    pretty

    09/04

      0
  • avatar
    MendozaKen

    nice story

    13/07/2023

      0
  • avatar
    Anj Rosete

    Big thumbs up for the writter👍 ang ganda ng story.

    06/07/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes