logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

001

"Sino pa ba ang dapat kong sisihin?! Kilala ko ang lahat ng tao rito! at ikaw lang ang bago, malamang ikaw lang ang may kakayahang nakawan ako! Hitsura pa lang, halata na!"
Sigaw nitong babae sa gilid ko na halos maputol na siguro ang ugat niyang mahina ang kapasidad para magtagal sa mundong 'to, gaya niya. Nakatutok pa rin ako sa librong hawak ko at hindi siya pinapansin. Kanina pa niya ako inaakusahan na ninakaw ko raw ang wallet niyang ni kailanman hindi ko nakita.`
"Hindi ka ba talaga aamin?!" Sigaw niya ulit kaya naman sinalpak ko na ang earphone ko na nakasabit sa balikat ko at pinindot ang button nito para sana tumugtog ng kusa, kaso hindi iyon natuloy, bigla niya kasing hinila iyon mula sa akin, pati ang libro ko saka itinapon "UMAMIN KA NA!" pag-uulit niya
Hindi na iyon patanong, diretsong pasigaw na lang. Diretso lang ang tingin ko sa board. Walang estudyanteng nakaharang sa harapan ko kaya tagos lang iyon. Madami na rin ang nakiisosyo kaya naman unti-unti na kaming napapagitnaan, hanggang hablutin nga niya ang bag ko sa likuran ko at ibinuhos ang gamit ko sa harapan ko mismo.
Baliw na ba siya? May utak ba ang isang 'to? Sigurado akong wala. Bobo lang ang gagawa ng bagay na 'to. Ang akusahan ang taong wala naman talaga ginawa. Hindi naman niya ako tinanong kahit nung una pa lang, dahil naniniwala na talaga siyang ako at ako ang kumuha sa wallet niyang paniguradong may laman pero parang siya, walang silbi sa mundo. Nang matapos na siya sa ginagawa niya ay ako muli ang binalingan niya.
"HINDI KA BA TALAGA AAMIN O GUSTO MONG MA-EXPELLED SA SCHOOL NA 'TO?!" Pag-uulit niya. Kanina pa kasi niya sinasabi 'yan, 'di lang ata tatlong beses. Unlimited lang ba.
Wala na ba siyang ibang alam na pananakot? Puro ang i-expel ako sa school na 'to lang? Pwe, napakaliit na bagay.
"UMAMIN KA NA!" Pagpipilit niya at hinatak ako patayo habang hawak ang aking braso.
Nakatingin pa rin ako ng diretso sa blackboard na natatabunan bahagya ng kaklase ko. Sarado lang ang emosyon ko sa wala at hindi siya nililingon. Ayoko siyang takutin, baka kasi kapag tiningnan ko siya ay bigla na lang siyang himatayin sa kaba na baka bukas wala na siya sa mundo. Sayang naman kung hindi makakatulog mamayang gabi sa takot na baka nasa paligid lang ako at nag-aabang ng oras kung kailan siya sasakalin. Pwe, sasaksakin.
"AYAW MO TALAGA UMAMIN?!... FINE!"
Finally, binitawan din niya ako. Nadumihan pa tuloy ang itim kong t-shirt na kahit itim ang kulay ay bakat ang kaitiman ng budhi niya at buong pagkatao niya. Nang lingunin ko na ang braso ko at t-shirt na nahawakan niya ay bahagya ko itong pinagpagan na siyang nagpaingay sa buong klase. First time makakita ng unidentified specie na nagpapagpag ng t-shirt? Mga hunghang. Pagkatapos ay yumuko ako at dinampot isa-isa ang mga gamit ko. Nang kukuhanin ko naman ang bag ko ay tinapakan iyon ng taong walang silbi.
"Masyado kang matapang para sa isang estudyante na apat na buwan pa lang nandito" Angil nito na siyang dahilan para mapangiti ako ng sarkastiko.
Masyado na siyang tanga para pansinin ko pa. Sasayangin ko lang ang oras ko kung sakaling patulan ko pa ang bobong gaya niya. Bago nito alisin ang paa niya sa bag ko ay nagsalita pa siya. 'Di ba siya papaawat? Sayang naman ang buhay na mayroon siya, sana binigay na lang sa ibang patay na may silbi. Pero sabagay, bagay naman ang gaya niya sa mundong 'to. Kumbaga kabilang siya sa mga basura (tao) sa basurahan (mundo)
"Wait for my revenge then, THIEF ASSHOLE" Saka siya naglakad palabas ng classroom
Buti naman, masyado na niyang nasu-suffocate ang paligid, kasama ng utak niyang dapat hindi na nagfa-function ng maayos. Pinagpagan ko ang gamit ko saka tinuloy ang pagpulot sa mga gamit ko. Pagkatapos ay tumayo ako na parang walang nangyari. Ramdam kong nakatingin pa rin sa akin ng lahat. As if may paki ako sa mapanghusga nilang mga mata na sana ay hindi na lang sa kanila inilaan ang pagkakaroon ng paningin kung bulag pa rin sila sa katotohanan. Para 'yan sa lahat ng may paningin pero bulag o bulag-bulagan sa katotohanan. Sana kuhanin na sila ng tinatawag nilang Diyos.
Isinukbit ko ang tote bag ko at tinungo ang daan palabas. Sa likod lang naman ako nakaupo tapat lang ng pinto kaya makakalabas ako agad, pero sa kaliwang bahagi ng mga upuan. Dalawang hati kasi ang pagkakaayos ng mga upuan dito, kumaba may 10 column na hinati sa dalawa. Huminto ako sa tapat ng pinto kung nasaan ang librong inihagis ng bobo na 'yun. Pupulutin ko na sana ito pero may mabilis na sumipa rito pati sa earphone ko dahilan para lingunin ko ito.
Tsk
Imbis na samaan ng tingin ay sarkastiko lang akong ngumiti sa kaniya. Isang lalaki na hindi ko alam pero kasing pangit ng mukha niya ang ugali niya. Oo nga pala, boyfriend siya ni Hana, 'yung babae kanina, at siya naman si Hanz. Tama, parehas H ang given name nila, stands for HUNGHANG.
Sumama ang timpla ng mukha nito pero hindi ko na pinansin at tinungo ang direksiyon kung nasaan ang libro kong madumi na at earphone kong sira na ata kasisipa ng mga mukha at amoy paa na magkasintahan. Akalain mo 'yun, mukha na nga silang paa, amoy paa pa sila, mas mabaho pa ata 'dun.
Hindi na bago maka-meet ng taong gaya nila, basura. Pinulot ko ang earphone ko at libro saka nagtangkang maglakad na sana palayo sa walang kuwentang lugar na 'to, pero humarang 'yung kaibigan ni Hans hunghang, at sumunod naman siya, kung saan pumagitna sa mga kaibigan niya. Tumigil ito sa harap ko at nakangiti ng nakakaloko.
Bumaba pa ang tingin nito sa labi ko. Bigla na lang nitong hinawakan at pinadulas sa mukha ko ang daliri niya saka ako malakas na sinampal. Kaya naman mabilis kong nasilayan ang dugong tumalsik mula sa labi ko sa sahig. Malakas iyon, pero hindi sapat para makaramdam ako ng takot.
"SUBUKAN MO PANG IPAHIYA ANG ASAWA KO, HINDI LANG 'YAN ANG AABUTIN MO SA AKIN!" Diniin nito ang hintuturo niya sa noo ko "NAIINTINDIHAN MO?!" At saka na naglakad palayo sa akin.
As usual, dumami na naman ang mga tao sa paligid. Akala mo laging bago ang nakikita nila. Mga walang kuwenta. Napadiin ang hawak ko sa libro ko. Gaya ng alam kong dapat, pinunasan ko ang labi kong may sugat na saka tumawa ng sarkastiko at tuluyan ng naglakad pababa ng third floor. Dumiretso na ako ng cafeteria. Actually, habang naglalakad ako ay marami ang nakatingin sa akin. May pasa na ba ang labi ko? Bago ba sa kanila? Mga walang utak. Kung may utak sila, hindi na dapat bago sa kanila. Dapat sanay na sila. Mas nakakainis pa ang kabobohan nila kaysa sa mga nangyari kanina.
"Isa nga pong tubig" Saad ko sa tindera na na-stock up sa kakatingin sa akin. Tsk, isa pa 'to "Excuse me po?" Nagulat siya nang malaman na kanina pa ako nagsalita "Tubig po kako" Sambit ko at inabutan naman niya ako kaya nagbayad na rin ako at umalis.
Habang naglalakd ako papuntang library ay hindi ko maiwasang matawa. 'Yun na ba 'yon? Dapat na ba akong kabahan sa mga pagbabanta nilang ginawa sa akin? Major na 'yun? Grabe, 'di man lang ako kinabahan kahit isang segundo. Kung tutuusin, para lang silang nananakot ng bata. Mga tanga lang ang matatakot sa pagbabanta nila. Teka, ano pa bang bago 'dun? Lagi naman ganun ang ginagawa nilang dalawa, este nilang lahat. May taong basura na lalapit sa akin para bigyan man lang ako kahit kaunting kaba sa dibdib, o bigyan ako ng dahilan para magalit o malungkot, tapos kapag may eksena, maglalapitan ang mga kapwa basura. Manonood na wari'y nasa t.v lang ang pinapanood. Mga basura talaga. Bakit ba napadpad ako sa isang malaking basurahan na puno ng mga basura na kunwari recyclable ang hitsura, pero wala naman talagang mga silbi. Nababalutan ng mga magagarang suot, at kolorete, pero basura pa rin naman ang mga pagkatao. Anong sense ng mga suot nilang magaganda kung hindi naman natatago ang totoo nilang anyo? Ang pagiging isang malaking basura sa mundong 'to, na isang malaking basurahan. Kung wala lang talaga akong kailangan sa basurahang 'to, mas gugustuhin ko pa mawala.
Nagsulat na ako sa logbook dito sa library at pumasok na rin. Naglakad-lakad ako para maghanap ng libro tungkol sa mga bituin, at constellations. Hindi para aralin, para gawing pangalan ng mga future mahals ko. Paki ko sa pag-aaral? Kung 'di ko nga lang kailangan pumasok at mag-aral, hindi na ako papasok pa. Kaso kailangan ko, para may matirahan ang mga mahals ko. Bukod doon, may mas mahalagang bagay akong dapat asikasuhin kaysa sa pag-aaral na 'to. Hindi ang pagkatuto ang goal ko rito. Mas mahalaga pa roon.
Nang makapili na ako ng libro ay naupo na ako sa dulong bahagi. Natawa na lang ako ng makitang sira na ang earphone ko. Putol na pala, ngayon ko lang napansin. Akalain mo naman kasi, mas may silbi pa ang earphone na 'to kaysa sa kanila. At mas nakakatawa dahil nakakaawa ang mga magulang nila. Akalain mo 'yun, nagpalaki sila ng demonyo, este taong hunghang.
Ipinasok ko na ang earphone ko sa bag ko saka na nag-browse sa libro. Nag-take down notes ako habang naghahanap ng mga puwedeng ipangalan sa mga future mahals ko. Ilang saglit lang din naman ay tumigil na ako. Kinailangan ko kasing tumuloy na sa sunod kong subject. Last subject naman. Excited na ako. Hindi pumasok ah, kun'di umuwi. Mas masaya pa sa bahay kung nasaan ang mga mahals ko, kaysa sa dito na tao ang mga nakapaligid sa akin. Nakakatawa lang silang lahat. Gaya kanina, este lagi, nakasunod ang mga mata nila sa akin. Ano bang problema ng mga invisible nilang mga utak? Kala ba nila matitinag nila ako sa mga tinginan at bulungan nila? Mga bobo talaga, sa tagal nilang ginagawa 'yan, alam naman nilang wala akong paki, pero talagang nagsasayang sila ng oras pag-usapan o tapunan ako ng tingin? Napaka-useless, pointless, at worthless naman ng buhay na binigay sa kanila, na sana ibinuhay na lang sa mga namatay na, na malamang kapag mga nabuhay mas may sense pa, 'di gaya nilang buhay nga, may sariling buhay, pero nangingialam pa rin sa iba. Jusko, ano bang utak mayroon sila?
Hanggang makarating at makapasok ako ng room ay nakasunod ang mga mata nilang lahat sa akin. Lumakad na ako patungong likod pero hindi ko pa man naaabot ang puwesto ko ay may mabilis na kamay na siyang dumampi sa pisngi ko. Natagpuan ko si Hana Hunghang sa harap ko at galit na galit na nakatitig sa akin. Sa likuran naman niya ay si Hanz Hunghang.
Ano bang problema ng Hunghang Iwness team na 'to? Talaga bang natanggalan na sila ng utak? May utak ba sila at the first place?
"HOW DARE YOU SLAPPED MY HUSBAND!"proud niyang sabi
Wow, proud siyang tawagin ang lalaking 'yun ng husband? Saan ba sila humuhugot ng kapal at lakas ng loob para tawaging asawa ang isa't-isa at talagang proud pa na asawa nila ang isa't-isa? Kung isa siguro ako sa kanila, lagi akong masusuka. Isipin mo 'yun, lagi kang may kasamang basura. Pero ayos lang naman sa kanila, parehas naman sila basura.
"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MONG MAGNANAKAW KA! AKALA MO BA MAGTATAGAL KA PA RITO?! FOR YOUR INFORMATION, I REPORTED IT ALREADY! I ALSO REMINDED THE OFFICE SA LAHAT NG MGA GINAWA MONG PAGNANAKAW, PATI NA RIN ANG PANANAKIT MO SA ASAWA KO! AT PAMAMAHIYA SA AKIN!" sigaw nito na akala mo may paki ako sa sinasabi niya
"Okay" Maikling sagot ko at nilagpasan na silang dalawa.
'Yan lang talaga kaya kong isagot sa kaniya. Sayang naman ang oras, laway, at pagbuka ko ng bibig kung mas mahaba pa dyan.
Bawat sandali mahalaga, kaya ayos na ang maikling sagot. Aba, magpasalamat nga siya at sinagot ko pa siya ng "okay". Minsan lang talaga ayokong sumagot, kapag tinatamad ako. Wala naman silang kuwenta kausap kaya sayang lang sa oras kung magsasalita ako. Mas mahalaga pa rin ang oras ko sa basurahang 'to, kaysa sa mga oras nila.
Nang makaupo na ako ay nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Hana Hunghang. Nang lingunin nila ako ay sinenyasan pa ako ng kadiring boyfriend niya na yari daw ako sa kaniya. Sumenyas siya ng paghiwa sa leeg niya at masama akong tinitigan, gayun din ang kadiri niyang girlfriend. Hindi na kasi sila nakaintra dahil pumasok na ang prof namin. And as usual, nagturo saglit at nagpa-quiz after. Habang nagtuturo naman siya kanina ay panay ang lingon sa akin ng Hunghang Iwness team, at paulit-ulit ang senyas sa akin ni Hans na yari nga ako mamaya.
Ulit-ulit naman, bobo ba siya? Tingin niya ba bobo ako para 'di maintindihan? Mas tingin ko bobo siya, kasi nakailang ulit na siya 'di man lang ako nakaramdam ng kaba. Sino ba naman kasing uulit-ulitin ang isang bagay kung naiintindihan naman na ng sinasabihan?. Tama, bobo lang at silang dalawa 'yun. Ilang saglit pa natapos na rin ang klase. 'Di agad ako tumayo, ayokong makipagsiksikan sa mga basura na makalabas ng campus. Makakalabas din naman ako mamaya. 'Di ko nga sila maintindihan, gusto nilang magsiksikan sa gate, mga wala talagang utak. At bukod 'dun, dahil may biglang nag-text sa phone ko kaya naman kinuha ko na lang ito.
[Dumiretso ka muna rito pagkatapos ng klase mo ha? Kaarawan kasi ni Carl, gusto ka raw niya makita at mak-]
Putangina naman. Hindi ko pa nga natatapos basahin tinabig na agad. Sino pa ba? e' di ang mga hunghang na bastos at walang utak.
Napatingin ako sa cellphone ko na lumipad papunta sa pinakalikod na halatang basag na. Tumalsik na rin ang baterya nito at iba pang laman loob. Sira na naman ang cellphone ko, baka sira na talaga. Pagkatapos ay tumingala ako sa kanilang dalawa. Okay. Dapat na ba akong kabahan sa mga titig nilang makahulugan? Kasalanan ko bang hindi ako natatakot sa kanila? kahit sa mga banta nila?
"Aren't you scared to us?" Tangang tanong ni Hana.
Mukha ba akong natatakot? Ayokong sumagot, sayang sa oras. Tumayo ako at kukuhanin na sana ang cellphone ko pero mabilis na bumalik ako sa puwesto ko nang hatakin niya ang buhok ko. Bobo talaga ang isang 'to. Paulit-ulit lang niya akong sinasabunutan. Hindi ko naman siya sinasabunutan pabalik, sayang lang sa energy. Mas maraming bagay akong dapat pagtuunan ng enerhiya, kaysa ang saktan siya. Maraming bagay ang mas masakit na puwede niyang maramdaman bukod sa saktan ko siya pabalik. Bukod sa naka-save ako ng energy ko, hindi ko pa nabahiran ng madumi niyang budhi ang mga palad ko. Tumagal din ng ilang minuto iyon at wala akong ibang naririnig kun'di ang pagchi-cheer sa kaniya ng mga gaya niyang basura. Mga alipin niya, na tangang nagpapa-alipin sa kaniya, pati sa kadiri niyang boyfriend. Nakakatawa talaga ang mga tao. Talagang nagpapa-alipin sila sa mga walang utak na 'to?
Ilang saglit pa ay naramdaman kong wala na ang mga kamay ni Hana mula sa ulo ko. I don't know what happened, pero tumayo na lang ako at inayos ang sarili ko. Nakatingin lang sila sa gilid ko, na ewan ko kung bakit. Napansin ko pang nakakuyom ang kamao ni Hans bobo at masamang nakatitig sa basura na nasa gilid ko. Pero tinawanan ko lang sila na ikinalingon nila sa akin. Naglakad na ako pabalik sa likod. Oo, napadpad kami sa harapan. Lakas ng sabunot niya, pero mahina siya. Nanghihinayang kong pinulot ang baterya, screen, at takip ng cellphone ko saka bumalik sa upuan ko. Kinuha ko ang tote bag ko at lumabas na ng classroom nang hindi sila nililingon. Sayang sa oras kung lilingunin ko pa sila. Naglakad ako pababa na parang walang nangyari na kabobohan kanina sa room. May iilan na tinitingnan ako. Akala ko naman nakalabas ang mga bobong 'to, nandito pa pala. Anyways, paki ko sa mga kabobohan nila. Naglakad na ako palabas ng school at hindi na ginawang lumingon pa. Again, sayang sa oras. Malapit lang naman dito ang Free Rent housing ng school na 'to, kayang-kaya lakarin ng mga masisipag maglakad gaya ko.
Huminto na ako sa palengke para bumili ng regalo para kay Carlo. Nine na kasi siya ngayong araw, sa pagkakatanda ko.
"Magkano po rito?" Turo ko sa isang damit na may ka-partner na pants na. Ngumiti naman 'yung tindera at sinabing 250 daw. Sumilip muna ako sa wallet ko, buti na lang may 500 pa ako rito. Binili ko na 'yung damit at pants. Huminto na rin ako sa isang bakeshop at bumili ng tig 150 na cake saka monay na anim piraso. Of course hindi puwedeng walang pasalubong ang mga mahals ko.
Dumiretso na ako ng lakad papunta sa eskinita nila Manang Gina. Gaya ng lagi, maraming nakatingin sa akin.
Lagi na lang ba ganito? Ano ba ako, artista? Hindi ba sila nagsasawang tingnan ako t'wing pupunta ako rito? O pagbulungan ako, pero rinig ko naman. Mga tanga. Gaya ng lagi, hindi ko na lang sila pinansin.
'Di kalayuan ay rinig ko na ang kantahan ng mga bata na bumabati kay Carl. Huminto naman ako at pinagmasdan sila. Ang saya naman nila. Makikikain lang naman, kala mo talaga. Kunwari true, pero mamaya aawayin na ulit si Carl. Pagkatapos ay nagsiupo na nga sila na siyang pagpasok naman sa loob ng bahay ni Nanay Ami. Natanaw ko naman ang tita ni Carl na kinukuhanan siya ng litrato. Nagposing-posing naman ito kaya napangiti ako ng bahagya. Bata pa lang kasi, marunong na umawra sa camera. Ako nga hindi e. Pakshit, ipapaayos ko pa pala 'yung phone ko. Daan ko na lang sa shop mamaya. Maya-maya ay natanaw ako ni Carl kaya tumakbo ito sa akin at niyakap ako. Oo nga pala 'yung regalo at cake ko para sa kaniya.
"Nanay! Nandito po si Ate!" Tawag nito kay Nanay Ami na nasa kusina, saka bumaling sa akin "Akala ko po hindi ka makakarating Ate! Pinilit ko talaga si Nanay magpa-load para matawagan ka... teka! Nakalimutan niyo po ba ang birthday ko?" Naging malungkot ang awra nito. Kinurot ko naman siya sa pingi
"Syempre hindi, puwede ba naman 'yun? Ikaw ata ang baby Carl ko, tingnan mo nga oh, may regalo ako para sa'yo" Saka ko inangat ang mga bitbit ko na kinuha rin niya agad. Excited niya iyong binuksan at agad akong niyakap ng mapagtantong tsokolate ang cake na binili ko para sa kaniya at ternong damit at pants na matagal ko ng naririnig hinihingi niya kay Nanay Ami, na may disensyong Batman, na siyang hilig niyang cartoons.
"Super thank you po Ate! Akala ko po talaga ay nakalimutan mo na ang birthday ko. Hindi pala, dahil may birthday gift ka pa sa akin! Sobrang salamat po!" At galak akong niyakap muli "Malapit na po ang kuhaan ng card namin Ate! puwede po ba na kapag mataas ang grado ko ay damit at pants ulit ang makuha ko?" Request nito na ngumuso pa sa harapan ko at pinaglapat ang mga palad niya
Tumawa ako saka pinisil ulit ang pisngi niya "Matatanggihan ba kita?" At tuwang-tuwa niya akong niyakap
"Nako ha, nasasanay ka na sa pagbibigay sa batang 'yan" Singit ni Nanay Ami na galing mula sa kusina at may bitbit na plato "Kumain ka na muna rito. Carl, labasin mo muna ang mga bisita at kalaro mo doon" Utos nito kay Carl na siyang sumunod din agad
Tumayo naman na ako at lumapit kay Nanay Ami.
"Uhm, Nay? puw-"
"Hindi, dito ka kakain, hindi ako sigurado kung ikaw talaga kumakain ng mga pinauuwi ko sa'yo" Saad nito na dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko at mapangiti ako ng mapait "Hay nako Nicole" Sambit nito "Oo na sige na uuwian mo ang mga alaga mong aso at pusa" Napahawak ako sa braso ni Nanay Ami dahil sa sinabi niya
"Salamat po!" Masiglang sabi ko
"Pero, dito ka kakain. Kakainin mo rito ang mga ihahanda ko para sa'yo. Bubukudan ko na lang ang mga alaga mo" Anya "Oh, ubusin mo ang lahat ng iyan ha? Ay teka, 'yung cake na binili mo idagdag natin" Saka niya ako hiniwaan ng cake at inilagay sa gilid ng plato ko
"Salamat po" Mahinang sambit ko at kumain na. Medyo gutom na rin kasi ako, tubig at isang biscuit lang ang kinain ko kanina. Natapon pa nga 'yung tubig dahil siniko ng mga hunghang kanina habang iniinom ko. Mga bastos talaga.
"Kumusta nga pala ang pag a-apply mo doon sa isang convenience store na sinabi mo sa akin 'nung nakaraang linggo? Natanggap ka na ba?" Tanong ni Nanay Ami nang maupo na siya sa tapat ko at kumain na rin
"Opo Nay, 'nung isang araw pa po. T'wing alas dyis ng gabi hanggang ala singko ng umaga ang oras ng pasok ko. Kaya po mas lalo kong kailangan tambakan ng pagkain ang mga mahals ko, baka magutom kasi sila habang wala ako" Sagot ko na nagpailing kay Nanay Ami, pero tumawa rin agad
"Ikaw talaga, kaunti na lang ay magiging kamukha mo na 'yang mga aso ay pusa mo. Sigurado akong mas marami na sila ngayon. Kulang na lang din talaga ay magpatayo ka na center para sa lahat ng madadampot mo sa daan" Pangungutya nito sa akin na ikinatawa ko
Kung papayagan ako ng mundo na maging aso, why not? Mas okay pa nga 'yun kung sakali.
"Nanay Ami naman e, buti nga po ay may bahay na sila. 'Di gaya noon ay nagsisiksikan sila sa kariton, at kinakailangan ko pa sila ibigay sa mga nag-aampon, na at the end, nalaman kong p-pinapatay lang pala..." Biglang parang may tumusok sa dibdib ko.
Mga gago talaga ang mga basurang nag-anyong tao na mga 'yun. Akala ko ay nag-aampon sila ng mga hayop na walang matirahan at mapuntahan para alagaan, ang mga walanghiya, pinapatay pala. Kung makikita ko lang ulit sila? Hindi ko palalampasin ang oras at sasaksakin ko talaga sila. Mas masahol pa sila sa mga hayop.
Naramdaman ko naman ang kamay ni Nanay sa braso ko at hinimas ito saka inalis din "Sige na, hindi na ako kokontra. Basta kung saan ka masaya, doon din kami masaya. Kung anong gusto mo, susuportahan kita, namin nila Carlo at Ate Ining mo. Okay?"
Tumango naman ako at itinuloy ang pagkain ko. Talaga bang susuportahan niya ako kapag nalaman niya ang talagang gusto ko? Malamang hindi. Nagkuwentuhan pa kami ni Nanay Ami ng ilang oras hanggang kinailangan ko ng umuwi. Baka kasi gutom na ang mga mahals ko.
"Dadaan na lang ulit si Ate dito kapag wala na akong ginagawa ha?" Sambit ko kay Carl na nakatayo sa harapan ko
"Uhmmm, Ate puwede po bang kasama mo na si Siri kapag bumalik ka rito? Nami-miss ko na po siya kalaro" Saka pa pinaglapat ang mga palad niya
"Oo naman, gusto mo ba kasama pa si Procyon? para mas marami kang kalaro dito?" Bulong ko sa kaniya kaya tumawa siya "Pero quiet ka na lang kay Nan-" Hindi ko naman naituloy ang sasabihin ko nang pumasok si Nanay
"Naku, kayo talagang dalawa." Umupo ito sa harap ni Carl "Alam mo namang bawal ka sa pusa 'di ba? Bawal si Proc, si Siri na lang"
"Sandali lang naman po kami maglalaro ni Proc, Inay. Sige na pumayag ka na po pleaseeee"Pakikiusap ni Carl kay Nanay kaya naman sumingit na ako. Kinurot ko nang bahagya ang kaniyang pisngi kaya napahinga na lang ito nang malalim
"Sundin mo na si Nanay Ami. 'Wag ka mag-alala, dadalhin ko naman si Siri dito. Okay ba 'yun?" Ngumiti naman na ito at niyakap ako. Lumabas na rin ulit ito para maglaro.
Ala-syete na ata ng gabi kaya naman tumulong na ako sa pagliligpit. Natapos din naman kami agad kaya nagpaalam na ako, lalo at alam ni Nanay Ami na may pasok pa ako mamaya. May mga pinabitbit na siya sa aking dalawang plastic. Isa para sa pancit,at kanin. Ang isa naman ay sabaw ng sinigang. Minsan lang ang sinigang na 'to, lalo at hindi naman din mayaman sina Nanay Ami. Yumakap muli sa akin si Carl bago ako tuluyang maglakad palabas ng eskinita nila.
Balik ulit sa lagi kong buhay. Tahimik ulit na maglalakad at iisipin ang mga bagay-bagay. Ganun lang naman lagi, 'di ba? Pagkatapos ng sandaling kasiyahan,babalik at babalik pa rin tayo sa totoong sitwasyon natin. Gusto ko? Hindi. Hindi ko gustong bumabalik ako sa madilim at malungkot na mga bagay sa isipan ko, pero may pagpipilian ba ako? Wala. Dahil t'wing matatapos ang kasiyahan, awtomatikong nagbabago rin ang takbo ng isip ko. At ito ang kalakasan ko, ang bumalik sa dapat kong gawin sa buhay. Wala akong paki sa kalungkutan, hindi naman iyon ang pakialam ko sa mundong 'to.
Natigilan ako sa paglalakad dahil natanaw ko ang lupon ng mga basurang lalaki na nag-iinuman 'di kalayuan sa palengkeng nalampasan ko. Nakatitig lang ako sa kanilang mga walang utak habang hawak ng isa ang pusa sa kaniyang kanang kamay, at sa kaliwa naman ay isang kutsilyo. Basura lang talaga sila, at gaya iyon ng sitwasyong ito.
"Meow meow meow, Ano natatakot ka ba kitty?! hahahahahhaa!" Tanong ng basurang may hawak sa pusa
"Hiwaan mo na kasi 'yan sa leeg pare! Para may pulutan na ulit tayo!" Sigaw naman ng isa ring basura
"Ako na nga!" Sigaw naman ng isa at hinaltak ang ulo ng pusa kaya naman nagmistula itong stretchable stress reliever ng mga tanga. Itinaas na ng walang utak na nagpresinta na siyang papatay rito ang hawak niyang kutsilyo
Mga wala talagang utak. Ibinaba ko na muna sa gilid ng kalsada 'yung mga bitbit ko.Pagkatapos naglakad ako palapit sa kanila at huminto mismo sa harapan nilang mga basura.
"Kung wala na sa wisyo ang mga maliliit niyong utak. Huwag niyong idamay ang pusa na mas tao pa sa inyo" Diretsang sambit ko saka hinawakan ang pusa na siyang paghigpit naman nila ng hawak dito "Bitawan niyo na siya kung ayaw niyong abutin tayo sa sukdulan. Dahil kung papatayin niyo ang pusang 'to, sinisigurado kong mauuna kayong tatlo na mga nakalbo na nalagas na lang ang buhok dahil maski buhok niyo, hindi kinaya ang mga katangahan niyo" Pagdidiin ko na siyang nagpasama ng timpla ng mga mukha nilang hindi maido-drawing kahit pa ng professional artist. Sabagay, una pa lang masama na talaga ang mukha nila.
"Aba! Siraulo 'to ah! Hindi mo ata alam kung anong ginagawa mo bata? Baka gusto mong sa 'yo ko itarak ang kutsilyo na 'to" Pananakot ng may hawak sa buntot ng pusa.
Bata ba raw kamo?
"Tss" Napangiti na lang ako na mas kinasama ng timpla ng mga mukha nila
"Aba matapang ka talaga ah!" Angil nito ulit
"Ano ka ba pare, babae lang 'yan. Huwag nating patulan. Hindi 'yang kutsilyo mo ang dapat isalpak natin sa bunganga niya" Sambit ng kaninang nakaupo na basura at pinadulas sa mukha ko ang isa niyang daliri. Pero imbis na mainis ay nginisian ko lang ito na siyang nagpakunot ng noo niya, pero pinilit pa rin magpaka-look nakakatakot
"Meow" Ingit 'nung pusa dahil masyado na siyang nahahatak ng dalawang bobo
"Bibitawan niyo siya o hindi?" Simpleng tanong ko lang na lalong ikisama ng tingin sa akin ng may hawak sa buntot ng pusa. Masyado na siyang galit, mukha na siyang angry birds.
Finally, binitawan din nila ang pusa kaya naman kinuha ko ito. Hindi naman ito pumalag sa akin.
"Madali lang naman pala kausap ang mga basurang gaya niyo" Dagdag ko saka tumalikod. Tangka na sana akong aalis ng mabilis akong hatakin sa braso ng lalaking idinikit ang madumi niyang kamay sa mukha ko.
"Mahina naman pala e! Ang yabang-yabang kanina, wala naman pa lang binatbat!" Sigaw ng isang basura na may hawak sa ulo ng pusa kanina.
Hawak ko pa rin ang pusa habang hawak ako sa braso nitong isang lalaki. Nakangiti lang ako sa kanila at pinagmamasdan isa-isa ang mga hitsura nila. 'Di rin sila magtatagal sa mundong 'to, sigurado ako. Kung magtagal man sila, malamang 'yun ay dahil bagay sila sa basurahang 'to.

Comentário do Livro (3)

  • avatar
    ReyesEfralyn

    very nice

    11/10

      0
  • avatar
    Khent Joemar

    nice

    25/07/2023

      0
  • avatar
    Neneurot

    oh my gosh hanggang dito palang pala to sana ang kadugtong ay agad maidugtong na please nakakaexcite na ang next,... 😅😍😍 wag sana magtagal ang next....ah please................. saan na po ang next nito pls.update nyo na po. yon my next din at napakaganda na ng story,next pa 31plz.

    12/04/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes