logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Shadow Of Misanthropy

Shadow Of Misanthropy

NILYAM


000

Prologo
Para saan nga ba ang lahat ng bagay na ginagawa ko? Para saan ang mga kasiguraduhan na napanghahawakan ko sa mundong 'to, kung ang dulo naman nito ay hindi pa rin ako sigurado? Para saan ba ang buhay natin? Wala namang nakakasagot. Pero ako? Naniniwala akong dalawa lang ang rason ng buhay ko sa basurahang (mundo) kinalalagyan ko. Ang alagaan ang mga mahals ko at tapusin ang mga bagay na dapat noon pa lang ginawa ko na.
Aminado ako na naging mahina ako para lumaban, para ipaglaban ang iba. Pero ano pang silbi ng mga kahinaan ko noon kung malakas na ako ngayon? Parte sila ng pagkatao ko, pero hindinghindi na ako papadala pa sa kanila, hindi na ulit kahit kailan. Hinulma ako ng kahinaan, pero hinding-hindi ako kailanman magpapasalamat sa mga dahilan kung bakit hindi na ako mahina gaya ng dati. Hindi kahit kailan.
Maraming bansag sa akin ang mga tao. Baliw, sumpa, malas, walang kuwenta, walang silbi, bobo, tanga, mahina at kriminal. Tanggap ko 'yung mga naunang bansag, pero hindi ang huli, wala pa naman akong pinapatay. Masyado nila akong pinangungunahan. Nabansag nila ang mga iyon sa akin dahil maraming bagay akong wirdo kung tingnan sa kanila. Gaya ng hindi ko pakikipag-usap at dahil marami kasi akong bagay na pinaniniwalaan na hindi nila tanggap. Gaya ng, naniniwala akong hindi ako tao. Hindi ako dapat nandito sa basurahang kinalalagyan ko kasama ang mga basurang nagaanyong tao. Tingin ko walang totoong tao, bakit? Kasi lagi at laging mas masahol ang mga tinatawag nilang "tao" sa mga hayop. Kaya basura ang tawag ko sa kanila. Liban sa tatlong tao na tumanggap sa akin, at nagpakita ng pagpapakatao. Sila lang ang tao sa paningin ko, the rest? Lahat basura.
Ako kasi, unidentified specie. Hindi ko rin alam kung ano ako, pero kung tao o aso, mas gugustuhin ko na lang na aso ako. Mas ayos pa sila kaysa sa mga mapanlinlang na mga "tao raw", pero walang pagpapakatao, wala ring pagpapakahayop. Pagpapakabasura lang talaga. Wala talaga kong ibang maikumpira sa kanila, bukod sa basura.
Hindi naman talaga ganoon ang tingin ko sa kanila. Noon, palagi akong naniniwala na may kabutihan ang mundo, ang mga tao rito (Noong tao pa ang tingin ko sa kanila). Pero lahat nagbabago. Lahat puwedeng baguhin ng mga pangyayari, gustuhin man natin o hindi, wala tayong magagawa. Lalo kung mabalot na tayo ng hindi maipaliwanag na hinagpis.
Pero sino ba ang naniniwalang hindi ako ganito dati? Wala namang paki ang mga tao sa kung ano ang dahilan kung bakit tayo nagbago. Basta nagrereklamo lang sila, kung bakit tayo nagbago sa kanila, o kahit sa iba pa. Kaya talaga para sa akin, tao ang pinakamahinang nilalang ng tinatawag nilang Diyos. Buti na lang talaga hindi ako tao, unindentified specie galing neptune. Kung puwede nga lang mag-teleport papuntang neptune? Ginawa ko na. Kahit mataas pa ang percentage ng hydrogen element doon, ayos lang. Kahit walang interaction sa oxygen para mabuhay ang isang tao, ayos lang. Gusto ko roon, hindi naman kasi ako tao. Makikilangoy na lang ako sa mga gaya kong unindentified and undiscovered species doon. Baka nga talaga nandoon ang mga kalahi ko. Kahit mainit ang surface niya, ayos lang. Kahit lifeless pa. After ng goal ko? Puwede na rin naman ako mawala.
Puwede ba makapunta ang mga kaluluwa sa ibang planeta? Makakatipid naman ang NASA dahil hindi na kailangan ng space suit, crew cabin at mga basic needs such food. Sana puwede, gusto ko talaga makapunta ng Neptune. Baka doon ko pa mahanap ang mga totoong kalahi ko.
Nakakasawa na kasi sa mundong kinalalagyan ko. Kumbaga, mas masaya pa kausap ang mga hayop, halaman, at mga gamit kaysa sa kanilang mga "tao raw". Hindi ba sila tinataasan ng balahibo kapag sinasabi nilang tao sila, pero wala silang pagpapakatao? Pinapahiya lang nila ang sarili nila. Mga invisible ang utak at maski sila hindi malaman kung mayroon ba sila nito at the first place.
Pero kaunting panahon na lang, kaunti na lang. Iiwan ko na 'tong katawan ko, at susubukan kong makarating ng Neptune. Mas gugustuhin ko pa ang makarating doon, kaysa sa langit na pinapaniwalaan nila. Alam mo 'yun, nakakatawa kapag nagtatalo ang mga tao kung saan sila mapupunta, e hindi nga nila sigurado kung totoo ang impyerno at langit. Pero kung totoo man, sa impyerno ang hantungan nila. Ako naman sa Neptune. Hindi na bali, kapag natapos ko na ang misyon ko, kapag nagawa ko na ang bagay na dapat kong gawin, puwede na akong maging kaluluwa. Pero hindi ako mag i-stay sa basurahang 'to. Ano 'yon? Kaluluwa na nga ako, dito pa rin ako? Nasaan ang hustisya doon kung sa lugar na 'to pa rin ako babagsak. Ano 'yon? Curse Infinity? Sa mga palabas nga napuputol ang sumpa, sa buhay ko pa kaya?
Masyado ng magulo ang mundong 'to na pinapagulo pa lalo ng mga nag-aanyong tao, pero may mga sungay naman. Hindi ako naniniwala na may mabuting tao, masamang tao, oo pa. Walang mabuting tao, lahat may baho at basurang itinatago. Ang kaibahan lang, 'yung iba magaling magtago, ang iba naman tanga. At syempre ako, hindi ako kabilang sa magaling at lalong hindi sa tanga. Dahil kabilang ako sa mga sobrang galing, expertise ko na ang pagtatago ng mga bagay-bagay. Walang nakakilala sa akin, liban sa pangalan ko, at apelyido.
Just call me Nichole, an unidentified person who loves lifeless
Neptune than Earth. Di ko ginustong mapunta sa mundong 'to, kaya 'wag mo akong kontrahin. Anyway, let's meet throughout my dull story life that no one could ever tend to look back. The life that's covered by darkness with my mahals that gives me a reason to breathe, a little often. And all I know, I can live with myself, without anyone else, like I am doing it for the past 12 years of my life.
I don't need anyone beside me, I'm contented with my mahals and my goal. That's it, that' s how I live, that's when I decided to live longer. I have goal, and I have to make it through before I die. I don't care whoever gets my path. I'm gonna make it through whatever it takes. I won't let this goal unreach, not again... no matter what...

Comentário do Livro (3)

  • avatar
    ReyesEfralyn

    very nice

    11/10

      0
  • avatar
    Khent Joemar

    nice

    25/07/2023

      0
  • avatar
    Neneurot

    oh my gosh hanggang dito palang pala to sana ang kadugtong ay agad maidugtong na please nakakaexcite na ang next,... 😅😍😍 wag sana magtagal ang next....ah please................. saan na po ang next nito pls.update nyo na po. yon my next din at napakaganda na ng story,next pa 31plz.

    12/04/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes