logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter four: Your secret!

[BELLIES' POV]
Dahil sa sinabi ni Christian nalaman kong may gusto parin ako sa kaniya dahil nung sinabi niya yun bumilis ulit ang tibok ng puso ko,
"Bakit kaba ganito sakin Chris? Wag mo akong pahulugin ng husto ulit at baka iiwasan mo na naman ako ng biglaan ng walang dahilan!" sabi ko sa isip ko habang nakasimangot.
Sa kalagitnaan ng pagbyahe namin may naramdaman akong parang may gumagalaw sa tagiliran ko bigla akong humawak ng mahigpit kay Christian,
"Psst! Christian parang may gumagalaw sa tagiliran ko!" Tumingin ako kay Christian at hindi ko napigilan tumulo na ang luha ko sa kaba,
"Bellie ang nangyayari sayu? Hindi ko narinig ng maayos ang sinabi mo, bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin habang hinahawakan ang pisngi ko,
"Sa tagiliran ko parang may gumagalaw na kamay!" sabi ko at pumikit.
[CHRISTIANS POV]
Niyakap ko siya at tiningnan ang nasa tagiliran niya nakita ko ang kamay ng lalaking nasa likuran namin nung tiningnan ko ang lalaki sa likod parang sarap na sarap talaga siya sa pag hawak sa tagiliran ni Bellie hindi ko napigilan ang sarili ko inalis ko na muna ang hawak ko kay Bellie ng dahan-dahan at sinigawan ang lalaki sa likod
"Huy bastos ka ah! Alisin mo kamay mo diyan kong ayaw mong masaktan!" sigaw ko sa lalaki, at hindi niya pa talaga inalis ang kamay niya nung nakita ko ang kanyang mukha parang praning siya parang naka droga, galit na galit na talaga ako at hininto naman nung driver ang bus at dali-dali ko siyang hinatak mula sa upuan niya sinuntok ko siya ng sinuntok,
"Walang hiya ka, hinipuan mo patalaga ang girlfriend ko, alam mo ang pinakaayaw ko sa lahat ang binabastos ang mga babae!" Galit na galit kong suntok sa kaniya, inawat ako ng ibang pasahero, susuntukin ko pa sana siya ulit pero nakita kong humahagulgul sa pag-iyak si Bellie, inalis ko ang mga kamay ng mga umawat sa akin at dali-daling lumapit kay Bellie at niyakap,
"Tahan kana, magsasampa tayo ng kaso sa kaniya, wag kanang umiyak!" sabi ko sa kaniya at hinalikan ang kaniyang ulo, pero hindi parin si Bellie umitigil sa pag-iyak kaya bigla ulit akong nagalit, tumayo ako at susuntukin ko sana ulit siya pero pinigilan ako ni Bellie hinawakan niya ang kamay ko, palingon ko sa kaniya nakita kong puno ng luha ang mga mata niya kaya umupo na ako sa tabi niya at niyakap siya ulit ng mahigpit,
"Tama na please wag mo na siyang saktan!" pigil sa akin ni Bellie,
"Tumahan kana kasi, mas nagagalit ako kapag makikita kitang umiiyak eh!" sabi ko sa kaniya na parang naluluha,
"Oo na, tatahan na ako!" sabi ni Bellie,
Dahil nawalan ng malay ang lalaki hindi lang dahil sa suntok ko dahil din sa naka droga siya, wala talaga siya sa sarili niya,
"Manong sa prisinto na muna tayo manong dun na kami bababa, ibababa ko na lang sa prisinto ang lalaking ito!" sabi ko sa driver,
"Sige po!" sabi ng driver at hininto niya ang sasakyan niya sa tapat ng prisinto at nauna na muna akong bumaba at pumasok sa prisinto,
"Sir, may lalaking naka droga dun sa loob ng bus, nanghipo po siya sa isang babae!" sabi ko sa isang police at dali-dali din silang lumabas at kinuha ang lalaking nakahilatag sa sahig ng bus, pagkababa nila umakyat na ako ng bus para sunduin si Bellie, inalalayan ko siya sa paglakad pababa ng bus,
"Magreklamo na tayo sa loob!" sabi ko kay Bellie,
"Pwede bang wag na?" tanong ni Bellie,
"Hindi pwede yun, hinipoan ka niya Bellie hindi ako makakapayag na hindi siya makulong at isa pa mukhang naka droga siya, bawal sa lipunan yun diba?" sabi ko,
"Ah eh sige pumasok na tayo" sabi niya at pumasok na kami para mag reklamo.
Pagkatapos na pagkatapos naming mag reklamo lumabas na kaagad kami at nag antay ulit ng bus, habang nag aantay kami bigla akong napatingin kay Bellie may napansin ako sa likod ng tenga niya na may malaking peklat, tatanongin ko na sana siya pero biglang dumating ang bus at hinayaan ko na lang muna, hanggang makarating kami sa bahay nila ang peklat parin sa likod ng tenga niya ang iniisip ko, hanggang sa pagluto ko ng pagkain namin ganun padin ang nasa-isip ko. Alam kong nag tataka na siya kong bakit hindi ako kumikibo mula kanina hanggang ngayun pero hindi ko magawang tanongin siya.
[BELLIES POV]
Naiinis na ako dahil napaka tahimik niya, hindi ako sanay natahimik siya kaya ako na ang unang nagsalita,
"Bakit ka tahimik simula pa kanina?" tanong ko,
"Wala may iniisip lang ako," sagot niya,
"Ano ba yun sabihin mo na!" pinilit ko siyang sabihin ang nasaisip niya,
"Wala sige na kumain na tayo" sabi niya,
"Sabihin mo na kasi, sige hindi mo sasabihin hindi ako kakain!" Sabi ko sa kaniya,
"Hayst ang kulit mo, sige na nga! May nangyari bang masama sayo noog hindi pa tayo magkakilala?" tanong niya, bigla akong nagulat, dahan-dahan kong hinimasa ang likod ng tenga ko,
"Wala naman bakit mo natanong?" tanong ko habang kinakabahaan kasi baka nakita niya ang peklat sa likod ng tenga ko,
"Talaga?" Tanong niya na parang nag sususpetya,
"Wala nga, kain na nga tayo!" sabi ko sabay subo ng mabilis,
Kumain kami ng bigla kong naalala ang nangyari noon,
Naglalaro ako ng rollerblade noon nung highschool dahil ako ang naging representatitve ng school namin sa competition, sa kalaigitnaan ng laro ko bigla akong na out-balance at natumba at nagpagulong-gulong sa ginta, tumama ako sa isang matalim na sulok sa gilid ang likod ng tenga ko ay natusok doon nawalan ako ng malay, ilang araw akong walang malay sa hospital, at dahil din dun pinatigil ako ng aking mga magulang sa paglalaro. Naisip ko bigla at hindi ko gusto na may makaalam, naging masamang panaginip sakin ang nangyaring iyon.
Dali-dali akong kumain at dumiretso na sa kwarto ko,
"Tapos na ako! Mauna na akong matulog, hindi maganda ang pakiramdam ko, sige goodnight!" sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko,
"Ah! sige!" Mahina niyang sagot.
[CHRISTIANS POV]
Kahit anong isip ko sa dahilan ng peklat niya hindi ko parin mahanap ang sagot,
Pag katapos kong kumain nag ligpit na ako ng hapang kainan at tumungo na sa salas at nagpahinga.
"Ahhh! Ano ba!" Sabi ko sa utak ko at ginulo ang buhok ko.
Kailangan ko na talaga siyang tanungin, pero hindi ko magawa baka may malalim na dahilan yun at baka masaktan siya kapag iisipin niya pa ulit yun, maghahanap nalang ako ng tamang pagkakataon na mag tanong sa kanya. Sabi ko sa utak ko habang pabalik-balik ang lakaad ko sa salas.
Sa kalagitnaan ng aming pagpapahinga may nariig akong malakas na tunog na nagmumula sa kwarto ni Bellie, dali-dali akong tumayo at tumakbo patungo sa kwarto niya,
"Bellie anong nangyari sayo? Bellie buskan moto!" pasigaw kong tanong at grabi ang takot na nararamdaman ko, natagalan na ako sa pagaktok at hindi niya parin binukasan ang pinto, napilitan na akong wasakin ang pinto dahil sa takot ko, pag kawasak ng pinto nakita kong naka hilatay si Bellie sa sahig at walang malay, dali-dali akong pumunta sa kaniya at binuhat siya at ipinahiga sa kaniyang higaan,
"Bellie gumising ka!" Sabi ko habang ginigising siya, sa sobrang takot ko naiyak na ako at bigla ko siyang niyakap,
"Bellie wag mo akong iwan, hindi pa ako naka hingi ng tawad sayo sa pag-iwan ko sayo noon! Bellie gumising ka please!" pagmamakaawa kong sabi habang umiyak, napatigil nalang ako sa pag-iyak nung naramdaman kong parang gumlaw ang ulo ni Bellie at dali-dali ko ding inangat ulo niya,
"Bellie! Salamat naman at nagkamalay kana!" nabuhayan kong sabi,
"Ah-hh-h! Ano ba ang nangyari bakit ang sakit ng katawan ko?" tanong ni Bellie,
"Sa tingin ko binangungut ka at nalaglag kasa kama mo at nawalan ng malay" sabi ko at dali-daling pinunasan ang luha ko,
"Haaa talaga hindi ko maalala lahat pasensya kana pinag-alala pa kita!" sabi niya,
"At sa susunod wag kanang mag lock ng pinto kong hindi ko sinira ang pinto hindi na sana kita na abutan!" sabi ko,
"Pasensya kana talaga!" sabi niya at yumuko,
"Hayst sandali lang at kukuha lang ako ng tubig mo!" sabi ko sa kaniya at lumabas para kumuha ng tubig at may nakita ako sa tabi ng lagayan ng baso, isang papel at ang nakasulat ay tungkol sa sakit na PSTD
"PSTD?" bigla akong kinabahan na baka sa kaniya ito, baka may trauma siya at dali-dali akong bumalik sa kwarto niya at pinainom siya ng tubig,
"Uminon kana muna" sabi ko, pagkatapos niyang uminon pinahiga ko na siya ulit,
"Magpahinga kana ulit dito na muna ako sa tabi mo, baka may mangyari nanaman sayo!" sabi ko sa kaniya at himiga na sa tabi niya.
Dahil sa kakaisip ko kong may Trauma nga talaga siya o wala, hindi ko namalayan na umaga na pala at hindi parin ako nakakatulog, bumangon nalang ako at inayos ang pintuan ng kwarto niya at hindi nalang ako natulog at kinuha ko yung papel sa tabi ng lalagyan ng mga baso at dali-dali akong pumunta sa doctor kong saan nagpapagamot si Bellie mabuti nalang at nakasulat iyon sa papael at hindi na ako nahirapan pa, bago ako pumasok sa opisina ng doctor huminga namuna ako ng malalim, tapos kumatok sa pinto.
"Pasok!" sabi ng doctor,
"Magandang umaga po doc, nandito po ako para magtanong!" sabi ko,
"Ah sige, umupo kana muna dito!" sabi ng doctor,
"Sige po!" sabi ko at umupo na sa harap ng doctor,
"Tungkol saan ba ang itatanong mo?" tanong ng doctor,
"Tungkol po dito" sabi ko at ibinigay sa kanya ang papel,
"kay Bellie Santos po iyan!" sabi ko,
"Ah! Ito ba, sandali lang, gusto ko lang malaman kong kaano-ano kaba niya?" tanong ng doctor,
"Ah! eh! Boyfriend niya po ako!" sabi ko,
"Mabuti naman at may kasama na siya ngayun!" sabi ng doctor na nakapaisip sakin kong bakit,
"Ano po ba ang ibig nyong sabihin na mabuti naman at may kasama na siya ngayun?" tanong ko sa doctor habang nakakunot ang noo,
"Hindi niya ba na i-kwento sayo ang nangyari sa mga magulang niya 2years ago?" tanong ng doctor,
"Hindi po, ano po ang nangyari?" tanong ko sa kaniya,
"Namatay ang mga magulaang niya 2years ago dahil nasunog ang bahay ng mga magulang niya, hindi na niya nakita ang pagkamatay ng magulang niya dahil umalis siya noon para hanapin ang isang tao, nung nabalitaan niya nasa ospital na ang mga bangkay ng mga magulang niya!" sabi ng doctor sakin na ikinabahala ko pa ng husto kay Bellie,
"Ah ganon po ba hindi niya pa kasi na i-kwento sakin kasi ngayun lang ulit kami nag kita!" sabi ko,
"Ah ganon ba, sige balik na tayo sa tinatanong mo tungkol sa PSTD, simula pa nung high school siya ako na naging doctor niya kasi nong high school siya at nag co-compete sa roller balding contest na out-balance siya at na coma ng ilang araw, naging isang masamang panaginip na niya ito hanggang ngayun!" sabi ng doctor,
"Ganon po pala, pano po ba malalaman kong inaataki siya ng PSTD niya?" tanong ko sa doctor,
"Sa sitwasyon ni Bellie malalaman mo kong inataki sya kapag bigla nalang siya mawalan ng malay, mas malala kapag nanaginip siya dahil kapag matagalan na hindi siya magising baka ikamatay niya, kaya nga dapat palagi siyang may kasama, at ang mahirap lang dun kapag nagising mo siya ay hindi niya maalala ang mga nangyari sa kaniya kong bakit siya nahimatay!" sabi ng doctor,
"Ganon po ba, maynangyari kasi kagabi doc na hindi ko malaman kong anong dahilan, ngayun alam ko na maraming salamat po doc!" sabi ko sa doctor,
"Sige basta wag mo siyang hayaan na matulog mag-isa!" sabi ng doctor,
"Sige po doc, may hihilingin lang po sana ako doc, kong pwede po sanang wag niyo nalang sabihin kay Bellie napumunta ako dito!"  bilin ko sa doctor ni Bellie,
"Sige basta ang binilin ko lang sayo na wag na wag mo siyang pababayaan ha!" sabi ng doctor sakin,
"Sige po doc aalis na po ako!" sabi ko sa doctor,
"Sige mag-ingat ka!" sabi ng doctor at pumunta muna ako sa hotel para kunin ang mga damit ko, hindi ko na siya pababayaan ulit, dun na muna ako at tutulungan ko siyang magpagaling.
[BELLIES POV]
"Saan kaya siya pumunta at ang aga-aga" sabi ko.
Kumain na ng agahan, pagkatpos kong kumain ay nag pahinga muna ako sandali at pagkatapos ay naglinis na ako, mga 10:30 na ng umaga at nag lilinis ako sa kusina hindi parin siya dumdating,  at dahil sabado ngayon at hindi ako nag bubukas ng café kapag sabado dahil araw ng pahinga ko lalabas na sana ako para bumili ng lutuin para sa tanghalian namin pero pagbukas ko ng pinto nakita ko ang isang lalaki na naka mask dahil sa takot ko dali-dali kong ni-lock ang pinto at tumakbo papunta sa kwarto ko at nagtago sa ilalim ng kama, rinig ko na parang pinipilit ng lalaki na buksan ang pinto at dahil sa takot ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko sa pag-iyak, dahil minamalas ako pagkuha ko ng cellphone ko sa bulsa ko nakita kong basag na ito at hindi na umaandar, naipit ko nong dali-dali akong nagtago sa ilalim ng kama, wala akong magawa kaya manahimik sa ilalalim ng kama at antayin na dumating si Christian.
[CHRISTIANS POV]
Habang nag babayahe ako parang may naramdaman akong hindi maganda at pagbaba ko ng bus dali-dali akong tumakbo papunta sa bahay ni Bellie.

Comentário do Livro (24)

  • avatar
    Jinalyn Galang

    It's nice

    14d

      0
  • avatar
    Cyrus Digal

    Very nice

    07/07

      0
  • avatar
    Apple Rose Bulilan

    thank you bery much

    05/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes