logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter two: My way to find you!

Pagkatapos na pagkatapos kong mag college ay nag trabaho ako bilang isang Assistant Manager sa Business Management Company at dahil Business Management ang cursong kinuha ko nung college ay madali lang akong na promote bilang isang assistant manager at habang nag ta-trabaho ako ay pinapagaw ko rin ang LIBRARYCCAFE ko, dahil pangarap ko talagang mag patayo ng sarili kong café na punong-puno ng libro. Pagkaipon ko nga sapat pera at naging stable nadin ang status ng akin LIBERARYCAFE ay nag resign na kaagad ako para ipalago ang aking café. Dahil din sa tulong at awa ng dyos naging successful ang café ko, nakapag-patayo ako ng maraming branches dito sa Pilipinas at sa iba pang mga lugar.
ON THE INTERVIEW
"Hello Miss Rid, so what are your secrets on managing your own business and made it as a famous café in the Philippines?" Tinanong ako ng journalist,
"Haha! Wala naman po akong secreto!" Pahiya kong sagot,
"Pero talagang saludo kami sayo dahil napakasipag mo at hindi lang dahil dun napaka matulongin niyo pa!" Sabi ng reporter,
'Ah-eh, salamat po sa iniyo!" Sabi ko kasabay ng malaking ngiti sa aking mukha.
[AUTHORS POV]
As of this moment the both of them are doing the same thing
[CHRISTIANS POV]
"Hello Mr. Gil, ano ba ang sekreto mo sa pagpapalago ng iyong restaurant? At sa pagkakaalam namin ay nakapag patayo ka na rin daw ng Maraming skate park sa ibat-ibang sulok ng bansa!" Tanong ng journalist sa akin,
"Wala naman akong secreto, pero may isa akong inspiration para mapaganda at mag patayo ng restaurant at skatepark sa ibat-ibang sulok ng bansa!" Sabi ko na may malaking ngita sa aking mga labi,
"Wow hmm ano ba yung inspiration niyo? Tao ba? Bagay? Kong okay lang po sa iyo na sagutin ang tanong na ito!" Tanong ng reporter sa akin,
"Siya ang babaeng laman ng puso ko simula nung nag-aaral palang kami!" Hindi na ako ng dalawang isip na sagutin ang tanong niya,
"Wow pwede po bang malaman ang pangalan niya?" Tanong ng reporter,
"Huwag muna ngayon, dahil hindi ko pa siya nakakasama ulit!" Sabi ko,
"Oh! Okay po Sir Gil. Thank you po sa pag sagot sa lahat ng mga tanong namin!" Sabi ng reporter,
"So ayun na ang hinihintay niyong sagot mga binibini, ang inyong pinapangarap na ginoo ay may nagmamayari na..."
Habang tinatapos ng reporter ang kanyang binabalita ay dali-dali na akong pumunta sa iskwelahan kong saan kami nag-aral ni Bellie at tumungo ako sa skate park at umupo sa kinauupuan ni Bellie noong una naming pagkikita. Makalipas ang ilang taong hindi kami nagkita ay palagi akong pumupunta dito sa luagar na ito,
"Alam mo Bellie marami akong gustong i-kwento sa iyo!" Sabi ko sa utak ko habang naka tingin sa langit.
At ngayung nakapagawa na ako ng ilang skate park dito at isa na rin akong coach sa mga batang gustong mag-aaral mag skate dito saming lugar, nag pagawa ako ng maraming skate park sa ibat-bang sulok ng bansa para mapadali ang paghahanap ko sa kaniya, pag katapos naming mag kolehiyo ay ginawa ko talaga ang lahat para makapag patayo ako ng restaurant na papalaguin ko at makapagawa ng maraming skate park, noong una skate park lang talaga ang plano ko pero dahil kay Bellie nagkaroon ako ng inspiration para maibahagi ang galing ko sa pagluluto siya ang unang nakatikim ng niluto ko at dahil sa pinuri niya ang luto ko noon nakaroon ako ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang business ng pangalawa kong ama dahil sya ang nagturo sa akin kong pano mag luto.
Hanggang ngayon hindi ako sumusuko na hanapin si Bellie. Halos araw-araw akong lumilibot kong saan para lang hanapin siya. Isang araw umulan at nasa kalagitnaan ako ng aking paghahanap, may nakanakaw ng aking pansin na isang café sobrang ganda ng pagkaayos, napansin ko rin ang isang roller skate nanakasabit sa bintana kaya na isip ko na baka ang may ari nito ay nag lalaro din ng skating, pumasok ako ang bango-bango ng kape nila kaya nag order ako at kumuha ng libro, ang librong binabasa ko ay parang magkapariho ng nangyari samin ni Bellie noon kaya na siyahan ako, pag dating ng kape ay tinikman ko kaagad na sarapan talaga ako, kaya nag disisyon akong dito na muna magpalipas ng gabi ang sarap-sarap sa pakiramdam dito sa loob ng café, komportableng-komportable ako dito, maya-maya lang ay may lumapit sa akin,
"Hello po sir, napansin ko lang po na parang kanina niyo pa binabasa ang librong sinulat ko?" May isang babaeng nagsalita sa tabi ko at may bigla akong naramdaman na kakaiba, na para bang kilala ko siya, hindi ko nagawang tumingin sa kanya.
"Ah pasensya na, sige aalis na ako salamat at ang sarap ng kape niyo didto!" Sabi ko habang naka yuko at dali-daling umalis.
[BELLIES POV]
"Bakit kaya nag mamadali iyon? Hindi ko naman siya pinigilan sa pagbabasa, magtatanong pa nga sana ako!" bulong ko sa sarili.
At niligpit ang kaniyang ginamit, mga ilang araw din ang lumipas napansin ko na palagi siyang pumupunta dito at sa parehong table siya umuupo at parehong libro din ang binabasa niya, isang araw nilapitan ko siya,
"Hi po sir! Pwede pong magtanong?" tanong ko sa kaniya,
[CHRISTIANS POV]
"Oo naman!" Sagot ko, nag disisyon akong kausapin ang babaeng ito dahil parang may iba akong nararamdamang sa kaniya,
"Bakit po palagi niyong binabasa yang librong yan?" Tanong niya at umupo sa harap ko,
"Ah, kasi itong 'Cant see any reason why you left me!' na libro ay parang kapareho nung nangyari sa akin!" sagot ko,
"Ah, ganon po ba? Sige po!" Sabi niya na parang may lungkot sa mga mata niya at bigla nalang umalis.
[BELLIES POV]
"Hmmm akala ko ako lang ang may ganong experience, sana okay lang siya!" Sabi ko sa sarili ko pagkapasok ko sa office ko, na para bang nasasaktan ako, hindi ko alam kung naaawa baa ko sa kaniya o nasasaktan ako dahil parang may kakaiba akong nararamdamang sa kaniya na hindi ko alam.
Ilang araw and lumipas ay palagi ko parin siyang nakikita sa café, hindi ko alam kong bakit parang hindi ko siya kayang tignan,
[CHRISTIANS POV]
"bakit ba kayang parang may pumipigil sa akin, para bang may tumutulak sa akin na pumunta palagi dito, at bakit parang ayaw ko ng umalis pa dito?" Laman ng utak ko na parang hindi ko na alam ang gagawin ko, palagi akong nasa café pero hindi ko magawang tignan yung may-ari.
"Waiter!" Tinawag ko yung waiter,
"Ano po ang maitutulung ko sa inyo?" tanong ng waitress,
"Pwedeng magtanong?" Tanong ko,
"Oo naman po! Ano po yjn?" Sabi ng waitress,
"Ah, Bakit kukunti lang nung cake na binebenta niyo?" Tanong ko,
"Ah! Hindi nga din po namin alam, pero may araw na naka pag sabi si Ma'am noon na may alam daw siyang magaling magluto, kaya baka inaantay niya pa yung taong yun!" Sabi nanb waitress,
"Auh okay! maraming salamat!" Sabi ko kasabay nang malaking ngiti sa nga labi ko at dahan-dahang tumayo at lunakad para lumabas nung café.
Habang papalapit ako sa pinto ay may naramdaman akong inis, na hindi ko naman alam kong ano ang dahilan,
"Sorry!" Sa sobrang pag-iisip ko ay may nabangga akong lalaki,
"Okay lang yun!" Sabi ng lalaki at lumabas na kaaagad ako.
[BELLIES POV]
"Hi Rid!" Sigaw ni Mike sa akin,
"Oh Mike napadalaw ka?" Sabi ko,
"Hindi naba ako pwedeng pumunta sayo dito?" Biro ni mike sa akin,
"Syempre pwedeng-pwede, eh pano ang companya mo sino ang umaasikaso ngayon?" Tanong ko sa kanIya,
"Nan doon naman ang kapatid ko, nakalimutan mo na bang dalawa kaming mag kapatid ang nag papatakbo ng companya?" Sabi niya,
"Ah oo nga pala si ate Nica pala ang isang CEO ng companiya niyo!"abi ko,
"Pwede ko bang mahiram ang oras ng pang-apat babae sa buhay ko?" Tanong niya sa akin,
"Syempre naman ikaw pa!" Sagot ko, at umupo na muna siya sa gilid at hinintay ako, pagkatapos kong mag ayos lumabas na agad kami.
[AUTHORS POV]
Wala silang kaalam-alam na nagkita na silang dalawa, dahil nga Maraming nag-iba sa kanila hindi nila agad nakilala ang isa't-isa
[CHRISTIANS POV]
"Rid!" sigaw ng isang lalaking papasok sa loob ng café,
"Rid? Teka parang pamilyar sa akin ang pangalang ito ha!" Bigla akong napaisip.
Bigla kong naalala si Bellie at bigla ring pumasok sa isip ko ang buong pangalan niya, kaya bigla akong kinabahan.
"Kung si Bellie nga talaga ito, ano niya naman ang lalaking ito?" Laman ng isip ko,
"Bellie Rid P. Santos!" Malakas na sigaw ng lalaki na ikanagulat ko ng matindi.
"Huy mike bakit kaba sumisigaw diyan ang daming tao! Haha!" Rinig kong sabi ng babae kasabay ng pagtawa niya,
Naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila at hindi ko alam kong ano ang gagawin ko at ang masakit pa ay
"Alam mo bang matagal na kitang gusto?" Rinig kong sabi ng lalaki.
Kaya hindi ko, tinadyakan ko yung trash can sa tabi ng entrance,
"Haha! Bellie andito ka lang pala!"
"Haha! At mukhang masaya ka naman. Bellie sorry!" Sabi ko sa utak ko.
"Haaa!" Malakas kong sigaw habang tumatakbo kasabay ng pag daloy ng mga luha sa mukha ko, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko at hindi ko alam kong saan ako pupunta. Kaya nung nakita ko yung mga barkada ko na naglalaro sa skate park ay lumapit ako at dahan-dahan kong pinupunasan ang mga luha ko,
[BELLIES POV]
"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko kay mike,
"Hindi ko alam haha! baka na inis siya sa akin dahil ang lakas ng boses ko!" Patakot na sabi ni mike,
"Haha! ang negative mong mag-isip, hayaan mo na yun, at bumalik na tayo sa ginagawa natin, kung hindi baka hindi mo magawang pasagotin si Sam!" Tinakot ko siya, pero ang laman ng isip ko yung lalaking iyon, hindi ko makita ang dahilan bakit grabi ang pag-aalala ko sa kaniya.
[CHRISTIANS POV]
"Bakit ganito sya maglaro ngayun parang hindi sya takot na mamatay?" bulungan ng mga kaibigan ko sa gilid,
"Hoy, wag niyo akong pag-usapan diyan alam kong pinag-uusapan niyo ako manahimik kayo diyan!" Sigaw ko sa kanila, at nag-laro na ako ng nag-laro na parang wala ng bukas, punong-puno na ako ng pawis ang aking katawan, wala na akong pakialam kong ano pa ang mangyari sakin. Makalipas ang dalawang araw na hindi ako lumabas sa condo ko ay na pag-isaipan kong pumunta sa café ni Bellie para humingi ng tawad at para makausap ko na siya ulit, pagpasok ko palang sa pinto ng café niya nakita kong parang takot ang isang waitress sa akin at dali-daling pumunta patungo sa office ni Bellie.
[BELLIES POV]
"Miss excuse me po, nandito po yung lalaking tumadyak sa trash can." sabi sakin ng isang waitress,
"Ow, mabuti naman at bumalik siya, pwede mo ba siyang papuntahin dito?" sabi ko sa isang waitress,
[CHRISTIANS POV]
"Pano ko kaya siya kakausapin natatakot ako at nahihiya sa kanya!" sabi ko sa isip ko, nakita kong patungo sa direction ko ang waitress,
"Sir, excuse me po sir pwede po daw ba kayong makausap ni miss Bellie dun sa office niya?" Tanong sa akin ng waitress,
"Ah-eh, sige!" Nahihiya kong sabi,
"Sige po sir, sama po kayo sa akin" sabi niya,
At tumungo na kami sa office niya, kumatok ang waitress, kasabay ng pag katok nya ang tibok ng puso ko dahil sa hiya at takot kong nararamdaman,
"Miss excuse po, nandito na po siya miss" sabi ng waitress,
Biglang na tulala ako ng nakita ko na si Bellie ng harapan, bumibilis ang tibok ng puso ko, hinay-hinay akong pumasok at umalis na ang waitress, Isinara ko ang pinto at pumunta sa harapan ng mesa niya,
"Miss, bakit nyo po ako pinatawag?" tanong ko sa kanya,
"Umupo ka muna!" sabi nya,
"Ah sige!" sabi ko,
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong nya sakin,
Nagdadalawang isip ako kong sasabihin ko ba ang pangaln ko o hindi,
"Sir, bakit kayo na tulala?" sabi niya sa akin,
Hindi ko namalayang natulala ako,
"Gil po ang pangalan ko!" Sabi ko hindi ko alam kong anong gagawin ko, hindi ko alam kong pano ko siya yayayaing lumabas para makapag usap kami dahil may kasalanan ako sa kanya,
"Gil, bakit mo biglang tinadyakan yung trash can ko noong nakaraang araw? May problema kaba? Pwede mong sabihin sa akin, handa akong makinig at dahil isa karin sa mga taong palaging pumupunta dito, kaya gusto kong malaman ang problema mo!" Sabi ni Bellie at nakita kong hindi siya nag bago pagdating sa pag-aalala para sa ibang tao,
"Opo pasensya na po, yun nga po ang pinunta ko didto miss!" sabi ko,
"Ah, bakit mo naman na gawa yun?" tanong niya,
"Pasensya na po, Bellie!" nadulas ako tinawag ko siya sa pangalan, nakita ko sa mukha niyang gulat na gulat siya nung sinabi ko yung pangalan niya,
"Oh! Kilala mo ako?" Tanong niya sa akin,
"Ah-eh kase narinig ko yun sa mga tao sa labas!" Nagsinungaling ako hindi pa ako handa na magpakilala,
"Bellie naalala mo pa ako? Ako to si Christian pasensya kana wala akong lakas ng loob para kausapin ka. Bellie pasensya kana at hindi ko pa kayang magpakilala sayo, sa totoo lang gustong-gusto kitang yakapin ngayon, pero hindi ko kaya!" Sabi ko sa utak ko habag nakatitig sa kaniya.
"Bakit parang naluluha ka?" Tanong niya sa akin,
"Wala ito may naalala lang ako!" sabi ko,
"Okay! Sige balik tayo sa usapan, bakit mo nga pala nagawa yun?" tanong niya sa akin,
Nagulat ako wala akong maisip na dahilan, nataranta ako,
"Ah-ah, nong araw kasi nayun may bigla lang akong na isip na ikinagalit ko pasensya kana talaga!" nag sinungaling ako,
"Ah ganon ba, basta wag munang uulitin yun" sabi niya sa akin,
"Sige Bellie alis na ako pasensya kana talaga!" sabi ko sa kaniya, at dali-dali akong lumabas, hindi ko pa talaga kaya na kausapin siya ng matagal nahihiya talaga ako sa kaniya kaya umuwi na muna ako.

Comentário do Livro (24)

  • avatar
    Jinalyn Galang

    It's nice

    14d

      0
  • avatar
    Cyrus Digal

    Very nice

    07/07

      0
  • avatar
    Apple Rose Bulilan

    thank you bery much

    05/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes