logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

TAKING CARE OF HIM (Scheherazade)

       "Markhiel, napatawag ka?" I smiled from ear to ear while waiting for Markhiel's answer.
Napangiti ako dahil okay na kami ulit. We had a talked yesterday and it seems that we're good. Hindi naman sa nag-away kami pero ilang buwan din kaming hindi nakapag-usap ng maayos, so nu'ng nag-usap kami kahapon ay mukhang bumalik na kami sa dati. Wala na 'yung awkwardness sa pagitan naming dalawa.
Naghintay ako na sumagot siya pero wala akong nakuhang sagot mula sa kabilang linya.
      "Markhiel?" I called him once again.
      "H-Hera.." Hirap niyang sambit sa pangalan ko.
Kumabog ang dibdib ko. "Markhiel? Markhiel? Ayos ka lang ba?" There was concern in my voice.
May narinig akong kalabog sa linya ni Markhiel bago mag-end 'yung tawag. Oh God! What is happening to him? Bago pa ako mag-isip ng masama ay dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumakbo papalabas ng bahay.
      "HERA!! WHERE ARE YOU GOING?"
Narinig ko pa ang sigaw nila Mommy at Daddy sa akin pero hindi ko sila nilingon at sumigaw ako pabalik.
       "IN MARKHIEL'S HOUSE."
Nakita ko si Mang Eric na nakatayo sa kotse kaya nang mapansin ako ay pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya sumakay sa driver seat. Sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa bahay nila Markhiel.
Because of nervousness, I subconsciously ate my nails. Mannerism ko na ang pagkagat ng mga kuko ko sa kamay kapag kinakabahan. And I am nervous right now because I don't have any idea what happened to him.
Ilang minuto rin bago kami nakarating sa labas ng bahay ni Markhiel.
I faced Mang Eric and say, "Pakihintay nalang po ako rito, babalik din po ako agad."
And then he replied, "Sige po Miss."
Hindi na ako nag-door bell pa dahil nakita ko namang bukas ang gate ng kaunti kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay. Wala man lang akong nakitang kahit isang tao sa loob so I immediately run towards Markhiel's room na nasa second floor.
Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya. I knock three times. "Markhiel?" I called him but he did not answer.
So I decided to opened the door and there, I saw a man lying on the floor. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya. I tap his face to wake him up but no response from him. Doon ko lang nalaman na sobrang taas pala ng lagnat niya ng madikit ang kamay ko sa mukha niya.
      "God, you're sick. Ang init mo." Bulong ko. "Markhiel? Come on, wake up."
Dahan-dahan ko siyang ginigising hanggang sa imulat niya ang mga mata niya.
      "H-Hera....you're here." He said weakly.
May pag-aalala akong tiningnan siya. Hindi niya alam kung gaano ako ka-worried sa kanya kanina ng marinig ko ang kalabog.
       "Yes, yes. I'm here." I smiled but my concern for this man was still there, written all over my face. "Can you stand? I'll help you to lay in bed." Mahinahon kong sabi.
Nahihirapan siyang tumayo kaya todo alalay ang ginawa ko para hindi siya bumagsak sa sahig kahit hirap na hirap ako dahil sa bigat niya. But I was able to put him to bed. Kinumutan ko siya at sinipat ang noo niya kung gaano ito kainit. Ang taas talaga ng lagnat niya. I need lukewarm water to wipe him to make him feel better.
Tumayo ako pero hinawakan niya ako sa pulsuhan dahilan para lingunin ko siya. His eyes still closed. I sat beside him.
      "Don't leave me here, Hera. Please." He pleaded.
I sighed. "I will not leave you here, may kukunin lang ako sa baba then I'll be right back." I comb his hair using my fingers. It helps him to relax.
      "Come back right away, okay?" He opened his eyes and looked at me.
Napangiti naman ako dahil ang cute niya kapag ganito siya, naglalambing. I kissed his forehead before I left the room and went down the stairs. Dumiretso ako sa kusina at nag-init ng tubig. Nagluto na rin ako ng lugaw para magkalaman ang tiyan niya bago siya uminom ng gamot. A few minutes passed, bumalik din ako agad sa kwarto dala-dala ang maligamgam na tubig, lugaw at gamot. Pagpasok ko ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog.
Lumapit ako sa kanya at mahina ko siyang tinapik sa pisngi para magising at hindi naman ako nabigo dahil nagising nga ito.
       "Nagdala ako ng lugaw at gamot mo. You need to eat before you take the medicine. And also, you need to change your clothes."
He shook his head. "I don't want to eat. Nahihilo ako."
      "But you need to eat Markhiel para may laman 'yang tiyan mo kapag uminom ka na ng gamot."
Bumangon siya pero napahiga ulit dahil hindi pa niya kaya ang sarili niya so I help him out. Isinandal ko siya sa headboard.
       "I can't move both of my hands." He pouted. Napangiti ako habang umiiling-iling sa pagiging childish niya.
       "It's okay, I'll feed you." Inabot ko ang lugaw na ako mismo ang nagluto at sumandok ng kaunti. Hinipan ko muna ito bago isinubo sa kanya. "How was it?"
He drank some water before answering. "Wala akong malasahan, I'm sorry."
Ngumiti ako. "It's okay, may sakit ka kaya wala ka talagang malasahan but at least try to eat up this porridge so you can take the med."
      "Okay. Thank you Hera for taking care of me, and for not leaving me." Pasasalamat niya.
Ngumiti ako bilang tugon at ipinagpatuloy ang pagpapakain ko hanggang sa maubos niya ang lugaw sa mangkok at pinainom ng gamot bago ko ito pinagpahinga ulit. He need to rest para bumaba ang lagnat niya.
I sat in the chair next to his bed and I stared at him while his peacefully sleeping, until I remembered something important I was going to do today. Napatayo ako at hinanap ang phone ko. Kinapa ko ang pantalon ko pero wala akong makapa na cellphone. I search the phone inside my bag pero wala ito.
      "Baka nasa kotse." Kausap ko sa sarili ko.
I was about to leave his room once again when I heard him groaned. Bumaling ang tingin ko sa lalaking nakatingin na pala sa akin ngayon.
      "Nagising ba kita?" I asked him but he did not answered my question, instead he answered me a question.
     "Where are you going?" He innocently asked me.
Bumalik ako sa kama. "Kukunin ko lang ang phone ko sa baba. I need to call your parents to tell them that you are sick. I'm sure mag-aalala sina Tita at Tito sa 'yo." Paliwanag ko.
      "You don't have to go downstairs, you can use my phone." Turo niya sa phone niya.
      "Yes, but.." hindi ko masabi na kailangan kong pumunta ng university dahil ngayong araw pala ang event sa school. First day of the Intramurals week and today is the day for the program we have prepared.
      "Hera, please.." he hold my hand and looked at me in the eyes. "Please, stay with me. I need you Hera." He beg.
Damn! Anong gagawin ko? I need to be in the school, but how about Markhiel? I can't leave him here all by himself. He's sick.
I bite off the loose skin on the inside of my cheeks because I don't know what to do. I can't decide.
      "How about, I'll get my phone in my car first and I'll be right back then we'll talk?" I asked.
Dahan-dahan siyang tumango sa sinabi ko at lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko hanggang sa tuluyan na niya akong pinakawalan.
      "I'll be right back, okay." He nodded weakly.
Tuluyan na akong lumabas sa silid niya at dire-diretso sa labas kung saan ko iniwan si Mang Eric. I saw him leaning against the car while crossing his arms. At nang makita ako ay agad itong napatayo ng maayos.
      "Miss, pupunta na po ba tayo sa school?" Tanong niya sa akin ng makalapit ako.
Umiling ako, "No Mang Eric, Markhiel needs me right now. He's sick and I don't want to leave him here." Paliwanag ko bago ko buksan ang pinto ng kotse kung saan ako nakaupo kanina. And there, I saw my phone.
Lumabas ako sa kotse at napatingin sa matandang lalaki nang magsalita ito. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha habang nakakunot pa ang noo nito na halatang hindi niya alam kung bakit ganun ang sinabi ko.
      "Pero paano iyong program na sinasabi niyo Miss. May 30 minutes nalang kayo para makahabol."
I looked at him and smiled bitterly. "I don't know what to do, Mang Eric." Frustrated kong sabi. "I just can't leave Markhiel alone, but it’s really unprofessional for me and irresponsible to leave my professor and Lock hanging expecting me to come."
I took a deep breath. Naguguluhan ako and the same time, I feel guilty dahil inaasahan nga ako ni Miss de Leon na makaka-attend ako at hindi ko rin kayang iwanan sa ere si Lock. He will hate me for betraying him, especially for not keeping my promise. Jesus Christ!
       "Miss, hindi mo naman kailangang pumili." Mabilis akong napatingin sa matandang lalaki na may ngiti sa kanyang labi. "Si Sir Markhiel po may private doctor, maaari ninyong tawagan para hindi na po kayo mag-aalala sa kalagayan niya."
At dahil sa narinig ko na sinabi ni Mang Eric ay bigla akong nakahinga ng maluwag at napangiti. Bakit hindi ko naisip 'yun agad? And because of my happiness, I hug him so tight just enough for him to know that I am thankful that his here. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin bago niya ako tinapik sa balikat. Bumitaw ako sa yakap at ngumiti ng matamis sa kanya.
      "Thank you po, Mang Eric."
He smiled. I left him there and I ran inside the house while dialing the number of Markhiel's parents. Sinagot naman nila ang tawag at walang paligoy-ligoy na kinwento ko sa kanila ang nangyari kay Markhiel bago ako pumasok sa kwarto. Nakita ko itong gising pa rin at mukhang hinihintay akong bumalik. Nang makita niya ako ay sumilay ang ngiti sa labi niya pero mababakas ang lungkot sa mga mata niya.
       "Akala ko hindi ka na babalik." Malungkot na wika nito.
Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa gilid ng kama. "Why would I do that? Kapag aalis ako ay magpapaalam pa rin naman ako sa 'yo." I replied.
Yumakap siya sa beywang ko na ikinagulat ko pa pero natauhan din agad at hinawakan ang braso niyang nakayakap sa akin. Ramdam ko pa rin ang init ng katawan ni Markhiel, at mukhang hindi pa rin bumababa ang lagnat niya.
      "I called your parents," panimula ko. Hindi siya sumagot, so I continued. "They said that they can't go home right away so tinawagan nalang nila 'yung private doctor mo para alagaan ka and to make sure na lagnat nga lang ang sakit na meron ka."
He sighed. "Are you leaving?"
      "Yes, I need to go to school."
He looked up at me. "But why?"
     "Because I need to be there. Founding anniversary ng S.U right?"
He nodded and pouted. "Can you stay for awhile?"
Ang lambing talaga ni Markhiel kapag nagkakasakit. Para siyang bata. Mabuti nalang at sanay na ako sa kanya. I am the one who always took good care of him if he's sick, kaya nasanay na ako sa attitude niya kapag nagkakasakit siya.
      "Yes," maikling tugon ko. "Pero aalis ako kapag dumating na ang doctor mo, okay?"
Tumango siya and answered, "okay."
I comb his hair once again to help him relax and for him to sleep. I also hummed a song for him to sleep immediately. Pero hindi ko inaasahan na pati ako ay makakatulog. I also fell asleep.
~*~
Mabilis ang hakbang na ginagawa ko papunta sa AVR kung saan ginanap iyong program. Naramdaman ko ang pawis sa noo at palad ko. I'm so fucking nervous right now. Alam kong wala na akong maabutan pero nagbabakasali na sana, sana ay hindi pa tapos 'yung program. Pero bigo nu'ng makapasok ako dahil wala ni isang tao o estudyante man lang ang naririto.
      "Oh my God!" I exclaimed.
I was so stupid that I let myself fall asleep. Paano ako haharap nito kay Ms. de Leon? Lalo na kay Lock. I'm doomed. Naiiyak ako, napaka-irresponsable ko naman.
Napabuga ako ng hangin at inayos ang sarili. Kailangan kong harapin ang magiging consequence ng ginawa ko. I'll accept the punishment na ipapataw sa akin ni Ms. de Leon and I know how disappointed she was to me, for being irresponsible student.
Naglakad ako papunta sa office ni Miss. Habang palapit ako ng palapit sa opisina niya ay ramdam ko ang kaba sa dibdib ko, and I am trembling. Nasa harapan na ako ng pinto ng opisina at huminga muna ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses sa pinto. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pinto nang sinabi ni Miss na pumasok na ako.
Pagpasok ko ay ramdam ko ang lamig sa office ni Miss de Leon dahil sa aircon at ang nararamdaman kong kaba habang nakatayo sa harapan niya. I am guilty because I know that it was my fault. She's not looking at me because she's busy writing on something.
I took a deep breath before I spoke. "M-Miss.." I call her to get her attention but she didn't even looked up at me.
      "I thought you had no intention of showing up in front of me after what have you done, Nefeltri."
Napaigtad ako ng magsalita bigla ang propesora ko at sa lamig ng boses niya. Nahihimigan ko ang pagkadismaya niya sa akin. Napayuko nalang ako nang nagtaas ito ng tingin at tinititigan ako. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Masyado itong malamig at nakikita ko na hindi niya nagustuhan ang ginawa kong pag-iwan sa kanila sa ere.
Sino ba naman ang matutuwa na hindi ako nakarating sa event dahilan para mapahiya si Miss de Leon?
       "I..I'm deeply, truly, and sincerely sorry Ma'am." I hold my breath while saying it.
I heard her take a deep breath. "You have a valid reason naman diba? That's why you didn't come?" She seriously asked me.
Valid reason?
       "Yes Ma'am. My friend was sick and he was alone at home when I went to see him. Pupunta po sana ako rito but I am not a heartless person to leave him alone while he was sick. And I'm sorry Ma'am, hindi ko talaga sinasadya ang ginawa ko. He needs me." Mahabang lintanya ko.
Totoo naman ang sinabi ko kahit nagsinungaling ako ng kaunti. I can't tell her that I fall asleep while waiting for Markhiel's doctor. That's really not an excuse.
Taimtim niya akong tiningnan kung nagsasabi ba ako ng totoo o gumagawa lang ako ng kwento. Nakipagtitigan din ako sa kanya pero muntik na akong umiwas dahil nandito pa rin 'yung guilt na nararamdaman ko dahil sa ginawa kong pagsisinungaling sa totoong nangyari kung bakit ako hindi nakarating. But I was able to look at her, not even blink for a second.
       "Okay, I believe you." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Miss. "But I'm not the only one you need to apologize to, Nefeltri." She said.
I know, Miss. Pero gusto kong malaman kung anong nangyari sa program nu'ng hindi ako nakarating. Anong ginawa ni Lock? Umalis ba siya o pinagpatuloy niya ang pag-perform kahit wala ako?
       "Thank you Ma'am. Pero gusto ko pong malaman kung anong nangyari sa program kanina nu'ng hindi ako nakapunta?" Nag-aalalang tanong ko.
Napangiti ng kaunti si Miss de Leon at hindi ko alam kung bakit. Diba dapat nalungkot siya dahil nasira ang hinanda niyang program ng ilang linggo tapos masisira lang dahil sa katangahan ko?
       "It was unexpected but someone saved him from embarrassment." She paused and looked at me seriously. I gulped by the way she stared. "You should really apologized to him, Nefeltri. Muntik mo na siyang pinahiya sa harap ng maraming tao. Sana man lang tumawag or nag-text ka na hindi ka makakarating para hindi kami magmumukhang tanga kakahintay sa 'yo at umaasang makakarating ka." And there, the guilt never completely left. The image replayed itself in my mind, and guilt flooded me.
        "Ma'am, I'm deeply sorry for what I did. I know that it was my fault, so tinatanggap ko po ang magiging punishment ko po." After kong sabihin iyon ay yumuko ako dahil sa sobrang kahihiyan.
Ramdam ko naman ang pagtayo niya at pumunta sa harapan ko while leaning herself in the table.
       "You're forgiven, Nefeltri. Just...Next time text us if you have an emergency para ma-inform kami na hindi ka makakarating. Okay?"
Umangat ang tingin ko sa nakangiti kong propesora dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang na-realized na sobrang bait at napaka-understanding talaga ni Miss de Leon. Napangiting tumango naman ako sa kanya ng sunod-sunod. Nawala na rin ang kaunting bigat sa dibdib ko dahil naintindihan ako ni Miss. I hope he is not that mad at me.
       "Yes Ma'am, hindi na po ito mauulit." Seryoso kong saad sa kanya.
Bumalik ulit ito sa pagkakaupo. "This is the first and last, Nefeltri. Ayaw kong maulit muli ito."
       "Hindi na po Ma'am."
       "Okay. Now, all you have to do is apologized to Zeigler."
I nodded. "I will, Miss. Saan ko po siya makikita?" I asked her.
      "I don't know where he is right now. Ang alam ko lang ay umalis siya agad after his performance."
Baka nasa private place niya or sa Music Room. I-che-check ko nalang parehas ang dalawang lugar na iyon para sure.
Nagpaalam na ako kay Miss de Leon at lumabas sa office niya na may ngiti sa labi. At least she's not that mad at me. Na-disappointed lang siguro dahil sa ginawa ko. Binatukan ko ang sarili ko dahil ang tanga-tanga ko. Bakit ko ba kasi nakalimutang mag-text kay Miss kanina? Bakit kasi nawala rin sa isip ko ang bagay na 'yun? How stupid I am? Kaya nga hinanap ko ang phone ko para mag-text kay Miss pero damn, ang stupid ko talaga para makalimutan ko ang importanteng bagay na iyon.
Kumaliwa ako papunta sa Music Room pero parehas na naka-lock ang pinto, ibig sabihin ay wala siya rito. So it means, he's in his private place or he's already home? Naglakad ako papunta sa pinakalikod nitong building hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko na namamangha pa rin sa ganda ng garden na ito. This place is really fascinating.
Hinanap ng mga mata ko si Lock hanggang sa makita ko siya sa gilid nitong garden at nakaharap ang likod niya sa akin. Kinabahan akong naglakad papunta sa kanya dahil hindi ko alam kung tatanggapin niya ang sorry ko. Hindi pa niya napapansin ang presence ko dahil nang makalapit ako ng kaunti sa kanya ay doon ko lang nalaman na may kasama pala siyang iba. Napasinghap pa ako nu'ng makita ko si Lock na may kayakap na babae habang umiiyak ito sa balikat niya. What the hell?!
       "Scheherazade?"
Nakatingin na silang dalawa sa akin na parang hindi nila inaasahan ang pagdating ko. Maging ako rin naman, hindi ko inaasahan na may nakakaalam din pala ng lugar na ito bukod sa akin. The girl let go of Lock's embrace. Hindi ko alam kung anong kakaibang pakiramdam na ito. It's a foreign feelings for me to feel this towards him while hugging another girl. I feel jealous because of what I witnessed.
This is bad!

Comentário do Livro (51)

  • avatar

    I really like reading it, thanks to the author for making this masterpiece!

    29/03/2022

      0
  • avatar
    i******a@yahoo.com

    palagyan naman po ng kasunod ang ganda ng kwento... nakakabitin po update na po kayo please 🙏🙏

    8d

      0
  • avatar
    Van Aaron Delos Santos

    good start hoping na mas gumanda next chapter

    12d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes