logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Beneath The Rain

Beneath The Rain

ItsmiiLuna


Capítulo 1 The Beginning

(AUTHOR NOTE: Hi my dear readers, this is the very Second Story na pinublished ko. And to tell you honestly ilang beses ko itong pinagisipan mabuti kung e-pupublished ko ba o hindi. It takes me so much courage para gawin ilabas ito kaya sana po ay maappreciate ninyo at suportahan po sana ninyo gaya ng pag suporta ninyo sa "First Love Never Die" ko. And please don't expect to much. There is a looooottt grammar mistakes here, so I hope you understand. :> Thankyou and Godbless.)
I smiled as I watched Jeremy play basketball at our university. Every time he ran and dribble the ball I watched him, he looked so handsome that I couldn't take my eyes off of him.
Huminto mona ito sa gitna ng court dahil na pagud ata sa katatakbo pero patuloy padin ang pag dribble ng bola.
"Mananalo na sila sis." Saad ng katabi ko na si Diana, ang matalik kong kaibigan.
Hindi ako umimik, at mas itinuon ang atensyon sa laro hindi kodin inalis ang tingin kay Jeremy, siya lang kasi ang gusto kong pag masdan sa gitna ng court at sya din naman ang sadya ko dito.
He just keeps on running and shooting the ball that never missed. And when the ball enters the ring he always points in my direction. Dahilan para makaramdam ako ng paru-paro sa puson ko.
"Kyaaaahhhh! Ang haba talaga ng hair mo Keona." Kinikilig na saad ni Diana. Napangiti naman ako.
Napatingin ako sa lalaking lumapit kay Jeremy. Mas matangkad ito sa kanya at halata dito ang karangyaan sa buhay.
His name is Zachary Macario, gwapo ito at hindi sila nagkakalayo ng katawan. but for me Jeremy is always the best at everything. Wala naman kasing may pumantay sa kanya para sa akin, he's always at the top.
"Tara puntahan natin sila!" Saad ni Diana sabay hatak sa akin ng matapos na ang basketball practice nila.
Nagulat pa ako ng makarating kami sa bench nila ay iniwan ako ni Diana para lumandi sa ka-team ni Jeremy.
Ang babaeng yun!
"Hi love." Bungad sa akin ni Jeremy, na boyfriend ko. Yes, Jeremy is my boyfriend, my long time boyfriend.
"Hello love, napagud kaba?" Tanong ko sa kanya sabay abot sa gatorade na binili ko bago kami pumunta dito sa court. Alam ko naman kasing mapapagud at mauuhaw ito.
"Ang sweet naman ng girlfriend ko." And kissed me on my cheek that caused me to blush even more. "Hindi ako napagod, nanood kasi yung mahal ko." Malambing nitong saad sabay inom ng gatorade na binigay ko.
Nakakahiya na nakakakilig. Enebe!
"Oh come on dude! Respeto naman sa mga single dito." Biro ng isa niyang ka-team sa basketball. Nag tawanan naman kami maliban kay Zach na nakaupo lang sa bench at tulala.
"Mauna na kami ng mahal ko ha? Istorbo kasi kayo." Natatawang saad ni Jeremy, suminyas naman ito kay Zach na tinanguan lang nito bilang sagot sa kanya. Ng tapos na siyang mag paalam sa mga kaibigan niya ay hinatak na ako nito paalis sa court.
Excited much Love? Hahahaha.
"Is it okay that we left them? At si Diana, naiwan ko." Saad ko habang nag lalakad kami sa hallway na magkahawak-kamay. Mabuti nalang at wala masyadong tao sa hallway ngayon.
"It's okay, they understand. And Diana? I'm sure maligaya na yon sa piling ni Thomas." Sabi nya sabay wink sa akin.
"Kadiri." Natatawa kong saad.
"Sos, parang hindi ka kinilig dito noon." Pariho kaming natawa ng maalala ang mga panahong una naming pagkikita.
I still remember the first time I saw him, dahilan para mahalin ko sya, nagkataon na pariho kami walang payong na dala habang nag aabang ng sasakyan sa labas ng school at ang lakas pa ng ulan that time. Siya ang unang kumausap sa akin at dahil panatag ang loob ko sa kanya ay nakipag usap ako. Ang gentleman pa niya dahil hinintay niyang dumating ang sundo ko bago siya umowi. Bago kami mag kahiwalay ay kinuha nya ang number ko and that's the start of our relationship, 1 week niya akong niligawan. Hindi kona pinatagal dahil pariho naman naming mahal ang isat-isa.
8 years na kaming mag karelasyon dahil since 1st year highschool palang ay mag jowa na kami, pero nanatili itong pribado dahil sa parents ko.
"Lumilipad na naman ang isip ng maganda kong girlfriend." Saad niya habang nakabasungot ang mukha.
Natawa ako dahil nag tatampo na naman ito, kinurot ko ang pisngi nya dahilan ng pag balik ng ngiti nito.
"Naalala kolang ang unang pagkikita natin. At hangang ngayon thankful padin ako dahil naging akin ka." Saad ko. Hinawakan naman niya ang pisngi ko.
"Me too love, kung alam mo lang kong gano ako kasaya simula ng sagutin mo ako." Saad nito habang nakatingin sa akin na may pag mamahal sa mata
Nasa cafeteria na pala kami.
"Dito kalang ha? Mag o-order lang ako ng makakain natin." Agad ko syang pinigilan.
"A-ah. Love, Let me buy our food today, can I?" I ask. Alam kong tatangi siya kaya pinilit ko. "Please?" saad ko at ginamit na ang paawa effect.
He took a deep breath, a sign that I convinced him. Yes!
"Fine. But tomorrow ako na ang bibili ng food natin." Saad niya, agad naman akong tumango at tumayo upang pumila.
Ng makapila ako ay nilingon ko si Jeremy at nakita kong nakatingin ito sa akin at sa mga taong malapit sa akin. Ang possessive talaga ng isang to, but I like it naman. Yun din naman kasi ang dahilan kong bakit ko siya mas minahal. Ramdam ko kasi na takot talaga siyang mawala ako.
Naalala ko ang sinabi sa akin ni Diana kanina kaya nawala ang ngiti sa aking labi, napabuntong hininga ako.
Sinabi niya kasi sakin na namromorblema si Jeremy sa gastosin nito dahil sa dami ng project na ibinigay sa kanila ng kanilang professor sa kanilang major. Civil Engineer ang kinuha nitong kurso at ganun din si Diana kaya mag kaklase sila. Magasto daw kasi ang project nila kaya nahihirapan ito, ayaw ngang ipasabi ni Jeremy sa akin dahil baka mag alala lang daw ako.
May kaya lang ang pamilya ni Jeremy. His family own a carinderia sa kanilang lugar at hindi ganuon mabenta ang business nila. Ang tita niyang nasa abroad ang siyang nagpapaaral sa kanya dito sa manila at scholar din siya sa paaralang ito.
In social life hindi kami pantay ni Jeremy pero hindi iyon hadlang para hindi ko siya mahalin. I don't need someone who's rich pero gago naman. I only want love not money and looks. Loyalty is so rare to find. Kaya pag nahanap mona, wag mo nang pakawalan pa.
"Sorry for making you wait love. Here's the food." Masaya kong saad at nilapag sa mesa ang pagkain na binili ko.
"Ang dami naman love." Natatawang nyang Jeremy saad. "I told you tha----"
"Shhhh. Stop love. Let's just eat okay?" Nakangiti kong saad. Ngumiti naman ito bago tumango sabay kurot ng  pisngi ko.
"Anyway, kamusta pala ang studies mo?" Tanong niya habang kumakain na kami.
"Okay naman. Pero may mga time lang na nahihirapan ako pero nakakaya naman." I answered honestly. Wala naman kasi akong dapat itago sa kanya. He know everything about me.
"Bakit kaba kasi nag Law, you love designing gowns right? Bakit hindi mo nalang pinursue ang passion mo." Saad nya. Napangiti naman ako ng pilit.
"You know why, Jeremy." Malungkot kong saad.
Tumingin siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. Telling me na hindi ko kailangan mangamba o malungkot dahil andyan siya sa tabi ko. Yung pag alaga niya sakin na siyang dahilan kung bakit araw araw ay mas minamahal ko siya.
"I'm sorry for what I said. But don't worry, gragraduate na tayo next month at hahanap agad ako ng trabaho. At kapag may magandang trabaho na ako ay pagaaralin ulit kita pero yung kursong gusto mo na ang kukunin mo, okay ba?" Masaya niyang saad.
Napangiti ako sa sinabi niya. Parang may isang mainit na bagay ang humaplos sa aking puso. God, ano bang magandang nagawa ko at biniyayaan niyo ako ng isang taong ganito? Napakaswerte ko. And I am more lucky because I'm always part of his plans, always.
"Okay love." I said.
Nag usap lang kami ng kung ano ano hangang sa nag yaya na kaming umuwi dahil dumidilim na at wala na din kaming pasok pariho.
Nag text sa akin si Diana na wag na daw ako mag alala dahil nasa pangangalaga siya ni Thomas. Ang landi talaga ng bruhang yon.
Nag lalakad lang kami palabas ng school ng magkahawak-kamay at may ngiti sa labi, pero sinigurado namin na unti nalang ang studyante na naroon. Nang makalabas ay agad niyang binitawan ang kamay ko dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko.
"Hey. Don't make that face, Smile okay? Magkikita pa naman tayo bukas. Alam naman natin pariho na bawal pa." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kung nahihirapan ako sa setwasyon namin, alam kong mas nahihirapan siya.
"I'm sorry love." Saad ko habang nakayuko.
"Don't say that. Okay na ako sa ganitong set up, pero itong tatandaan mo love. Na kapag may trabaho na ako at may ipagmamalaki na ako sa pamilya mo, we will face them together." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Pang ilang beses ko naba sinabi na ang swerte ko sa lalaking ito? Kaya hindi talaga ako makapapayag na mawala pa siya sa akin.
I kiss him on cheek bago mag salita.
"I'll wait for that day, love."
"Andyan na sundo mo, see you tomorrow my Agapi. I love you, always." Saad niya at nauna ng tumalikod sa akin.
Agad naman akong tumalikod at pumasok sa sasakyan na kulay itim.
"Who was that boy?" Strictness was obvious in his tone.
I swallowed hard because of nervousness and fear na baka nakita niya yung ginawa ko kanina.
"Just a friend, Dad." Saad ko.
"I told you Keona. No boyfriend." He said authoritatively.
Napapikit ako ng mata at yumuko. I need some courage to lie on my dad.
"He is just m-my friend Dad. Nothing else." Depensa ko.
"Siguradohin molang. If I found out that you have a boyfriend, alam mo ang kaya kong gawin, Keona. I'll make sure that boy will rot in hell." Seryoso nitong saad.
Mas lalo akong napayuko at humigpit ang hawak sa bag ko na nasa harapan ko. Ito ang dahilan kong bakit ayaw kong ipakilala si Jeremy sa kanila. Totoo yung sinabi ni daddy na kaya niyang gawing empyerno ang buhay ni Jeremy, he have the power to do it. Kaya natatakot ako na malaman nila ang relasyon namin. Baka ano ang gawin nila kay Jeremy, sa pamilya niya. Kaya ginusto kong ilihim sa kanila si Jeremy at kahit magkasama kami sa school ay maingat parin kami sa mga galaw namin.
Namulat ako sa mundo na sila ang laging nag dedesisyon sa buhay ko. Kahit sa kurso ko ay sila ang may gusto nun. My dad and mom is a professional doctors sa sarili naming hospital. Yes, we own a hospital. Akala ko nga ay mag do-doctor din ako but I was surprise ng Law ang pinili nila para sa akin. But still, I'm not happy with the decision pero ano ba ang magagawa ko? Ayukong magalit sa akin ang pamilya ko dahil mahal na mahal ko sila at takot ako sa kanila. Namulat ako sa paniniwala na kailangan kong e-please ang parents ko, at yung ang ginagawa ko hangang ngayon.
"We're here. Fix your things." Saad ni dad at bumaba na.
Agad din naman akong bumaba at sumunod sa kanya.
"Hon, we're home." Saad ni daddy ng makapasok sa bahay namin.
Lumabas naman si mommy galing sa kusina I guess nag luto ito para sa dinner namin. Hindi ata sila busy ngayon dahil andito sila sa bahay. Pag mga busy kasi sila ay hindi mo sila mahahagilap dito, palagi silang nasa hospital.
"Hello Hon." Sabay halik sa pisngi ni daddy. Tumingin naman ito sa akin at nginitian ako. "Maglinis kana Keona at kakain na tayo." Casual na saad ni mommy na agad kong sinunud.
Pag dating ko sa kwarto ay inayos ang kagamitan ko at nag linis ng katawan, pagkatapos ay agad akong bumaba upang kumain. Sakto namang nasa hapagkainan na sila mommy at daddy.
"I thought Kobe is coming home tonight?" My dad asked. Napatingin naman ako kay dad ng bangitin niya ang pangalan ni Kobe, he's going home?
Kobe is my older brother at isa din itong doctor sa aming hospital.
"Medyo malalate lang siya dahil ang dami daw pasyente sa emergency." Saad ni mommy habang nakatingin sa pagkain niya.
"How's your school Keona?" My mom ask. Nahinto naman ako sa pagkain at binaba ang kubyertos.
"I got a perfect score in our examination sa major." Proud kong saad.
"I see, do better next time" Saad ni mommy ng hindi tumitingin sa akin dahilan para mawala ang excitement na dumalaw sa aking katawan.
Lagi silang ganito, kapag may achievements akong nagagawa they always say, 'Do better next time.' Hindi ko alam kong ano pa ang dapat kong gawin o ma achievement para makuha ang salitang 'We're proud.' galing sa mga magulang ko
I sighed. Nakakalungkot man pero sinasarili ko nalang. At least may isang tao na sobrang saya ng malaman niyang nakaperfect score ako. And that person is my Jeremy.
After that ay naging tahimik muli ang aming hapag kainan.
"Am I late?"
Napatingin kami sa bagong dating.
"Kuya Kobe!" Excited kong saad ng makita ko siya.
"Son, come here. Let's eat." Magiliw na aya ni Daddy.
Agad namang umupo si Kuya sa tabi ko.
"Kiro isn't here yet?" Kuya asked.
Kiro is also my brother, kasunod siya ni kuya Kobe at ako ang bunso sa aming tatlo. Pero ayaw niyang kuya ang tawag ko sa kanya, kasi daw nag mumukha siyang matanda, eh mas matanda pa naman daw sa kanya si Kuya Kobe.
"Wag mona hanapin yang kapatid mo. I'm sure busy yun sa presinto." Saad ni mommy.
Kiro is a pulis officer at may mataas na itong rango but sad to say wala pading girlfriend. Hindi ko alam kong pihikan lang ba siya sa babae o baka bading ang kapatid ko.
"Who told you that mom? I'm not busy." Nakangiting saad ni Kiro na kadadating lang din.
"Kiro! Akala ko bukas kapa makakabalik dahil may raid kayo." Gulat na saad ni mommy na may halong saya.
"Walang busy kapag si mommy na ang nag request." Malambing na saad nito at lumapit kay mommy upang bumati at ganun din ang ginawa niya kay daddy.
Naging maingay ang dinner namin dahil sa pag dating ng dalawa kong kapatid. Nag usap sila ng kung ano ano at kita ko kay mommy at daddy ang saya habang kausap ang dalawa kong kapatid.
I feel out of place. Parang ako lang ang walang karapatan dito sa hapag kainan. They look so happy while talking. Parang kanina lang ay ang tahimik namin tapos ngayon biglang...
I sighed again.
"Are you okay sis?" Bulong na tanong sa akin ni Kiro.
I forced a smile at tinanguan siya. Agad ko namang binalik ang atensyon sa pagkain at ng matapos ay nag paalam na sa kanila. Pero mukang hindi nila iyon narinig dahil patuloy lang sila sa pag uusap kaya umakyat nalang ako patungo sa kwarto ko.
Maybe they just missed my brothers dahil minsan lang sila sa bahay dahil nga mga busy na sila sa kanikanilang trabaho.
Napatihaya ako sa kwarto ko at napabuntong hininga. Agad naman akong napangiti ng maalala ko si Jeremy. Kamusta na kaya ang boyfriend ko? I'm about to call him when someone knocked on my door.
"Come in." Saad ko.
Iniluwa naman doon si Kiro.
"Sis. I have a gift for you." Nakangiting saad ni Kiro at binigay sa akin ang isang plastic bag.
"What's this?" Excited kong saad
"Just open it lady." Natatawang saad ni kuya Kiro.
Pag bukas ko ay halos mag tatalun ako sa tuwa. It was a full album of BTS Love Yourself ang sikat na Kpop sa bansa. Kaya ko naman talagang bumili nito pero hindi ako pinayagan ni mommy at daddy. Pinagalitan panga ako nila dahil daw mag sasayang lang ako ng pera sa mga walang kwentang bagay.
"For real?!" Masaya kong saad at tumango naman sya. "Thankyou Kiro!" Sabay yakap sa kanya.
"Anything for my little sister." Malambing nitong saad. "Wag molang ipakita kila mommy at baka pagalitan ka." Sabat wink niya sa akin na ikinatawa ko naman.
"Hey hey hey. Am I missing something?" Napatingin kami sa bagong pasok sa kwarto ko.
"Kuya Kobe." Nakangiti kong saad. "Kiro give me this!" Masaya kong saad sabay pakita sa gift ni Kiro.
"Wow tol. Sinasapawan mo talaga ako ha." Natatawang saad ni kuya Kobe. Last week kasi binigyan ako ni kuya ng Iphone, at latest model ito.
"Of course. Dapat ako ang the best sa kanya." Pabirong saad ni Kiro kaya nag tawanan kami.
"Oh come on, we all know that I'm the best brother here." Sagot naman nito kay Kiro.
"Both of you are the best brother in the world." Saad ko at niyakap sila, niyakap din naman nila ako.
"Sis, don't mind our parents. Just do what they like, for now. And if you get your own job pwedi mona silang suwayin gaya namin." Natatawang saad ni kuya Kobe.
"True. Tiisin molang mona ngayon. Gagraduate ka naman next month." Saad ni Kiro.
Nag catch-up lang kami saglit at lumabas na sila sa kwarto ko dahil daw may pasok pa ako bukas.
Napangiti ako dahil kahit ganon ang parents ko ay biniyayaan ako ng panginoon nang mabubuting kapatid. They never failed to spoil me sa mga bagay na gusto ko pero syempre palihim lang iyon.
Napatingin ako sa cellphone ko na nasa side table dahil nag ring ito. I know it's him.
"Hi love." Bungad ko sa kanya.
"Now I'm okay." Saad niya sa kabilang linya at huminga ng malalim.
Napakunot noo ako.
"Why? Did something happen?" I asked.
"Wala love. Stress lang ako sa school." Saad nya. I know what his saying.
"Hmmm. Love, i-if you want I can give you some mo----"
"No Keona. I don't want it, mabigat na nga sa loob na ikaw ang bumili ng pagkain natin kanina eh." Halata sa boses niya ang pagiging seryoso.
Napatungo ako.
"Gusto kolang tulongan ka." Wika ko.
Ayaw niya kasing tinutulongan ko siya sa mga financial problem niya dahil sabi niya hindi kona daw iyon responsibilidad pero gustong-gusto ko siyang tulongan. Ayaw ko kasing nakikita ito h nahihirapan sa mga problema na meron siya.
"Napag usapan na natin ito noon love." Mahinahon niyang saad.
"I'm sorry." Pag hingi ko ng tawad.
"It's okay love. Sleep now, maaga kapa bukas. Goodnight, I love you ." Malambing niyang saad.
"Goodnight Jeremy...I love you too." Sagot ko at agad na pinatay ang tawag.
"Who the hell is Jeremy?"
Gulat akong napalingon sa likod ko and to my horror it was Kiro.
Shit!
(ITUTULOY)

Comentário do Livro (39)

  • avatar
    Jenny Guerrero

    nice

    31/05

      0
  • avatar
    JA AY

    Nakapaganda

    03/06/2023

      0
  • avatar
    De VeraRayden

    so cute

    20/03/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes