logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

TPC 5

Ano pa ba ang pinaka-interesanteng larawan kundi ang mga nasa laylayan ng lipunan? Iyon ang teritoryo na wala silang gaanong ideya pero iyon ang pumapatok sa mga photo competition. At gusto ni Aiona na manalo sila. Ayaw nitong natatalo sa mga sinasalihan nito.
Namili sila ng lugar kung saan maraming batang kalye na naglisaw - mula sa nagbebenta ng basahan, sa mga tagalinis ng sasakyan at nakikipagpatintero sa kantahan ang mga motorista para sa kaunting barya. Mainit ang panahon at diskumpiyado siya sa lugar na pinagparadahan nila kaya di na niya pinababa sa kotse si Aiona. Ito na lang ang nagbantay.
Delikado at mali ang ginawa niya. Dapat noong una pa lang na komprontahin siya ni Abby tungkol sa pagkuha ng picture ay di na siya nakipagtalo pa. Di lang talaga niya matanggap na pinagbintangan siya nito na human trafficker at nagbebenta ng lamang-loob ng mga inosenteng bata. Para namang gagawin niya iyon. Ganoon na ba kalala ang nangyayari sa mundo para pati sa itsura niyang iyon ay mapagbintangan siya na miyembro ng sindikato?
Dapat ay nakinig siya sa instinct niya kaysa sa pride niya. Noong una pa lang, siya na ang kumuha ng picture nang walang paalam. Dapat ay di na siya nagtagal pa sa lugar na iyon at umalis agad kahit di niya nakuha ang picture na gusto niya. Pero na-trigger talaga siya ni Abby. Kampanteng-kampante pa ito noong una na ito ang kinukuhanan niya ng picture. He wanted to prove her wrong. Di niya ugali na magpatalo sa mga argumento.
“Anong nangyari sa snatcher?” tanong ni Tito Marcel.
“The taumbayan took him to the presinto, Uncle. Nadumihan tuloy ang bag ko dahil sa kanya at muntik nang mabasag ang cellphone ko. Kasi naman itinulak ng babaeng iyon kaya nabitawan ng snatcher,” nanghababa ang ngusong reklamo ni Aiona.
“Aiona, she risked her life for you. Paano mo siya masisisi diyan sa nadumihang bag mo? How could you be so insensitive?” angil niya sa babae. “Bag lang iyan.”
Binugahan nito ng hangin ang bangs nito. “Sorry na. This is just my favorite bag. And besides, you don’t like the girl. Masyado siyang kontrabida. Picture lang, ang dami-dami na niyang sinasabi kanina. Kung anu-ano na ang ibinintang sa atin. Soooo OA.” At tumirik ang mata nito.
“But she still saved your bag, your cellphone and your cards. At muntik na siyang mamatay dahil sa iyo, sa atin. ‘Yung ibang tao nga walang pakialam sa atin.”
“Bakit galit ka sa akin?” tanong nito sa mataas na boses na parang walang kaide-ideya na mali ang inasal nito. Parang inosenteng bata ito. A spoiled one.
“Kumusta ‘yung nasaksak na tumulong sa inyo?” tanong ni Tito Marcel.
“May sugat po siya sa balikat at ginagamot ngayon. Baka po matetano din siya sa pagkakasaksak sa kanya.” Kahina-hinala ang kalidad ng balisong na gamit ng dugyuting snatcher. Baka may kalawang iyon. Hindi niya alam na ganoong kadelikado ang masaksak.
Namulsa si Marcel. “Gusto ko siyang makausap para magpasalamat. At gusto ko na ikuha siya ng magandang kuwarto o ilipat sa mas magandang ospital. Gusto kong tiyakin na mabilis ang paggaling niya.”
“Uncle, hindi na po kailangan. I think she will live. And besides, baka hingan lang niya kayo ng pera. Kanina para lang sa picture, gusto niyang humingi ng bayad….”
“Permiso lang sa pagkuha ng pictures ang gusto niyang hingin natin. She didn’t ask for anything. Wala siyang hiningi na pera,” paglilinaw ni Roumel. Hindi niya alam bakit ginagawan nito ng pangit na kwento si Abby ang taong sumagip sa kanila. “What’s wrong with you?”
“What’s wrong with you? Why do you keep on antagonizing me?”
“Dahil wala ka sa lugar,” giit niya sa babae.
He was guilty. Di niya naprotektahan si Aiona kanina. Di rin niya naprotektahan si Abby. Konsensiya niya kapag may nangyaring masama dito. Sana nga ay sugat lang ang nakuha nito hindi natetano.
Parang nahihilo siya nang makita ang dugo na umaagos sa balikat nito kanina. Sila ni Aiona ang pinrotektahan nito. Di niya ito natulungan kanina kaya ang paraan na lang para protektahan ito ay ipagtanggol kay Aiona.
Bumaling ang dalaga kay Marcel. “Uncle, si Roumel inaaway po ako.”
“Aiona, kung wala kang magandang sasabihin sa nagligtas sa iyo, huwag ka na lang magsalita. Hindi magandang asal iyan. At kung magbigay man ako ng reward sa pagliligtas niya sa iyo, maliit na bagay lang iyon.” Niyakap ni Marcel ang pamangkin. “Tandaan mo na walang kahit anong katapat na halaga ang buhay ng tao. Kaya kapag humarap tayo mamaya sa kanila, magpasalamat ka nang maayos. Keep your sarcastic remarks to yourself. Kung hindi, ika-cancel ko na ‘yung return ticket mo pa-Manila mula sa Bacolod. Nanay mo na ang mag-aalaga sa iyo.”
Yumuko si Aiona. “Yes, Uncle.”

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    3d

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    16d

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes