logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

TPC 4

“Then paalam,” sabi ng babae at kumaway pa. “Pwede na ba kaming kumuha ng picture so we can go?”
Mariing nagdikit ang mga labi ni Abby. Simpleng paghingi lang ng respeto ay di pa maibigay. Magsasalita pa sana siya nang biglang may humaginit sa gilid niya. Nakita na lang niya na isang lalaki na nakamaskara, nakasando at nakasuot ng khaki pants ang tumatakbo kasunod ang tili ni Baby Doll. “My bag! Ninakaw ang bag ko! M-my phone! Ang cards! Noooo!”
“Sinasabi ko na nga ba!” Mainit sa mga magnanakaw ang mga tulad ng dalawang dayo na walang alam kung gaano kadelikado sa lugar nila.
“Pulis! Tanod! Tulong! May snatcher!” sigaw ni Maria Judie.
Tumakbo si Abby dahil alam niyang wala siyang aasahan sa mga pulis o tanod ng mga oras na iyon. Sa lugar na iyon, sila-sila lang din ang nagtutulungan. Kahit pa sa malditang dayo, di naman niya kayang tumayo na lang sa isang tabi at hayaang manawakan ang kapwa niya.
Papasok ng eskinita ang snatcher. Mahihirapan na siyang habulin iyon kapag nakapasok sa eskinita o kaya ay baka may naghihintay na itong kakuntsaba. Tinalon niya ang lalaki mula sa likuran at bumagsak ito sa kalsada. Umungol ito at nabitawan ang bag. Uunahan sana niya ito na kunin ang bag nang maramdaman niyang may tumarak sa likuran niya. Nahigit niya ang hininga sa sakit. Nakita na lang niya ang kutsilyo na may dugo sa kamay nito at uundayan na naman siya ng saksak. May paang sumipa doon dahilan para tumilapon ang kutsilyo.
May mga kamay na nag-angat sa kanya mula sa magnanakaw. Habang ang ibang mga tao sa kalsada ay pinagtulung-tulungan na iyon. “My bag! Where’s my bag?” tanong ng babae.
“Miss, nasaksak ang balikat mo,” sabi naman ni Roumel na nakaalalay pala sa kanya. “Kailangan ka naming dalhin sa ospital.”
“UNCLE, it’s scary. There’s blood. Lots of blood. A-Akala ko talaga hindi na ako makakalabas nang buhay sa squatter’s area. That place is hell.”
Malungkot lang na nakamasid si Roumel habang yakap ng Ninong Marcel niya ang pamangkin nitong si Aiona. Nasa waiting area sila ng ospital kung saan isinugod ang babaeng nasaksak dahil sa paghabol sa snatcher ng bag ni Aiona. Nagimbal din ang binata dahil unang beses niyang nakakita ng nanakawan sa harapan niya at may nasaksak.
Kinapa-kapa ni Marcel ang braso at balikat ng dalagita. “What happened? Nasaksak ka ba? May bumaril ba sa iyo?” Binalingan siya ng ninong. “May dugo ka, Roumel. Nasaan ang sugat mo? Ginamot ka na ba nila?”
“I’m safe. Wala po ako kahit na gasgas. Pero ‘yung tumulong po sa amin ang nasaksak ng snatcher. Siya po ang ginagamot ngayon,” paliwanag niya habang nanginginig pa rin ang kamay sa pagka-shock.
Siya ang umalalay sa babae nang masaksak. Mabuti na lang at mabilis na nagtulungan ang mga taga-baranggay para maidala ito sa ospital. Maigting ang mga mata ng babae na Abby ang pangalan ayon sa pinsan nito. Wala siyang makitang takot o sakit sa mga mata nito kahit nang patuloy ang pag-agos ng dugo sa sugat nito. Parang wala itong kinatatakutan - ang snatcher, ang posibleng kamatayan o ang sugat. Kakaiba itong babae. Mas astig pa sa kanya. At baliw. Sino bang hahabol na lang basta at makikipagbuno sa snatcher para sa taong hindi naman nito kakilala?
“Alam na ba ito ng parents mo?” tanong ng lalaki.
Umiling si Roumel. “Nasa cruise pa po sila.” At oras na malaman ng mga ito ang nangyari, tiyak na ipapadala siya sa piggery ng uncle niya sa Nueva Ecija para paglinisin ng kulungan ng mga baboy.
“Ano bang ginagawa ninyo sa squatter’s area na iyon? Akala ko ba nasa photo workshop si Aiona at sasamahan mo siya?” maigting ang boses na tanong nito.
“Pinalabas po kami ng instructor namin. Bukas na po ipapasa ang entry namin para sa photo competition. Doon po kami naghanap ng magandang subject.”
“Idinala mo ang pamangkin ko sa squatter’s area nang kayong dalawa lang? Di lang sarili mo ang ipinahamak mo kung hindi pati siya. May iba pang taong nadamay. Where is your head, Roumel? Kapag nalaman ito ng parents mo, baka bawiin ang kotse mo.”
Nahigit niya ang hininga. Pangarap niyang magkaroon ng sariling kotse at di na kailangan pa ng alalay ng driver. Regalo iyon ng mga magulang mag-eighteenth birthday siya. Pinaghirapan niyang makapasok sa Top 5 para lang sa kotse na iyon. “Huwag naman po sana. I am sorry, Ninong Marcel,” nakayuko niyang usal.
Hindi siya sumama sa cruise ng magulang niya dahil gusto niyang makasama sa bakasyon si Aiona. Matanda siya ng dalawang taon dito at pareho silang estudyante ng Bright Future Academy, isang prestihiyosong paaralan sa bansa. Kaya niyaya niya ito sa photography workshop at ito ang ka-partner niya.

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    3d

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    16d

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes