logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

TPC 2

Kinuyom nito ang palad at akmang susuntukin siya. Pero nakatitig lang siya sa kamao nito. Di siya tuminag. Ipinakita niyang di siya nasisindak kahit na alam niyang titilapon siya sa lakas ng suntok nito. “Ador, tama na iyan! Alam mo kung ano ang mangyayari kapag gumawa ka pa ng gulo dito.”
Nagdikit ang mga labi ni Ador habang nagtitimpi sa kanya. Subalit dahan-dahan din nitong ibinaba ang kamao at tumalikod. “Tara na, mga bata.”
“Magbagong-buhay na kayo, Ador! Change is here!” kantiyaw ni Abegail sa mga ito. Para sa kanya, tapos na ang panahon na nangangaligkig ang mga tao sa takot sa grupo nito. Di lang sanay ang mga ito nang di nanggugulo.
May lumagbog at nang lumingon si Dado. “A-Akala ko masusuntok ka na. Di mo siya dapat na hinamon.”
Natatawa na lang si Kapitan Totoy nang pagtulungan nila itong itayo. “Ikaw talaga, Dado. Tiyuhin mo na nga ako pero di pa malakas ang loob mo. Bakit di ka gumaya dito kay Abegail na matapang?”
“T-Tito, h-hindi naman po ako duwag. Huwag lang katulad ni Ador. Mukha kasi siyang mangangain ng tao.”
“Alam ni Ador na di na siya pwedeng manggulo dito. Ipapatokhang na siya kapag di siya tumigil sa pagtutulak ng droga o panggugulo. Pagsisiga-sigaan na lang ang magagawa niya ngayon.”
Dati ay naghaharing-uri si Ador at ang mga tropa nito. Kung tutuusin ay tatlong taon lang naman ang tanda ng lalaki sa kanya pero bata pa lang ay naging runner na ito ng droga. Kahit sa mismong eskwelahan ay nagtutulak daw ito pero dahil menor de edad pa noon ay napapakawalan din. Bali-balita pa na mataas na opisyal ang may hawak dito. Pero mula nang bago na ang naupong presidente, kahit paano ay nawala na ang pangamba nila sa lugar nila. Di na rin makaporma sa pagtutulak ng droga si Ador dahil na rin sa banta sa buhay nito. Kaya naman di na natatakot si Abegail ngayon.
“Pero mag-iingat ka pa rin. Di mo masasabi sa panahon ngayon. Marami pa ring luko-luko,” bilin ni Kapitan at iba naman ang kinausap sa mga nakapila.
“Mabuti pa umuwi ka na, Dado. Baka himatayin ka pa dito. Magalit pa sa akin ang nanay mo at di na kami pautangin,” sabi ni Abegail dito.
“H-Hindi. Tutulungan pa kita dito. O-Okay na ako. K-Kaya ko na iyan.”
“Bahala ka diyan,” aniya at ubod nang lakas na itinulak ang kariton nang may ngiti sa labi.
“BALITA ko dumugo ang ilong ni Dado kanina dahil sa iyo,” anang pinsan ni Abegail na si Maria Judie. Nasa tindahan sila malapit sa terminal ng jeep kung saan may pwesto ang tiyahin niya. Tapos na siyang maglako at tumutulong naman sa pagbabantay ng gotohan. Alas dos pa lang ng hapon kaya walang kumakain.
“Ang kulit kasi niya. Sabi ko nga huwag nang dikit nang dikit sa akin. Nakitulak pa rin ng kariton. Wala pa kami sa kalahati, dumudugo na ang ilong. Pati tuloy ako napagalitan ng nanay niya,” naiiling niyang kwento. “Kapag di na tayo pinautang ni Aling Bebang, may konyat sa akin ang lalaking iyon.”
“Dumugo na nga ang ilong, kokonyatan mo pa. Saka ikaw, huwag kang masyadong siga at palaban. Si Ador pala kinalaban mo na naman. Muntik ka na raw patulan kanina.”
“Wala naman siyang magagawa sa akin. Ngayon pa kung kailan pwede siyang damputin ng mga pulis isang mali lang niya. Di na siya menor de edad ngayon. Kulong na siya at di na siya matutulungan ng padrino niya. Saka sino pa ba ang poprotekta sa atin kundi tayo-tayo lang.”
“Ang ibig kong sabihin, dapat maging pino ka naman sa ikinikilos mo. Dalaga ka na. Hindi maganda na mukha kang basagulera lagi.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Kailangan ba babae mahinhin at lalaki laging brusko? Uso na ngayon ang gender equality. Di na rin kailangang ilagay sa kahon ang mga babae at lalaki. Kung gusto ng babae na maging malakas o ng lalaki na maging mahinhin tulad ni Dado, ayos lang iyon.”
“Kaya patay na patay sa iyo si Dado dahil lagi mong pinoprotektahan. Ikaw ang tagapagtanggol niya. Baligtad na ang role n’yo,” tatawa-tawang sabi ng kaibigan. “Ikaw ang prinsesang tagapagligtas niya. May ganoon pala ‘no?”
“Malalakas ang mga babae. Nagagawa nilang buhayin ang mga anak nila nang mag-isa nang walang tulong ng kahit sinong lalaki. Katulad ni Tiya Carol na nabiyuda. Katulad ni Nanay,” aniya sa mahinang boses.
Lumaki siya na nakita kung paanong magsikap ang nanay niya at tiyahin dahil walang katuwang na lalaki sa buhay ng mga ito. Walang naikwento ang nanay niya tungkol sa tatay niya kundi nangibang-bansa daw ang tatay niya at nawalan na ng komunikasyon ang mga ito. Walang pangalan sa birth certificate niya ang ama at di rin siya naghahanap.
Isa pa, natatakot siya na itatwa. Paano kung matagpuan nga niya ang tatay niya pero ayawan naman siya nito? Ilang beses na niyang napanood sa teleserye ang ganoon.
Kaya naman niyang mabuhay nang walang tatay. Minsan tinatanong siya ng pinsan kung hinahanap-hanap niya ito. Kibit-balikat lang ang sagot niya. Mahirap hanap-hanapin ang isang tao na hindi naman niya nakilala o nakasama. Ika nga sa Ingles, you can’t miss what you never had.
"Uy! May pictorial!” sabi ni Maria Judie at nag-peace sign.
"Nasaan?" tanong ni Abby at lumingon sa direksyon kung saan ito nag-pose. Hindi normal na may naglalabas ng camera o cellphone sa kanila na kilalang pugad ng mga mandurugas. Pawang mga makikisig na ninja ang mga tao doon na sa isang iglap lang ay kayang humablot ng mga gamit at parang si Flash kung tumakbo.
"Ayun o! Kinukuhanan yata tayo ng picture.”
Isang lalaki na sa palagay niya ay tatlo o apat na taon lang ang tangkad sa kanya ang nakatayo sa likuran niya. Hindi pamilyar ang mukha ng lalaki sa kanya. Naka-checkered ito na short sleeved polo na nakabukas sa harapan, maong na pantalon at may salamin sa mata. Naka-brush up ang buhok nito kaya mukhang presko itong tingnan kahit na mainit ang panahon. Mukha itong mabango. Hindi dugyutin katulad ng mga kalalakihan sa kanila. Mukha itong disente at kagalang-galang. Parang di ito bagay sa lugar nila na mukhang busabos. Animo’y isa itong mabangong bulaklak sa gitna ng dumpsite.
Inayos pa ng daliri nito ang salamin bago ipinagpatuloy ang pagpindot sa camera nito. Hindi iyon camera na maliit lang gaya ng ipinapahiram ng English teacher nila sa klase kapag may photo activity sila para sa school paper. Mamahalin ang camera na iyon. Digital SLR ang tawag doon dahil nakita niya na gamit ng taga-private school na nakalaban ng kaklase niya sa photo competition dati. Kahit yata anong pag-iigib ng tubig sa bahay-bahay o pagtitinda at pagtatahi ng basahan ang gawin niya ay di siya makakaipon pambili ng ganoong klaseng camera.
“Sino kaya sa atin ang type ni Pogi?" tanong ng pinsan.
Nagsalubong ang kilay niya nang muling tumutok sa kanya ang camera. Nakakarami na ng kuha sa kanya ang lalaki na iyon. At di siya komportable na kinukuhanan ng picture lalo na’t mukha siyang sabukot at walang ayos. Nasaan naman ang katarungan doon?
"Sandali lang." Maaskad ang lakad niyang nilapitan ang lalaki na may ina-adjust sa camera nito. "Hoy, Kuya! Ako ba ang kinukuhanan mo ng picture?"
Napanganga ito nang lingunin sya. "Ha?"

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    3d

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    16d

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    17/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes