logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 7

“Ouch!” napapangiwing daing ko habang nililinis ang paa ko na puro paltos. Mahapdi ang bawat pagdampi ng bulak na may hydrogen peroxide sa balat ko pero wala akong choice. Kailangan kong linisin ang sugat ko na resulta ng katangahan ko mismo.
Ngayon ko lang naramdaman na masakit ang mga paa ko nang makarating na ako sa bahay.
Napasabak ba naman ako sa sa tila walang katapusang takbuhan sa kongkreto at tila nagbabagang semento dahil sa init pero dahil kailangan kong iligtas ang sarili ko kaya wala na akong pakialam ano man ang maapakan ko habang tumatakbo. I need to save myself or else sa kangkungan ako pupulutin dahil sa mga humahabol sa akin.
Matapos kong linisan ang paa ko. Paika-ika akong lumakad papunta sa kwarto ko. Magpapahinga muna ako. Napagod ako sa mga naging kaganapan ko ngayong araw.
Mula sa madramang tagpo namin ng ama ko hanggang sa mala-aksyong pagtakas ko.
Sino ba kasing matinong nilalang ang maninira ng kotse dahil lang sa init ng ulo? Walang iba kundi ako lang.
“Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip minsan?" tanong ko sa sarili ko bago ko bahagyang binatukan ang sarili.
Siguro kung may makakakita sa akin iisiping nababaliw na ako. Sino ba naman ang hindi mababaliw? Wala na nga akong trabaho pagbabayarin pa ako ng malaki pero kasalanan ko naman talaga, hindi kasi ako nag-iisip.
Pabagsak akong nahiga sa kama bago malalim na huminga.
Bakit ba ang unfair ng mundo minsan?
My father neglected me before and now he rejected me. He even compared me with his so perfect daughter. Why? Nag-appeared lang ba siya sa buhay ko para dagdagan lang talaga ang mga pasakit na nararamdaman ko? Bakit pa siya nagpakilala kung hindi rin naman pala niya kayang maging ama sa akin? Ilang beses ko nang itinatanong ang mga katagang iyan sa sarili ko pero nasasawa na akong maghintay ng mga kasagutan.
I lost my mother, then my father appeared. He just appeared but didn’t do anything to ammends with his negligence.
Mapait akong napangiti habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Siguro nga may mga bagay na mahirap makamtan kahit gaano pa natin kagusto. Pero sinisiguro ko na hindi ako laging matatalo. Darating ang araw na makukuha ko rin lahat ng pinapangarap ko. Mahirap man itong maabot sa ngayon dahil sa kalagayan ko pero kailangan ko lang mas maging matalino upang maisakatuparan ko ang aking mga plano. I need to be smarter next time. Dapag hindi na ako magpadalos-dalos.
Hindi ako papayag na masaya sila habang naghihirap ako. Na tila ba ang perpekto ng buhay nila habang may lihim silang nasasagasaan.
Sisirain ko ang lahat ng bagay na iniingatan niya. Kukunin ko ang lahat ng bagay na ayaw niyang ibigay sa akin. Sa huli sisiguraduhin kong magsisisi siya na binabewala niya ako.
Siguro ang napakalaking pagkakamali talaga ng ama ko ay ang ipakilala niya ang sarili sa akin. Dahil kung hindi siya sumulpot sa buhay ko, maayos pa sana ang takbo ng lahat. Wala sana akong nararamdamang galit sa kanya at hindi siya nangangamba na baka masira ang pinaka-iingatan niyang pamilya.
Siya ang may kasalanan ng lahat.
Hindi ako papayag na baliwalain na lamang niya ako. May karapatan ako sa ano mang meron siya, anak din niya ako kahit na ba kaming dalawa lang ang nakakaalam noon. Nagawa niyang magloko pero takot siya sa naging bunga nito. Duwag.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa dami ng tumatakbo sa utak. Nagising lang ako dahil kumukulo na ang tiyan ko.
Pasado alas-tres na ng hapon nang tumingin ako sa aking relong pambising.  Bahagya kong kinusot-kusot ang aking mga mata bago bumangon ngunit napangiwi ako ng biglaan kong itapak ang mga paa sa sahig. Nakalimutan kong puro sugat nga pala ito.
Kulang na lang ay hindi ko ilapat sa sahig ang mga paa ko habang naglalakad papunta sa kusina upang humanap ng makakain. Tanging mga daliri ko na lang sa paa ang dumadampi sa sahig.
Mas nanlumo ako nang wala akong makitang pwedeng kainin ng buksan ko ang ref. Wala na ring alam ang ref namin kundi tubig at ilang mga gulay. Napapabuntong hiningang isinara ko ang refrigerator. Kailangan ko na ring mamalengke ang  kaso masakit ang pa ko ngayon kaya siguro bukas na lang.
Inikot ko ang mata ko sa buong kusina. Gutom na talaga ako. Napatingin ako sa gawi sa lamesa. May tatlong mansanas at saging pa kaya siguro ito na lang muna ang kakainin ko. Kunwari diet na lang ako, wala rin naman akong choice. Wala rin naman akong maaring lutuin, ayaw ko rin naman magpadeliver dahil kailangan na kong magtipid muna ng husto. Wala akong trabaho tapos on the run pa ako sa nabasag kong salamin ng kotse. Puro problema na lang talaga ang meron ako.
Kung kahapon hinahangad kong makita agad ang kotseng muntik makasagasa sa akin, ngayon pinagsisihan ko na. Dahil doon napasabak na naman ako sa problema.
That car is like my father, parehong pinangarap kong makita noong una pero isang malaking pagkakamali lang pala ang hangarin iyon na magreresulta ng pagsisisi.
Marahan kong kinuha ang bowl ng mga prutas upang hugasan ang mansanas. Ingat na ingat ang bawat hakbang ko.
Matapos kong hugasan ang mansanas ay nagtungo ako sa sala, kagat-kagat  ang isang mansanas habang mabagal pa rin ang bawat hakbang ko.
“Puro kamalasan na lang yata nangyayari sa buhay ko," bulong ko sa sarili bago naupo sa sofa. Itinaas ko ang mga paa ko sa center table at prenteng sumandal. Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv habang ngumunguya ng mansanas na wala ng lasa pero dahil gutom ako, lamang tiyan din ito.
Kung nandito siguro si Marie malamang nasermunan na naman niya ako. Daig pa kasi nito ang nanay na lagi akong pinapaalalahanan, ayaw na ayaw rin nito ang nagpapalipas ako ng gutom pero dahil nga masakit ang paa ko hindi at makakilos masyado wala akong pagpipilian kundi kainin na lang kung ano ang nasa harapan ko.
Bukas ang tv pero naglalakbay ang isip ko. Iniisip ko kung ano ba dapat kung gawin? Pakiramdam ko nagpapadalos dalos ako palagi at nagpapadala sa mga emosyon ko. May nais akong makuha pero wala akong matinong plano kung paano ito makakamit.
Noong bata pa ako ang sabi ni mama okay lang na hindi kami mayaman basta kompleto at masaya pero ngayon ko lang na-realize na kahit kailan hindi pala kompleto ang pagkatao ko, dahil lumaki akong walang ama.
Nagawa akong buhayin ni mama ng mag-isa pero may mga panahon na iniisip ko kung bakit kahit kailan hindi niya nabanggit ang pangalan ng aking ama. Ngayon nauunawaan ko na siya.  Mas mabuti ngang hindi ko na lang siya nakilala dahil wala naman siyang kwenta, tanging pansariling kaligayahan lang niya ang iniisip.
Sana hindi na lang siya sumulpot sa buhay ko, wala sana akong nararamdaman galit sa puso ko ngayon. Sana masaya pa ang takbo ng buhay ko. Kung hindi naman pala niya kayang maging ama, sana hinayaan na lang ang lahat at hindi na nagpakilala pa.
Galit na galit ako, mula ng makilala ko siya pakiramdam ko ang unfair ng mundo. Kaya pinangangako ko na gaganti ako. Sisirain ko ang pinaka-iingatan niyang pamilya. Lalong-lalo na ang pinakamamahal niyang anak. Hindi naman ako papayag na ako lang ang maging api sa amin. Ibabalik ko lahat ng sakit na ipinaramdam niya sa akin.
Nakatingin ako sa tv pero lampas ang aking mga tingin dahil nag-iisip ako ng mga hakbang na dapat kong gawin ng biglang may kumatok sa pintuan.
Biglang napakunot ang noo ko, wala naman akong inaasahang bisitang darating ngayong araw.
Sino naman kaya ito?
“Veronica, buksan mo ’tong pinto. Alam kong nariyan ka!" malakas ngunit tila iniipit na boses ang aking narinig na sumisigaw sa labas habang sunod-sunod ang katok na akala mo ba ay may emergency.
Napipilitang tumayo naman ako, napapagiwi pa ako. Kilala ko na kung sino ang nasa labas. Boses pa lang niya, kilalang-kilala ko na.  Boses na halatang iniipit lagi. Si France, ang baklang kaibigan namin ni Marie. We met him during college at dahil aksidente kong nalaman ang sekreto niya hindi na niya ako tinantanan, bawat kilos ko binabantayan niya na tila ba anino ko dahil baka ipagkalat ko raw ang sekreto niya hanggang sa masanay na ako sa presensya niya.
“Ano bang ginagawa mo at ang tagal mo akong pagbuksan?" saad nito ng pagbuksan ko ng pinto, tuloy-tuloy rin itong pumasok ng bahay at feel at home na naupo sa sofa.
“Kung makakatok ka parang gusto mo nang sirain ang pintuan namin. Saka anong kailangan mo at bigla kang napadaan? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko matapos isara ang pinto at mabagal na lumapit sa kanya.
“Anong nangyari sayo? Bakit parang hirapan kang lumakad?" balik tanong nito na hindi pinansin ang sinabi ko. Pinapanood nito ang kilos ko, nang biglang nalaki ang mga mata nito at madramang itinakip sa bibig ang mga kamay, "Who devirginize you?"

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    concepcionmichael

    I love this story

    27d

      0
  • avatar
    Jima Handumon

    koooo

    19/01

      0
  • avatar
    Jerwell Zamora

    Thankyou

    29/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes