logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 3

Alas otso na ng gabi, katatapos ko lang sa aking night routine. Pasalampak akong umupo sa kama habang hawak ang isang calling card na matagal ng nakatago sa drawer ko.Hindi ko ito ginamit noon dahil umaasa akong kahit paano siya ang unang magrereach out sa akin pero pinapaasa ko lang pala ang sarili ko.
“Romero Group, Antonio Romero, Chief Executive Officer,” basa ko sa pangalang nakasulat sa card. Mapait akong napangiti.

“I am a CEO daughter but I am struggling to survive. I have a millionaire father and I am his poor daughter.” Pinitik ko ang card na hawak ko. Gusto kong ilabas ang inis ko pero hindi ko alam kung papaano.
Muli kung binasa ang pangalan niya. Pangalang pinagkait niya sa akin.
Mula nang magpakilala siya sa akin, iyon na rin ang una at huli naming pagkikita at pag-uusap na dalawa. Lagi ko pa rin naman siyang nakikita pero sa balita sa tv o magazine na lang na minsan ay kasama niya ang kanyang pamilya.
Sinabi lang niya na siya ang ama ko, na handa niya akong sustentuhan pero hanggang doon na lang ang magiging koneksyon naming dalawa. Kaya tinanggihan ko ang alok niya noon upang ipamukha na kaya kong mabuhay ng walang tulong niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi siya kawalan sa buhay ko, lumaki akong walang ama at kaya kong mabuhay pa ng wala siya. Dahil ang totoo hindi yaman niya ang gusto ko noon kundi ang pagtanggap at paghingi niya ng tawad pero hindi niya ginawa bagkos tuluyan na niya akong pinabayaan kaya kung hangarin ko man ang mga bagayvna gusto ko walang ibang may kasalanan kung hindi siya.
Gusto kong umiyak ng mga oras na iyon, pakiramdam ko galit sa akin ang mundo ngunit walang luha ang pumatak sa aking mata. Mas nangibabaw ang galit na nararamdaman ko. Galit sa aking ama na hindi kayang panindigan ang pagkakamali niya.
Dapat hindi na lang siya nagpakita at nagpakilala sa akin noon, dapat hinayaan na lang niya ang lahat dahil wala namang nagbago matapos ang pagkikita namin. Mas nadagdagan pa nga ang sakit na dinadala ko.
May ama nga ako, buhay nga siya pero kailangan niya akong itago ng husto para walang makaalam ng pagkakamali niya noon lalo na ang pinakamamahal na asawa.
Pero tapos na ang pananahimik ko, panahon na para singilin ko siya sa lahat ng mga utang niya sa akin. Na-realize ko na kung hindi niya kayang maging ama sa akin dapat bumawi siya sa paraang gusto ko man lang.
I-denial ko ang numero ng taong matagal ko ng iniiwasan ko.
Panahon na para gamitin ko ang koneksyon na meron kaming dalawa.
Minsan kailangan ding ibaba ang pride para makuha ang gusto natin at iyon ang gagawin ko ngayon.
“Yes?" bungad niya ng sagutin ang tawag ko, wala man lang hello.
“Good eve,” sarkastiko kong bati dito.
“Who's this?” diretsang tanong nito.
“Your secret."
“Veronica?” Tila hindi pa ito makapaniwala na tumatawag ako ngayon.
Aminado itong ako nga ang sekreto niya na oras na malaman ng iba masisira ang pinakamamahal niyang pamilya at ang pinakaiingatan niyang pangalan sa madla.
“The one and only.”
“What do you need?” aburidong tanong nito na para bang hindi nagustuhan ang pagtawag ko.
"I need your help,” walang paligoy-ligoy na pahayag ko.
Hindi ko gustong humingi ng tulong buhat sa kanya pero kailangan ko. Kakalimutan ko muna ang pride ko para sa pangarap ko.
"What help? Alam mo naman na —”
"Work. I want to work under your company,” putol ko sa mga sasabihin pa niya. Ayoko nang marinig pa ang mga kadramahan niya.
"I can give you a work, I can refer you to my friends' company but you know you can’t work in Romero’s,” mabilis at may diing sagot nito na ikinatawa ko ng mapakla.
Alam ko naman na hindi siya papayag pero hindi ko kailangan ang approval niya. Tumawag lang ako para hindi na siya magulat sa biglang pagsulpot ko sa harapan niya.
"No," mabilis na tanggi ko," I want to work in your company, I'll go to there tommorow morning, dont worry I will not introduce myself as your secret burden,” pag-a-assure ko sa kanya bago pinutol ang tawag ng walang paalam.
He really doesn't want me to see me. 
Pero this time wala na akong pakiaalam sa gusto niyang mangyari, ako na ang masusunod at hindi niya ako mapipigilan.
I will use his power for my gains.
Sawa na akong sa magtrabaho para sa iba, panahon na para ako simulan kong kunin ang dapat ay sa akin. I need to act faster this time. Kaya kahit labag man sa loob ko kailangan ko ang tulong niya upang mabilis kong maabot ang tuktok. And I won't accept no as his answer.
Kung hindi siya papayag gagawa ako ng paraan upang mapa-oo siya.
Alam ko naman na malaki ang tyansa na baliwalain niya ang magiging hiling ko pero kailangan ko pa ring subukan. Sawa na akong maghintay kung kailan ba niya ako bibigyan ng karapatan gaya ni Patricia. Napaka-unfair niya.
Kaya ipinapangako ko sa sarili ko gagamitin ko ang meron siya para pabagsakin ang sarili niya at wasakin ang pamilyang pinaka-iingatan niya. Sisirain ko ang lahat lahat habang binubuo ko ang mga bagay na ninanais kong makuha. 
Gagamitin ko ang meron siya para pabagsakin ang sarili niya at wasakin ang pamilyang pinaka-iingatan niya. Sisirain ko ang lahat lahat habang binubuo ko ang mga bagay na ninanais kong makuha.
Matamis ang ngiti na nahiga ako sa kama, matapos kong planuhin ang mga dapat kong gawin.
Panahon na para magharap kaming muli. Kailangan kong magpahinga ng maaga dahil alam kung para akong sasabak ng gyera sa paghaharap na magaganap sa aming dalawa.
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising, nauna pa nga yata akong bumangon kaysa kay Marie.
Agad akong dumiretso sa kusina upang maghanda ng agahan naming dalawa. Lagi na lang kasi siyang pumapasok na kape lang ang laman ng sikmura dahil late akong magising kaya ipagluluto ko siya ngayong araw.
"Himala! May himala!” exaggerated na saad niya ng mabungaran niya ako na nag piprito sa kusina.
"Good morning," nakangiting bati ko sa kanya.
"Anong meron? Kung kailan wala ka ng trabaho saka ka gumising ng maaga,” nagtatakang saad nito. Tila hindi makapaniwalang maaga akong gumising.
"Bawal na bang gumising ng maaga? Mabuti pa kumain ka na para hindi ka naman malate. Mamaya makatanggap ka na naman ng sermon buhat sa pangit mong boss" Nakaangiti pa rin ako, kaya nagpapantastikuhang tumingin siya sa akin.
“Anong meron? Magsabi ka ng totoo?” muli ay tanong nito habang sumasandok ng sinangag.
"Wala naman. Excited lang akong sa maaring mga mangyayari ngayong araw."
"Huh?" Mababanaag sa mukha niya ang kalituhan. Pero hindi na ako umimik at nagsimulang kumain gan'on din ang ginawa niya.
Pagkaalis ni Marie ay gumayak na rin ako para pumunta sa kompanya. Nagsuot lang ako simpleng white chiffon blouse na pinatungan ko ng black blazer at slacks na black rin, pero naka five inches heels ako na lalong nagpatangkad sa 5'7 ko ng height. Mataas ako at mas tumaas la dahil sa high heels na suot ko. High heels make me me feel confident kaya kahit masakit minsan sa paa may matataas na takong parin ang isinusuot ko.
Makalipas ang ilang minuto lulan na ako ng isang taxi papunta sa Romero's Group of Companies.
"Salamat, Manong," saad ko ng makababa sa sasakyan.
Nasa harap ko na ngayon ang matayog na gusali na balang araw ay aking magiging pagmamay-ari.
"Excuse me, Ma'am. Bawal pong pumasok ang hindi empleyado o walang appointment, pigil sa akin ng guard ng tangkain ko nang pumasok.
'I am your future boss', ’yan sana ang gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.
Rule No. 1. Maintain a good image, be kind. For future alliance.
Kaya kahit napipilitan ngumiti ako sa guard. ”Kuya may appointment ako sa mismong may-ari ng kompanyang ito, kay Mr. Romero. You can call him to prove that I am telling the truth," bait-baitang saad ko habang nakangiti. I need to win the trust of every employees here at kailangan ko na iyong simulan ngayon pa lang.
Ginawa nga nito ang sinabi ko. Makalipas ang ilang sandali ay lumapit itong muli sa akin.
"Pasensya na po kayo, Maam. Diretso na raw po kayo sa opisin ni Mr. Chairman. Top floor po," magalang na anito.
"Sige, salamat," plastik na saad ko habang nakangiti.
Balang araw sa akin kana yuyuko at hindi mo na ako pipigilan anong oras man ako pumasok sa kompanyang ito. Dahil ako na ang susunod na magiging amo mo.
"Good morning, I am Ms. Madrigal, may appointment ako kay Mr. Romero,” nakangiting saad ko sa sekretaryang bumugad sa akin pagkalabas ko ng elevator nang makarating ako sa top floor.
"Yes, Ma'am, na-informed na po ako sa pagdating n'yo. Diretso na po kayo, kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. Chairman,” magalang na saad nito at ituro na sakin ang isang malaking pinto na nakasarado.
“Thank you.”
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok at dahan-dahang binuksan ang pintuan.
Bumungad sa akin ang napakalaking opisina at sa gitna noon ay nakatayo ang isang matandang lalaki. Ang lalaking kinamumuhian ko, ang duwag kong ama.
Tinitingala ng marami pero walang nakakaalam na isa itong duwag na takot sa responsibilidad ng kanyang pagkakamali.
"Veronica."
"Not so nice meeting you again, old man.”

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    concepcionmichael

    I love this story

    28d

      0
  • avatar
    Jima Handumon

    koooo

    19/01

      0
  • avatar
    Jerwell Zamora

    Thankyou

    29/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes