logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

HOBH 7

“Ako na po ang bahalang kumuha,” sabi niya at ngumiti. “Pumunta na po kayo dahil baka hinihintay na kayo ng fans ninyo.”
Nahirapan siyang kumilos dahil pinagkukulumpunan na ang ibang modelong lumahok sa programa sa daanan papunta sa backstage. Iniwan niyang dinudumog din sa baba ng stage si Kirst. Ayos ito. Di na nila kailangan pang magkita o magkaharap.
Siya lang mag-isa ang tao sa backstage at sinilip niya sa ilalim ng upuan dahil baka nandoon ang sandals ni Miss Jasmine. “Saan banda ba iyon napunta?” tanong niya. Baka naman hindi doon nawala o kaya ay nadampot ng ibang writer.
“Hello, naughty girl. We meet again.”
NAPARALISA ang buong katawan ni Verona nang marinig ang suwabeng boses ni Kirst. Ay, kamote! Bakit nandito siya agad? Di ko pa nahahanap ‘yung sandals.
Ang bilis naman yata nitong makawala sa mga fans nito. Paano nangyari iyon? Akala pa mandin niya ay marami pa siyang oras para makaiwas dito. Dumog na dumog ito ng mga kababaihan kanina.
Patay-malisya na lang siya at nagpatuloy sa paghahanap. “Sandali na lang ako dito, Sir. Lalabas din po ako. May hinahanap lang akong naiwan ng isang writer.”
‘Sandals, labas na diyan. Makisama ka naman. Please lang. Maawa ka sa akin,’ pagmamakaawa niya ay kulang na lang ay isubsob ang mukha sa ilalim ng mesa.
“O baka naman ako ang hinahanap mo,” sabi nito at tumayo sa tabi niya.
Tiningala niya ito. “Sandals ka ba?”
“Bakit?” tanong nito.
“Anong bakit?”
Ikiniling nito ang ulo at animo’y naguguluhan sa tanong niya. “Pick up line ‘yun, di ba?”
Tumirik ang mata ng dalaga. “Hindi ‘yon pick up line. May hinahanap akong sandals. Huwag masyadong feeling.”
Pakiramdam ba nito ay nagpapapansin ang lahat ng babae dito? Grabe na talaga! Kundi lang siya nangako kay Miss Jasmine na hahanapin niya ang nawawala nitong sandals ay kanina pa siya nag-walkout pagpasok nito sa silid.
Umuklo ito sa tabi niya. “Ano ba ang dapat kong maramdaman? Akala mo ba basta na lang kitang makakalimutan matapos ang lahat ng pinagsaluhan natin?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Excuse me. I don’t even know you.”
“Hindi siguro mo siguro ako gaanong kakilala. But what we shared is more valuable than anything I’ve ever experienced. Mas kilala mo ako kaysa sa iba Ikaw lang ang nakatagpo ng tagong yaman ng mga pirata,” sabi nito sa sensual na boses at naramdaman niya ang init ng hininga nito sa tainga niya.
Nakadama ng kilabot si Verona sa buong katawan niya. Napalunok siya. Dahil gusto niya ang kilabot na iyon. Di siya naiinis. Di siya nandidiri. Di rin siya natatakot. Dapat akong matakot. Di ito tama. Ayoko sa kanya. Mapapahamak ako sa kanya. Kailangan kong isipin ang nanay ko... Si Sister Leonora.
Tumayo siya at sa kabilang mesa naman naghanap kahit na nasilip na niya iyon kanina at nabilang na ang mga alikabok. “Wala akong alam sa sinasabi mo.”
Tumayo din ito sa likuran niya. “I know what you did last Cosmo Bachelor Bash,” he whispered in a low, sexy voice with a hint of warning.
Tandang-tanda ang nangyari at plano pang ipagdiinan sa kanya. Bumalik sa alaala sa kanya pati kaliit-liitang detalye ng sandaling iyon. Kung paanong may nanulak sa kanya at muntik na siyang ngumudngod sa stage. Kung paano nahawakan niya ang kayamanan ng pirata at nagsalubong ang mga mata nila ni Kirst. Pati na rin ang panunukso sa mga mata nito. Nag-init ang buong silid at hindi siya makahinga. Kailangan na niyang lumayo kay Kirst. Kundi siya hihimatayin sa sobrang kahihiyan ay baka himatayin siya sa sobrang hotness ng binata.
Kailangan na niyang umalis doon habang may lakas pa siya. “Mukhang wala dito ang hinahanap ko. Bye!” At taas-noo siyang naglakad palayo. Ibibilin na lang niya sa ibang kasamahan na walang allergy kay Kirst ang nawawalang sandals. May tao pa siyang mapapasaya.
“Ito ba ‘yung sandals ba ang hinahanap mo?” tanong nito.
Natigilan sa paglalakad ang dalaga at nakangiting bumalik sa binata. “Salamat dahil nahanap mo,” malambing niyang sabi at inilahad ang palad dito.
Inilagay ng binata ang sandals sa likuran nito. “Ooopps! It is not that easy.”
Nawala ang ngiti sa labi niya. “What do you want?”
Humakbang ito palapit sa kanya. “Stop pretending that what happened at the bash didn’t occur.”
“Fine. I am sorry if I grabbed the...” Bumaba ang tingin niya sa pantalon saka umiwas. Tumikhim siya. “Aksidente lang iyon. Hindi naman ako interesado sa kayamanan ng mga pirata mo.”
Ngumisi ito. “Pero mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana. Ako ang nakasalo sa iyo nang himatayin ka... Kung totoo mang nahimatay ka.”
“Siyempre totoong nahimatay ako.”
“I am a nurse. Alam ko ang nagpapanggap at hindi. Pero ayoko namang masayang ang chance mo na masalo ng bisig ko. So I indulged you.”
“Wow! Feeling mo talaga nagpanggap akong walang malay para sa iyo.”
Nagkibit-balikat ito. “Girls do that all the time. Nothing new. Napansin mo ba na perfect din ang sagot mo sa game kanina? Ngayon lang ako nakatagpo ng babae na sobrang compatible sa akin.”
“Nagkataon lang iyon. Hindi mo naman paborito ang suman.”
“Siyempre kailangan ko lang mamili sa biko at mangga pero suman talaga ang gusto ko.” Hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok niya. “Para kang suman. I would love to peel all your layers to know what’s inside. That would be interesting.”
“Not interested. Hindi ako suman,” aniya at inirapan ito.
“Are you sure? Pagkatapos mong gawin ang lahat para makuha ang atensyon ko? You don’t have to be shy. Admit that you want me.” At inilapit nito ang mukha sa kanya. “Tell me you want me, naughty girl.”
NANLAKI ang mga mata ni Verona at naestatwa. Di niya alam kung paanong iwas ang gagawin kay Kirst. Walang gaanong espasyo para ibaling ang mukha dahil tiyak na magkakadikit sila. And she couldn’t move away from his piercing eyes. Parang tumatagos sa pagkatao niya ang titig nito, sinasaliksik pati kaibuturan ng kanyang kaluluwa.
Kung pagbabatayan niya ang mga romance novels na ine-edit niya, masasabing attracted siya dito. At habang nakatitig siya sa mga mata nito, nararamdaman niyang mistulang pader na tinitibag ang lakas niya. Hindi niya kayang takasan ang nararamdaman dito.
“Hi, Kirst. Kanina pa kita hinahanap,” anang matinis na boses ni Sia.
Biglang umurong si Verona at tumuwid naman ng tayo si Kirst. Bless you, Sia!
Kumapit ang kaibigan niya sa braso ng binata habang sa isang kamay ay bitbit pa ang bouquet ng bulaklak. “Excited na ako sa date natin!”
“Yes. Next week daw,” sabi naman ng binata at magaang tumawa.
Nag-init ang mga mata niya nang makita kung paanong di inaalis ni Kirst ang pagkakakapit ng kaibigan niya dito. Siyempre, mas sexy naman ang suot ni Sia kaysa sa kanya. Kitang-kita ang cleavage nito sa suot na spaghetti strap blouse at na-emphasize ang maganda nitong legs sa maong skirt. Habang siya ay nakasuot ng pantalon at long sleeve blouse. Yeah! Boring. Hindi na kailangan pang pigain ni Kirst sa kanya kung attracted siya dito o hindi dahil marami namang ibang babae diyan.
Dapat ay iwan na niya ang mga ito pero di niya magawa. Kailangan pa niyang protektahan ang kaibigan niya mula kay Kirst at sa sarili nito. At nasa binata pa ang mahiwagang sandals.
“Kilala mo na ang friend kong si Verona?” tanong ni Sia at inilahad ang palad sa direksyon niya.
“Verona. A state in Italy. Nandoon ang Venice na gusto ko rin puntahan. A perfect place for lovers.”
“Ayoko sa Italy,” nausal naman niya. “Saka kasama iyon sa scariest places of Earth dahil sa dami ng namatay doon dahil sa Black Death. Maraming multo.”
“Kung natatakot sa multo, pwede ka namang yumakap sa akin at ako ang bahalang magprotekta sa iyo, sabi ng binata.
“Ako na lang ang sasama sa iyo, Kirst. Takot ako sa multo pero okay lang basta kasama kita,” sabi ni Sia at yumakap sa braso ng binata.
“Mauna na ako sa inyo. Dadalhin ko pa ang sandals kay Miss Jasmine,” sabi niya. Kailangan na niyang umalis dahil baka mahablot pa niya ang kaibigan sa buhok dahil kay Kirst. Naiinis siya na may ibang babaeng dumidikit dito. Nagseselos siya....
Hindi ako nagseselos. Wala akong pakialam kay Kirst.
“Di mo ba kukunin ang sandals sa akin?” paalala ng binata.
Nandito pa pala ang sandals. “Maraming salamat,” sabi niya at kinuha ang sandals.
“Ang bait mo talaga. Pwede bang makuha ang number mo?” tanong ni Sia sa binata.
“You can ask my handler. Nasa labas si Sir Jojit. Hindi ko pa kasi kabisado dahil bago pa lang.”
“Sia, sabay na tayong umalis,” sabi niya sa kaibigan na lumabas ng backstage.
Lumapit sa kanya ang binata. “See you soon.”
“Hindi ako ang nanalo sa dating game.” Ngumuso siya kay Sia. “Siya. Kaya malamang hindi na tayo magkikita kahit kailan.”
“No. I am sure we will see each other again. Think of me.”
“I don’t think so.” Hinatak na niya si Sia. “Let’s go.”
“Bye, Kirst! Text-text na lang ha?” anang si Sia at humagikgik pa habang kumakaway sa lalaki. Halatang-halata naman na gusto nito si Kirst.

Comentário do Livro (84)

  • avatar
    Donna Jane Antiporta

    I loveeee this sooo much... yung mapapatawa ka ng malakas , then kikiligin then pasasakitin ang puso 🤗 I love itttt

    27/02/2022

      4
  • avatar
    Octores jrPedro

    nice

    03/08

      0
  • avatar
    Thnh T

    5000 điểm

    30/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes