logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5: He Kissed Me!

ADELYN'S POV
Abala ako sa pagbabasa ng kung ano-anong itinambak na papeles sa desk ko nang biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina, kaya napatingin ako roon. I immediately stood up when I saw the CEO together with his secretary. Heto na sila.
"Good morning, Sir," bati ko sa kaniya nang magkaharap na kami.
"Hapon na," pagtatama niya sa akin kaya napatingin ako sa wristwatch ko at nakitang 3 pm na pala kaya naman suminghap ako. "Miss Cha, iwan mo muna kami." Agad namang tumango ang secretary nito at naglakad na paalis hanggang sa maiwan na kaming dalawa sa loob.
Aalukin o sana siyang maupo pero bago pa man umuwang ang bibig ko ay nakaupo na siya... kaya naman naupo nalang din ako.
"Pinatawag kita kahapon pero hindi ka dumating. Sa tingin mo ba ay ganu'n ka kahalagang tao para balewalain ako?" anito sa malamig na boses kaya naman napayuko ako.
"It's my fault, I'm sorry," tugon ko naman pero bumuntong-hininga lang ito.
"Hindi bale na," usal niya. "Nga pala, marami na ang sumasang-ayon na tanggalin ka sa pwesto mo at tama sila, maraming mas magaling kaysa sa'yo."
Natigilan ako sa sinabi nito at tinignan siya ng diretsahan.
"Maraming mas matalino sa'yo, mas talentado, at respetado. Pero bilang ama mo ay bibigyan kita ng panahon na ipakita sa kanila na ikaw lang ang mas babagay sa posisyong 'yan."
Unti-unting kumuyom ang aking kamao ng dahil sa sinabi niya. Sobrang baba talaga ng tingin nila sa akin.
"SIR, hindi mo kailangang gamitin ang salitang AMA, dahil hindi ko kailangan ng awa ng isang ama," madiin kong saad na tinanguan nito.
"Naiintindihan ko." May patango-tango pa siyang nalalaman pero sa kilos niya ay halata namang hindi niya ako naiintindihan. "Bilang CEO ng kumpanyang ito ay nakita ko ang husay mo, kaya bibigyan kita ng isang buwan upang maging responsable," aniya at naglakad na paalis ng aking opisina.
Huminga naman ako ng malalim at malakas na hinampas ang desk ko sa sobrang pagkainis. Nagsisisi ako na ipinanganak sa pamilyang ito, sising-sisi ako.
"Miss President," hayag ni Chuck ng makapasok ito sa opisina ko at may dalang tray na puno ng pagkain, "kumain ka na muna," wika niya sabay inilapag sa desk ko ang pagkain na dala niya.
I just sighed and leaned my back from the swivel chair I was sitting on.
"Mukhang masama na naman ang araw mo," usal pa nito pero hindi ko pa rin siya inimikan.
Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang apat na sulok ng kwarto, pero binasag naman iyon ng pagtikhim ni Chuck.
"Kailangan mong kumain."
"Ayoko," agaran kong sagot at pinagsiklop ang aking mga daliri. "Tanggalin mo na 'yan at tatapusin ko pa ang trabaho ko." Mariin namang umiling si Chuck.
"Hindi ka pa po kumakain simula kahapon. Isa pa, may sugat ka kaya kailangan mo pang magpalakas," pangangaral niya sa akin at sinimulang galawin ang pagkain. Umirap lang ako sa hangin pero bumalik sa kaniya ang atensyon ko nang makitang itinapat nito sa harapan ng mukha ko ang kutsarang may lamang kanin at ulam na adobo.
"Ahhh."
Nginiwian ko siya at tinabig ang kaniyang kamay dahilan upang matapon ang pagkain na nasa kutsara sa katawan ko.
"What the hell?!" Inis akong suminghap matapos makitang nadumihan ang damit ko. "Marami pa akong meeting na dadaluhan pero dinumihan mo ang damit ko! Wala ka talagang kwenta!" sunod-sunod at walang tigil kong sigaw sa kaniya.
Panay naman ang paghingi nito ng tawad at lumapit sa akin. Naglabas ito ng tissue at pinunasan ang damit ko. Mas lalo lang lumakas ang pagsigaw ko dahil mas lumala lang ang dumi nang punasan niya iyon.
"Pasensya na po talaga. Sorry po. Sorry." Nakangiwi lang ito at magkadikit pa ang kaniyang palad.
Hindi na lang ako umimik at tinanggal ang suot kong coat, pero maging ang panloob kong damit ay may dumi din kaya naman maging iyon ay tinanggal ko, sabay ihinagis iyon sa pagmumukha ni Chuck.
"Labhan mo 'yan. Wala akong dalang ibang damit kaya bilisan mo," saad ko sa kaniya na tinanguan naman nito pero nahalata kong hindi makatingin ng diretso ang mga mata nito sa akin. "Sumagot ka!" bulyaw ko sa kaniya na ikinayuko niya.
"O-o-opo," utal nitong sagot at naglakad na paalis.
Nameywang na lang ako pero agad naman akong napaisip sa reaksyon niya kanina. Bakit halos hindi siya makatingin ng diretso sa akin? Malikot ang mga mata niya na para bang hindi mapakali.
Napatingin ako sa katawan ko at kumunot ang noo. "Hindi ba siya sanay na makakita ng babaeng nakabra?" bulalas ko at ipinilig ang aking ulo. "Imposible, ikinukwento sa akin ni Gaile noon na lagi siyang pinapanood ng kasintahan niya sa tuwing may photoshoot ito at madalas ay nakabra't panty lang siya," pagkakausap ko sa aking sarili.
Ginulo ko na lang ang aking buhok subalit napangiwi naman ako ng kumirot ang sugat ko. Letse! Bakit ba ako ang paboritong lapitan ng kamalasan? Bakit hindi nalang si Chuck? Bumuntong-hininga ako at kinain ang pagkaing inihain ni Chuck upang walang kalat sa desk ko, at pagkatapos ay ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa ng kung ano-anong papel.
Ilang oras ang lumipas hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Grey na may dalang damit.
"Ay grabe. Bakit ang hot mo?" pambibiro nito sa akin habang tumatawa sabay lahad ng damit sa akin. "Ang sabi ni Chuck ay dalhin ko daw ito sa'yo dahil baka lamigin ka. Nasa rooftop naman siya at pinapatuyo ang damit mo."
Kinuha ko naman iyon at hindi na nag-atubiling suotin dahil nilalamig na nga ako.
"Nga pala," bulalas ko kaya naman napatingin ito sa akin. "Napansin ko kanina na hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Sabihin mo nga, ganu'n ba talaga ako kaakit-akit?"
Nakataas lang ang magkabila nitong kilay hanggang sa tumawa siya ng malakas.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Syempre naman oo!" tugon niya kaya naningkit ang aking mata. "Adel, maganda ka at ganu'n din ang katawan mo, kung hindi nga lang kita kilala bilang lalakerong maldita ay baka isa na rin ako sa naging lalaki mo," pahayag niya na sininghapan ko.
"Ewan ko sa'yo." Tinapos ko na lang ang pag-aayos ko sa aking suit.
"Teka, 'wag mo sabihin sa aking naghubad ka sa harapan niya?" pag-iiba nito ng usapan.
"Ano naman ngayon?" patanong kong sagot na sininghapan nito.
"Talagang nasanay ka ng maghubad sa harapan ng iba, naku naman, pwedeng ilugar mo 'yan? Yung tipong maghubad ka nalang sa harapan ko 'wag lang sa kaniya."
"Fuck you, Grey."
"Sus, payakap nga, baby."
Agaran akong umiwas ng akmang yayakapin na ako nito at pinitik ang kaniyang noo.
"You're crazy. Get out of here!"
Tumango naman ito at nagpaalam na sabay naglakad paalis ng opisina ko. Inayos ko na ang suot ko at napatingin sa wristwatch ko, 5 pm na, may trenta minutos na lang ako upang maghanda at magtungo sa restaurant upang harapin ang isa sa mga bago naming kliyente.
Inayos ko na ang mga papel sa ibabaw ng desk ko at naglakad na paalis, nagtungo ako sa rooftop upang tawagin na si Chuck. Pagkarating na pagkarating ko doon ay nadatnan ko itong nasa dulo at parang siraulong iwinagayway ang damit ko para lang matuyo ito. Suminghap ako at naglakad palapit sa kaniya. "Chuck," pagtatawag ko rito kaya naman nilingon niya ako at hinarap ako.
"Miss—"
Kapwa nanlaki ang mata namin ng mawalan siya ng balanse. Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang necktie nito upang hindi siya mahulog.
Alam kong malaki ang kasalanan niya kay Gaile, ngunit hindi iyon dahilan upang hayaan ko siyang mamatay. Hindi ko pa nagagawang miserable ang buhay niya, kaya hindi pa siya pwedeng mamatay.
Buong lakas ko siyang hinila kaya naman imbes na mahulog at magkawasak-wasak ang ulo niya sa ibaba ay bumagsak ito sa akin, hanggang sa kapwa kami napahiga sa sementadong sahig. Napangiwi ako nang sumakit ang balikat ko pero nabalewala iyon nang makita ko ang mukha ni Chuck na sobrang lapit sa akin. Kapwa kami tahimik at nakatingin lang sa mukha ng isa't isa. Unti-unti ay naramdaman kong bumilis ang kabog ng puso nito na para bang ngayon lang pumasok sa isipan niya ang kaba na muntik na siyang mahulog sa gusali. Napansin ko namang napatingin ito sa labi ko at mariing napalunok kaya kumunot ang noo ko.
Sesermunan ko na sana siya pero agarang nanlaki ang mata ko nang bigla niya na lang akong sinunggaban ng halik. Nagkabuhol-buhol ang utak ko at nanigas ako sa kinahihigaan ko dahil sa ginawa nito.
BULLSHIT!
Napangiwi ako nang maramdaman ang dila nito na pilit na pumapasok sa bibig ko pero natauhan na ako't mabilis siyang itinulak.
"Siraulo ka!" asik ko sa kaniya at agarang tumayo mula sa aking pagkakabagsak. Nanlaki naman ang mata nito nang mapagtanto ang kaniyang ginawa. Suminghap ako at sinuklay paitaas ang buhok ko.
Shit! Shit!! Shit!!!
Putangina. Ano iyon? Hinalikan ako ng ex ng kapatid ko?!
"Aish! Kadiri!" saad ko at inis na sinipa ang suit ko na pinapatuyo ni Chuck. "Marami pa akong dapat isigaw sa'yo pero oras pa ng trabaho ko kaya bumangon ka na diyan dahil ayokong malate sa meeting ko!"
Kumurap-kurap ito na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niya. Nanatili siyang nakaupo sa sahig kaya naman inis akong bumuntong-hininga sabay inilahad ang aking palad sa harapan niya kaya napatingin siya roon pero umangat naman ang mga mata nito at tinignan ako ng inosente.
Aish! Bakit ko ba ginagawa ito? Diring-diri ako sa kaniya pero heto ako't inilalahad ang aking palad para tulungan siyang tumayo. Tinanggap naman nito ang palad ko kaya hinila ko na siya patayo. When he already stood up properly, I quickly let go of his hand and wiped my palm.
"Kadiri, kadiri, kadiri," sunod-sunod kong bulong habang iritableng pinupunasan ang palad ko at bumuntong-hininga na lang sabay tumingin kay Chuck.
Hindi bale na.
Nagsimula na akong naglakad paalis habang nakasunod naman ito, pero napahinto ako at hinarap siya. "Stay away from me, you should be one or two meters away from me. Is that clear?" pangangaral ko sa kaniya na tinanguan naman nito. "Wala ka talagang kwenta, aish!"
Umiling-iling nalang ako upang iwakli ang pandidiri ko, pero mukhang hindi na 'yun mawawala sa isipan ko.

Comentário do Livro (146)

  • avatar
    Nixon Allen Bernacer

    so fun

    27/07

      0
  • avatar
    John Winzel Urgelles

    wow

    23/07

      0
  • avatar
    Airalyn Jawaddil

    ggghi

    22/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes