logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3: Annoyed

ADELYN'S POV
Patungo na ako sa opisina ko nang biglang bumukas ang elevator at tumambad sa harapan ko si Chuck.
"Ma'am!" masigla nitong bati at humakbang papasok sabay lahad sa akin ng isang folder. "Natapos ko na po 'yung ipinapatrabaho mo," ani pa niya. Tipid lang akong tumango sabay kuha ng folder at hindi na siya kinausap pa.
Napakarami ko nang pinagawa sa kaniya sa araw na ito. Pinabili ko siya ng kape sa pinakamalayong coffee shop pero nagawa niya iyon sa loob ng thirty minutes. Inutusan ko din siyang ayusin ang opisina ko habang nasa meeting ako, at pagbalik ko ay maayos na ang lahat, sunod naman ay inutusan ko siyang bilhan ng pagkain lahat ng empleyado at nagawa niya pa rin. Ngayon naman ay inutusan ko siyang hanapin ang isang papeles sa stock room at heto na siya ngayon. Sa aming dalawa ay ako pa ang mas mukhang pagod.
I want to hear his complaint but he did everything with a smile on his face— pambihirang lalaki ito.
Suminghap ako at hinarap si Chuck. "Sigurado ka bang tama ang folder na ito?" iritable kong tanong sa kaniya dahil paano niya nagawang mahanap ito ng ilang minuto sa dami ng nakatambak na papeles roon.
Tumango naman siya at ngumiti. "Alam ko pong ayaw mo ng nagkakamali kaya naman ilang beses ko 'yang tinignan para lang masigurong tama ang nakuha ko."
Inis akong bumuntong-hininga at sinuklay paitaas ang aking buhok na gaya ng nakasanayan ay nakalugay na naman. Naaasar na talaga ako sa lalaking 'to.
Ilang saglit lang ay bumukas ulit ang elevator at pumasok ang napakaraming empleyado. Nagtulakan ang mga ito para lang makapasok at mukhang hindi ako napansin. Habang abala sila ay agarang nagtungo sa harapan ko si Chuck at ihinarang ang kaniyang braso't likod upang bigyan ako ng espasyo at hindi madamay sa kanilang siksikan.
Nakakairita talaga, hindi ba talaga nila napansing nandito ako? Kung tanggalin ko kaya silang lahat sa trabaho?
Suminghal na lang ako at nag-angat ng mukha, subalit sumakto namang nakatingin sa akin si Chuck kaya naman nagkalapit ang aming mukha. Sa hindi malamang dahilan ay napatitig ako sa mukha nito. Mukha siyang dugyuting katawa-tawa sa malayuan, pero kung pagmamasdan ng malapitan ay makikita mo ang tunay na kagandahang lalaki nito. Napakurap-kurap ako sa iniisip ko at agarang napa-iwas ng tingin. Bwisit! Ano bang pinag-iiisip ko? Nasisiraan na ata ako ng ulo.
Biglang gumalaw ang katawan ni Chuck dahilan upang masubsob ito sa akin na ikinanlaki ng mata naming pareho. Agad naman siyang tumikhim at nag-iwas ng mukha.
"Excuse me. Kailangan ko po ng espasyo dahil baka hindi makahinga si Miss President!" Chuck exclaimed as he pushed away those employee who was close to us to widen the space for me. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa nito. Hindi siya yung tipo ng tao na inaasahan kong madali kong mapapahirapan at mapaghihigantian.
Muling bumukas ang elevator kaya naglakad ako para makalabas habang si Chuck ay siyang nagbigay ng espasyo sa daraanan ko, kaya maayos akong nakalabas ng elevator.
Naglakad na lang ako pabalik sa opisina ko ng sira ang araw, but my day got worse when I saw a man sitting on my chair.
"Frank," bulalas ko sa pangalan nito at naglakad palapit sa kaniya hanggang sa magkaharap na kami.
He took off his sunglasses and looked at me innocently. "Oh, Adelyn." painosente nitong wika at kinawayan ako. "Hi," bati pa nito sa akin sabay ngumisi kaya naman mariin kong ikinuyom ang aking kamao.
"Umalis ka sa upuan ko," ma-awtoridad kong utos pero iniangat niya lang ang kaniyang magkabilang kamay at iyon ang ginawa niyang sandalan ng kaniyang ulo.
"Marami namang upuan diyan kaya bakit ito pang inuupuan ko ang gusto mo? Tsaka ano nga ulit? Upuan mo? Hah! Wala ka namang pwesto rito." Pang-aasar niya na mas lalong ikinakulo ng dugo ko. Mariin kong ikinuyom ang aking kamao habang wala namang emosyon ang aking mukha.
"Pasensya na, Sir, pero kailangan niyo pong umalis sa upuan na iyan dahil para lang 'yan kay Miss President," sabat sa usapan ni Chuck kaya naman sa kaniya napunta ang atensyon ni Frank, at pinaningkitan siya nito ng mata.
"At sino ka naman para pangaralan ako?"
"Ako po si Chuck DeVille, ang secretary ni Miss President," pagpapakilala naman nito na ikinatango-tango ni Frank at natawa.
"Ilang lalaking secretary na ba ang dumaan sa'yo at mukhang araw-araw kang nagbabago ng kalaro," turan nito pero hindi ako umimik. "Bitch," he added.
Naglabas siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Hinithit niya iyon sabay ibinuga ang usok sa mismong harapan ko.
"Frank, umalis ka na habang nirerespeto pa kita." Imbes na gamitin ang natitira kong pagtitimpi para umalis, ay tinawanan pa ako ng gunggong.
"What if I don't want to?" wika niya kaya tumalim ang tingin ko sa kaniya. "What would a little bitch like you, can do to your elder cousin, huh?"
Fuck! This ugly man really pisses me off!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at akmang iaangat na ang kamao ko upang suntukin siya... pero mabilis iyong hinawakan ni Chuck kaya naman nilingon ko siya. Inilingan ako nito at nginitian sabay hinarap si Frank. "Sir, I'm sorry but you really need to leave this office."
Muli lang na tumawa si Frank pero agad naman itong natahimik nang dumapo ang kamao ni Chuck sa mukha niya— dahilan upang bumagsak ang katawan niya sa sahig.
"Ahhh! It hurts!" reklamo nito habang hawak-hawak ang kaniyang panga. Pumutok ang gilid ng labi nito at nagsisimula ng dumugo. "Ikaw!" inis naman nitong hayag at sinuntok rin si Chuck.
Pinabayaan ko na lang silang dalawa at taimtim na pinunasan ang aking silya. They both beat each other while I was busy spraying alcohol and sanitizer to my swivel chair and I wiped it carefully. I don't give a damn to these two stupid and ugly people.
"Naku! Chuck!" sigaw ni Grey at agarang inawat ang dalawa sa pagrarambulan, gayundin ang kasama niyang secretary.
Habang abala sila sa pagkakagulo ay nakatutok lang ang atensyon ko sa paglilinis ng upuan ko hanggang sa inis kong ihinagis sa sahig ang naubos ng alcohol at basang-basa na ang swivel chair ko.
"Lintik," bulalas ko at malakas iyong sinipa dahilan upang tumilapon ito. Nakayuko na lang ako hanggang sa bumigat ang paghinga ko at matalim na tinignan si Frank. Bakas sa mukha nitong natakot siya sa hitsura ko at nagmamadaling tumakbo paalis. Kulang na lang ay madapa na siya sa sobrang pagkataranta habang tumatakbo. Ipinikit ko ang aking mata at ikinalma ang aking sarili. Ipinilig ko ang aking ulo sabay bumuntong-hininga.
"M-ma'am, a-are you okay?" Chuck asked me so I opened my eyes and looked at him.
Ngumiwi ako ng makitang may pasa siya sa kanang bahagi ng kaniyang labi at sa kaliwang bahagi ng gilid ng kaniyang mata. "Ako pa talaga ang tinanong mo, tignan mo nga 'yang hitsura mo?!" bulyaw ko sa kaniya na ikinayuko nito at lumungkot ang mukha... pero agad rin naman siyang nag-angat ng mukha at nginitian ako.
"Ayos lang ako."
Agaran itong natumba sa sahig nang suntukin ko siya sa mukha.
"Adelyn!" sita sa akin ni Grey at tinulungang itinayo si Chuck. "What do you think you're doing?"
"Ang sabi niya ay ayos lang siya sa suntok ng ibang tao. Ngayon, masasabi mo pa rin bang ayos ka lang matapos tanggapin ang suntok ng boss mo?" malamig kong tugon at hinilot ang aking kamao. Napakatigas ng mukha niya, mukhang buto ko pa ang napuruhan.
He sighed and wiped the blood from the side of his lip and laughed softly.
"Pasensya na po," tangi nitong sambit.
Umirap na lang ako sa hangin at nameywang. "Nga pala, ibili mo ako ng bagong upuan at pakitapon na ang upuang iyon."
"Teka, hindi mo man lang ba gagamutin ang sugat niya?" singit sa usapan ni Grey kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Do I look like a doctor? I am here to take care of the company, not to heal the wounds of useless employees," panunumbat ko na nginiwian ni Grey. Isa pa, napakaswerte niya naman kung gagamutin ko siya, kulang pa nga 'yan sa mga ginawa niya sa kapatid ko.
"Tama siya," pagsang-ayon naman ni Chuck at tinapik ang balikat ni Grey. "Ako na lang ang gagamot nito, 'wag kang mag-alala."
Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Grey pero wala siyang ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. "Fine," bulalas ni Grey at tinignan ako. "Pinapatawag ka nga pala ng CEO sa opisina niya," pag-iiba nito ng usapan na ikinakunot ng noo ko.
"Ngayon na?" Tumango siya bilang sagot. Huminga ako ng malalim at napatingin sa kamao kong namumula. "Kung minamalas ka nga naman," bulalas ko.
"Ihahatid na kita, Ma'am," presinta ni Chuck at tumayo ng maayos pero agaran naman itong napangiwi at napahawak sa kaniyang braso na halatang kumikirot.
"Psh. 'Wag na, baka mamaya ay ikaw pa ang alalayan ko sa daan. Pabigat ka lang," sumbat ko at inirapan siya bago naglakad palabas ng opisina. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ay inayos ko ang pananamit ko upang magmukhang presentable sa kaniyang harapan. Of course, CEO na ang haharapin ko, I should look more presentable.
"Nasaan ang CEO?" diretsahan kong tanong sa sekretarya ng CEO na ilang hakbang lang ang layo sa pintuan ng opisina ng kaniyang amo.
"Nasa loob na po siya at kausap si Miss Nahshon," sagot naman nito na tinanguan ko at agarang nagtungo sa pintuan ng opisina. Iniangat ko ang aking kamay upang kumatok, subalit hindi nagawang dumampi ang balat ko sa malamig na seradura ng pinto nang marinig ko ang usapan nila mula sa loob.
"Kuya, mas mabuti kung tanggalin mo na siya bilang presidente ng kumpanya. Marami namang mas deserve ng p'westong iyon at hindi siya kasali sa listahan," rinig kong lintana ng boses babae na kung hindi ako magkakamali ay pagmamay-ari ni Aunty Syria.
Dahan-dahang bumaba ang kamay ko at napayuko. Hindi ko akalaing ang taong sumuporta sa akin mula ng bata ako... ay narito ngayon at sinasabing hindi ako karapat-dapat sa posisyon ko. Hindi ako makapaniwalang isa din siya sa parte ng pamilya kong gusto akong nasa ibaba.
Ngayon, hindi ko na mabatid kung sino pa sa pamilya ko ang pagkakatiwalaan ko... mukhang wala na. It's a shame that I trust her. But thanks to her because I got this position, and no one can bring me down.

Comentário do Livro (146)

  • avatar
    Nixon Allen Bernacer

    so fun

    27/07

      0
  • avatar
    John Winzel Urgelles

    wow

    23/07

      0
  • avatar
    Airalyn Jawaddil

    ggghi

    22/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes