logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 05

Stable heartbeat, not until I met you—my heart awakened from a deep slumber.
*****
Another day had passed, at wala namang pagbabago. Ayos lang naman ang pakiramdam ko sa awa ng diyos. Masaya na ako sa buhay ko, lalo na at nadagdagan pa ng panibagong parte ang puso ko.
“Hey! Sandya!” nakita ko si Nyx na patakbong lumapit saakin habang inaayos ko ang bike. Bandang alas singko na rin kasi at mas mabuti kung maaga akong pupunta roon. Aalis pa naman si mama kaya wala akong kasama sa bahay.
“Can I come with you?” alanganing tanong niya na sinuklian ko na lang ng ngiti at pag sang-ayon.
“You'll still bring your bike?” napaisip naman ako dahil sa sinabi niya, kaya napagpasyahan ko na iwanan na lamang iyon dahil hindi ko naman magagamit, kasama ko naman si Nyx.
Tahimik lang kaming naglalakad at wala siguro saaming dalawa ang may balak na magsalita.
“Ahm, are you fond of surprises?” basag niya sa katahimikan.
Matagal naman akong napaisip, gusto ko nga ba ang mga sorpresa? Kung ang mga biglaang nangyayari sa buhay ko ay hindi maganda at hindi ko kailanman magugustuhan.
Nag kibit balikat na lang ako bago matanawan na malapit na kami sa tambayan naming dalawa, Oo itinuturing ko ng tambayan namin itong dalawa, dahil magmula noong una kaming magkita, ito ang naging saksi pati ang pagkakaibigan namin. Itatanggi ko pa bang dito rin sa lugar na 'to una akong nagkagusto sa isang lalake? At ng dahil 'yon sakanya.
Nagulat ako ng bigla niya akong piringan gamit ang mga kamay niya sabay bulong sa tenga ko,
“Close your eyes baby, I have a surprise for you.”
“Baby mo mukha mo, hindi na ako bata.” narinig ko ang mahina niyang pagtawa na nakapagpatindig sa mga balahibo ko, kakaiba ang dulot niyon saakin dahil masyado kaming magkalapit sa isa't isa.
“Shhh. Walk now, I'm guiding you.” tanging isinagot niya na lang na kaagad kong sinunod.
Ng bitawan niya ako ay hindi ko muna ibinuka ang mata ko dahil nag aadjust pa ito sa liwanag.
Unti unti kong ibinuka ang mata ko at tuloy tuloy ang pag agos ng luha dahil sa sobrang tuwa. Ngayon lamang ako nakatanggap ng isang napakagandang sorpresa.
Sorpresang babaunin at hindi ko kailanman makakalimutan.
Mayroon tree house na yari sa kahoy at may kulay kahel pa itong pintura, the sunset palette is perfect, pati ang hagdan ay kulay puti. Para bang nasa isa akong paraiso, paraisong matatawag ko dahil nandito ang bagay na sobrang nagbibigay saakin ng saya, idagdag pa na gawa ito ng lalaking nakapagpasaya na saakin ng ilang ulit.
“How is it?” hindi ko na siya sinagot.
Niyakap ko siya ng mahigpit, sa sobrang higpit ay wala na lang siyang ibang nagawa kundi tumugon.
Ilang saglit pa ay narinig ko siyang nagsalita, humiwalay ako sa yakap sakanya.
“It's 6:20 PM already.”
“Yes, and thank you for making me happy.” nakangiti kong sambit habang maluha luhang ibinaling ang tingin sa tree house na nagsimula ng magkaroon ng mga ilaw, nakamamanghang pagmasdan dahil para itong mga alitaptap sa puno ng narra. Medyo may kadiliman na pero umaangat parin ang kulay ng bahay dahil sa mga ilaw na nakapalibot dito.
“So, let's go? Promise you won't fall.” nginitian ko na lang siya ng malapad bago siya pinaakyat at hinila niya na lang ako sa kalagitnaan para makaakyat ng tuluyan.
Nakatanaw ako sa malaking bintana ng bahay habang hinahayaang liparin ng hangin ang buhok ko. Litaw na rin ang buwan pero hindi ko pa magawang ayain siyang umuwi. Gusto ko pang manatili rito ng matagal.
Napalingon ako sa likuran ng may marinig akong strum ng gitara.
Nakita ko siya habang nakapikit at tila dinadama ang liriko ng kantang binibitawan niya.
Parang nag slow-mo ang lahat sa paningin ko, wala akong ibang marinig kundi ang mga kuliglig at ingay ng tubig sa lawa pati ang pagpagaspas ng mga dahon dahil sa ihip ng hangin. Ang liwanag ng buwan ang siyang tanglaw ko upang mas malinaw ko siyang makita.
At sa wakas ay naamin ko na rin sa sarili ko na hindi na lang ito basta paghanga.
Alam kong sixteen years old pa lang ako, pero normal lang naman sigurong mahulog ako sa taong nagbigay saakin ng sobrang saya, hindi ba?
Nababahala lang ako sa posibilidad na, paano kung hindi niya ako gusto pabalik? Hahayaan ko lang ba ang sarili ko na mahulog ng tuluyan sa isang taong wala akong alam sa nararamdaman?
Sa ngayon ay itatago ko muna ito hanggang sa makakaya ko, wala naman itong magagawa dahil naka depende sakanya kung mas mahuhulog pa ako lalo.
“Let's compose a song, what do you think?” nagulat ako sa bigla niyang pagsalita. Narealize ko na lang na kanina pa pala ako nakatitig sakanya at hindi ko man lang naintindihan kung ano ang kinanta niya dahil masyado niyang okupado ang isip ko.
“S-sige.” nauutal kong sabi at ngumiti.
“So, Let's think about the title, maybe?”
“Since tayong dalawa ang gagawa, what if gawin nating related saating dalawa?” sabi ko sakanya habang diretsong nakatingin ng seryoso sa mga mata niya.
May kung anong paghangang nabubuhay kapag nagtatama ang mata naming dalawa, yung tipong nagkukumahog ang puso ko sa paglabas.
“Teka lang, ilang Araw na tayong magkasama pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo.” takang sabi ko.
“So, you're interested in me? Baby, my heartbeat's racing.”
Dahil sa sinabi niya ay bigla ko siyang nabatukan, kahit kinikilig hindi ako papayag na madali niya lang akong makuha, kahit wala naman talaga akong ideya kung gusto niya ako.
“Why so saddist? I'm just kidding.” nginitian ko siya ng nakakapikon pero meron sa loob ko na nanghihinayang, yeah—Biro lang lahat.
“I'm Nyx, Nyx Tinuveil Salvacion.” nagulat ako sa sinabi niyang pangalan, hindi ko akalaing...
“Kayo ang may-ari ng Rainheart Paradise?!”
“Well, sort of.” simpleng sabi niya at nagkibit balikat pa. Hinawakan ko ang kamay niya at naiyak nanaman ulit.
“Salamat, alam mo bang ang hospital ninyo ang tumulong saakin para gumaling? Binigyan nila kami ng libreng serbisyo para lamang mapagaling ako, at ang ospital na 'yon ang dahilan kung ba't buhay pa ako ngayon. Maraming salamat.” ngumiti siya dahil sa sinabi ko.
“Everything for the little girl who saved me, long time ago.” biglang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, may kinalaman ang lahat dahil sa nagligtas sakanya? Pero papaano? Bakit hindi ko man lang maalaala? Baka hindi ako?
Magtatanong pa lang sana ako ng ibahin niya na ang topic.
“So, how 'bout you?” seryosong aniya.
“Sandya Leana Varde.” simpleng sabi ko na inilahad pa ang kamay na animo'y bagong kilala pa lang.
“Your second name is beautiful, why letting everyone calls you Sandya?” napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Tama nga naman, wala pang tumatawag saakin sa pangalawang pangalan ko.
“I'll call you Leana instead. It fits perfect on you. A light, beautiful woman.” nagulat naman ako dahil alam niya ang meaning ng pangalan ko.
“Just like mine, Nyx means Darkness.”
Namangha naman tuloy ako sa pangalan niya, hindi ko alam na napakaganda pala ng kahulugan ng pangalan niya.
“And together, we can be a Twilight. A Crepuscule. The time when light and darkness meet.” napatango tango ako dahil sa sinabi niya habang nakangiti.
“Nakaisip na ako ng title!” masiglang sabi ko. Pinangunutan niya muna ako ng noo at kalaunan ay ngumiti at inayos muli ang pagkakahawak sa gitara.
“What is it?”
“When Sun and Moon, collide. 'diba? Ang galing ko!”
Natigilan ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Bigla na namang kumarera ng tibok ang puso ko.
Niyakap niya ako at ramdam ko ang pagbigat niya sa balikat ko, tila nawalan ng malay.
Kinabahan ako ng sobra pero nanaig parin ang kilig dahil sa mga salitang huling binitawan niya.
“Thank you, you made my heart beat again. Please stay with me, will you, baby?”
*****

Comentário do Livro (16)

  • avatar
    Nerissa Novelas

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Shane Mutia Muros

    this is so cute

    05/07

      0
  • avatar
    MontejoLouisse Nadine

    galing

    17/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes