logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 7 Left his phone

JERMAINE woke up with a jerk. Inilinga niya ang paningin sa paligid at nagtaka pa siya kung bakit wala siya sa kuwarto niya. Nakatulog pala siya sa cafe na lagi niyang tambayan. Nakabukas sa harap niya ang computer at madilim na sa labas.
Mainit sa bahay nila at nandoon ang kapatid niya at ang makukulit na pamangkin. Mas bata sa kanya ang kapatid niyang babae ng dalawang taon pero may dalawang anak na ito. Siya tuloy ang kinukulit ng magulang nila kung kailan siya mag-aasawa. Na-stress lang tuloy siya.
NO, thanks. Ayaw niyang sagutin ang mga tanong na walang malinaw na sagot. Kung makakatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanya at mamahalin siya, saka na magtanong ang mga ito. Hindi naman pwedeng manghatak na lang siya ng lalaki at yayain itong pakasalan.
Hindi lang naman lalaki ang mahalaga para mabuhay sa mundo. Mas mahalaga sa kanya kung paano susweldo at magbabayad ng bills. Gusto niyang mag-focus sa trabaho dahil may deadline siya. Ayaw na niya ng magugulo. Ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa.
Umayos siya ng upo at hinarap ang laptop na naiwan niyang nakabukas. Dahil regular customer siya doon ay sanay na ang guwardiya na tingnan-tingnan siya lalo na kapag nakakatulog siya. Wala namang nagtatangkang kumuha ng gamit niya. Nasanay na rin siyang magpatay-malisya sa mga tingin sa kanya kapag nakakatulog siya. Sabi nga ng staff doon, tratuhin daw niyang bahay ang cafe. Feel at home. Kaya pinangatawanan na niyang mag-feel at home.
Nang tingnan niya ang relo ay alas onse na ng gabi. Dalawang oras din siyang nakatulog. Pasimple niyang iginala ang tingin sa paligid. Wala na pala halos tao. Tumutok ang mata niya sa nag-iisang customer na umookupa sa upuan sa gilid.
Si Enricus. At sa pagkakataong ito ay matiim ang titig nito sa kanya. Wala naman ito nang gising pa siya. Kanina pa ba ito nakatitig sa kanya.
Ano kayang itsura ko? Pasimple niyang tinutop ang bibig at kunyari ay naghikab. Baka mamaya tumutulo pala ang laway ko o naghihilik ako.
Sinubukan niyang deadmahin na lang at kunyari ay di ito nakita pero nakatutuok pa rin ang mata nito sa kanya. Parang pinapaso pa rin ang balat niya ng mga matang nakatitig sa kanya. Nang iangat niya ang tingin ay nasalubong niya mga mata ni Enricus. Iniwas ulit niya ang tingin at kumuha ng tubig sa counter. Bumalik siya sa mesa at nag-type sa laptop.
Pinalipas pa niya ng ilang sandali pero nang muli siyang tumingin dito ay nakatitig pa rin ito sa kanya. This was not funny anymore. Parang nang-iinis na ito. Tinitingnan ba nito kung kukunan na naman niya ito ng picture? Or if she would gawk at him like puppy-eyed teenager? Or maybe he was trying to intimidate her so that she’d leave him alone.
Pwes, hindi siya nai-intimidate. Lahat ng paghanga niya dito ay napalitan na ng inis. Tumayo siya at nagmartsa papunta sa mesa nito. Sa pagkakataong ito ay di rin niya inalis ang tingin dito. Hindi siya nito masisindak.
“Excuse me? Anong problema mo?” mataray niyang tanong at namaywang. “Kasi kanina ka pa nakatitig sa akin. Don’t you know that it’s rude to stare?”
“Is it?” tanong nito at ikiniling ang ulo. “I thought it’s okay since you also stare at me whenever I am here. Or it doesn’t go both ways? It’s rude if I stare and it’s okay if you do.”
Napamaang siya. Alam nito na tinititigan niya ito. Napapansin nito pero hindi naman ipinahahalata na alam nito. Ni hindi nga ito tumitingin sa direksiyon niya. “I was discreet. Kung makatitig ka wagas.”
Tumayo ito at inilapit ang mukha sa kanya. “Kung ayaw mong titigan ka ng mga tao, huwag ka dito matulog. And with your neck exposed like that, you are inviting danger. As if you are inviting a man to feast on you and consume you,” pabulong ngunit mariin nitong wika saka tumitig sa leeg niya. Hindi niya alam kung bakit biglang rumagasa ang dugo niya nang sabihin nito iyon. Her pulse quickened and she felt heady at the same time.
There was desire and hunger in his eyes. As if he wanted to devour her and eat her whole. Parang gusto niyang i-expose ang leeg niya at i-offer dito.. ang dugo niya. And instead of a dark angel, she imagined him with a fang instead. That fit him perfectly. If he was a vampire, she would willingly offer her neck and her blood.
For a kiss, for a taste, for a moment of ecstasy… a moment’s pain for a lifetime pleasure. Tempting. So tempting.
Mariin nitong hinawakan ang balikat niya at inilayo siya dito. “If you know what’s good for you, stay the hell away from me.”
Natigagal siya at napalitan ng takot ang pagnanasa. Dali-dali siyang tumalikod at nanginginig ang tuhod na bumalik sa mesa niya. She didn’t dare look at him again. What’s wrong with that man? Kung itaboy siya nito, parang may gagawin itong masama sa kanya. Ano bang problema nito sa leeg niya?
Nawalan na siya ng ganang magsulat at iniligpit ang mga gamit niya. She was tempted to look Enricus’s way. Tinitingnan pa rin ba siya nito? Is there still desire in his eyes?
Nang mailigpit na niya ang gamit niya ay saka lang niya pasimpleng tumingin sa mesa nito. Wala na ito sa mesa nito at nagliligpit na ang crew. Ni hindi man lang niya naramdaman na umalis ito.
“Naiwan ni Sir Enricus ang cellphone niya. Paano kaya ito?” sabi ng crew na si Micah. Ngunit mukhang nag-aalangan itong humabol dahil may customers nang naghihintay sa counter. Nagsisimula nang dumating ang ibang customer na galing sa bar sa di kalayuan.
Lumapit si Jermaine. “Ako na ang bahala. Tutal paalis na rin naman ako,” prisinta niya.
“O-Okay lang talaga, Ma’am? Sige po.” Ibinigay nito ang cellphone sa kanya. “Banda doon po siya naglakad kanina.” At itinuro nito ang direksiyon.
Tumakbo si Jermaine palabas ng cafe. Tiningnan niya nang magkabila ang kalsada. Naaninag niya si Enricus na naglalakad papunta sa parte ng kalye na walang ilaw at walang tao. Hinabol niya ito kahit na may kabigatan ang bag na dala niya. “Hoy Enricus! Sandali lang! Enricus! Hoy, suplado!”
Tuloy-tuloy lang ang paglalakad nito at hindi siya pinansin. Ay, pambihira! Akala yata nito ay stalker pa rin siya. Kung ibato na lang kaya niya dito ang cellphone nito. “Enricus, sandali! Ang cellphone mo!” humihingal niyang sigaw.
Wala pa ring epekto. Patuloy lang siya sa pagtakbo. Hindi bale. Malapit na niya itong mahabol. Konti na lang. Bakit kasi ayaw nitong lumingon man lang?
Nagulat na lang siya dahil wala na pala siyang hinahabol. Basta na lang nawala si Enricus sa dilim. Saan ito nagpunta? Luminga siya sa paligid. Wala nang ibang tao doon. Ni wala siyang naririnig na kahit anong yabag.
“Enricus! Enricus!” tawag niya dito.
Nagulat na lang siya nang may mga malalakas na kamay na humawak sa braso niya at hinila siya isang madilim na eskinita na walang katao-tao. Isang impit tili ang kumawala sa kanya subalit tinapakpan iyon ng kamay.
Oh, gosh! Mananakawan pa ata siya o kaya ay mare-rape dahil lang sa pagsunod kay Enricus. Tumulong na nga siya, mapapahamak pa.
Pumiglas siya para makawala sa may hawak sa kanya. Itinulak niya ito, pinagsisipa at sinubukang tuhurin pero mas malakas ito. Naestatwa siya nang makita kung sino ang potential magnanakaw-con-rapist niya.
Si Enricus.

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Monsaludairah mae

    noiceeee

    10/07

      0
  • avatar
    Jana Cadahing

    more

    06/07

      0
  • avatar
    Amper Rhea

    good

    31/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes