logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Secret Photo

Naputol ang imahinasyon ni Jermaine nang marinig ang pagkalahig ng paa ng bangko sa sahig. Basta na lang palang tumayo si Miss Chinita na kasama ni Enricus. Di na maipinta ang mukha nito at nagkukumahog na umalis bitbit ang bag nito. Parang maiiyak pa yata. Habang bumalik naman si Enricus sa pagbabasa na parang walang masamang nangyari.
“Anong nangyari?” naguguluhang tanong ni Jermaine.
Nagkibit-balikat si Rachel. “Ewan. Basta na lang umalis si ate girl. Mukhang di effective ang pang-aakit niya.”
“Not interested ang lolo mo,” tukoy ni Chela kay Enricus. “Kung gaano kagandang babae di siya naakit, paano pa kaya tayo?”
“Ano? Sa palagay ba ninyo makikipagkilala pa ako diyan? Masaya na akong tingnan sa malayo at pantasyahin na lang siya,” aniya at inubos ang cake.
Sa nobela lang matatagpuan ang guwapong lalaking tulad nito. Di naman kasi siya ilusyunada. Simpleng babae lang siya. Hanggang titig at kilig lang siya sa mga katulad ni Enricus.
Kinuha ni Rachel ang cellphone niya. “I-preserve na lang natin ang kaguwapuhan niya sa alaala.” Itinutok nito ang cellphone niya sa direksiyon ni Enricus.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Jermaine.
“Kinukuhanan ko siya ng picture para naman matitigan mo siya maya’t maya at ma-inspire kang magtrabaho. Malamang takot ka ring kunan siya ng picture dahil nahihiya o or kinakabahang mahuli. Ako ang bahala,” anito at kumindat.
Hinayaan na lang niya si Rachel tutal malakas naman ang loob nito. Nahigit ni Jermaine ang hininga nang dahan-dahang iangat ni Enricus ang tingin mula sa IPad at tumingin sa direksyon nila. Her eyes pierced them like an arrow. Di pa man ay parang alam na nito anh plano ni Rachel.
Dumilim ang mukha nito at tumayo saka naglakad papunta sa mesa nila. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin dito. Patay-malisya siya sa pag-inom ng tubig at naghalungkat kunyari sa bag. She had a bad feeling.
Biglang parang may anino na humarang sa liwanag, animo’y may eclipse kung saan natakpan ng buwan ang araw. Nanginginig ang bawat cells sa katawan ni Sayaka nang itaas niya ang tingin. Enricus was towering above them, his handsome face looked more beautiful upfront yet intimidating. Animo’y mga insekto sila na gusto nitong tirisin.
Dali-daling ibinalik ni Rachel ang cellphone niya sa harapan niya. “Jermaine, palitan mo na itong phone mo. May kalumaan na.”
“Excuse me. Kinuhanan ba ninyo ako ng picture kanina?” tanong ni Enricus sa malalim na boses. The tone was made to intimidate lesser mortals like her. Walang nakakibo sa kanila. “Don’t you know that it’s rude? Don’t they teach you etiquette where you come from?”
Pakiramdam ni Jermaine ay nanliliit siya sa sermon nito kahit na wala naman siyang kasalanan. Well, totoo naman na kumuha si Rachel ng picture. And they didn’t ask permission. Pero ginawa iyon ng kaibigan para sa kanya. Ni hindi niya mai-angat ang ulo para salubungin ang tingin ng lalaki. Juskoh! Kung kailan ako tumanda saka pa ako nasita nang ganito. Di naman na kami teenager.
“Sorry, ha? Ang totoo crush ka kasi ng kaibigan namin,” anang si Rachel at isang matamis na ngiti ang ibinigay dito. “For personal use only.”
Mariin siyang pumikit. Pwede naman silang mag-deny pero umamin pa. So much for friendship.
Masasakal talaga niya si Rachel mamaya. Hindi lang sakal ang aabutin nito. Itatali niya ito sa taxi na sasakyan niya at ipapakaladkad niya hanggang sa bahay nito. Gusto na lang niyang bumuka ang lupa at kainin siya dahil sa pambubuko nito.
“I don’t care. Burahin ninyo ang picture ko,” mariing utos ni Enricus at napapitlag silang magkakaibigan. Di naman ito sumigaw pero parang tinamaan sila lahat ng kidlat.
Nanginginig ang kamay ni Jermaine kinuha ang cellphone at akmang pupunta sa folder kung saan naka-save ang picture ngunit pinigilan ni Chela ang kamay niya. “Buburahin namin ang picture pero kailangang ibigay mo sa amin ang number mo.”
“Hindi ako basta-basta nagbibigay ng number sa mga babaeng hindi ko kilala.” Inikot nito ang maitim na mata sa kanilang tatlo. “Especially not to the stalker type. That’s dangerous.”
Sa pagkakataong iyon ay nagpanting ang tainga ni Jermaine. Tumayo siya at matapang na hinarap ito. “Excuse me. Hindi ako stalker. Nagkataon lang na madalas din ako sa café na ito at pareho tayo ng oras kung magkita. Porke’t madalas mo akong matiyempuhan dito stalker na? At kung stalker ako, alam ko sana kung nasaan ang bahay mo o kung saan ka nagtatrabaho o kung ano ang favorite color mo. Huwag ka ngang praning. Hindi lang ikaw ang guwapo sa mundo.”
Dahan-dahang umangat ang gilid ng labi ng lalaki. “So you’re the one who has a crush on me? Sorry. Hindi ko napapansin na madalas ka pala dito.”
The arrogance of this man. Kung pwede lang burahin ang mukha nito. Oo na, di na siya pansinin. Oo na, di siya kaala-alala. She was just an ordinary face.
Shunga-shunga rin naman ako. Kaya ayokong haharap sa crush ko. Nagwawala ang emosyon ko. Ibinuko na niya ang sarili niya kay Enricus. Nawalan na siya ng filter. It was a disaster.
Pilit na bumawi si Jermaine at hinamig ang sarili. Ipinamaywang niya ang isang kamay at dinuro ito. “Huwag kang mag-alala. Buburahin ko mismo ang picture mo ora mismo. Hindi na rin kita gusto.”
“Never mind. The picture is ruined anyway,” anito at tinakuliran sila.
Napanganga na lang silang magkakaibigan nang bumalik ulit ang lalaki sa mesa nito at nagpatuloy sa pagbabasa na parang walang nangyari. Nang tingnan niya ang picture nito sa cellphone niya ay blurred nga iyon.
“O! Bakit nagkaganyan ang picture? Maayos naman iyan kaninang kinuhanan ko,” ani Rachel at nag-swipe sa ibang kuha nito. “Blurred lahat. Di naman ako pasmado. Alam mo na ako ang pinakamagaling kumuha ng picture sa atin.”
“Hindi ko rin alam. Baka may sira ang memory card ko.” Pambihira! Napahiya na nga siya sa crush niya, nasira pa ang cellphone niya.
Tumayo si Chela. “Umuwi na nga tayo. Bad trip ‘yung crush mo na iyon. Ang yabang. Tama ka nga. Masarap lang siyang titigan. Naku! Gawin ko pa siyang palaka sa nobela ko.”
“Masyado siyang guwapo para maging palaka. Pikutin ko na lang siya sa nobela ko.” Nang humalakhak si Jermaine, nakita niya sa gilid ng mata ang tingin ni Enricus. The guy has no chill.
Pero may kakaibang kilabot ang tingin ni Jermaine sa kanya. He had that mysterious aura surrounding him. Pero wala nang misteryo sa kasungitan nito. And he was not only arrogant but also weird. Paano nito nalaman na sira ang picture?
Ipinilig ni Jermaine ang ulo. Masyado nang maraming kawirduhan na nangyayari sa araw na iyon. Mas gusto na lang niyang bumalik sa mundo ng pagsusulat kung saan happy ending ang lahat.

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Monsaludairah mae

    noiceeee

    10/07

      0
  • avatar
    Jana Cadahing

    more

    06/07

      0
  • avatar
    Amper Rhea

    good

    31/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes