logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 Biyaya ng Diyos

“GRABE! Ganoon ang nangyari kay Novah? Talagang ginawan niya ng paraan para makunan ang girlfriend ng ex niya at nang siya ang balikan?” nanlalaki ang matang tanong ng kaibigan at kapwa manunulat ni Jermaine na si Rachel.
Katatapos lang ng masinsinan niyang meeting noon sa mga boss na sina Dominic at Estella tungkol sa rebelasyon tungkol kay Novah. Di ito mapuknat sa pag-iyak nang palabasin muna ng security dahil ayaw nitong kumalma. Matapos kasi ng pagdadrama nito, nagawa pa nitong magwala sa opisina ng boss niya dahil di na nadadala ang dalawang amo nila sa pag-iyak-iyak nito. It was as if she lost her freakin’ mind.
Hindi na niya naabutan ang pangyayari dahil nasa clinic siya. Pero nakakapanlumo pa rin nang makita niya na inilalabas na ng security ang babae at nagsisisigaw pa rin sa hallway nang may pagbabanta. Na-shock siya dahil di naman niya inaasahan na aabot sa punto na mabubulgar ang mga lihim nito. She just wanted her to apologize for the plagiarism and not do it anymore.
Dahil sa sobrang stress sa mga nangyari sa araw na iyon ay nakipagkita siya dito at sa isa pang co-writer at kaibigan na si Chela sa isang café di kalayuan sa opisina nila.
“Oo. Parang katulad nga sa nobela ko,” sabi niya at di maiwasang manlumo.
Hanggang ngayon kinakain siya ng guilt. Oo, nagtagumpay siya at napatunayan na tama siya.She had her disagreements with Novah. Pero di naman niya alam na aabot sa punto na parang masisira ang buhay nito.
Pinag-aaralang mabuti ng kompanya kung anong parusa ang ipapataw dito lalo na’t nagmula mismo sa bibig nito na talagang may kinopya ito sa nobela niya. Di lang sa nobela niya kundi maging pati sa gawa ng ibang writers kasama na sina Chela at Rachel.
“Sobra ka naman kasi. Bakit mo nga naman isinulat ang mga sekreto niya? Ibinulgar mo pa sa mundo. Masyado ka namang malupit, Jermaine. Kahit sa akin mo gawin iyon baka sakalin kita,” sabi ni Chela at ininom ang pangatlo nitong tasa ng Arabic coffee. Kape na ata nananalaytay sa dugo nito.
“Ano ka ba? Imagination ko lang lahat ng mga iyon. Aside sa plagiarism issue, wala na akong ibang ipinareho sa kanya. Malay ko ba naman kung sino ang ex-boyfriend niya o kung ano pang pagpapanggap niya sa buhay. Ang alam ko lang naman nagpapanggap siya na mabait pero di ko naman inaasahan na magpapanggap siya na nadisgrasya para lang makuha ang isang lalaki. Akala ko kasi sa nobela lang iyon pwedeng mangyari. I mean, is someone really that desperate?” Reality was weirder than fiction apparently.
Nagsalubong ang kilay ni Chela at hinalo ang kape nito. “Hindi mo siya pinaimbestigahan o hindi ka nakipag-connivance sa mga kaibigan niyang may lihim na galit o inggit sa kanya para makuhanan mo ng impormasyon? Sure ka?”
Itinirik niya ang mga mata at nilinoon ito. “Chela, sampung na tayong magkaibigan. Katarungan lang ang hanap ko. Kung ano ang atraso sa akin, iyon lang ang sisingilin ko. Di ako nandadamay ng iba. Look. Novah and I had our disagreements. Pero hindi naman ako masama na ibubulgar ko ang lahat ng baho niya sa mundo. And it was just my freaking imagination.” Itinaas niya ang kanang kamay. “I swear. Nagkataon lang talaga ang lahat. I didn’t expect that I’d hit home.”
Tumigil si Chela sa paghahalo ng kape at tinitigan siya. “Nawiwirduhan na ako sa coincidence na iyan, Jermaine. Doon din sa nobela mo nahulaan mo na ang first love kong si Darwin ay may anak na pala. Kaya pala reject nang reject sa akin.”
“Purely a coincidence. Isang taon na nang lumabas ang novel na iyon saka lang niya ikinumpisal sa atin na may anak na pala siya. Pare-pareho tayong na-shock. Kinailangan lang sa kwento.” At di tulad ng happy ending sa nobela niya ay hindi nagkatuluyan sina Chela at Darwin.
“E ‘yung totoong dahilan ng paghihiwalay namin ni Melvin na isinulat mo rin sa nobela mo?” tukoy naman ni Rachel sa ex-boyfiend nito. “Sobrang weird na nalaman mo iyon samantalang wala naman kaming ibang pinagsasabihan.”
Tinapik ng daliri niya ang sentido niya. “Galing lang sa utak ko ang lahat ng iyon. Kung ano lang ang naiisip kong bagay sa kwento, iyon lang ang isinusulat ko.”
“Creepy ka, Jermaine.” Hinaplos ni Chela ang braso nito. “Kinikilabutan ako sa mga sinusulat mo tuloy. Pati ‘yung isang politician na inis na inis ka dahil tinatambakan ng basura ang kanal ninyo, isinulat mo sa novel mo na mabubuking siya ng asawa niya na may kabit. At ang kabit niya ay bestfriend ng asawa niya. Tapos ngayon squatter’s area na lang nakatira dahil hiniwalayan siya ng asawa niyang mayaman. Naalala mo ba iyon? Hindi mo naman sila personal na kilala pero nangyari ang isinulat mo.”
Bumuntong-hininga siya. “Ewan ko. Basta nagkataon lang iyon,” giit niya. Hindi rin niya maintindihan kung paanong nangyayari iyon. Nagsusulat lang naman siya ng normal. Kathang-isip lang niya halos lahat. “Usually nakabase sa totoong character ng tao o relatable sa iba ‘yung sinusulat natin kaya posible na mangyari. Lahat pwedeng maranasan iyon. It’s just fiction with a touch of reality.”
“Fiction na malapit sa katotohanan. Kundi mo nalalaman kung anong nangyari sa nakaraan, nagagawa mo namang malaman kung anong mangyayari sa hinaharap. Medyo iba ang mga pangyayari pero sa huli pareho rin ng resulta. Hindi kaya may kapangyarihan ka?” nakapangalumbabang tanong ni Chela.
“Uy! Parang si Nostradamus. Mapagkakakitaan mo iyan. Mas sisikat ka pa kay Madam Auring.” Pinagkiskis ni Rachel ang palad. “Sabihin mo nga sa akin kung anong numero ang tatama sa lotto para makataya naman ako at nang yumaman ako. Huwag kang mag-alala dahil babalatuhan kita.”
“Kung alam ko kung anong lalabas na number sa lotto, hindi ko ise-share sa iyo. Ako na mismo ang tataya at sosolohin ko ang pera,” kontra niya sa kaibigan. “Wala akong powers. Coincidence lang talaga ang lahat ng iyan. Wala rin sa plano kong maging susunod na Madam Auring. Gusto ko lang na magsulat ng nobela. Tapos.”
Sometimes she attributed it to her interest in Psychology. Subconsciously siguro ay nababasa niya ang galaw at character ng mga tao sa paligid niya at inaayon doon ang mga eksena niya sa nobela. Kaya naman di sinasadyang sa huli ay iyon ang lumalabas na resulta. Wala siyang kapangyarihan. Kalokohan iyon. Normal lang naman siyang tao.
Naputol ang malalim niyang pag-iisip nang marinig ang pagbuntong-hininga ni Chela. “Oh, great! Heto na naman ang biyaya ng Diyos. Dumaan talaga dito sa café para lang patuluin ang mga laway natin.”
Biyaya ng Diyos equal guwapo at yummy na lalaki. “Nasaan?” tanong ni Jermaine at luminga. Kailangan niya ng matinding inspirasyon ngayon para gumanda ang mood niya. At may isang lalaki siya na laging inaabangan sa cafe na nagpapaganda ng araw niya.
Parang tumigil ang mundo ng dalaga nang pumasok ang isang matangkad na lalaki ang pumasok sa café. Hanggng balikat ang itim nitong buhok na alon-alon at nakapusod. Nakasuot white turtle neck na panloob, brown na faux shearling jacket, black pants at itim na leather shoes. Tuwing nakikita niya ito, pakiramdam niya ay nasa Europa siya o sa ibang bansa na malalamig dahil sa fashion statement nito.
Bumagal ang galaw ng mundo niya habang nakasunod ng tingin dito. He moved with such grace, he was like an aristocrat or a royalty even. Na parang sinasayawan ito ng hagin sa bawat galaw nito. He was beautiful. He left her breathless. And for a few moment, he became her world.
Ito ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang magbabad sa café hanggang gumabi. Alam niyang dadating ito pagkagat ng dilim.
“Good evening, Sir Enricus!” nakangiting bati ng female crew ng café dito.
Kinalabit siya ni Rachel sa kamay at itinapik nito ang mga paa na parang di mapakali. “Jermaine, ayan na ‘yung crush mong nakaka-devirginize pag tumingin!”

Comentário do Livro (37)

  • avatar
    Monsaludairah mae

    noiceeee

    10/07

      0
  • avatar
    Jana Cadahing

    more

    06/07

      0
  • avatar
    Amper Rhea

    good

    31/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes