logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 Nangako siya kay Mitos

“ERON, sigurado ka bang okay ka lang diyan? Your father and I are so worried about you. Wala bang nabali sa iyo? Wala ka bang sugat o galos?”
Pilit na ngumiti si Cameron sa inang iyak ng iyak sa webcam. Sa wakas ay nakabalik na siya sa condo niya sa Miami. Matapos mai-rescue at lapatan ng paunang lunas sa isang local hospital sa Belize ay inilipad na rin sila papuntang Amerika. Safe na safe siya at kailangan lang ipahinga ang mga bugbog sa katawan niya. Hindi niya ipapaalam sa Mama niya ang mga pasa niya at ilang sugat. Galos pa lang ay iniiyakan na siya nito. Lalo naman kapag mas malala pa doon.
“I am okay, Ma. Strong ‘tong anak ninyo,” pagmamalaki niya at ngumiti.
“Kung talagang okay ka na, uuwi ka na dito. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko na okay ka lang.”
Kung di lang mahina ang katawan ng mama niya, malamang ay nasa Amerika na ito. Katatapos lang nitong operahan noong isang buwan sa baga kaya di ito pwedeng bumiyahe pa. Ito rin ang inisip niya nang nasa isla siya. Baka lalo itong magkasakit kapag nalamang nawawala siya.
“Aalis po ako kapag siguradong okay na si Mitos. Comatose pa rin siya ngayon, Ma.”
Umabot na ang lagnat sa utak nito at nagkukumbulsiyon nang ma-rescue sila ng helicopter nang madaling-araw din na iyon. Kundi pa naidala si Mitos sa ospital ay baka namatay na ito sa isla.
Nakakapangilabot pa rin kung naiisip niya hanggang ngayon. Subalit ayon sa mga doktor, walang katiyakan kung magigising ito. Matindi rin ang pagkakahampas nito sa gilid ng yate. Maswerteng nakatagal pa itong gumising.
Dahil sa kamatayan, naging malapit ang loob niya kay Mitos. At kung babalik siya ng Pilipinas, gusto muna niya ng magandang balita tungkol dito.
“Anak, may mga doktor naman at nurse sa ospital. May mga mag-aalaga sa kanya. Hindi ba bahala na si Reyli sa kanya?”
“Opo nga. Pero hindi ako matatahimik, Ma.”
“Paano naman kami ng Papa mo? Hindi rin kami matatahimik hangga’t nandiyan ka pa sa Amerika. Umuwi ka na dito. Gusto mo bang ako naman ang ma-comatose o kaya ma-cardiac arrest sa pag-aalala sa iyo,” sabi ng Mama niya at humagulgol ng iyak.
Niyakap ito ng Papa niya na kanina ay tahimik lang na nagbabasa ng diyaryo habang nagcha-chat sila ng nanay niya. Ito naman ang humarap sa webcam habang nakasubsob sa balikat nito ang Mama niya.
“Anak, umuwi ka na,” malumanay nitong sabi. “I mean for good. Let your people handle the US branch. May mga pinagkakatiwalaan naman tayo diyan.”
Of course his parents were fragile. At kapag Papa niya ang nakiusap sa kanya, hindi niya kayang pahindian.
“Okay, Pa. Magpapasabi ako sa office na magbabakasyon ako ng isang buwan.”
“Anong isang buwan? No! I want you to stay here for good. End your jetsetting days. Take life seriously. You should get yourself a decent girl and settle down. Gusto ko ng maraming mga apo.”
Nagitla siya sa tinakbo ng pag-uusap nila ng Papa niya. “Whoa! Hold it, Pa. Gusto ninyong diyan na lang ako sa Pilipinas at magkapamilya?”
“Yes! It’s high time, right?”
“Pa, hindi iyon ganoon kadali.”
Halos iduldol ng Mama niya ang mukha sa webcam. “At sa palagay mo madali ang ginagawa mo sa amin ng Papa mo? Iba’t ibang babae ang ipinaparada mo sa mga magazines pero wala kang sineseryoso. Tapos kung saan-saan ka pumupunta. Kita mo ngang muntik ka nang mamatay. Ni hindi mo man lang naikakalat ang magandang lahi ng pamilya natin. Ni hindi mo kami iiwan ng apo? Hindi ganyan ang buhay na pinangarap ko para sa iyo.”
Itinaas niya ang dalawang kamay. Kapag ganito na ang mood ng magulang niya, wala siyang magagawa kundi ang sumang-ayon na lang. “Okay. Uuwi po ako. Pero huwag ninyo akong madaliin sa pag-aasawa. Naniniwala ako na basta na lang dadating ang right girl para sa akin. Okay?”
Ngumiti ang Mama niya at pinahid ang luha. “Anak, huwag kang mag-alala. I know this girl who is pretty.
Remember your first girlfriend.”
“Uh oh!” Dahan-dahan siyang tumayo. “I have to go, Ma. Kailangan ko pang asikasuhin ang ilang bagay para makauwi ako diyan. See you soon. I love you.”
Matapos ang webchat nila ng magulang niya ay pumunta agad siya sa ospital. Bumungad agad sa kanya ang assistant niyang si Marvin at ang pinsang si Shei.
“How’s Mitos?” tanong niya at nilingon ang kama ni Mitos.
Maswerte pa nga daw ito dahil hindi ito kasama sa may sampung katao na namatay sa pagsabog at paglubog ng yate. Malaking balita ang dala ng trahedya at matinding damage control ang ginagawa ng kampo ni Reyli. Wala naman siyang sinisisi. Di talaga maiiwasan ang aksidente kung minsan.
Malungkot na umiling si Shei. “Wala pa ring pagbabago, Kuya. Wala pa rin siyang response hanggang ngayon. Pero okay naman daw ang katawan niya. It’s just his brain that is not responding.”
Wala sa yate si Shei noon dahil may meeting ito sa Oslo, Norway. Lumipad agad ito sa Belize nang malaman ang balita. Kaya nga di na sumunod ang magulang niya dahil naroon si Shei.
Pinisil niya ang balikat ng pinsan niya. “Just stay with him. Kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Pinapauwi ako nila Mama.”
“Don’t worry. Ako ang bahala sa kanya.”
Malapit talaga na magkaibigan ang dalawa. Hindi man lang ito nagpahinga mabantayan lang si Mitos. Halos tumira na nga ito sa ospital.
Nilapitan niya si Mitos at pinisil ag kamay. “Don’t worry. Hahanapin ko siya.”
Nangako siya di kay Mitos. Kaya hahanapin niya si Lovellia para dito.

Comentário do Livro (57)

  • avatar
    Thor Odin

    Thank you for sharing your stories

    22d

      0
  • avatar
    bansiljohn paul

    nice❤️❤️❤️

    16/06

      0
  • avatar
    Ricky Maramara

    ang ganda ng story,,

    13/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes