logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

MFC 6

“MABABALIW na talaga ako dito. Tulungan mo naman ako dito, Sosimo. Hindi talaga ako marunong gumawa ng tula,” pakiusap ni Quinn sa kaibigan. Breaktime nila at iyon lang ang extra niyang oras para gawin ang project nila sa English na hanggang kinabukasan na lang ang deadline. Blangko pa rin ang draft notepad niya at wala pa siyang naisusulat na kahit isang salita. Kung bakit kasi tula pa tungkol sa mga bayani ang nabunot niya. Mahina siya pagdating sa paggawa ng tula kaya naman nangangamote siya.
“Aba! Malay ko kung paano. Nag-Google lang ako ng project natin.”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Sosimo! Di mo ba alam na bawal iyon? Kapag nahuli ka ni Miss Lagman, tiyak na ibabagsak ka niya.”
“Thunderbolts na si Miss Lagman. Wala nga siyang Facebook. I am sure di pa niya nadi-discover ang Google. Wala siyang alam sa internet dahil
“Huli ka na sa balita, bessie. Engaged na si Miss Lagman sa chatmate niya. Kung boyfriend nga nakakuha siya sa internet, lalo namang mas madali sa kanya na malamang kinopya mo lang sa Google ang project mo.”
Sinapo nito ang pisngi habang namimilog ang mga mata. “No! Kailangan kong bawiin ang project ko. My dad will kill me.”
Lumapit sa kanya ang isang first year student. “Ate, may nagpapabigay po sa inyo.”
“Sinong nagpapabigay?”
“Secret daw po. Baka daw po makatulong sa ginagawa ninyong project.” At umalis na ang binatilyo.
Binuksan niya ang kahon at may anim na piraso ng empanada na naka-wrap sa wax paper. Pero naintriga siya nang mapansin na may iba’t ibang sticker na nakadikit doon at may nakasulat na note. “Pointers in writing a poem?” usal ni Quinn. At napapikit siya nang maamoy ang mabangong ng empanada.
Nakakagutom naman at may pointers pa siya kung paano magsulat ng tula. Isang tao lang ang naiisip niyang pwedeng gumawa no’n para sa kanya. Si Chance.
Tatlong araw na niya itong iniiwasan mula nang pumasok sila noong Lunes. Ang totoo ay nahihiya siya dito dahil sa ginawa ng pinsan niya at ng mga kaibigan nito. Kahit si Cindy ay di niya kinakausap sa inis sa babae. Mas mabuti kung didistansiya na lang siya kay Chance dahil wala naman siyang maitutulong dito.
Bumuntong-hininga si Quinn nang maamoy ang mabangong empanada na mainit-init pa. Kumakalam na ang sikmura niya at kailangan niya ang kapangyarihan ng pagkain para sa inspirasyon. Nakakagutom mag-isip. Isa pa, malaking tulong sa kanya ang pointers na ibinigay nito. Pero ano naman kaya ang kapalit?
Kailangan na naman niya itong ilapit sa pinsan niyang impaktita. Pikit-mata na isinara ni Quinn ang kahon ng empanada kahit na hinahabol siya ng amoy niyon. Mariiin siyang pumikit habang naiisip ang mga pointers na padala ni Chance.
Oras na kumagat siya ng empanada o gamitin ang pointers na bigay nito, obligado siyang pagbigyan ito sa kahilingan nito. Matapos ang muntik nang pagkalunod nito nang nakaraan, di na niya gugustuhing ilapit pa ito sa pinsan niya. Kahit na ito pa ang tagapagligtas ng sangkatauhan, di niya ito gugustuhing mapahamak.
Tinawagan niya ito sa cellphone. “Hello, Quinn! Natanggap mo na ba ang empanada na padala ko. Masarap iyan.”
“Nasaan ka?” tanong niya dito.
“Nandito lang sa botanical garden. Nasa likuran mo.”
Nang pumihit siya ay nakaupo nga ito sa isa sa mga bench doon at may hawak na sandwich sa isang kamay. Kumaway pa ito sa kanya nang magtama ang mga mata nila. Hinamig niya ang mga gamit at saka binitbit pati ang kahon ng empanada.
Inilapag niya ang kahon sa harapan nito. “Sorry, Chance. Hindi ko ito matatanggap.”
Lumungkot nang bahagya ang mukha nito. “Bakit? Hindi ba masarap?”
“Hindi ko natikman,” aniya sa malamig na boses.
“Hindi mo ba nabasa ang mga pointers sa paggawa ng poem na ginawa ko? Sa palagay ko kasi matutulungan ka no’n. Nahihirapan ka kasing gumawa ng poem, di ba?”
Huminga siya ng malalim. “Di ko pa rin matatanggap. Salamat na lang. Gusto ko lang malaman mo na hindi na kita tutulungan pa na makipaglapit kay Cindy kahit anong gawin mo.”
Bumagsak ang balikat nito at bahagyang yumuko. “Siguro galit ka sa akin dahil sa nangyari sa swimming party. Naipahiya kita dahil isinama mo ako.”
“H-Hindi ako galit sa iyo, Chance. Ang totoo nahihiya ako dahil dapat sa una pa lang, di na kita isinama doon. May pagka-sira ulo ang mga kaibigan ni Cindy. Di kita dapat iniwan na mag-isa. Hindi kita dapat hinayaan na makalapit sa kanila dahil mapapahamak ka lang. Naiintindihan mo ba? Hindi ko ibubuwis ang buhay mo para lang makakain ako ng masarap na luto ng nanay mo. Hindi iyon kaya ng konsensiya ko.”
“Sino naman ang may sabi sa iyo na magpapatulong ako sa iyo kay Cindy? Para talaga ito sa iyo. Gusto kong magpasalamat dahil sinagip mo ako. Tinulungan mo ako habang pinagtatawanan lang ako ng iba.”
“Natural. Mamamatay ka na, makikitawa pa ba ako? Saka nakakakonsensiya na kunin iyan. Kasalanan ko kung bakit muntik ka nang malunod. Hindi na kita dapat isinama sa pool party.”
Kinuha nito ang kamay niya at ipinatong doon ang kahon ng empanada. “Hindi mo kasalanan iyon. Gusto ko ngang magpasalamat sa iyo. Ngayon ko lang naranasan na may taong nagmalasakit sa akin at ipinagtanggol ako sa ibang tao. At sana kahit na sa ganitong paraan maging magkaibigan pa rin tayo.”
Lumambot ang puso ni Quinn. Kung iba siguro ay baka nagalit na sa kanya. Matapos na mapahamak dahil sa kanya, umurong pa siya sa pagtulong sa babaeng gusto nito. Pero heto at nakikipagkaibigan pa rin ito sa kanya.
“Sa akin talaga ito?” di makapaniwalang tanong ng dalagita.
“Oo. Saka kung gusto mo tulungan pa kita sa paggawa ng poem. Mamaya na ang pasahan, di ba?” Ipinagbukas siya nito ng empanada. “Kumain ka na. Saka natin pag-usapan ang tungkol sa poem mo.”
Hindi na niya nagawang tumanggi nang ibigay nito ang empanada sa kanya. Kung walang kinalaman kay Cindy ay handa siyang tanggapin ang pakikipagkaibigan nito. Hindi siya basta-basta nakikipagkaibigan pero gusto niya si Chance. Mabuti itong tao. At nararamdaman niya na marami pa silang pagsasamahan.

Comentário do Livro (55)

  • avatar
    SimanElgea

    Ang tagal kong hindi nakapagbasa ng magandang kwento nang tuloy tuloy..ngayon lang ako ulit kinilig..ang galing mo talagang Author miss Sofia..at dahil sayo kaya ako napa DL ng novelah..😀..

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Mj Esmero

    I love you too

    11/07

      0
  • avatar
    Hazel Joy Santos Roque

    so nice

    06/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes