logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Five

Chapter Five
"GISING NA SIYA, NILO! GISING NA ANG APO NATIN! DININIG NG DIYOS ANG DASAL NATIN!" 
Ang tinig ni Lola Esperanza ang unang nadinig ni Mayo nang magising siya mula pagkaka-comatose. Marami ang hindi makapaniwala dahil sa loob ng anim na buwan na mistulang patay ang dalaga ay muli siyang nagising. Maski si Mayo ay hindi rin mapakaniwala. Hindi niya alam kung dapat ba niya ito ipagpasalamat o isa ba itong kaparusahan sa kanya.
Isang buwan pa ang nilaan niya sa hospital. Pinagpo-focus siya ng kanyang Lolo at Lola sa pagpapagaling at pagte-therapy. Noong una ay hirap siyang igalaw ang kanyang mga paa dahil ito ang unang napinsala sa kanya noong tumalon siya mula sa third floor ng kanilang bahay.
Simula nang magising si Mayo sa pagkaka-commatose, hindi pa rin naging ordinary ang mga napapaginipan niya. Madalas pa rin siyang nanaginip ng isang trahedya ng katulad ng pagkakapatay ng kanyang Papa. Pero nakakapagtatakang hindi sa sementeryo nangyari ang lahat. At higit sa lahat, hindi ang Papa niya ang kasama niya kungdi ibang lalaki.
Wala pang ideya si Mayo kung sino ang lalaking kasama niya sa kanyang panaginip. Pero parang totoo ang mga pangyayari. Katulad lang ngayon, napaginipan na naman niya ito! 
May bintana siyang nakikita sa kanyang panaginip. Iyon lang ang nakikita niya pero iba ang pakiramdam niya kaya bigla siyang nagising. 
Tahimik ang buong paligid. Pasado alas-dos na ng hating-gabi. Wala siyang bantay tuwing gabi dahil iyon ang isa mga policy ng hospital. Una ay nag-aalala sa kanya ang kanyang Lolo at Lola na iwan siyang mag-isa. Pero nangako na siya sa mga ito na hindi na niya uuliting saktan muli ang sarili. 
Diretso ang tingin niya sa bintana. Wala namang kakaiba roon. At nakasarado ito. Pero naisipan niyang bumangon sa kanyang higaan. Gumamit siya ng tungkod para makalapit sa naturang bintana. 
Umangat na ang kanyang mga kamay para buksan iyon nang bigla naman ito kusang bumukas. 
Nagulantang si Mayo dahil may isang tao rin ang pumasok roon. Lalaking nakasuot na Hoodie Jacket na kulay black. May suot rin itong facemask. At dahil sa sobrang pagkagulat niya, at dahil mahina pa talaga ang kanyang mga paa ay nawalan siya ng balanse sa pagkakatayo. Napaliyad siya pero automatikong napakapit siya sa naturang lalaking nasa kanyang harapan. 
Nagawa niyang hilain ang bandang dibdib ng jacket nito. At dahil nasa stage rin ng pagkagulat ang naturang lalaki, napasama ito sa pagbagsak ni Mayo sa sahig. 
Naramdaman ni Mayo ang bigat ng dumagan sa kanya pati ang pagsayad ng kanyang likuran sa malamig na sahig ng kuwarto niya. Pagkaraan ay nagtama ang tingin nilang dalawa. Hindi niya alam kung saan ba siya magrereact sa mga sandaling iyon. Sa pagkakadagan nito sa kanya? O, sa likod niya? O, sa pagkakatitigan nila ngayon ng lalaking ito. 
Pero isa lang ang natitiyak ni Mayo, bakit parang pamilyar sa kanya ang mga mata nito? Alam niyang nakita na niya ang mga mata nito. Nagsimulang kumabog na rin ang dibdib niya nang makaamoy siya ng orange! Tama isang ngang orange! Saka automatikong bumalik sa kanyang gunita ang lalaking nasa panaginip niya. 
"Ikaw?!" gulat ni Mayo nang makilala niya ito. 
Para namang natauhan ang lalaki kaya bigla itong napabangon. 
Hirap namang bumangon si Mayo. Pero nang muli siyang napatingin sa lalaki ay napansin niyang nakatingin ito sa kanya. Doon na lang niyang napagtanto na naka-hospital dress lang siya at nakalislis ang damit niya kaya lumantad ang mga hita niya sa paningin nito. 
"Hoy!" bulyaw niya rito. 
Saka niya dinampot ang kanyang tungkod, at tinangka niyang hampasin ito. Pero mabilis iyon napigilan ng lalaki. 
"Securi---" hindi na niya natuloy ang pagsigaw nang bigla nitong takpan ang bibig niya. Pagkaraan ay dali-dali siya nitong binuhat at mabilis na binalik sa kanyang kama. 
Nagulat si Mayo sa ginawa ng lalaki kaya hindi siya nakapagreact. Para kasing ang lakas nito dahil nabuhat siya ng ganoong kadali. Ganoon na ba talaga siya kagaan kaya mabilis lang siya nitong nabuhat? Samantalang kung titignan parang magkasing-edad lang silang dalawa kahit hindi naman niya nakikita ang mukha nito. 
"Shhhhh..." utos nito sa kanya. 
Saka sila nakarinig ng mga yapak sa labas. 
Mabilis na sinara ng lalaki ang bintana saka ito lumusot sa ilalim ng kanyang hospital bed. 
Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto, at pumasok roon ang dalawang lalaking naka-hospital uniform. 
"Bakit po?" tanong ni Mayo sa mga ito. 
Lumibot ang paningin ng dalawang lalaki sa kabuuhan ng kuwarto ni Mayo. Parang may hinahanap ang mga ito. Nagawa pang tignan ng mga ito ang banyo. 
"Ano po ba ang kailangan ninyo? Gabing-gabi na po, ah!" sabi ni Mayo sa mga ito. 
"Pasensya na, pero wala bang kakaibang nangyari rito?" tanong ng isa. 
"Kakaiba? Wala naman po," tugon ni Mayo. 
"Bakit gising ka pa, ija?" tanong ng isa na may pagdududa siyang tinitigan. 
"Sino po na ang magigising? Bigla-bigla po kayong pumapasok sa kuwarto ko," inis niyang tugon sa mga ito, "Alam ninyo pwedeng-pwede ko kayong ireklamo. Ganitong oras nang-iistorbo kayo ng pasyente. Samantalanag wala naman po akong naka-schedule na gamot naiinumin ngayong oras!"
"P-Pasensya na!" para namang nahiya ang dalawang lalaki kaya nagawa na ng mga itong lumabas ng kanyang kuwarto. 
Lumipas muna ang ilang segundo nang lumabas na rin sa ilalim ng kanyang kama ang lalaki. 
"May utang ka sa akin! Niligtas kita sa mga taong iyon!" paniningil niya rito. 
Napatingin ito sa kanya. May kinapa itong sa bulsa ng jacket nito. 
Isang maliit na orange. 
Nagawang kunin ng lalaki ang isang kamay niya saka nilapag roon ang naturang prutas. 
"Orange?" napakunot ang noo niya. 
"Tangerine 'yan hindi orange!" sabi nito.
Para naman nagulat si Mayo nang marinig ang boses nito. Pati kasi boses nito ay pamilyar sa kanya. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari sa kanya, at kung anong mayroon sa lalaking ito. May mga pahiwatig ba sa kanya ang panaginip niya?
"Sabihin mo, Yuki ba ang pangalan mo?" tanong niya rito. 
Ito naman ang gulat na napatingin sa kanya, "Paano mo--"
Hindi na natuloy pa ang ang sasabihin nito dahil parang tumunog ang suot nitong earphones. 
"Yes, I got it! I'm coming!" tugon nito saka dumiretso sa bintana. Muli nitong binuksan iyon at sumampa sa pasamano. 
Sa muling pagkakataon ay muli siyang tinignan nito, "Thank you!" sabi nito saka na ito tumalon roon. 
Nanlaki ang mga mata ni Mayo dahil alam niyang nasa third floor ang silid niya. Pero nagawa ng lalaking iyong talunin iyon ng ganoong kataas. Samantalang siya, nacomatose nang gawin niya iyon! 
"Sino ba talaga ang lalaking iyon?" tanong ni Mayo sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang hawak niyang tangerine. 

Comentário do Livro (91)

  • avatar
    Ro Da

    ❤️❤️❤️

    24d

      0
  • avatar
    CadornaCharity

    ang Ganda ng story

    25d

      0
  • avatar
    Re Jean Floro

    Ganda… bitin po when po yung book 4???☺️

    22/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes