logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CODENAME: Grumpy (Book 3)

CODENAME: Grumpy (Book 3)

Jackie Tejero


Prologue

Prologue
"KUYA, GUSTO KO SI ELLA! Matagal na. Simula pa noong mga bata pa tayo. Believe me, ilang beses ko siyang iniwasan noon dahil alam kong gustong-gusto mo rin siya. Pero Kuya, gusto kong magalit sa'yo noong dalhin mo siya ulit rito! Akala ko, wala na ito pero bumalik lang din ang naramdaman ko nang makita ko ulit siya! Sinasabi ko na 'to ngayon sa'yo, dahil hindi ko na kayang itago." 
Matapang na pag-amin ni Yuki sa kapatid niyang si Jinuel. Wala naman siyang ibang gusto sa mga sandaling iyon kungdi ang mailabas ang matagal na niyang tinatago sa kanyang kalooban simula pa noong mga bata sila. 
Si Ella, ang girlfriend ng Kuya Jinuel niya, at ang secret crush naman niya. Kaya nga nagpumilit siya noong sumama kina Jinuel at Arjhay sa Rizal Park. Matagal niyang itinago iyon. Ang buong akala niya hindi na niya makikita pa si Ella. Pero laking-gulat niya nang makita niya ang dalaga sa mismong bahay nila. 
Una, natakot siya na baka mag-iba ang tingin sa kanila ni Ella matapos nitong matuklasan ang katotoohan tungkol sa kanilang magkakapatid. Pero, lihim siyang nagdiwang nang maging myembro na ito ng kanilang organization. 
Ang buong akala niya ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman niya rito. Pero sa paglipas ng mga buwan, pakiramdam niya ay unti-unti na namang nagigising ang damdamin niya rito. At lalo pa itong lumalalim sa tuwing nasisilayan niya ang mukha nito. 
Nakita ni Yuki ang pagbabago ng ekpresyon ng mukha ng kanyang Kuya Jinjin matapos niyang ipagtapat iyon. Alam niyang nasaktan ito.
Napatingin rin siya kay Jun na natulalang nakatingin lang sa kanya. Para nga itong istatwa habang may subo-subong potato chips sa bibig. 
Parang doon lang natauhan si Yuki na hindi lang pala silang dalawa ng kanyang Kuya Jinjin ang nasa silid na iyon. 
Lihim siyang napamura. 
"Kaya ba sinabi mo kay Ate Ella na kung ayaw na niya sa department ni Kuya Jinjin, kukunin mo siya?" tanong ni Jun sa kanya. 
Siya naman ang nagulat. Hindi niya akalain na naroroon pala si Jun nang mga oras nang biniro niya si Ella ng ganoon. Ang biro niya na may himig na katotohanan. 
Napakuyom ang kamao ni Yuki. Parang gusto niyang ipasubo sa bunso nila ang buong junk food na kinakain nito para matigil lang ang kadaldalan.
"Napadami na yata ang inom ko," pag-iwas nalang ni Yuki. Saka na siya tumayo, at lumabas sa opisina ni Kuya Jinjin niya. Parang ngayon niya pinagsisihan kung bakit nag-open siya ng ganoon sa Kuya niya. Itong bibig niya, hindi rin niya mapigilan kapag nakakainom na siya. 
Nakokonsensya siya. 
Alam niyang pinahirapan lang niya ngayon ang nararamdaman ng Kuya niya. Nagtungo na siya kanyang silid, at doon niya tinuloy ang pag-inom ng mag-isa. Wala sa loob na napasilip siya sa bintana at nakita niya si Ella at Mimi na papasok sa bahay. 
Inis niyang sinarado ang kurtina. 
Alam kasi niya kung saan ang punta ng mga ito.
Kinabukasan, kaagad na hinanap ng paningin ni Yuki si Ella. Pero hindi niya ito nakita sa medical team. Wala ito sa pila pero naroon si Mimi. Pati ang Kuya niya ay wala rin. 
Lihim na napakuyom ang kamao niya. Parang alam na niya kung nasaan ang mga ito. Imposible sa isang mission dahil ang grupo ni Cobi ang nakaschedule ngayong araw para sa misyon.
Tanghali na nang maglakad si Yuki patungo sa opisina ng Kuya Jinjin niya. Pero bigla siyang natigilan nang masilayan niyang sabay na lumabas roon ang kapatid niya at si Ella. 
Dali-dali siyang nagtago. At naramdaman niya ang pananakit ng kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay may libo-libong bala ng baril ang tumama sa kanyang puso nang makita niyang magkahawak pa ang kamay ng mga ito.
Lumipas ang ilang araw. Pinilit ni Yuki na iwasan ang dalawa pero hindi pa rin niya maitatanggi na nasasaktan siya sa tuwing makikita niya ang masayang mukha ni Ella at ng Kuya Jinjin niya. Nahihirapan siya. Malaki ang kanilang teritoryo pero pakiramdaman niya ang lumiliit ang mundo niya dahil sa dalawang ito. 
Pinilit niyang magfocus sa kanyang mission. Minsan sumama na siya sa mga agent niya, at siya na rin mismo ang tumatapos ng mga mission na binigay niya sa mga ito. 
Gamit ang katana niya, wala siyang awa pinapatay ang kanyang target. Sa loob ng isang buwan, hindi na niya mabilang sa kanyang daliri kung ilang tao na ba ang binawian niya ng buhay dahil sa matinding lungkot na nararamdaman niya.
Nitong huling mission nila. Alam niyang delikado ito sa kanila dahil may ranggo sa organization ang target nila. Kahit ilang beses na siyang binalaan ng Ate Lyra niya na huwag basta-basta sumugod roon na mag-isa ay ginawa pa rin niya. 
Walang emosyong pumasok si Yuki sa malaking mansyon. At wala rin niyang awang ginilitan ng leeg ang target niya. Ang buong akala niya, doon na matatapos ang lahat pero hinabol pa rin siya ng mga tauhan nito. Saan-saang sulok na siya ng mansion napadpad hanggang sa ma-corner na siya ng mga ito sa malawak na hardin. Kahit pagod na pagod na siya ay pilit pa rin siyang lumalaban. Pero pakiramdaman niya hindi nauubos ang mga kalaban niya. 
Hingal na hingal na siya. May tama na rin siya kanyang binti, braso at tagiliran. Nagawa na niyang itungkod ang katana niya sa lupa. 
Nanghihina na siya. 
Malamig na rin ang pawis niya. 
Namamanhid na rin ang ilang parte ng katawan niya.
Handa na siyang sumuko sa mga sandaling iyon nang makita niya ang paglipad ng mga palaso sa kalangitan. 
Isa-isang tinamaan ang mga kalaban niya. Isa-isang nagsipag-bagsakan sa lupa. 
Napatingin siya sa bubungan ng mansion, umaasa siyang mga kapatid niya ang nagligtas sa kanya. 
Pero hindi. 
Si Mayo, kasama ang mga agent niya. 
Napaupo siya sa gilid sa sulok ng halamanan. Hindi na niya magawang makakilos, at pinagmasdan na lang niyang pakikipaglaban ng mga tauhan niya. 
"Baliw ka! Bakit ka sumugod mag-isa?" galit na tanong sa kanya ni Mayo nang lapitan siya nito. Dali-dali nitong hinubad ang suot nitong itim na kapa. At hindi ito nagdalawang-isip na sirain iyon para ipangtapal sa mga sugat niya. 
Mapait na ngumiti si Yuki. Mariin niyang tinitigan si Mayo. At walang sabi-sabi na kinabig niya ulo nito at siniil niya ito ng halik. 
Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa gulat. 
Naramdaman naman ni Yuki ang pagtugon nito pero bigla siya nitong tinulak at sinampal. Mabilis ring umarko ang mga kamao nito na handa na sana siyang suntukin. 
Nginisian niya ito. Alam kasi niyang hindi siya kayang suntukin nito. 
"Huwag akong gawing panakip-butas!" galit na sabi nito saka hinigpitan ni Mayo ang pagkakatali sa sugatang tagiliran ng binata. 
Napadaing naman si Yuki sa sakit. 
"Huwag kang mamatay rito!" seryosong sabi nito. 
Natawa naman si Yuki sinabi nito.
Si Mayo, halos sampung taon na niyang kasama ito sa mga mission niya. Kahit ilang beses na niya itong tinatakasan ay nagagawa pa rin siya nitong mahanap. Minsan natatakot na siya sa babaeng ito. Hindi niya alam kung ano bang mayroon rito, bakit sa tuwing nanganganib ang buhay niya ay palagi itong dumarating para iligtas siya? 
Ang weird lang, para itong si Little Red Riding Hood dahil lagi itong may suot itim na kapa. Kaya nga Black Swan ang binigay niyang Codename rito. 
🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤
AUTHOR'S NOTE:
Para lubusan nyo pong maintindihan ang Prologue, suggest ko pong basahin muna ang Book 1 at Book 2.... Bisitahin nyo lang po ang Wall ko, hanapin ang CODENAME: SnowWhite (Book 1) at CODENAME: Doc (Book 2) 
Maraming salamat po! 
Happy Reading!

Comentário do Livro (91)

  • avatar
    Ro Da

    ❤️❤️❤️

    24d

      0
  • avatar
    CadornaCharity

    ang Ganda ng story

    25d

      0
  • avatar
    Re Jean Floro

    Ganda… bitin po when po yung book 4???☺️

    22/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes