logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

EPILOGUE

A happy ending for a criminal who became victim.
|•••|
Lumakad ako palabas ng hukuman at huminto ng makasalubong si Nikolai na hawak-hawak ng mga pulis. Nahinto rin ito at tinignan ako.
"Paniguradong nalulungkot si Tanda ngayon," usal ko na tinawanan niya.
"Kung ganu'n ay kahit papano nakabawi ako sa pagkamatay ng papa ko." sagot niya at hinila na ng mga pulis. Isinakay siya sa isang kotse ng pulis upang dalhin na sa kulungan kung saan siya nababagay.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas ako sa hukuman ng hindi dala-dala ng mga pulis, ako ang biktima rito. Naungkat ang nangyari noon at mismong si Paxton ang prosecutor na nasa panig ko, siya rin maging ang saksi ko. Nahatawan ng guilty si Nikolai dahil sa nangyari, habang makukulong rin ang mama niya dahil sa ginawa niya sa akin.
Bumalik ang pag-iisip ko sa reyalidad ng may humintong van sa harapan ko at bumukas iyon. Lumabas si Mica at tinutukan ng baril ang ulo ko.
"Pasok," ma-awtoridad niyang sambit kaya napatingin ako sa loob at kumunot ang noo dahil naroon si Sasha, si Miks, si Diane, maging si Reena, at si Apple naman ang driver ng van. Napilitan akong pumasok sa loob at sumunod si Mica sabay isinarado ang pintuan kaya agad na pinaandar ni Apple ang van.
"Hi."
"Ano bang kalokohan ito at nagkumpulan kayong mga bruha?" taka kong tanong sakanila pero imbes na sumagot ay tinanggal nila ang damit ko at pinasuot ako ng isang yellow na long gown.
Nagtataka ako sa mga pinaggagagawa nila dahil sila pa ang nagsuot ng puting heels sa paa ko, nilagyan ng kung ano-ano ang mukha ko, at inayos ang buhok ko. Naubo pa nga ako nang inisprayan ni Reena ang saktong mukha ko ng pabango kaya sinita siya ng lahat.
"Ano ba?!" asik ko pero huminto na ang kotse at nagsilabasan silang lahat.
Nagtaka ako at lumabas narin pero natigilan ako dahil imbes na lupa ang maapakan ko ay saktong red carpet iyon. Napatingin ako sa dulo nito at nagtaka ng makitang may mga mesa at silya rito at karamihan sakanila ay parte ng pamilya ko. Naglakad ako roon at punong-puno ng pagtataka silang tinignan pero hindi ako pinansin ng mga mokong, hanggang sa matanaw ko sa pinakadulo si Paxton na nakasuot ng kulay puting suit at nakatingin sa wristwatch niya kaya naman naglakad ako palapit sakaniya. Natigilan ito at unti-unting nag-angat ng mukha upang tignan ako hanggang sa makaharap ko na siya.
"Anong kalokohan ito?"
Inosente nitong tumingin sa paligid at agad ring ibinalik ang tingin sa akin. "Merry Christmas?" hindi niya siguradong sagot kaya naman tinanggal ko ang aking heels at ginamit iyong pamukpok sa ulo niya. "Biro lang naman!"
"Ano nga sabing kalokohan ito? Bakit nandito ang pamilya ko? 'Yung mga katrabaho ko? Tsaka bakit ako kinidnap ng mga kabit mo?" sunod-sunod kong tanong sakaniya na nginiwian nito at napakamot sakaniyang batok.
"Hindi ko na sila kabit, okay? Tapos na 'yun. Kalimutan mo na 'yun."
"Pero naging kabit mo parin sila." pagmamatigas ko kaya suminghap ito.
"Oo, noon. Pero hindi na ngayon."
"At least naging kabit."
"Bakit ba ang kulit mo?"
"It's a hobby of mine to prove you wrong."
Huminga ito ng malalim at kinuha sa akin ang heels ko sabay lumuhod sa harapan ko. Iniangat nito ang aking paa at maingat iyong isinuot sa paa ko... pagkatapos ay tumingala ito. May inilabas siyang singsing mula sakaniyang bulsa at ipinakita iyon sa akin kaya naman tumaas ang kilay ko.
"Sapilitan ang naging pagpapakasal natin. Pinakasalan mo ako ng hindi alam ang pangalan ko. Ginamit ko ang mga kaso mo para pilitin kang pakasalan ako, pero hindi ko pinagsisisihan iyon. Masasama ang mga simulang araw natin pero sa lahat ng ginawa ko ay wala akong pinagsisisihan. Lahat ng iyon ay bahagi ng kwento natin kaya ayokong baguhin kahit na kaunti, kahit na 'yung mga pananakit ko sa'yo. Kaunting pagbabago lang ay paniguradong hindi na tayo ang magkakatuluyan kaya wala akong pinagsisisihan roon." mahaba niyang lintana.
"Kung ganu'n ba ay sasaktan mo ulit ako para sabihing mapatatag pa ito?" anas ko na inilingan niya.
"Hindi na kita sasaktan at pangako ko iyon. Isa pa, nasa harapan tayo ng pamilya mo— may tatlo kang kapatid at dalawang pinsan na lahat sila'y lalaki, tapos 'yung isa ay pulis, takot ko nalang na saktan ka ng kahit na kaunti." sagot niya at nginitian ako. "Pwede mo ba akong pakasalan, ulit? Ngayon ay sa harapan na ng pamilya mo. Ngayon ko lang napagtanto na hindi mo deserve na ikasal sa tahimik na simbahan at walang kabisi-bisita. Ang tulad mo ay dapat na ipinagmamalaki, kahit na kriminal ka at prosecutor ako."
"Gusto mo bang pilipitin ko 'yang leeg mo?"
Suminghap ito at sumeryoso na. "Taki Villanueva, will you marry me— again?"
Sa ibang kwento ay sinusulsulan ng mga bisita ang babae para pumayag... pero kabaligtaran naman sa kwento ko.
"'Wag! Ang pangit niya!"
"Oo nga, tapos sinaktan ka niya."
"Humanap ka nalang ng iba, Ate, tutal maganda ka at ang pangit niya."
"Napagsawaan na ang katawan niya kaya iwan mo na!"
"Hindi mo deserve 'yan!"
"Pokpok woooh! Kiss my ass, bastard!"
Ilan lang 'yan sa mga kantiyaw nila kaya naman napatingin ako kay Tito Alf. Umiling siya kaya naman ibinalik ko kay Paxton ang atensyon ko at binawi ang aking kamay.
"Ayoko," sagot ko na ikinapawi ng ngiti sakaniyang labi.
Maging ang isa niya pang tuhod ay iniluhod niya na sa carpet at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Pangako, sayong-sayo na ako. Hindi ako kikilos ng naaayon sa gusto ko. Gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo. Please, pakasalan mo ako." pagmamakaawa nito at idinikit ang kaniyang mukha sa aking palad.
Nahinto ako ng maramdaman ang pamamasa nu'n kaya naman naupo ako upang magkapantay kami, at binawi ang aking kamay na hawak-hawak niya. Nakita kong umiiyak ito kaya naman natawa ako at pinitik ang kaniyang noo.
"Ayoko ng asawang iyakin. Hindi umiiyak ang dad ko kaya tigilan mo nga 'yan." untag ko na inilingan niya at humagulgol na parang bata. "Aish, pambihira." Bumuntong-hininga ako sa kadramahan nito.
"Papayag ako basta 'wag kang aalis sa tabi ko. Huwag mo akong iiwan sa dilim. Gusto kong ako ang mauunang mamamatay kaysa sayo dahil ayokong magluksa. Kapag nagkacancer ka ay papatayin ko na agad ang sarili ko kaya alagaan mo ang kalusugan mo. Ayoko ring pinaglalaruan mo ang emosyon mo dahil para kang siraulong sinasaniban. Magpakatotoo ka pero huwag kang mananakit. Gusto kong kasing astig ka ng pamilya ko at magiging kagaya ka ni Lolo, ni Tanda, ni Dad, lalo na ni Tito Alf. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Tumingin ito sa akin at tumango kaya naman nginitian ko rin siya at inilahad na sakaniya ang aking kamay. Isinuot niya roon ang singsing at pinunasan ang kaniyang basang pisngi sabay hinawakan muli ang aking kamay.
"Ako ang magiging liwanag na mundo mo," anas niya at hinalikan ang singsing. "At ikaw ang magiging bituin sa kalangitan ko." At hinalikan naman nito ang loko ng kamay ko.
"Ni hindi ko man lang naranasang magkaroon ng ganiyan sa buhay ko, pambihira." bulalas ni Mom pero natahimik siya ng halikan siya ni Dad sa labi.
"Alam mo ba, ikaw ang first kiss ko."
Natigilan ako sa sinabi ni Paxton at kumunot ang noo.
"Habang tulog ka sa hospital ay binantayan kita. Nagpaalam ang tito mo na bibili lang saglit ng kape kaya naiwan ako dahil hinihintay ko pa ang sundo ko. Naaawa at nagagandahan ako sa'yo noon kaya naman hinalikan kita kahit na mga bata pa tayo noong panahong iyon." pagkukwento niya at napa-iwas ng tingin.
"Kung ganu'n ay simula palang kindergarten ay malandi ka na?"
"Ang sakit naman sa puso 'yung salitang malandi."
"Totoo naman diba?"
Sininghalan ako nito at nag-iwas ng tingin kaya naman yumuko ako at pinagmasdan ang kamay ko. Ilang saglit lang ay nagulat ako dahil biglaan niya nalang akong hinalikan sa labi pero agaran rin siyang lumayo.
"Para saan 'yun?"
"Umm, ganu'n naman dapat diba? Kapag pumayag 'yung babae ay dapat na sundan ng halik. Nakakatakot kang halikan kaya puro nakaw na halik lang ang nagagawa ko, maswerte na ako kung ikaw ang unang hahalik." sagot niya at namula ang mukha kasabay ng pagkamot niya sakaniyang batok.
Umayos ako ng pagkakaupo at tinignan siya.
"Kung ganu'n, binibigyan kita ng permisong halikan ako."
Agaran itong napatingin sa akin at pinanlakihan ako ng mata. "Seryoso?" paninigurado niya na tinanguan ko.
Lumapit naman ito sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Napapikit ako ng maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa aking labi. Ang labi niya na bawat araw akong inaakit na gustong-gusto kong halikan pero nagtitimpi lang ako. Ngayon ay akin na ito. Akin na siya, ang buong pagkatao niya.
Ilang minuto ang itinagal nu'n hanggang sa maglayo na ang aming labi at pinagdikit ang aming noo pero kapwa parin nakapikit ang aming mata.
"I love you, Taki." bulong niya sa malambing na boses at muli akong hinalikan.
Weird ang pwesto namin para sa isang ending pero hindi iyon ang punto rito. Ang punto rito ay kapwa na kaming masaya at kuntento. Siya ang nagbigay ng liwanag sa kinatatakutan kong dilim at siya ang nagliligtas sa akin. Pinapatunayan nito na kahit na gaano pa kasama ang isang tao, deserve niyang maging masaya at makatagpo ng taong iintindi ng kaniyang pagkatao.
Naglayo na ang aming mukha at tinignan ang isa't isa. Hinaplos nito ang aking pisngi at nginitian ako.
"Taki Villanueva. If loving you is a crime, then I would like to become a criminal. Put me in jail and mark me as your prisoner."
Natawa ako sa sinabi niya at tinapik-tapik ang pisngi nito.
"Love is full of crimes. Whoever fall in love to someone else will become a criminal. May sarili itong batas at ang ilan ay hindi nakasaad sa batas na alam ng mga tao. Gaya ng isang kaso ay may ay isang kriminal at isang biktima. Dito ay isa akong kriminal na naging biktima ng krimen ng pag-ibig. Ewan ko lang dahil sa simula palang ay wala naman talagang pagmamahal sa pagitan natin kaya paanong nagkaganu'n." hayag ko at natawa pero bumalik sa pagiging seryoso ang aking mukha upang magpatuloy. "Ang pag-ibig, pinagbabago nito ang tao. Minsan mabuti, minsan masama. Minsan masaya, minsan masakit. Parte na iyon ng buhay at nasa sa atin na kung magpapatuloy ba tayo o hindi."
"Ang daldal mo ata ngayon?" untag niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at tumayo na kaya tumayo narin siya.
"Can you get me some wine, sweetie?" malambing kong sambit rito na ikinapula ng kaniyang mukha at malawak na ngumiti.
"Pakiulit nga 'yung huling salita."
"Wine?"
"Hindi."
"I love you, sweetie."
"Grabe, kinikilig ako."
"Aish, feeling teenager ka naman."
"Ah basta. I love you too, sweetie."
Nagkatuwaan kaming dalawa. Inakbayan niya ako at yumakap naman ako sa katawan nito. Handa na akong harapin ang pagsubok kasama siya.
Pero sandali, bago magtapos ay may pahabol pa ako...
I'm Taki Villanueva Brooke, and— you can't spell CRIME without ME.

Comentário do Livro (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    12d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    19d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    21d

      0
  • Ver Todos

Fim

Recomendações para você