logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 27: The Past

Napangiti ako nang makitang alas tres na, ibig sabihin ay oras na ng meryenda. Nakangiti ako dahil may dala ulit akong baon na ginawa ni Tito Alf at ni Dad. Maayos akong naupo sa silya ko at inilapag iyon sa ibabaw ng mesa ko. Binuksan ko ang dala kong paper bag at inilabas ang tupperware.
Alam kong araw-araw ko itong baon at masyado ng hapon para kumain ng pancake pero kinain ko parin. Alam ko kasing pinaghirapan nila iyon lalo na't businessman sila't hindi chef.
"Bata, nahulog 'yung takip ng tupperware mo." sambit ng isang kaklase kong lalaki kaya naman napatingin ako sa sahig at nakita ang takip ng tupperware ko. Bumaba ako sa upuan at pinulot iyon sabay tumayo pero napansin kong dali-dali siyang lumayo sa bag ko na mukhang may ginawa siya roon.
"Salamat ha."
Tumango lang ito at tumakbo na paalis. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko hanggang sa maubos ko iyon at saktong pumasok ang guro namin na mukhang galit na galit.
"Sino sa inyo ang kumuha ng wallet ko?!" bulyaw niya sa aming lahat kaya naman natahimik kaming lahat. "Nawawala rin ang mga answer sheets ng exam niyo kaya sino ang kumuha nu'n?!"
Nagtaas ng kamay ang isa sa amin at tumayo.
"Siya po," sagot ng lalaking lumapit sa akin kanina at itinuro ako kaya naman napunta sa akin ang atensyon ng lahat.
"Taki?"
"Hindi po ako! Wala akong ibang ginawa kundi ang kumain," pagdedepensa ko pero pinaningkitan ako ng mata ng guro.
"Tignan niyo po 'yung bag niya!" suhesyon naman ng isang babae na sinang-ayunan ng lahat kaya kinuha ko ang bag ko at ihinatid pa iyon patungo sa guro.
"Nagsasabi po ako ng—"
Nanlaki ang mata ko dahil may inilabas na wallet at mga papel ang guro na nagmula sa bag ko. Imposible.
"Ikaw!" Sigaw niya at kinuha ang stick niya sa gilid na ginagamit niya upang panturo— pero ginamit niya naman iyon upang ipampalo sa pwetan ko.
Malakas akong napasigaw sa sobrang sakit. Hindi pa siya nakuntento at pinadapa niya ako sa teacher's table at tinadtad ng palo ang likuran ko. Sobrang sakit nu'n at dama ko ang galit niya, pero ang buong klase ay nagtatawanan dahil sa nakikitang kalagayan ko.
Hindi pa roon natapos ang lahat dahil mahigpit na hinawakan ng guro ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng aming silid-aralan, agad naman na sumunod sa amin ang buong klase. May mga nakakita sa amin pero wala ni isa ang sumita. Maging sila ay natatakot sa galit na lumulukob sa aming guro hanggang sa itulak niya ako papasok ng locker.
"Ma'am hindi po ako iyon!" giit ko sa pagitan ng aking paghikbi.
"Talagang nagsisinungaling ka pa kahit na huling-huli ka na! Kayo, ilock niyo siya rito at huwag pakakawalan. Hayaan niyo siyang magtanda diyan ng isang linggo."
Natakot ako sa sinabi niya lalo na sa pagsarado ng pinto.
Pinaghahampas ko ang pintuan ng locker upang piliting makalabas roon. Dinig ko ang tawanan mula sa labas at kung paano nila ako ikandado sa loob. Kasunod nu'n ay tumunog ang bell tanda na oras na ng uwian, imbes na pakawalan ay nagsitakbuhan na silang lahat paalis ng hindi ako pinapansin.
Walang tigil ako sa pag-iyak at pagmamakaawang pakawalan pero wala na akong marinig na kahit na anong boses o yabag ng paa. Napagod ako sa kakasigaw kaya naman naupo muna ako at niyakap ang aking tuhod. Ang kaunting siwang lang ang nagbibigay ng ilaw sa akin mula sa loob ng locker, pero unti-unti iyong nawala tanda na gabi na kaya naman naiwan ako roon ng mag-isa sa masikip na kadiliman.
Hirap ako sa paghinga at takot na takot dahil wala akong kasama. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng kung ano sa likuran ko at hanging umihip na para bang nagsasabing hindi ako mag-isa roon. Kung ano-ano ang pumasok sa isipan ko. Hindi mabuti ang mga tao, masasama sila. Ang paghihirap ng isa ang nakapagbibigay ng kasiyahan sakanila.
Dahan-dahang nagmulat ang aking mata at nagpaalamon sa kadiliman. Ang kadilimang ito ang saksi sa pag-iisa ko. Mahigpit kong niyakap ang sarili ko at isinandal ang aking ulo kasabay ng pagpikit ng aking mata.
Maghihintay nalang ako na may makokonsensya magbubukas nito. Pero huwag na nilang asahan na ako pa ang Taki na masasaksihan nila... pagkalabas ko rito.
Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay sa labas. May kaunting lakas pa ako para magwala pero hindi ko iyon ginawa. Tahimik lang ako roon at pinapakiramdaman ang nangyayari sa labas. Rinig ko ang pagkukwentuhan nila sa labas at pagtatawanan. Buong araw nila akong hindi pinagbuksan hanggang sa abutin ulit ako ng dilim.
Sa muling pagsikat ng araw ay wala akong narinig na kahit na anong ingay at doon napagtantong sabado na ngayon kaya walang tao rito. Inabot ako ng sabado at linggo roon hanggang sa sumapit ang lunes.
Ubos na ang lakas ko. Magkahalong uhaw, gutom, ngalay, at galit ang nararamdaman ko habang nakakulong roon hanggang sa tumunog ulit ang bell tanda na uwian na. Narinig kong may kumatok sa pinto kaya naman iminulat ko ang aking mata.
"Ang sama nila," rinig kong sambit ng isang boses ng lalaki mula sa kabila at alam kong pilit nitong binubuksan ang pinto.
Ilang oras niyang ginagawa niyo hanggang sa bumukas ang pinto at humandusay sa malamig na sahig ang katawan ko.
"Bata, bata, gising." aniya at tinapik ang pisngi ko. "Sandali at tatawagan ko si Mom."
Ilang minuto lang ay nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa stretcher habang ipinapasok sa loob ng hospital kasama ang batang iyon at ang kaniyang nanay.
"Taki!" sigaw ni Tito Alf ng puno ng pag-aalala at nilapitan ako. "Magiging ayos ka lang diba? Gagaling ka diba? Matapang ka kaya kayang-kata mo 'yan, ikaw ang munting sundalo ko kaya mapakatatag ka, okay?"
Ni hindi mo magawang iuwang ang tuyo kong labi. Gusto kong umiyak pero wala akong luhang maipapatak. Sobra ng pagod ang katawan ko.
Dama ko ang sandamakmak na injection na itinurok nila sa katawan ko at sinalpakan ng iba't ibang tubo ang mga braso ko.
Sa muling pagkagising ko ay maayos na ang kalagayan ko, pero wala na ang sigla ng katawan ko. Sa pagpanaw ng lakas ko habang nakakulong ako sa locker ay nawala narin ang natitirang masiglang Taki.
Ihinarap sa hukuman ang nangyari sa akin pero... pero natalo ang lawyer ko dahil sa kaunting ebidensya at magaling ang kabilang panig, marami rin ang nagsinungaling kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa mga tao.
Isinumpa kong papatayin ko silang lahat, silang lahat na ipinagsawalang bahala ang pagkakakulong ko sa locker. Bago lumipat ng eskwelahan ay kinuha ko ang listahan ng mga guro at estudyante sa eskwelahang iyon sabay gumawa ng libro upang isa-isahin sila.
Napatay ko na ang mga guro lalo na ang gurong pumalo sa akin. Ang bawat kaklase at mga estudyanteng bumalewala sa akin ay tinapos ko narin. Ang lawyer ko, na naging judge ay pinatay ko narin dahil wala siyang nagawa para pagbayarin ang mga gumawa sa akin noon.
Ang huli ay ang lalaking naglagay ng answer sheets sa bag ko at ng wallet ng aming guro. Siya nalang ang natitira. At nakakatuwang siya si Nikolai. Kaharap ko na siya pero hindi ko man lang iyon nalaman.

Comentário do Livro (20)

  • avatar
    reynalyn Jay

    so amazing story

    12d

      0
  • avatar
    Maria Frenchesca S. Balagso

    ❤️😘❤️😘❤️😘❤️😘

    19d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes