logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 7 New Life

Trixie POV
"Kaya lola, wag mong sabihin sa iba, ah?"
Nandito kaming lahat sa salas, sa bahay namin. Sinabi ko na ang lahat kay lola, wala akong pinalampas ni isang detalye man.
"Bakit pinalampas mo pa ng dalawang araw!" bumuntong hininga siya. Mabuti na lang at humupa na ang nararamdaman niya kanina pa. "Jusko, ano ba ang balak niyo? Delikado 'yang gagawin niyo! Siguraduhin niyo lang na alam niyo ang gagawin niyo kung sakali man."
"Eh, la, sila Andrie Scott at Jason Guivarra ? Pumunta na-"
"Ay oo silang dalawa pala! Naku, kahapon pumunta sila dito at kahapon at ipinaalam sa 'kin ang nangyare sa 'yo. Aba'y syempre hindi kami magkandaugaga kung ano ang gagawin. Kayo ba naman ang balitaan na patay na ang apo mo? Sinong hindi malulungkot?…"
"Trixie, dun muna ako" paalam ni Raja at itinuro ang phone niya. Tumango ako. Habang si lola ay walang tigil sa pinagsasabi niya.
"Mabuti at binabalak ko palang na tawagan ngayon ang mama mo. Uuwi 'yun nang wala sa oras. Ay nga pala, ang sabi ay iki-cremate na lang raw ang bangkay, sila na rin daw ang bahala sa gastusin at sa puntod?"
Nagkatinginan kaming tatlo. "Baka nagsinungaling lang sila dahil wala naman talagang bangkay" sambit ni Lyca
"Duh! Buhay na buhay ako! Mga manloloko talaga 'yang paaralan na 'yan! Baka abo ng sinunog na kahoy ang ibigay sa 'yo"
"Bakit doon ka pa nagklase?" tanong ni Jae.
"Eh, school of arts kasi. Mahahasa 'yung dancing skills ko, pati na din singing, pwede rin ang acting. Maraming graduate doon ang artista na ngayon, karamihan sa ibang bansa sila successful, mga models pa. Tsaka nakapasa ako sa exam, eh dream ko rin makapasok 'dun kaya go na ako. Sayang naman. Bukod sa mga subjects na pare-pareho tayong meron, maraming activities doon na hinahasa kaming lahat"
"Maganda naman pala ang eskwelahan niyo" sambit ni Raja at tumabi kay Jae sa upuan. "Dati gusto ko rin 'dun, gusto ko rin mahasa ang arts skills ko. Pero nawalan ako nang interest"
"Sayang! Magkaklase sana tayo!"
"Ewan" nagkibit-balikat na lang ito. "Oo nga pala, needed mo mag transfer niyan sa ibang school. Sa Shimjang ka na, kami bahala sa 'yo"
Napatingin ako sa kanya. "Transfer!?"
"Oo, bakit akala mo ba magtatago ka lang?" Napalingon ako kay Acyl. "Syempre mag-aaral ka, 'no"
"Hindi pumasok sa isip mo 'yan, 'no?" Natatawang saad ni Jae.
Napaisip ako.
Tama si Jae, hindi iyon pumasok sa isip ko. Tanging gumugulo lang sa utak ko ay ang mga kaibigan ko, si AJ, tsaka ang makaalis sa toxic na paaralang iyon.
"Pano 'yan? Saan naman ako lilipat? Wala sa 'kin 'yung mga documents ko, hala! Baka nasunog 'yun!! Tsaka, baka malaman nila na ako 'yung—ay hindi pala, hindi naman naglalabas ng statement ang school"
"Sabihin mo na lang na magtatransfer ka. Hindi naman big deal 'yun sa Shimjang, mukhang wala namang pakialam ang mga tao 'dun" Acyl.
"Tsaka for sure 'yung documents mo isasauli. Kasi nga 'di ba? Hm…" Jae
"Ay documents ba kamo!? Ay jusko Trixie, may ibinigay sa akin. Naka envelop! Kunin ko saglit…" tumayo si lola at pumunta ng kwarto.
Mula dito sa labas ay dinig pa namin ang pinagsasabi niya, hanggang makabalik at ibigay sa akin ang envelop.
"….O, 'yan, tingnan mo baka iyan ang hinahanap niyo. Ay jusko ang init!"
Isa-isa namin tinignan ang laman ng envelop, at inilapag sa mesa.
"O, kumpleto Trixie! Bukas transfer ka na, ah! Para sama-sama na tayo!" Masiglang saad ni Jae.
"Ngayon na lang kaya, para madali" Acyl. "Mabihis ka na. Kung may cap ka suotin mo tapos mask na rin. Mahirap na baka may makasalubong ka sa daan."
Tumango ako at nagbihis. Naghanap ako ng damit na hindi ko masyadong ginagamit, para hindi halatang ako nga iyon. Mabuti na lang at may mask ako, kinuha ko rin ang cap kong may nakaukit na EXO. Simpleng pantalon at shirt lang ang suot ko, saka rubber shoes. Nang matapos ay nagpaalam kaming aalis.
Sumakay kami ng jeep papuntang Shimjang, may kalayuan ito sa amin. Sa pagkakaalam ko ay napakayaman ng paaralang iyon. Ang eskwelahang iyon ay ang natatanging kalaban ng Arts International School pagdating sa mga competitions. Maraming mga estudyante ang hindi nakakapasok doon dahil karamihan ay walang perang pang tuition. Pwede rin namang mag exam, iyon lang ay kung makakapasa ka. Sa Arts school kasi, entrance exam lang. Ewan, kakarampot lang ang alam ko sa Shimjang.
Pagkababa namin ng jeep ay agad nila akong hinila papasok ng school. Hindi kami sinita ng guard, ipinakita lang ni Raja ang ID niya.
Pagkapasok namin ay masasabi kong napakaganda at napakalawak.
Maihahalintulad ko rin ang ganda sa Arts School. Hindi ko na kailangang magulat pa sa ganda nito dahil mukhang pagarbohan sila ng Arts School. Naglakad kami sa pathway ng field.
"Nga pala, may sariling dorm dito. Dito kami kasing tatlo. Libre naman ng school. Pero ikaw, kung gusto mo lang naman—"
"Gusto ko! Ano ka ba Raja, dream ko kaya ang magkaroon ng dorm! Iyan ang wala sa Arts International School! Sawa na rin ako sa sariling malls nila, eh hahaha!" Natawa silang tatlo. "Ay teka nga, bigyan niyo naman ako ng basic knowledge about dito sa Shimjang! In fairness ang sarap ng walang alam"
"Hmm.." nilingon ko si Jae. "Kayo na lang, Acyl, Raja haha. Lutang ako magkwento" Natawa ako.
"Ano.." Kay Acyl naman dumapo ang paningin ko. "Ang Shimjang, either tuition or exam makakapasok ka. Pero, pagtuition dapat may maeexcel kang skills or talents. Kaya karamihan dito magagaling sa sports. Pagdating sa activities walang nagpapahuli. Marami ring mga matatalino. Hindi katulad sa AIS, sainyo, na entrance exam lang ang basehan. And then ihuhulma na lang ng school ang skills and talents." tumango ako.
"Kumbaga, pwede kang makapasok dito ng mayroon nang skills na pwede nang ipagmalaki. Or kung matalino ka, edi ipasa mo ang exam. Pero syempre, priority dito ang academics pa rin. Pero…ito ang magandang part. Sa AIS 'di ba kapag bagsak, maaalis sa school, dito hindi. Halimbawa ako, pasado ako sa exam, kaso sa school year ko ay may nabagsak akong subjects, babayaran ko ang tuition base sa kung ilang subject ang nabagsak ko. At halimbawa kung si Acyl ay pumasok dito na nagbabayad ng tuition, pagkatapos ay nasali siya sa mga honor students, mababawasan ang binabayaran niya. Scholarship ang trip, pero hindi naman ganun." dagdag ni Raja.
"Ang laki pala mg pinagkaiba ng eskewelahan natin. Sa AIS kasi tama ka, entrance lang. Pero lahat ng gumagraduate 'dun successful. High standards ang mga estudyante. Dito naman, priority pa rin ang academics kasabay ang skills and talents. Kaso lang sa AIS ay strict sobra. Pero hindi ko naintindihan lahat ng sinabi mo." Aniya Acyl
"Maiintindihan mo na lang pagpumasok ka na dito. Dito hindi naman super strict, normal school naman 'to kahit papaano. Kung ano ang kinatahimik sa labas, ay s'yang gulo sa loob."
"Bakit?"
"Magulo ang mga estudyante dito sobra. Marami din ang nag-aaway, pero hindi tinotolerate ang bullying, pinipigilan kaagad habang maaga pa. Pero kahit ga 'nun, bilib akong may ibubuga lahat ng estudyante dito. Halo dito mayayaman at mahihirap. Makikita mo na lang pagpasukan bukas—" naputol ko ang sinasabi ni Acyl.
"Bukas!!!" napahinto ako. Nilingon nila akong lahat. "As in bukas!? Tomorrow!? Agad!?" Kumunot ang noo nilang lahat.
Nilapitan ako ni Jae at tinapik amg balikat. "Pasukan na, 'di ba? First day of school. Hindi na naman pumasok sa isip mo ano?" Natatawang aniya. "Halika na! Ayan na ang registrar, oh!"
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa at sila amg mag-asikaso ng papeles ko. Ang totoo ay kanina pa ako kinakabahan. Naiisip kong baka katulad din sa AIS na napakaistrikto ng mga faculty members. Gumaan na lang ang pakiramdam ko nang marinig kong tumawa silang tatlo sa loob, habang kausap ang isang babae.
"Trixie! Pasok ka!" Sigaw ng babae. Pumasok ako at bumati sa kaniya, saka ako pumwesto sa likod ni Acyl. Agad kong iginala ang mga mata ko sa loob ng office.
Ang gulo.
"Igala muna namin ma'am pwede? Para naman kabisado na n'ya bukas."
Maraming papers ang patong-patong sa lamesa. Mayroong malalaking libro. Ang shelf na lalagyan ng mga folders ay hindi masyadong maayos ang pagkakasalansan. Pero makikita mo naman kung para saan iyon dahil mayroong mga sticky notes sa taas at karatula. Files pala iyon ng mga estudyante.
"Trixie, hoy!" Kinalabit ako ni Jae.
"Ha?"
"Kinakausap ka ni ma'am" aniya.
Napatingin ako kay ma'am. "S-sorry ma'am. A-ano po 'yun?"
"Ok lang. Tinatanong ko lang kung bukas mo na ba gustong magsimula, kasi kung bukas, eh, dapat mag-exam ka na ngayon…" nakangiti niya sabi. "Or magbabayad ka na lang tuition? Anong skills or talent mayroon ka? Ang tuition fee namin is, 8,597 per sem. Wala pa d'yan ang ibang fees"
Napalunok ako.
Kaya ko ba ang ganoong kalaking halaga?
"E-Exam na lang po" ngumiti siya tumayo.
Lumapit siya sa isang desk na may computer at nagtype doon. Maya't-maya lamang ay tumunog ang printer. Kinuha niya ang papel at ibinigay sa akin. Inakay nila ako sa labas dahil may upuan naman doon.
"Pano kung hindi ko maipasa ang exam!!"
"Edi,.magtuition ka, tapos sikapin mong magpasama sa may honors para free—" Pinalo ko ang braso ni Raja dahil sa sinabi niya. "Aray! Close tayo!?"
"Parang napakadali naman para sa 'yo, no!? Turuan niyo kaya ako dito!"
"Hindi pwede, may cctv dito. Tsaka may technique d'yan, sabi ni Acyl" ani Jae.
"Oo, kung sa palagay mo hindi mo kaya ang ibang subjects d'yan. Sikapin mo ang isa o dalawang palagay ko ay excel ka. Iyan mo, related sa dancing i-perfect mo" turo niya sa last part. "Sige 'dun na kami"
"Hoy! Wag niyo akong iwan!" Huli na dahil kumaway na silang tatlo. "Nang iiwan…"
Pinaglaanan ko na lang nang matinding pagpipiga ng isip ang exam na ito. Nilalagpasan ko na lang ang mga mahihirap na parte. Dumudugo lang ang ilong ko dahil doon. Hanggang sa matapos ko iyon at ibinigay kay ma'am. Pinadaan niya iyon sa isang machine. Ilang sandali pa ay ibinigay niya sa akin ang isang papel.
"Congratulations miss Trixie. You manage na maipasa lahat ng subjects, quite impressing ah. Your records on AIS is bad, honestly terrible, nagkaroon ako nang doubts dahil 'dun. Pero…" tinignan niya muli ang papel ko. "I think, iba ang pagkakakilala sa 'yo ng school na 'yun. I'm looking forward Trixie"
"Thank you ma'am!!" nagbow ako sa kanya nang paulit-ulit. "Thank you po!! Thank you ma'am!!!"
Hindi ko inakalang magagawa kong ipasa lahat. Hindi ko kasi alam kung hanggang saan ang kaya ko dahil kay Ara. Laging nasasabutahe ang mga pinaghihirapan kong pagrereview at projects, kaya hindi ko alam kung ano ang tama kong marka.
Kung iba ang pagkakakilala sa 'kin ng AIS, ano kaya ang magiging impresyon ko dito sa Shimjang?
Masaya kaya?

Comentário do Livro (47)

  • avatar
    Garcisto Jr.Ryan

    all goods

    19d

      0
  • avatar
    Tali Bon

    jjh

    11/07

      0
  • avatar
    James Lopez

    malapit na ang pag babasa ko

    28/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes