logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3

"Alla, 'yong eyebags ko, huhuhu..." Nagpapadyak ako habang nakatingin sa pocket mirror.
Narito ako ngayon sa daanan, nag-aabang ng masasakyan. 6:10 na... Kanina pa ako rito pero wala pa ring dumaraan na tricycle. Ayaw ko namang maglakad dahil medyo malayo 'yong school namin tapos pagdating ko pa ro'n, ang dami ko pang gagawin, nakakapagod.
Nakasimangot ko muling tiningnan 'yong itsura ko sa pocket mirror nang makitang wala pa ring dumaraan na tricycle. Actually, meron naman pero puro puno na.
May naramdaman akong humintong motor sa harapan ko at tiningnan ko naman agad iyon, si Kevin pala.
Tinaasan ko siya ng kilay at kunot noong itinuro niya 'yong likod gamit ang mukha, pagkatapos no'n ay nagkatitigan lang ulit kaming dalawa. Napabuntong-hininga ako at inirapan siya bago sumakay. Hinihintay ko lang namang sabihin niya na "Sakay na." But he's using gestures again!
Tsk! Bakit ba ako nagkagusto sa piping 'to?
Just to make things clear, yes, he's Kevin, 'yong lalaking nangligaw sa akin ng halos mag-3 years pero wala pang 1 month na official kami, eh ni-break ko na. And also, hindi siya literal na pipi, ok? Ganyan lang talaga 'yan, parang tanga, hindi umiimik. Mas prefer niya atang bumaho hininga niya. Ito pa pala, kahit ganyan siya, siya ang pinaka-close ko sa mga ex ko.
By the way, bale 3 na ang ex ko. 'Yong isa, cheater. Sa kaniya naman ay na fall out love ako and my recent ex is, 'yon nga, cold siya and 'di ko na kinaya ang lamig. And yes, kahit na ex ko sila, nakaka-usap ko pa rin naman sila and we respect each other. 'Di kami tulad ng iba riyan, porke ex na, bitter-bitter-an na sa kaniya, tapos kung nagkrus ang landas akala mo kung sinong maka-ignore at snob, eh naging baliw naman sa isa't-isa tapos nag-aylabyuhan pa.
Tsk! Mga utak panda.
Buti na lang at kahit papaano eh, tumino at nag-matured na rin kami, at least, kahit nasaktan namin ang isa't-isa, we learned a lesson and still value each other. And I can't deny na minsan nag-r-regret ako kung bakit ko ba sila jinowa dahil sa mga nangyari pero natatakpan naman 'yon agad sa tuwing naaalala kong as in nag-grow naman kami dahil doon, natulungan namin ang isa't-isa.
So, you guys, be sure na magjojowa kayo ng alam niyong hindi kayo sisiraan kung may mangyari man. Be wise, kayo rin kawawa kapag tatanga-tanga kayo sa pagpili.
Nang makarating na kami sa school, tinapik ko ang balikat niya at nagpasalamat. Tumango lang siya at nag-park ng motor niya.
"Late ka na." Nakangising bungad ni kuya Harley, SSG V. Pres namin.
"OA mo naman, tayong dalawa pa nga lang narito sa gate eh," sabi ko at inirapan siya.
Alam ko na ang ibig sabihin ng ngisi niya. Tsk! Ang alam kasi nila, may something pa rin sa'min ni Kevin.
Pumunta ako sa lamesa at nag-fill out sa time log. Doon ko nakita na 3 minutes lang pala ang pagitan namin ni kuya Harley. Loko talaga.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang siko niya. "Makapagsalita kang late na ako, huh?" Tawa lang naman ang sagot niya. "Hmm... saan ako naka-assign next week?"
Every week kasi ay nag-iiba ang area na naka-assign sa aming mga SSG officers. By the way, ang position ko nga pala is Secretary. Sexy ko kasi.
"Ah, sa office," sagot niya.
"K."
Nang makita ko si Kevin, lumapit ako sa kaniya at ibinigay ko basta ang mabigat kong bag at 'yong project sa A.P. "Salamat, ayusin mo pagkakalapag diyan kung ayaw mong tanggalin kita sa grupo."
"Oww! ang bigat. Grabe naman 'to," reklamo niya.
"Tsk! ganyan talaga ang mga mabubuting mag-aaral, mabigat ang bag." Ngisi ko at tumalikod na sa kaniya.
Lumipas ang mga ilang minuto at nagdagsaan na ang mga tao. Hindi naman sa ano ah...pero malapit ng mag-bell at hindi pa rin dumarating si Mico. Kahit kailan talaga 'yon, parang babae gumalaw, kaya laging muntikan ng late eh, minsan pa nga natutuluyan na, at mukhang ngayon na naman.
Narinig ko na ang bell kaya isinarado ko na ang gate. Pag-angat ko ng tingin, ayon, dumating na siya.
Dahan-dahan siyang bumaba sa pagkakasakay sa motor na lagi kong nakikitang ang lolo niya ang nagmamaneho. Pagbababa niya ay tumindig siya ng maayos, habang ang kabilang kamay niya ay may hawak na plastic bag envelope, mga arts materials ata laman. Nang nakapagpaalam na siya sa lolo niya ay nag-umpisa na siyang maglakad.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya inobserbahan ko na lang siya habang hinihintay na makalapit sa akin, hihiram lang ako ng notebook at pen.
Habang tinitingnan ko siya, bigla akong nahiya sa sarili. Paano ba naman kasi, mas mukha pa siyang babae kaysa sa akin. I mean, hindi naman sa literal na 'yong mukha niya, umm... galawan at 'yong linis niya, mas talo pa ako.
Grabe, ang linis niyang tingnan. Plantsado 'yong uniform, tapos ang puti-puti ng polo at medyas. Kumikinang pa 'yong black shoes. 'Yong panyo niya eh, nakatupi pa ng maayos, samantalang sa akin basta nakasampay lang sa balikat. Ang ayos pa ng buhok niya, bagsak na bagsak at natatakpan ng maayos 'yong noo niya, samantalang 'yong sa akin basta ipit agad, wala ng suklay-suklay. Tapos ang laking tulong pa ng kulay ng balat niya, ang puti.
I can't help but to winced. Paano ba ako nagustuhan nito, eh, mas mukha pa akong lalaki kaysa sa kaniya? He's a feminine guy, and I'm just a simple girl.
When he's a few steps away from me, I composed myself. "Late ka na. Pahiram nga pen at notebook mo," walang hiyang sabi ko. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magsusungit kaya ngumuso na lang ako habang hinihintay 'yong pagkuha niya sa hinihiram ko. "Ilista mo na rin ang pangalan mo," pahabol ko at ginawa niya naman.
Woah, ang linis din ng kuko niya.
Nang matapos siya ay ini-abot niya sa akin at inangatan ko siya ng tingin. Ang tangkad niya talaga. "Thanks!" Ngiti ko at 'di naiwasang mapatitig sa mata niya, at ganoon din ang ginawa niya. Wala pang limang segundo ay nagkalas na rin kami ng tingin sa isa't-isa, then nag-umpisa na siyang maglakad.
What's wrong with him? I mean, to me, I should say. Napaka-observant ko na sa kaniya. Feeling ko rin parang bigla siyang pumogi, I mean, pogi naman talaga siya kasi bukod sa adik siya sa mga koreano, mukha rin talaga siyang koreano, at mukhang ngayon ko lang na-appreciate o napansin? Hay nako! Ewan.
Well, dahil hindi naman ako marunong mag-describe ng itsura na mala-wattpad, kayo na lang mag-adjust. Basta sumisingkit ang mata niya kapag ngumiti, na halos lahat naman ata ng tao ay gano'n. Tapos matangos ang ilong, red lips, complete at white ang teeth, hahaha! Siyempre 'di papatalo 'yong dimple niya na sa left side lang ang meron. Then 'yong hair niya na pinakapaborito ko sa lahat, ang shiny kasi at black, bagsak na bagsak pa, straight kumbaga, parang ang sarap hawakan.
Napansin ko rin kanina na 'yong mata niya eh, biglang nag-iba. I mean, alam mo 'yon? 'Yong parang may sinasabi siya na 'ang ganda ko raw,' charot! Pero seryoso, 'yong mata niya eh, parang may sinasabi na hindi ko mabasa and I can't resist my curiosity, so I stared at it to find out what's the message on it without realizing that I was slowly getting addicted, but I felt like I was burning, so I immediately let go of the stare.
Hayz. Napapa-english carabao na tuloy ako.
Ewan ko, pero siguro ganoon talaga kapag nakipag-eye contact ka sa taong alam mong may gusto sa'yo? Pero kay Mico lang ako as in hindi makatagal na makipagtitigan. Sa mga ex ko naman eh, kaya ko noon hanggang ngayon, medyo awkward nga lang kay Justin.
"Lara, may quiz tayo sa english, tawag ka na ni ma'am." Tumango naman ako at nagpaalam muna kila kuya Harley.
Pagkarating ko sa classroom, ang tahimik na nila at mukhang hinihintay na lang talaga akong dumating kaya nahihiya akong pumasok. Woah, bigla tuloy akong kinabahan. Buti na lang natapos naman ng maayos 'yong quiz at nakahinga ako ng maluwang.
Nang matapos ang morning class namin, sinundo na ako nila Ashbelle sa classroom at sabay-sabay kaming pumunta sa kubo.
Kaming apat lang ang magkakasama, buti na lang wala si Mico kaya nakahinga ako ng maluwang.
By the way, ipapakilala ko na nga pala sa inyo itong tatlong pangit na kaibigan ko. Isa na ro'n itong si Ashbelle Zane Ortega. Umm... magkasingtangkad lang kami and medyo chubby siya, pero, gosh! Kapag ako ay pinanganak lang talaga na lalaki, siya ang liligawan ko. Ang ganda-ganda niya kaya at mabait pa, may talino ring itinatago. Tawag nga ng adviser namin noong grade-7 sa kaniya ay Ms. Liza, oh dba? May Liza Soberano akong kaibigan.
Ang pangalawa naman ay si Kate Jennifer Guinto, siya ang pinakamadaldal sa amin. Jusko! Kapag nagsama sila ni Mico, sobrang ingay. Niloloko ko pa nga na baka magkatuluyan sila dahil lagi silang nag-aasaran, turned out, ako pala gusto, ek. Matalino rin siya, morena, singkit ang mata. Si Kate at Ashbelle ay dati ng magkaibigan magmula elementary, pareho kasi sila ng school na pinasukan, kasama si Mico.
Ang pangatlong pangit ay si Hannah Trillas, siya naman ang pinakapandak sa amin, pero hindi naman ganoon as in nalalayo sa height namin, remember, mga pandak kami. Kumbaga, mas matangkad lang kami ng kaonti ni Asbelle, sumunod si Kate, then si Hannah. Matalino rin siya, siya ang parang ka-compete ko pagdating sa academic, same class din kami.
Si Ashbelle ay nasa kabilang block, si Kate at Mico naman ang nasa same class. Naka-mixed siya, so hindi porke nasa block 1 ka is kayo 'yong mga... you know, matatalino. Si Hannah ang pinakamay kaya sa amin pero strict masyado ang parents, pero nakakalusot naman, may jowa nga, eh. Siya ang pinaka-una kong naging kaibigan sa kanilang tatlo, elementary pa lang kami is nagkikita na kami dahil sa mga paligsahan. Ganoon din naman sa dalawa, pero ewan ko, masungit sila sa akin noon. Tapos kapag napag-uusapan namin iyon, sasabihin nila na ang akala nila ay masungit ako. First impression talaga ng lahat sa akin eh, masungit. Bait-bait ko nga, eh.
Bumili muna kami ng ulam bago pumunta sa kung meron man kaming mahahanapan na bakanteng kubo. Kaya naman minamadali ko sila pero tawa lang sila nang tawa, eh, baka mawalan na kami ng bakanteng kubo, makakatawa pa ba sila? Hinayaan ko na lang sila at sumunod.
"Ang tagal niyo naman..."
Halla!
Napatigil tuloy ako ng bahagya. Bigla akong na-conscious sa sarili. Tsk! Kaya pala hindi sila nagmamadali kanina...
"Ikaw kaya pumila sa pagkahaba-habang pilahan?" sarkastikong sagot ni Kate kay Mico.
Nang makahanap ng kaniya-kaniyang pwesto ay nag-umpisa na kaming kumain habang nagkwekwentuhan.
Nagtatawanan kami pero ewan ko ba, ang awkward sa feeling kapag lumingon ako sa kaniya, ayaw ko ng ganito. Hindi ko tuloy malunok ng mabuti kinakain ko, parang walang lasa!
Pero, sinabi niya na kaya kila Hannah? Balak ko sanang sabihin sa kanila, ewan ko, siguro para naman hindi lang ako ang makaramdam ng awkward? Hahaha! Damay-damay na 'to. Para na rin makahingi ako ng opinyon sa kanila.
Hmm... mamayang uwian na lang, hindi rin naman namin siya makakasabay sa paglalakad.
Nakikitawa lang ako habang tinitingnan silang kumakain pa rin. Nang may maalala ay binuksan ko ang bag. "Ahy, oo pala, notebook at pen mo, oh." Abot ko kay Mico. "Thanks!"
Natahimik ang tatlo at tumingin sa aming dalawa.
What?!
Binigyan ko sila ng nagtatakhang mukha ngunit nagkibit-balikat lang sila at muling nagkwento.
Kinuha naman ni Mico iyon sa akin at dahan-dahang inilagay sa bag niya, inayos pa ng mabuti.
Grabeng galawan 'yan, hiyang-hiya na talaga ang ganda ko.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa malapit na ang first period sa hapon kaya nagsibalikan na kami sa kaniya-kaniyang classroom.
Pagpasok namin ni Hannah, ganoon ulit ganap, kinig, intindi, sagot, hanggang sa matapos, uwian na. Pero bago iyon, dahil friday ay may flag retreat muna. Isa pa, magpupulot pa kaming mga officers kasama ang mga na-late kanina ng mga basura na nakakalat sa ground at labas ng school. Tumulong na rin 'yong tatlong pangit para matapos agad.
Nang matapos ay nagpaalam na kami sa mga co-officers ko, habang si Mico naman ay naghugas ng kamay at nag-alcohol. Siyempre humingi na rin kami sa kaniya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa amin at pumunta na sa lolo niya.
Pagkasakay niya ay nag-wave kami sa kaniya at nginitian niya lang kami, and I got some ipis on my stomach when he took his last glance on me. Ehe! Naiiling tuloy akong palihim na ngumiti.
Tulad ng palaging nangyayari, kami na naman ang huling estudyanteng naglalakad. Kahit pa may time na as in nakasabayan naman namin ang lahat sa paglabas, wala pa sa kalahati ang nalalakad namin, paglingon namin sa likod ay wala ng mga estudyante. Sobrang bagal na ba namin?
"Tayo na naman ang huli." Pulupot ni Hannah sa braso niya sa braso ko.
"Ok lang 'yan, para malaya tayong makapagkwentuhan!" Pinapalo-palo pa ni Kate si Ashbelle sa tuwa.
"Hahaha! Oo nga, may sasabihin din pala ako sa inyo," sabi ko naman.
"Ano 'yun? Bilis!" Sabay-sabay na tumingin ang tatlo sa akin.
Ngumuso ako at hinawakan ang kamay ni Ashbelle. "Nakipag-break na ako kay Denver."
"Buti naisipan mo?" pambabara ni Kate kaya napairap ako. Kahit kailan talaga 'tong pangit na 'to.
"Ok lang 'yon, 'di mo naman siya deserve," sabi naman ni Ashbelle at pinisil ang kamay ko.
"Yes, you deserve much better than him, right?" Tumango naman sila sa sinabi ni Hannah.
"Yeah, yeah, yeah." Tumango-tango na lang ako.
"Iyon lang ang sasabihin mo?"
Wala talaga silang paki sa kaniya, oh diba? 'Di man lang sila nagtanong kung anong nangyari o pinahaba man lang sana ang usapan. Hmm... mas mabuti na rin 'yon.
Iiling sana ako sa tanong ni Kate dahil sasabihin ko pa 'yong tungkol kay Mico pero ayon nga... "Ako naman ngayon ang may sasabihin, pero, ih! Nahihiya ako..." Hindi ko alam kung natatawa ba siya o nainis sa ipinapakita niyang itsura sa amin. Kaya siya na muna.
"Halla? OA nito, sabihin mo na," sabi ko.
"Ih! Baka ano... ahh basta! natatakot ako sa magiging reaksyon niyo." Ilang beses na iling niya.
Ilang minuto pa namin siyang pinilit bago sumuko. Buti at naisipan niyang magsalita na, kung hindi, baka sasapakin ko na siya. Pa-choosy pa ang gaga, sasabihin din naman.
"Crush ko si Mico..."
"Ano?!"
"Weh?!"
"Seryoso?!"
A/N: ✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Grade-10 na po sila and November po ang kasalukuyang month dito sa kwento.
Thank you and enjoy reading!

Comentário do Livro (4)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    JardineroGen

    low

    28/05

      0
  • avatar
    RomeroLean

    it's so amazing story🥰

    23/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes