logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

HUGO
Naabutan kong naka-tayo sa labas ng pinto ng classroom namin si Ivy, parang ewan na hindi maka-paniwalang naka-tingin sa screen ng phone n’ya.
Dali-dali akong lumapit sa kan’ya at hindi ipinaramdam ang pag dating ko. Agad kong hinablot sa kamay n’ya ang phone n’ya at madaling binasa ang naka-sulat doon.
“Hey! Ano ba! Give me that,” irita n’yang sabi. Mas lalo ko pa s’yang ininis nang binasa ko ng malakas ang naka-sulat doon.
“Urimanaya, Rainaeshi. Bogoshipda. From, unknown number? Hahaha. At may secret admirer ka na ha?” Panunuya ko sa kan’ya.
“Ano ba Hugo, ibalik mo nga ‘yan!”
“In one condition,” I said while grinning at her. Grin like Joker.
“Condition your face. Ibigay mo nga sa ‘kin ‘yan!” Patuloy pa rin s’ya sa pag-abot nito sa kaliwang kamay kong naka-taas at patuloy ko pang tinataas.
“Then, you won’t get it.” Saka ako dali-daling pumasok sa loob. Sakto namang dumating na ang teacher namin sa first subject kaya hindi na niya ito nakuha sa akin.
Makakalaro na uli akong Farmville at Super Mario.
RHEIVY
Kahit kelan talaga, epal ang kumag na ‘yun. Masama ko s’yang tiningnan mula sa pwesto ko rito sa unahan. Pataas-taas pa ang kilay n’yang naka-tingin sa akin habang ipanakikita sa akin na inilalagay niya sa loob ng kaniyang bag ang cellphone ko.
Dakyu ka!
Tumighim ang guro naming kanina pang nasa unahan kaya naman napa-ayos na ako ng upo.
“Ms. Rheivy.” Alam ko naman na ang ibig n’yang ipahiwatig kaya naman tumayo na ako.
“Silent!” saway ko sa buong klase kaya naman tumahimik sila. “Greetings to our teacher. Good morning sir!” sabi ko habang matuwid na naka-tayo pagkatapos ay nag-bow. Agad namang umayos ng upo ang mga kaklase ko at nag-bow din ang mga ito.
It’s like a Korean and Japanese style/form of greeting their teachers.
“Thank you, Ms. Rheivy,” aniya saka ito ngumiti sa akin at sa buong klase. Hindi naman good mood si Sir ngayon ano? “Alam kong halos lahat ay aware na na may transfer tayo from National University, right?”
“Yes, sir.” Sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko na karamihan ay babae na may patili pang ganap nang sumagot sila ng ‘yes’.
“And, I’m gladly to say na, sa section n’yo sila napunta.” Bigla namang natahimik ang lahat at tila napuno ng bulungan ang buong klase.
Issue talaga ‘yon.
“Sir, akala ko po ba’y hindi na sila tatanggap pa ng iba na mapapunta sa G.A?” tanong ng isa kong kaklase na hindi parte ng council. Si Shaira.
Bale, dose ang lahat ng council. Siyam kami na grade twelve at tatlo naman ang nasa grade eleven.
Bente kaming lahat sa G.A. At nito lang nakaraang linggo, sinabi nilang hindi na nga sila tatanggap lalo na’t malapit na ang 1’st quarter examination. At ganito talaga rito, once na malapit na ang examination, hindi na sila tumatanggap ng estudyante.
Kaya kung gusto mong mag-aral sa Jacksonville, mag-enroll ka na agad, dahil for sure na hindi ka na nila nga tatanggapin kapag nag-start na ang klase.
At sa case ng dalawang transferee-ng ‘to, hindi ko alam kung anong ginawang bola nila para mabilog nila ang ulo ng admin.
“Huwag na kayong mag-reklamo, sundin na lang natin ang nasa taas. Tsaka, don’t be sound so unwelcoming. Wala na rin naman tayong magagawa kahit na i-rally n‘yo pa ‘yan sa kanila.” malumanay na paliwanag ni Sir Byron ngunit batid din ang pasaring sa pananalita nito na pilit lamang niyang hindi ipinahahalata. Pero huwag sa akin, ibahin mo ako.
Napasimangot na lang si Shaira nang malaman iyon.
“Guys, pasok na kayo,” sabi ni Sir habang naka-tingin sa labas.
Oo nga pala, pina-iwan silang dalawa kanina sa may faculty nang dumaan ako roon dahil may ipinasa akong papel kay Mrs. Alvarez.
Naunang pumasok si Natasha, naka-ngiti at hindi alintana ang masasamang tingin ng iba naming kaklase sa kan’ya. Tuwid siyang nag-lakad papasok ng classroom. Para talaga s’yang Filipino version ni Park Min Hyung. Wala siyang paki-alam kung may masabi ang iba sa kaniya. She’s with herself. Fully confident, a walking-living doll.
Sumunod naman si Michael na nakalagay ang kamay sa bulsa ng pantalon at preskong nag-lakad sa unahan. Rinig ko ang biglang tilian ng mga kababaihan kong kaklase, kasama na si Alexa sa may sulok. Kunwari pang ayaw nilang may transfer. Kilig-kilig naman ang lubot nila.
“Hi, I’m Natasha Bonifacio. I’m from National University like what Sir Byron mentioned. Also G.A. strand. And, I look forward na maging magka-kaibigan tayo,” magiliw niyang sabi, ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya sa kaliwang pisngi niya na bumagay naman sa hugis ng mukha n'ya.
Rinig ko namang biglang may nag-‘tss’ sa likuran kaya napaharap ako roon. Kita kong bored na naka-tingin si Hugo sa unahan ngunit lampasan ito sa mga taong naroon.
Ogag talaga kahit kelan. Ibinalik ko na lang at atensyon ko sa unahan na sana hindi ko na lang ginawa.
“Hi, I’m Michael Fletchner. Galing din akong N.U. GA, din ako roon, pero hindi ko s’ya kaklase. I hope na maging kaibigan kit—kayo.” Halos ilubog ko na ang sarili ko sa upuan habang pilit na iniiwasan siya ng tingin.
Putcha! Sa ‘kin ba naman naka-tingin habang nagi-introduce ng sarili n’ya!? P’wede naman sa iba.
Grrrgh!
Grabe naman kasing maka-tingin! Naka-drugs ba s’ya? Ang high eh.
“Oh s’ya, humanap na kayo ng ma-uupuan ninyo at mag-sisimula na tayo.” Laking gulat ko naman nang biglang nag-teleport itong si Hugo sa bakanteng upuang nasa tabi ko. Paupo na roon sana si Michael nang hilahin n’ya ito at naunang umupo.
“May sapi ka ba ngayon?” Wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Hindi naman niya ako sinagot bagkus, tinarayan ako saka ibinaling ang tingin sa gurong nasa unahan. “Anak ng tokwang hilaw, certified na may ubo sa utak,” bulong ko, saka inis na nag guhit-guhit sa scratch kong papel na naka-lagay sa ibabaw ng table ko.
Dinaig pa ang babaeng may regla.
“Aware na naman siguro ang lahat na malapit na ang finals hindi ba?” Kita kong nag-sitanguan ang mga kaklase ko habang ako ay naka-tuon lamang sa ginuguhit ko.
Malamang na alam namin, kaya nga galit kami sa paglipat nitong dalawa sa section namin eh.
“Sa darating na twenty na ito, kaya habang maaga pa ay mag-review na kayo.” Sandali itong tumigil at sinilip ang aniyang lesson plan, “Ms. Natasha, anong topic n’yo na sa Creative Writing ninyo sa pagkakatanda mo?”
“Uhmm... Ang tanda ko po is, nasa character and characterization pa lang po kami, hindi pa po natatapos.”
“Nice, halos sabay din na pala tayo sa kanila. So, ang topic nga natin ngayon ay tungkol nga sa character and characterization. Can you differentiate it to me Mr. Carman—” Sabay-sabay naman kaming napa-lingon sa likod. Naka-freeze ito na kala mo ’y may naapakan na live-wire roon. “Maaga pa para sa second subject.”
“Sir, I—”
“Ano na namang palusot mo, Jester?” Umayos naman si Jester ng tayo niya at inayos ang sakbat ng kaniyang bag sa balikat.
Napakamot naman agad siya sa kaniyang ulo. “Sir kasi...” Napa-iling na lang si Sir at pina-upo na ito sa upuan niya.
One thing na maganda kay sir, hindi siya katulad ni Mrs. Alvarez na nagpapagawa agad ng essay kapag na-late ka sa klase n’ya. Knowing that, Sir Byron is our teacher in Creative Writing. At hindi siya.
At mabait si Sir sa totoo lang. Kaya nga hinayaan na nga lang niyang i-break siya ng girlfriend n’ya sa mababaw na dahilan. And that’s some private stuff of him. But, half of us in the COUNCIL know the whole story.
Reason: His girlfriend was our former Student Council adviser.
“Mr. Schonfeld [is-kon-fild], can you tell me, what is the difference between character and characterization?” Inilapag niya ang kaniyang bag na kandong-kandong lagi niya saka ito tumayo at sumagot.
“As far as I remember sir, when we say character specially in the plays, dramas or even in novels, they are the person who acting the scenarios. And the characterization is the technique of presenting and revealing the character/s,” sagot nito saka muling umupo at kinandong na muli ang kaniyang bag.
Tsk. May ubo talaga sa utak ang putcha! Cellphone ko, nasa kaniya pa!
“Well said. Gaya nga ng sinabi n’ya, character and characterization is...blahblahblah...”
The discussion goes on hanggang sa matapos ang dalawang oras. Sa lahat ng subject namin ngayong Senior High, so far, ito pa lang subject na ‘to ang totoong nakaka-agaw ng atensyon ko.
‘Coz, I’m a bitchy book lover too. Lalo na ang series ng Horry Potter ni J.K. Rowling na noong unang dinig ko sa pangalan n’ya, akala ko talaga lalaki s’ya. Sorry na talaga. Hindi pa uso ang internet sa ‘kin noon eh. Anong magagawa ko? J.K. Rowling, peace tayo. Sana ma-meet na kita soon.
Pagkatapos nang mahabang discussion, agad ng nag-sipag-ayos ng mukha ang mga kababaihan. Agad namang lumapit sa pwesto ko si Alexa na naka-ayos na agad. For sure na naka-bantay na naman siya sa orasan n’ya.
Ang mga lalaki naman ay nakiki-agaw ng suklay sa mga babae at saka lalabas kapag natapos na silang mag-suklay, saka magpapa-bango. Minsan nga, daig pa nila kaming mga babae kung makapag-pusitsit ng pabango sa damit bago lumabas.
“Hey, p’wede ba akong sumabay sa inyong mag-recess? Wala pa kasi akong gaanong ka-close sa kanila eh,” sabi ni Natasha habang naka-tayo sa harapan ng table ko.
Magka-tabi silang dalawa ni Michael sa likod. Doon lang kasi may bakante. Kung tutuusin, dapat do’n si Hugo.
“Yes, p’wede naman.” Naka-ngiti ko namang sabi sa kan’ya na ikina-liwanag ng mukha niya.
“Talaga? That’s great so—”
“Hindi p’wede,” singit ni Hugo sa usapan. Agad din namang natigilan si Natasha at parang biglang na-ilang sa amin.
Agad ko namang tinampi ang braso ni Hugo para matauhan. Anak ng tokwang hilaw! Kanina pa s’yang moody. Hindi pa rin n’ya binabalik ang cellphone ko tapos mang-dadamay pa sa ka-utuan n’ya.
Tumawa naman ako ng pagak saka tumingin ulit kay Natasha. Sana h’wag n’yang mahalatang peke. “Ahh... hehehe, h’wag mo na lang siyang pansinin,” sabi ko saka lumapit sa may tainga n’ya. “May dalaw ata,” biro kong sabi sa kan’ya na nabenta naman sa kan’ya. Tawang-tawa.
“Ano na namang sinabi mo? Puro ka kalokohan. D’yan na nga kayo! Hindi ko kayo ili-libre ng shake at cheese sticks mamayang uwian,” sabi n’ya, sabay walk-out.
Napaka-childish ng timang.
“Ako pa tinakot mo? Maraming stock sa ref si mama,” sigaw ko naman. Hindi naman n’ya ako pinansin. “Ayy.. Hoy! ‘Yung cellphone ko!” Dagdag ko pa nang maalala ko iyon. Tatakbo na sana ako papunta sa kan’ya ngunit agad naman din n’ya akong nakita kaya mabilis din s’yang tumakbo palayo.
Sa huli, wala na akong nagawa. Wala rin namang magt-text do’n, kaya hinayaan ko na muna sa kan’ya. Wala rin naman s’yang mapapala ro’n kun’di mag-games na siya rin ang nag-download. Feeling kan’ya. Buti na lang at malaki ang storage nun.
Pumunta na kaming tatlo sa canteen. Medyo matao pero hindi naman siksikan kaya naka-kita agad kami ng p’westo para maka-bili.
Nang nasa akin na ang pagkakataon, agad kong sinabi kay ateng tindera ang fudgee bar at yakult na lagi kong binibili kapag recess. Pampakalma sa mga bulate kong nagwawala. Hindi kasi ako nakakain ng agahan eh.
Halos sabay-sabay rin kaming umalis na tatlo sa pila. Si Alexa, bumili lang ng sterilizer, malamang na ina-atake na naman ito ng ulcer n’ya. Tamad kumain eh, kasama ang dalawang plain magic biscuit ni John Loyd Cruz.
Samantalang si Natasha naman, isang fit & right at dalawang mamon special manon. Hahaha para kaming mga bata. Anong magagawa namin? Eh, ‘yon lang ang available sa canteen?
“Gano’n ba kayo sadyang ka-close no’ng lalaki kanina?” usisa ni Natasha nang naka-upo na kami sa bakanteng lamesa habang binubuksan ang mamon n’ya. Hindi naman agad ako nakapag-salita dahil saktong isinubo ko ‘yung fudgee bar.
Si Alexa ang sumagot. “Naku ses, sobra. ‘Kala mo nga mag-jowa kung umasta. Like, Mr. President was falling in-love to his secretary” Sabay tawa n’ya. “Ay, si Nelcy pala ang secretary. Hahaha. VP ka nga pala. Fall in-love to his vice-president.”
“Ang tanga mo?” sabi ko agad sa kan’ya nang manguya ko na ang fudgee bar na nasa bunganga ko. Agad naman akong bumaling kay Natasha na parang natatawa pa “Tash, h’wag kang maniniwala r’yan kapag ‘yan ang nagsasalita, pamihadong scam ‘yan. Puro kalokohan lang alam n’yan e,”
Kita ko naman ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Natasha mula sa pagkaka-ngiti ay parang biglang naging bitter. If my conclusion was right.
“Ahh... May nasabi ba akong mali?” tanong ko, na agad naman niyang ikina-iling saka agad ding ngumiti.
“No. Nothing! It’s just that, may naalala lang ako nung tinawag mo akong, Tash.”
“Ohh? Sorry. I didn’t mean it.”
“Don’t be. Ok lang naman. After all, baka nakalimutan na n’ya rin na ‘yon tawag n’ya sa ‘kin.” Sabay naman kaming nag-‘ahh’ ni Alexa kasabay ng sipaan namin sa ilalim ng lamesa.
“Ikaw kasi.” Pagli-lip talk n’ya.
“Anong ako? Ikaw!” sabi ko rin naman sa kan’ya na pinandilatan ko pa siya ng mata.
Hanggang sa natapos na rin namin ang pagkain namin, sakto rin namang tunog ng buzzer.
Agad kaming tumakbo ni Alexa, at dahil mukhang walang kaalam-alam si Natasha sa mangyayari sa kaniya, agad namin s’yang hinawakan sa magka-bigla niyang kamay at kasamang itinakbo. Halos magkandarapa naman kami nang takbuhin namin ang building hanggang third floor.
Mukha atang hindi maganda ang naging resulta no’n kay Natasha dahil agad siyang pumasok sa loob ng C.R.
Nataranta naman kami ni Alexa kaya agad namin siyang sinundan. Naka-hawak kasi siya sa kan’yang sikmura nang pumasok s’ya doon. Good thing, hindi n’ya ini-lock ang main door ng C.R.
“Bwarkk…boowakk.” *flush*
Naabutan namin siyang sumusuka sa may lababo at halos iluwa na n’ya lahat ng kinain at ininom n’ya kanina. Nanlaki naman ang mata ko nang bigla na s’yang natumba sa sahig.
Sabay kaming napa-tili ni Alexa sa nakita. Halos parehas kaming mamutla dahil hindi namin alam ang gagawin.
“Iv—f*ck,” Hugo cussed when he saw us, particularly to Natasha that lying on the floor. “Anong ginawa n’yo sa kan’ya?” Galit na baling sa ‘min ni Hugo. Parehas naman kaming hindi naka-sagot ni Alexa.
Bakit parang kasalan namin? Bakit parang kasalan ko?
Ewan, bigla na lang akong natakot sa nangyari, idagdag mo pang bigla na lang kaming sinigawan ni Hugo, na ngayon ko lang ulit s’ya nagalit ng ganoon.
“Tumakbo lang k-ka-kasi kami ta-tapos,” Halos kainin ni Alexa ang bawat salita n’yang ipinapaliwanag kay Hugo. Ako naman ay nanatiling walang reaksyon dahil sa pagkaka-bigla ko pa ring pagsigaw ni Hugo.
“What? Tumakbo kayo?!” Galit niyang sigaw sa amin na halos umalingawngaw ito sa buong banyo, baka nga narinig din ‘yun sa lobby.
Hindi ko naman na napigilan ang sarili ko. “Ano bang ikinagagalit mo?! At bakit ka sumisigaw?” sigaw ko rin sa kan’ya sa sobrang irita ko, kasama na do’n ang kaba na baka kung mapano ni Natasha.
“Ohh, shut up!” sigaw niyang muli at hindi na ako pinansin. Agad niyang binuhat si Natasha at itinakbo ito papuntang clinic.
Putcha! Parang kasalanan talaga namin ah. Ano bang ginawa namin? Tumakbo lang naman kami dahil si Ma’am Arnaiz na ang sunod, terror pa naman talaga siya, literal. Teacher namin sa proba at stat.
Eh, bakit gano’n na lang ang galit ni Hugo? Putcha naman.

Comentário do Livro (4)

  • avatar
    murillojamela

    So this is my first time reading a story in just one night napakaganda ng story naiyak ako na Ang dami Kong narealize I really love this story love, friendship's,a little bit betrayal Sana may movie na gamito

    18/01/2022

      1
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰🥰🥰

    06/06

      0
  • avatar
    Nico Jay Maaño Selosa

    wow

    07/08/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes