logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

Pabagsak akong umupo sa sofa nang tuluyan na ‘kong nakarating sa condo ko, maging ang dala kong maliit na porch ay basta ko na lang itinapat sa kung saan. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas dahil sa mga nangyari ngayong araw.
"Oh, andito ka na pala," sabi ni Lala nang lumabas ito ng k'warto. At dahil sa inis ko sa kaniya'y walang dalawang isip na kinuha ko ang unan sa sofa at kaagad na tinapon sa kan'ya.
"Ang sama mo! Bakit hindi mo sinabi na pinirmahan mo na pala ang contract! Tapos iniwan mo pa ako, kahit alam mong wala akong masakyan! Alam mo namang ayokong mag-commute diba!" bulyaw ko sa kan'ya. Kung nakikita ko lang nga ang sarili, siguradong hindi maipinta ang mukha ko. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa n'ya? Kilala n'ya ako, ang ayaw ko sa lahat ay ang mag-cummute.
"Ang sakit mo namang magsalita. May explanation naman ako, eh."
"Talagang kailangan mong mag-explain! At seguraduhin mo lang na katanggap-tanggap 'yan dahil kung hindi malilintikan ka talaga sa akin!" Napalunok siya ng wala sa oras dahil sa sinabi ko. Alam niyang hindi ako nagbibiro at ngayong galit pa ako sa nangyari kanina ay talagang magkakaroon dito ng world war 3. Mark my word!
Hinimas niya ang balikat na tinamaan ng unan na tinapon ko kanina sa kaniya. Pinupulot niya sa sahig ang unan at lumapit sa sofa para umupo, kaharap ko.
"Okay, relaxe. Para kang mangangagat sa hitsura mo. Ang mama mo kasi kanina, nagpabili ng bagong refrigerator." Kaagad akong napatayo dahil sa narinig ko sa kaniya.
"What! Na naman? No'ng nakaraang taon lang ako nagpabili ng bago, ah! Tapos ngayon bumili na naman sila?" Napahawak ako sa noo dahil sa nalaman, dumagdag pa yata ang stress ko sa nalaman. Palagi na lang ganito. Inilagay ko sa bewang ang dalawa kong kamay at hindi mapigilang mapabuntonghininga ng malalim.
"Ano ka ba, Ally. ‘Wag mo nang isipin pa 'yon. Diba ito naman ang reason mo kaya lahat ng 'to ay ginagawa mo? Ang mabigay lahat ng gusto nila? Kaya please lang. Huminahon ka, dahil pati ako na-stress sa 'yo." Tumingin ako sa kan'ya at tulad nga sabi niya’y puno nang pag-alala ang sinisigaw ng emosyon ng mga mata niya. Muli ay napabuntonghininga ako at umupo ulit sa sofa.
Napasandal ako at tumingala sabay pikit ng mata. Ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga. Tama nga naman si Lala, bakit ko pa iisipin kung anong binibili ng pamilya ko? Eh, lahat naman ng ito ay ginagawa ko, para sa kanila.
"Kumusta ang pagkikita mo sa president ng t'way?" tanong niya, pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Kumusta nga ba? Ewan ko. Parang ang bilis nang mga pangyayari. Parang wala akong maintindihan.
"Hindi ko alam," mahina kong sagot. Minulat ko ang mata ko at umayos ng upo.
"Paanong hindi mo alam?" nagtataka niyang tanong. Umayos din siya nang upo at diretsong tumingin sa mata ko.
"Parang ang bilis kasi. Nabibilisan ako at hindi ko alam kung paano simulan."
***
KINABUKASAN ay maaga akong nagising para mag-workout. Pakiramdam ko kasi tumataba na ako at hindi dapat 'yon mangyari. Isa ito sa mga puhunan ko kaya dapat ko itong panatilihin sa kung ano ang dapat.
"Sabi na nga bang nandito ka lang, eh." Napatigil ako sa ginagawa nang pumasok si Lala sa gym room ko.
"Bakit? May kailangan ka?" tanong ko at pinagpatuloy muli sa pag-work-out.
"Andito na kasi sa akin ang schedule mo. Kanina lang in-email sa ‘kin," sabi n'ya habang may tiningnan sa sariling tablet niya.
Napapaisip ako simula pa kagabi kung nakita niya na ba ang president ng t'way, at bakit agad niyang pinirmahan ang kontrata? May hindi ba ako alam na pinagkasunduan nila?
"Ally? Nakikinig ka ba sa ‘kin?" Napatingin ako kay Lala ng bahagya nitong winasiwas ang kamay sa harap ko. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya sa ‘kin.
"Yes, I heard you," sabi ko, kahit hindi alam kung anong sinabi n'ya.
"Segurado ka?" panigurado nito.
"Oo nga."
Nagkibit balikat ito at pinagpatuloy ang pagbasa ng schedule ko.
LUMABAS ako ng banyo habang nasa ulo ko ang tuwalya upang punasan ito. Lumapit ako sa harap ng human size mirror ko at doon humarap. Seguro kung nagmamadali ako ay nag-blower na 'ko ng buhok pero dahil free day ko naman ngayon kaya hindi na lang.
Napatigil ako sa pagpunas ng buhok nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakalagay ito sa ibabaw ng kama kaya lumapit ko ro'n at kinuha ito bago sinagot na hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"This is Allyson Rodriguez, speaking. How may I help you?" sabi ko kaagad nang tuluyan ko na itong sagutin pero ilang minuto na ang nagdaan ay wala pa ring sumasagot.
"Hello?" muli kong tanong pero ilang segundo muli ang dumaan na wala pa ring sumasagot. Inis akong napabuntong hininga at napahawak sa bewang ko.
"Please, kung sino ka mang nilalang o ingkanto. Huwag ako ang pagtripan mo. Maganda ang mood ko ngayon at hindi ikaw ang makakasira nito." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay kaagad kong pinatay ang tawag. Ibaba ko na sana ito sa kama ngunit tumawag na naman ulit ito.
"Hoy! Sabing 'wag-"
"Ms. Rodriguez, nasa kontrata na'ting dalawa na hindi mo ako pwedeng babaan ng tawag." Napatakip ako ng bibig ng marinig ko ang pamilya na boses ng lalaking gumugulo sa isip ko, simula pa kahapon.
Kung mayroon mang may kasalan kung bakit hindi ko agad ito nakilala ay walang ibang sisisihin dito kun'di ako. Ba't kasi ang tanga ko! Hindi ko kasi na-save ang phone number nito sa cellphone kahapon kaya ngayon para akong tanga. Napatampal na lang ako sa sarili kong noo dahil sa katangahan.
"Mr. Lorenzo, ikaw pala," masigla kong bati sa kaniya na tila wala akong sinabi kani-kanina lang. "Hindi ko alam na tatawag ka ngayon kaya medyo naging gano'n ang nasabi ko, kay pasens'ya ka na, Mr. Lorenzo. Hind pa kasi nakasave ang number mo sa-"
"Walang may nagtatanong, Ms. Rodriguez. At hindi ko kasalanan kung tanga ka."
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone dahil sa pambabara n'ya sa akin. Wala talagang manners ang lalaking 'to. Alam n'ya namang nagsasalita pa ako, eh. At isa pa, hindi niya na kailangang sabihin na tanga ako. Alam ko naman 'yon, e!
"Alam ko po, Mr. Lorenzo," mahinahon kong saad kahit sa loob-loob ko'y handa ko na s'yang katayin kahit anong sandali. "Ano po ba ang kailangan mo at napatawag ka?"
"Open your social media account," utos n'ya sa akin.
"Huh?" nalilito kong tanong. Aba, sino ba namang sira ulo ang tatawag para lang utosan akong buksan ang social media account ko?
"Iyang lang ang dahilan kaya napatawag ka?"
"Gawin mo na lang ang pinagu-utos ko, Ms. Rodriguez." Napatikom ako ng bibig nang marinig ko ulit ang nakakatakot na boses niya.
"Sabi ko nga bubuksan ko na," mataray kong saad sa isip ko. Napairap ako sa hangin at walang nagawa kun'di ang buksan ang social media account ko.
Unang bumungad sa akin ang issue tungkol sa bagong release na movie na ako mismo ang gumanap. Napangiti naman ako sa nakita at pinagpatuloy ang pag-scroll at bored na tiningnan ang mga issue na wala namang kakwenta-kwenta.
"Anong ba ang gusto mong sabihin at-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mapatigil ako sa bagong release na balita. Napatakip ako ng bibig upang pigilan ang pagsigaw ko. Mga walang hiya! Bakit nilabas nila na hindi ko alam! Oo, alam ko na normal lang 'yon na i-public ito pero sana man lang sinabi nila!
"Ano 'to? Bakit hindi n'yo sinabi? Akala ko ba next month pa bago ipaalam sa public ang tungkol sa bagong model ng t'way?" taka kong tanong sa kaniya sa kabilang linya.
"Why, Ms. Rodriguez? Hindi mo ba nagustuhan na pinagguguluhan ka ngayon ng mga tao at fans mo? Hindi ba pabor pa nga ito sa kaniya. Lalo pang babango ang pangalan sa mga tao. Easy money na, marami nang kukuha sa 'yo bilang model." Mas lalong napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone dahil sa sinabi niya. Ano bang gusto niyang palabasin? Na mukha akong pera?
"Hindi sa gano'n, Mr. Lorenzo. Kahit hindi ako ang napili ni'yong maging model ay marami pa ring kukuha sa akin, hindi dahil sa maganda ako o ano pa man. Kun'di dahil nakita nila ang potential ko, sa pagmo-model."
"Parang hindi mo naman kilala ang business industry. Kahit gaano mo pa kagaling sa ganyang larangan, meron pa ring lumalamang sa 'yo. At 'yon ang mga taong may pera at kilala na ng marami." Napapikit ako para pigilan ang sarili na sigawan ito. Pakiramdam ko sasakit ang ulo ko sa mga pangyayari.
"Sorry, sa mga nasabi ko, Mr. Lorenzo. Kung 'yan ang gusto mo, wala na akong magawa. Tapos na kaya wala namang silbi kung magrereklamo pa ako. Sana nasayahan kayo sa nangyari. Bye."
"Wait-" Bago pa nito maituloy ang sasabihin ay pinatayan ko na ito ng tawag. Bahala na kung magalit s'ya! Wala akong pakialam. Kung kakausapin ko pa ito ng ilang segundo baka mabaliw na ako.
Muli akong napasulyap sa cellphone ko bago ko ito pinatay at hindi pinansin ang mga tawag na galing sa mga media. Segurado rin akong tungkol ito sa bagong model ng t'way at ako 'yon.
Napahawak ak sa noo at tinukod ang dalawang siko sa tuhod ko. Sa tingin ko magsisimula na.
Magsisimula na ang totoo kong laban bilang isang modelo at artista...

Comentário do Livro (59)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    ow so cute

    10/08

      0
  • avatar
    Eunuce Myrtle Lachica

    wow nice

    13/07

      0
  • avatar
    Queen Elisabeth Cabrera Musica

    very niceee

    16/03

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes