logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

*FLASHBACK*
Hindi ko akalain na ganito pala kainit sa loob ng gymnasium. Tagaktak na ang pawis ko sa buong katawan! Ni hindi man lang ako nakapagdala ng panyo maski ng pamaypay!
Tanaw ko mula sa kabilang bleachers si Alliah, na todo kung sumigaw sa lalaking number eleven na jersey. Fabro ata ang last name.
Kung hindi lang kasi required sa PE subject mamin ito, hindi naman ako pupunta. Oo, mahilig naman akong manood ng basketball pero sa TV lang, ang hassle kasi kapag live kang manonood. Katulad ngayon.
Kailangan nilang manalo, kung ilan ang lamang nila, iyon ang idadagdag sa score ng unit test namin sa PE!
Kasalukuyang naglalaro ang Men's Basketball Team ng university namin against sa team rivalry ng aming school. S'werte namin dahil sa gym namin ang venue. Mas marami ang nagchi-cheer.
Dala ng sobrang init, pinili ko munang lumabas. Lamang naman ang school namin ng thirteen points at mag-e-end na ng third quarter. Kaya kampante na ako.
Napabuga ako ng hangin nang malakas habang sapo ang aking mga tuhod. Sa wakas ay nakalabas din!
Akmang maglalakad na sana ako ng tamaan ako ng bola . . . sa mukha.
Malakas ang impact dahilan para matumba ako at mahilo. Sobrang sakit pa ng mukha ko! Kinapa ko ang aking ilong, baka kasi nagdugo. Pero mabuti na lamang ay hindi.
"I'm so sorry, Miss! Are you okay?" tanong ng isang baritonong boses.
Napapikit ako sa inis at plastik na ngumisi. Anong klaseng tanong ba iyon?
Nag-angat ako ng tingin, handang sumigaw kung gaano ako hindi okay sa nangyari. Pero biglang naiwan sa ere ang nakabuka kong bibig.
Na-starstruck ako kay kuya.
Nakasuot siya ng asul at puting jersey. Ang color na nire-represent ng aming university. Pawisan ang mukha at medyo nakaawang ang labi, tila hinahabol ang hininga.
"A-A, oo n-naman! Hi-Hindi naman gano'on kasakit!" pautal at piyok kong sambit. Gusto kong batukan ang aking sarili! Hindi naman halata na crush ko na agad siya?
Inilahad niya ang kaniyang kamay. Kumabog ang aking dibdib at napatitig doon.
"Ano? Tatanggapin mo ba, Miss?" magalang na tanong niya.
Natauhan naman ako at inabot ang kaniyang kamay. Napakalambot ng mga iyon—parang hindi gumagawa ng mga gawaing bahay. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso.
Lagot ako nito sa PE Prof ko! Sobra na ata sa maximal heart rate ang heart beat ko!
"S-salamat," sambit ko habang nakayuko. Damang dama ang init sa aking mukha.
"No. Don't thank me, kasalanan ko. Sorry talaga. Sure ka bang wala ng masakit?"
Napakagat ako sa aking labi at tipid na umiling.
"Sige, balik na ako sa practice ko. Sorry ulit!" pagpapaalam niya.
Nang maramdaman kong tumalikod na ito, nilingon ko siya.
"Jersey number six, Austria," bulong ko sa aking sarili.
Napangiti ako. Mukhang may inspirasyon na ako sa dalawang taon ko rito sa Everton.
*END OF FLASHBACK*
Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nang simula akong mag-aral dito sa Everton University. Ngayon, isang buwan na lang gagraduate na ako sa Senior High.
At bukas, 3rd monthsary na namin ni Xander.
"Ano bang magandang isurpresa sa kaniya?" I asked Alliah.
Narito ako ngayon sa condo unit namin. Don't expect too much. We're not that rich. Syempre nasa lower floor lang kami kasi we couldn't afford the higher floors especially the penthouse.
"Ano ba sa tingin mo ang makakapagpasaya sa kaniya?" she asked back while preparing for our breakfast.
Napaisip ako, maliban sa basketball ano pa ba ang nakakapagpasaya sa kaniya? Alam kong meron naman na siyang maraming sapatos, dufflebags, socks, shirts and whatsoever. Ano pa nga ba?
"Hindi . . . ko alam?" I sighed and threw myself on the couch.
Napakawalang kwenta ko namang girlfriend.
It had been three months and yet, wala pa akong masyadong alam tungkol kay Xander. Lately kasi naging sobrang busy na siya dahil malapit nang magsimula ulit ang regular season. He was more focused on practicing. At isa pa, parang nanlamig siya sa akin.
Hindi ko nga alam kung naaalala niya pa ba na monthsary namin bukas. The first two months went great. He even asked me to go Palawan to spend a day with him.
Sobrang memorable no'ng araw na iyon kasi first monthsary namin 'yon at first time kong makapunta sa El Nido. He even prepared a candlelight dinner for me. Isinasayaw niya ako—slow dance—sa yateng nirentahan niya. Naiyak ako no'n sa sobrang tuwa. Hindi ko akalain na may mag-e-effort nang ganoon para sa akin.
Tanaw ang ganda ng isla, doon nangyari ang aking unang halik.
Then sa second monthsary namin, nag-stargazing kami sa may condo niya. Sobrang relaxing and I felt complete that time. He gave me lots of roses that day. 143 roses to be exact at lahat 'yon nakatago sa unit namin ni Alliah. Naka-frame iyon lahat para ma-preserve.
But these past few weeks. Parang may nagbago sa kaniya. Madalas niya akong yayain na gawin 'yong bagay na ginagawa daw ng magkarelasyon. S'yempre, hindi ako pumapayag kaya nauuwi kami sa alitan. Hindi ko kayang ibigay sa kaniya ang bagay na iyon.
Oo, mahal ko siya, pero hindi pa ako handa. Hindi niya ba maintindihan iyon?
Hindi na rin niya ako madalas na sinusundo, hindi tulad ng dati na perfect attendance siya kapag susunduin ako. Madalang na rin kaming magkita. At kapag magde-date kami ay madalas may ka-text ito at maya-maya'y magpapaalam. Tinatawag na raw sila ng coach nila.
Kapag pumupunta ako sa gym para yayain siyang kumain ay wala na ito roon. Maaga raw umalis. Kapag timatawagan ko naman, palaging busy ang phone niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nanlamig sa akin. Wala naman siyang iba, hindi ba? Siguro.
O, dahil ba ito roon? Sa bagay na hindi ko maibigay sa kaniya?
Kapag ba ibinigay ko iyon sa kaniya, babalik na kami sa dati?
"What if, surpresahin mo sa condo unit niya? Like, doon ka magluto, mag-ayos ng set up and whatever? Alam mo naman 'yong passcode niya diba?" Alliah asked.
Tumango ako nang wala sa sarili. That might be a good idea but I felt that there'll be something bad to happen.
I shrugged the thought off.
"Ayon! 'Yon na lang! Tulungan kita, you want?"
A smile plastered on my lips. Thank God for sending Alliah to become my bestfriend!
"Thank you, Alliah," I mouthed.
***
We were on the way sa condo ni Xander. Hindi naman ito ganoon kalayo mula sa amin. Kaso hirap na hirap kaming bumaba ni Alliah sa jeep dahil sa dami ng bitbit namin.
Ayaw pa kaming papasukin ni manong guard kanina. Hindi siya naniniwala na ako 'yong girlfriend ni Xander. Baka raw isa akong die-hard fan ni Xander na nagpapanggap lang para ma-harrass ko si Xander or 'yong ibang occupants sa loob dahil sa mga dala namin. Like what the heck? Mabuti na lamang ay may dumating na isa pang guard.
"A oo, naalala kita, iha. Pero bakit gano'n?" he said but I didn't heard the last part.
"Ano po 'yon kuya?"
"Wala. Wala. Sige na pasok na kayo."
Tumango na lamang ako sa kaniya at nagpasalamat. Nang makasakay kami ni Alliah sa elevator, I could almost hear my heart beat. Sobrang nakakakaba! Ewan ko ba?
Siguro dahil after ng ilang buwan makikita ko na ulit si Xander. I really missed him!
"Huwag ka ngang kabaham d'yan! Para kang timang!" Alliah said—rather shouted. Mabuti na lamang kami lang dalawa ni Alliah ang nasa elevator. If ever na mayroon kaming ibang kasama, paniguradong bababa ako sa ibang floor kasi nakahihiya ang mala-eskandalosa niyang boses!
"Pakialam mo ba, e sa hindi ko mapigilang kabahan!" I exclaimed back then looked up kung nasa anong floor na kami.
"Huminga ka nga nang malalim! It's not like na pagbukas nitong pinto bubungad sa atin si Xander na may kahalikang iba!"
And right after she finished shouting, we heard the bell rang then the door opened, and I felt like my whole world collapsed, ruined, and wrecked by many times.
Ang hirap lumunok, kumurap ako dahil baka isang ilusyon lang 'tong nakikita ko. But it's not.
I should be happy, kasi matapaos ng ilang araw ay nakita ko na ulit si Xander.
But I couldn't be. Hindi ko kayang maging masaya habang may . . . kahalikan siyang iba. Sa harap ko.

Comentário do Livro (14)

  • avatar
    John Benedict Salac

    So good

    07/08/2023

      0
  • avatar
    Yscà Kriffney

    Grabe super ganda nitooo!!naiyak talaga ako and tbh halos diko na mabitawan phone ko para lang mabasa kase super nakakaentertain talaga na basahin.thank you and Padayon author!!!

    05/07/2023

      0
  • avatar
    sennie barretto

    Solid read

    22/05/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes