"Aris, Aris gising. Kumain ka muna," ramdam ko ang pagyugyog sa'kin ni Eury kaya napilitan akong magising. Inaninag ko pa ang paligid ko bago matauhan at kaagad na nilingon ang taong kanina ko pa binabatayan. Nasa hospital na kami at walang araw na hindi ako palihim na umiiyak para lang makiusap sa taas na sana, sana ibigay pa siya sa'kin. Marami pa kaming pagkukulang sa isa't isa. Hindi ko alam kung paanong naging ganito ako kahina. Kahapon lang ang tapang tapang ko pa sa harap niya e pero nung hindi siya magising agad? Parang nawala ata lahat ng tapang ko. "Aris, hey malungkot ka na naman." alo sa'kin ni Eury bago ako yakapin nang mahigpit. "It's been one week, Eu. Kailan ba siya gigising?" nag-aalalang tanong ko. Nung makatulog siya ng gabing yon ay isinugod namin siya agad sa hospital pero pagkatapos non ay hindi na siya nagising pa hanggang ngayong isang linggo na ang nakalipas. "Ang sabi ng doctor ay okay na siya. He needs rest, okay? He'll wake up soon, he knows you're waiting." pagpapagaan niya ng loob ko. Marahan akong tumango sakanya habang pinipigilang umiyak dahil ayokong makita nilang nagiging mahina na naman ako. Hindi mahirap kilalanin ang kapatid ko kaya kahit sa maikling panahon ay naging malapit na kami agad tulad ng mga magkapatid na sabay na lumaki kaya hindi na nakakapagtaka kung ganito ako nag-alala sakanya. He save me but I failed to save him. "Here kumain ka muna," alok ni Eury saka inabot sa'kin ang isang sopas. Nginitian ko siya bago iyon tinanggap at sinimulan nang kainin. Buong umaga ay tahimik lang akong nagbabantay kay Luan hanggang sa dumalaw si mommy at umuwi si Eury. Sinabihan niya akong mag dinner muna sa cafeteria ng hospital at siya muna ang magbabantay kaya ginawa ko na lamang. Pagkatapos kumain ay bumalik ako agad sa kwarto ni Luan pero nagulat nalang ako dahil narinig kong tila nagkakagulo sila sa loob. "Calm down son," rinig kong sabi ni dad. "Where is she dad?" rinig kong tanong ng pamilyar na boses mula dito sa labas. He's awake! Finally gising na siya! Agad akong nakaramdam ng kaba habang nakikinig sakanila dito sa labas. Hindi ko maitatanggi ang sayang naramdaman ko dahil sa muli ay narinig ko na ulit ang boses niya. Okay na siya at hindi ko na kailangang umiyak nang paulit-ulit dahil sa pag-aalala at takot. "She's just having her dinner, come'on son babalik din yon," rinig ko pang sabi sakanya ni mommy. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok na agad sa kwarto niya. Sabay nila akong nilingon at agad na ngumiti si mommy sa'kin saka tumabi para bigyan ako ng daan papunta kay Lu. Dumiretso ako agad sakanya para yakapin siya. "Lu...namiss kita," mahinang bulong ko kasabay nang pag-yakap ko sakanya. Ramdam ko ang marahan niyang haplos sa buhok ko. "I know. I know I'm sorry for keeping you wait." bulong niya bago gawaran ng halik ang buhok ko. "Promise me Lu, promise me you will not do that again." mataray ang boses na pakiusap ko saka niluwagan ang pagkakayakap ko sakanya para tingalain siya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko nang may ngiti sa labi saka siya tumango ng marahan. "Nako kayo talagang magkapatid oh, nagkabati lang ay hindi na halos mapaghiwalay." saway sa'min ni mommy kaya kusa na kaming bumitaw sa pagkakayakap saka ako nakangiting bumaling kay mommy. "I've wasted a lot of chance mom," sagot ko bago binalingan ng tingin si dad na seryosong nakatingin sa kamay ko na hawak ang kamay ni Luan. Bigla na lamang siyang umalis nang hindi nagsasalita. Why is he acting that way? "Dad? Dad!" tawag ko at susundan na sana siya pero hinigpitan lamang ni Luan ang pagkakahawak niya sa'kin dahilan para mapatigil ako. Nilingon ko siya nang may pagtataka pero inilingan niya lang ako kaya hindi ko narin sinundan si dad. "Ako na ang kakausap sa daddy niyo, sige na maiwan ko muna kayo." paalam ni mommy bago lumabas para sundan si daddy. Ilang mga araw pa ang lumipas at naging mabilis ang recovery ni Luan. Tapos narin ang midterm exam namin at isang school trip ang inanunsyo para magkaroon kami ng free one week to relax. Agad na pumayag si dad na sasama ako pero sinabi niyang kailangan kong magdala ng guards. Nung una ay nagdalawang-isip ako pero I tried to ask lolo kung pwede bang si Luan nalang ang dadalhin ko total nandoon naman si Eury kaya dalawa silang magiging reaper ko kung sakali. Luan quickly agreed after hearing the plan while dad had some second thoughts pero napilit rin namin siya because of mom. Sa ngayon ay maaga akong nagising para ihanda ang mga dadalhin ko dahil mamaya na ang byahe namin paalis. Nasa dorm na ako kaya hindi ko na kailangan pang bumyahe. Naging madali iyon sa'kin para masiguradong hindi ako malelate. Nakausap narin namin ang teacher na sasama sa'min sa trip tungkol kay Luan at pumayag naman siya. He likes my brother I guess, ang lagkit tumingin e. I hate her. "Ready?" tanong sa'kin ni Eury na nginitian ko lang. "Nasa parking lot na ang iba, andun narin si Luan." inform sa'kin ni Eury bago ako tulungan sa isang maleta ko. Iyon lang ang pinili kong dalhin dahil pwede naman ako mamili pagkarating doon kung may kailangan pa ako. Buong byahe ay si Eury ang katabi ko habang sa kabilang bandang upuan ay naroon si Luan natutulog habang may katabi ding isa sa kaklase kong babae. Isang oras rin ang naging byahe namin bago kami huminto sa isang restaurant para bigyan ng oras kumain. Kaagad kaming bumaba nina Eury nung inanunsyo iyon. "Are you hungry?" tanong sa'kin ni Lu pagkababa namin. "Oo, kain tayo?" aya ko sakanya saka naglakad papunta sa isang restaurant na malapit sa hinintuan namin. Nakasunod lang silang dalawa sa'kin na hindi rin alintana ang tinginan sa'min ng mga kaklase namin ni Eury. As usual ay malalagkit agad na tingin iyon. Hindi naman iyon napansin ni Luan kaya nanahimik nalang din ako at nag order na kami agad bago naghanap ng mesa para doon kami kumain. "I'll join you guys here, masyadong nakakairita ang mga babae doon." singit ni Eury na bigla nalang nakitable sa'min na nahuli sa pag-order kanina dahil may kinausap pa. "Why?" kunot-noong tanong ko habang si Luan ay busy lang sa pag-kain at hindi pinansin si Eury. "Kung pag-usapan si Luanel ay akala nila sakanila e, saka wala naman silang pag-asa dito kay Lu. Ni wala nga yang planong magkagirlfriend e," reklamo ni Eury bago nagsimulang kumain. Sinulyapan ko si Luan pero tahimik parin siyang kumakain. Bakit kaya ayaw niyang magkaroon ng girlfriend? Naalala kong sinabi niya rin sa'kin dati na hindi siya makikipagdate? Tatanda bang walang asawa itong kapatid ko? Pano ako magiging tita? "Masyadong lumulukot yang mukha mo, Aris." saway sa'kin ni Eury saka pinitik ang noo ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa ginawa niya. "I'm thinking of something, Eu." angal ko saka inubos ang pagkain ko dahil tinatawag na kami para bumalik sa sasakyan. "Mauna na kayo, bibili lang ako ng tubig." paalam ko bago bumalik sa counter at bumili habang yung mga kaklase namin ay lumalabas narin. Pagkatapos ko bumili ay agad na akong bumalik sa bus pero nagulat ako nung makitang nakatayo parin sa exit ng restaurant si Lu kaya nilapitan ko agad siya. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko sakanya, umayos kaagad siya ng tayo nat namulsa. "What am I going to do there if you're here?," balik tanong niya saka ako hinila pabalik ng bus. Napailing nalang ako sa inakto niya at hinayaan siyang hilahin ako. "I'll go first," pigil ko sakanya nung nasa pinto na kami ng bus. Kunot-noo niya akong tiningnan pero hindi na siya umangal at gumilid nalang para makadaan ako. As usual ay napapatingin parin sa'min ang mga kaklase namin pero hindi ko sila pinansin at dumiretso sa bandang upuan ni Luan na alam kong ikinataka niya pati narin ng katabi niyang taas kilay akong tiningnan. "Alis dyan," utos ko sakanya. Napaawang agad ang bibig niya sa gulat. "This is not your chair, Amaris." reklamo niya saka ako inirapan. "Tatayo ka o mapipilitan akong hablotin yang buhok mo para makatayo ka ng mas mabilis pa sa kidlat?" inis na tanong ko na hindi niya parin pinakinggan. Sa inis ko ay agad kong hinablot ang buhok niya para itayo siya saka muling pabagsak na binitawan na alam kong nasaktan siya. Kahit ang mga kaklase namin at yung teacher namin ay hindi rin nakaangal sa ginawa ko. "You! Bitch!" galit na sigaw ng babaeng katabi ni Luan sa upuan na sinaktan ko saka tumayo at balak sana akong hablotin nung bigla akong hinila ni Luan paatras sakanya para makaiwas. "Pasensya na miss, gusto ko ring makatabi ang kapatid ko. Pwede bang lumipat ka nalang sa upuan niya?" kalmadong sabi ni Luan sa babae na hindi na naangalan ng babae. "Aalis rin pala e gusto pang masaktan," bulong ko bago naupo sa upuan niya. Alam kong narinig niya iyon at inis na inis siya dahil sa pinagsasabi ko pero wala akong pakialam. Hindi ko type ang vibes niya. "Will you stay good for the rest of the trip, Amaris?" baling sa'kin ni Luan. Nilingon ko siya agad na sinalubong niya lang ng seryosong tingin. I sighed. "Okay, fine." sang-ayon ko kahit labag sa loob ko. Hindi naman ako basta-basta mangugulo basta lang magustohan ko rin yung tao pero pag hindi pahirapan ata sa pakikisama ang gagawin ko. Tahimik na ang naging byahe namin nung hindi na ako nagbalak na makipagtalo sa kapatid ko. Maya maya ay nakaramdam na ako ng antok hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising lang ako nung niyuyugyog akong ginigising ni Eury at wala na sa tabi ko si Luan. "Si Lu?" agad na tanong ko kay Eury. "Inaakyat na yung gamit niyo, tara na." aya niya sa'kin saka inalis ang natabon sa'king jacket, mukhang inilagay ni Luan sa'kin iyon para di ako malamigan habang natutulog. Dahan-dahan tumayo saka agad na pinasadahan ng tingin ang resort na paglalagian namin nung tuluyan na kaming makababa ni Eury. Sobrang ganda ng paligid at ang lamig ng simoy ng hangin. Walang basura sa kung saan at malinis ang buhangin, kulay puti din ito. May ilan din akong nakitang mga turista pero hindi naman ganon kadami. "Tinatawag na tayo ng kapatid mo Aris, bilisan na natin." aya ni Eury na nginuso ang kapatid kong nakatayo sa entrance ng hotel na tutuluyan namin. Napailing nalang ako dahil sa pagmamadali ni Eury saka siya sinabayang maglakad papunta sa hotel. "Miss Vallerion si Mister Vallerion na ang kumuha ng room niyo, ayos na ba kayo?" our teacher checked us. Nilingon ko si Eury na nginuso lamang ang isa pa naming kaklase. Mukhang yun ang magiging roommate niya. "Yes miss, she's already good." si Luan na ang sumagot para sa'kin kaya nagpaalam narin yung guro namin para asikasohin yung iba. "Mag-isa lang ako sa kwarto?" tanong ko kay Luan nung maiwan kaming dalawa sa hallway. "Nope. Isang suite ang pinili ko, we'll have different room in one place. Mas mapapadali ang pagpapanatili ko ng kaligtasan mo sa ganoon," sagot niya habang kinukuha sa'kin ang maleta ko. "Let's go. Gutom ka na ba?" tanong niya saka naunang maglakad habang hila-hila ang gamit namin papunta sa suite na pinili niya. "I want to sleep first, Lu." sagot ko na lamang at tahimik na sumunod sakanya. Pagkapasok ay inayos ko agad ang gamit ko saka kumain ng kaunti sa room service na nirequest ng kapatid ko habang nag-aayos ako kanina. Pagkatapos ko ay pagod akong sumalampak sa kama at natulog. Gabi na nung magising ako at nalamang nasa baba na ang mga kaklase ko para mag night swimming at mag-bobonfire. Inaya ako agad pababa ni Eury para makisali habang si Luan ay naiwan sa kwarto dahil wala naman siyang gagawin. But he still promise me na walang mangyayari sa'kin and I believe him cause I trust him. Hindi paman ganoon nawala ang trauma ko ay malaki narin ang naitulong ni Luan kapag nasa paligid siya, mas nararamdaman kong safe ako sa ganoon. Maybe because he was the last person I stayed with nung mangyari ang incidente at siya ang agad na kasanayan ng sarili ko. "Oh ayan na pala sila, we can start already." anunsyo ng guro namin saka masayang nagsimula ang laro habang nakapalibot kami sa bonfire. May ilan akong nakitang matalim ang tingin sa'kin dahil siguro matagal nag-start ang laro dahil natagalan ako. Ilang minuto pa ang lumipas nung tumapat sa'kin ang bote hudyat na ako na ang tatanongin. "Truth or Dare?" tanong sa'kin ng katabi ni Luan kanina sa bus na inaway ko. "Truth." matapang na sagot ko. She smirked before acting like she's actually thinking bago muling ngumiti sa'kin. "May girlfriend naba ang kapatid mong si Luan?" masayang tanong niya na mukhang inaabangan rin ng mga iba ko pang kaklase ang isasagot ko. Napairap agad ako dahil sa tanong niya saka huminga ng malalim bago tingnan ang veranda ng suite namin kung nasaan ngayon nakatayo si Luan at may kausap sa cellphone niya. "No. Wala siyang girlfriend." agad na sagot ko na agad ikinatili ng mga kababaehan. Napairap nalang ulit ako dahil sa naging reaksyon nila ganon din si Eury na nakasimangot na. "What's his ideal girl?" tanong ng isa. "Hey, isang tanong lang pwede." saway ni Eury kaya bigo silang makuha ang sagot ko though hindi ko rin naman alam ang ideal ni Luan. We never talked about girls. Muling nagsimula ang laro at tuluyan na akong nanahimik dahil nawalan na ako ng gana. Ilang beses pang tumapat ang bote sa'kin at puro tungkol sa mga pinsan ko parin ang tinatanong nila. Mabuti na nga lang hindi na nila naalala pa si Luan at dahil siya ang mas hindi ko pa kabisado. Ngayon lang naman kami nagkalapit na dalawa. Habang tumatagal yung laro ay nagkakayayaan naring mag-inoman ang buong klase na pinayagan naman ng teacher namin as long as diretso dorm kami pagkatapos ng laro. "Woaaaaah! It's Amaris again!" magiliw na sigaw ng isa na medyo lasing na. Napasubo rin kami ni Eury sa inoman kaya medyo nahihilo narin ako mabuti nalang at si Eury ay hindi pa, may tyansa pang maibalik niya ako sa suite ng maayos. "Dare!" tumatawang sagot ko. Kaagad silang nagsigawan kasabay nang lalong paglakas ng tugtog ng speaker na dinala ng isa naming kaklase. "Dance! Dance! Dance!" sabay sabay nilang sigaw. Napatawa ako dahil sa ipinagawa nila sa'kin saka matapang na tumayo. "You really think I can't dance?" nahihilong hamon ko sakanila habang tinuturo sila kahit na pageywang-geywang na ako. A guy from our classmates stand up and was about to help me pero mabilis akong nahila at sumubsob sa dibdib ng kapatid ko na nandito pala. "Ari you're drunk." malamig na sambit niya. Pero tumawa lang ako saka pipikit-pikit na tiningnan siya sa mukha niya. "Mabuti pa ngang itigil na natin to, lasing na kayo. Mister Vallerion iakyat mo na ang kapatid mo," rinig kong anunsyo ng guro namin na inangalan ng lahat. "No! We shouldn't stop!" lasing na sigaw ko at tinuro pa sila pero parang wala silang naririnig. "No! I said no! Where are you guys going?! Come back!" pigil ko sakanila at pilit na umayos ng tayo pero ramdam ko parin ang higpit pero maingat na hawak ni Luan sa beywang ko. "Ari stop. You're drunk," pigil niya sa'kin at pilit akong inaayos sa pagtayo. Tumawa ako saka muling humarap sakanya habang nakahawak na sa balikat niya ang mga kamay ko. "Hey handsome," malambing na bulong ko at pilit na hinahawakan ng dalawa kong kamay ang pisngi ng taong nakahawak sa'kin. Sino nga ba to uli? Aish! Bakit ba kasi ang gwapo niya? Anghel ba siya? Ang swerte ko naman at ako pa ang hinulogan. "hahahaha ang swerte ko pala," I murmured. "Easy, hey...umayos ka nga baka madapa ka," saway sa'kin ng lalaking kanina pa umaalalay sa'kin. Sinubukan ko siyang itulak para ako na ang maglakad pabalik sa suite but he's too annoying. "Ano ba!" sigaw ko but he didn't stop. I pushed him again pero naging sanhi iyon para biglaan akong matapilok. Gladly he grabbed me. Muntik na sana akong mapahiga kung hindi niya lang nahawakan ang beywang ko but this view makes him more handsome. Kumurap-kurap ako para aninagin siya saka nginitian ng matamis. Hindi pa siya nakakagalaw ay agad ko nang hinawakan ang pisngi niya para titigan ang mga mata niya. "Kiss me." utos ko sakanya.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good
21/12
0thankyou
17/05/2025
0maganda
19/01/2025
0Ver Todos