Another two weeks had passed and Luan and I never spoke up again. Ni hindi na siya nagpapakita sa'kin. Hindi ko talaga siya maintindihan kaya minabuti kong hindi na siya pagsayangan pa ng oras. Hindi parin natatapos ang gulo na kinasasangkutan ko pero hindi na ganoon karami gaya ng dati. Baka may ginawa na naman ang mga pinsan ko. Always middling with my business. Tahimik ko nalang na inubos ang oras ng breaktime ko sa library ngunit laking gulat ko nang may bigla na namang tumabi sa'king hindi kakilala ngunit sobrang pamilyar sa'kin ng presensya niya at ng takot na nabibigay niya. Panibagong gulo na naman bato? "I'm a bit sad cause I did miss you," bulong niya na kaagad ma nakilala ko. Pakiramdam ko ay unti-unti na kong namumutla kahit hindi pa siya lumingon sa'kin. "Y..You're that g-guy.. " utal na bulong ko sa taong nasa gilid ko. Pinilit kong umakto ng normal na nagampanan ko naman ng maayos kahit na pilit ang pagtago ko ng kaba ko. Maraming estudyante ang nandito, enough for me to felt safe pero alam kong kahit ganoon ay hindi ako dapat magpakampanteng hindi niya ako papatayin dito. He seems don't care of anything. "Hey we met again." malukong bulong niya habang nagpapanggap na may binabasa sa librong hawak niya. I tried to act normal. "What do you want?" tanong ko sakanya. He acted like he was amazed of me being straight forward. "Just want to scare someone.." kunot noo ko siyang nilingon dahil sa sinabi niya pero nakatingin parin siya sa librong hawak niya. "And that someone is me? Oh com'on marami na akong kinakatakotan so wag mo ng dagdagan." inis na sabi ko. Napalakas pa iyon kaya may ilan pang nag "shhh" sa'kin kaya napayuko ako. "No young lady, I want to scare a monster." sagot niya na lalo kong ikinataka. What the hell is he talking about? Human should be scared to a monster not a monster to human. "Well good luck." sagot ko kahit hindi ko siya maintindihan. Why the hell did he even tell me that? Before I could think of a possible answer ay naramdaman ko na naman ang isang malamig na bagay sa gilid ko. Matulis iyon kaya alan kong hindi na iyon baril. "You know what? I'm really mad right now. You wasted all the assassin I've sent to you." bulong niya na lalo kong ikinataka. He sent assassin to me? For what? Of course to kill me but I've never been into fight or bloody escaping game. "You're crazy, no one tried to harmed me. Not as if I'm wishing that there should be." I explained. Tumawa siya ng malademonyo pero kami lang dalawa ang nakarinig non. "You're in our blacklist because you find out our organization pero mukhang nagpanggap si kamatayang maging reaper mo kaya hindi ka mamatay-matay." puno nang galit na bulong ng lalaki sa'kin. His joke is not funny. Is he talking about grim reaper? "You're talking to much. You're beside me yet you can't kill me." hamon ko sakanya kahit na dumadaloy na sa buong katawan ko ang takot na baka nga patayin na niya talaga ako. "Can't you understand? If you want to be killed get out of this university." asar na sambit niya bago itinago ang patalim at tumayo. Maraming namuong tanong sa isip ko pero hindi ko naman alam kung sino ang sasagot non. I can't understand him. He's crazy. Sobrang lapit na niya sa'kin pero wala parin siyang magawa kundi bantaan ako. Why can't he killed me? Who's stopping him? Buong araw akong wala sa sarili dahil sa sinabi sa'kin ng taong iyon. Gustong-gusto ko siyang hanapin para tanongin pero sa oras na lalabas ako ng university ay alam kong tutuhanin na niyang papatayin ako. It was like the whole university is protecting me from him kahit hindi naman talaga dahil pati naman sa loob ay may nananakit sa'kin. "Hey masyadong malalim ang iniisip mo ha," Eury interrupted me. Nakatulala akong nakatingin sa tv namin na hindi naman nakabukas. Gabi na kaya nandito na kaming dalawa sa dorm. "May iinisip lang," kaswal na sagot ko. Ngumiti siya bigla na ikinataka ko. Wala akong balak na pag-usapan ang tungkol sa pagsama niya kina Axell sa gabing iyon dahil baka tanungin din niya ako kung bakit ako naroon ng mga ganoong oras kaya mas gusto kong hindi na muna makausap si Eury. "Let's drink?" alok niya. Nag-isip ako sandali hanggang sa marealize na sa labas ng university ang mga bar. Baka doon magkaroon ng pagkakataong patayin ako nung lalaki. But Eury is a reaper too right? Scratch that. I don't need her to protect me. I need a drink too cause things are too much to take in a snap. I know I can do this, I will face that guy. "Magbibihis lang ako," agad na sang-ayon ko at saka tumayo para mag-ayos. Kung may bagay man na sasang-ayonan ko si Luan iyon ay masyado ngang matigas ang ulo ko at mahirap basahin. Kung ano ang tumatakbo sa isip ko iyon agad ang ginagawa ko, I always have reasons to do that. At ang gagawin kong paglabas ng university ngayon kahit na alam kong may nagbanta na sa buhay ko ay isa sa mga desisyong nagawan ko na naman ng rason para magawa ko. I shouldn't be afraid. Kung papasok ako sa mafia to prove to them that I'm strong, I should know how to deal with my first enemy. "Let's go." aya ko kay Eury matapos akong makapag-ayos. Mabilis siyang tumayo at tumango sa'kin bago lumabas. Sinundan ko siya ng tahimik hanggang sa makarating kami sa parking lot. "What are we doing here?" tanong ko sakanya. Kapag gagamit kami ng sasakyan ay baka mahalata kami ng guards na tatakas o may gagawin. Baka malaman din ng mga pinsan ko ang ginagawa ko at lalong lalaki na naman ang aming pag-aaway. Ni hindi ko pa sila nakausap ng maayos simula nung awayin ko sila dahil sa pagsali ko sa mafia. "Car. We need it." kaswal na sagot niya at pinatunog pa ang kotse niya bago kami pumunta agad kung nasaan ito. Kunot-noo akong pumasok sa loob habang hinihintay siyang ihanda ang kotse sa tabi ko. "Mahuhuli tayo sa ginagawa mo, Eury." angal ko sakanya. Ngayon ay siya na ang nakakunot-noong lumingon sa'kin. "We're not trying to escape, young lady." nakangising sagot niya. "What?" "Yes, young lady. Aalis tayo in a legal way." sagot niya saka ako kinindatan at nagsimula ng magmaneho papunta sa gate. Agad akong nakaramdam ng kaba nung palapit na kami sa gate kung saan may dalawang guards na naghihintay sa'min. "Hey," bati ni Eury sa dalawa nung huminto kami sa gate. Lumapit sa'min ang isa sa guard na may dalang flashlight. Bakit nga ba ako takot? Kilala din nila ako and they might let us go when they see me, sana lang ay hindi binilin sakanila na wag ako palabasin. "Miss Eury, saan ang lakad natin ngayon?" tanong nung guard habang itinuon sa pwesto ko ang hawak niyang flashlight. Tinanguan ko lang siya at saka sinalubong ang tingin niya, nagulat pa siya dahil nakilala niya ako saka yumuko at umatras kasabay ng pagpatay niya ng dala dala niyang flashlight. "May kasama po pala kayo," mahinang sabi nung guard. Nilingon ako ni Eury at nginitian bago buhayin muli ang makina ng sasakyan. "Babalik din kami mamaya," tanging sabi niya bago magmaneho palabas sa gate na binuksan kaagad ng isa pang guard kanina. Habang nasa byahe ay dumako sa isip ako ang mga tanong ko noong makita ko sila sa kagubatan. Should I ask her? "You okay? May bumabagabag ba sa'yo?" tanong niya na tila nahalata ang magulo kong iniisip dahil sa malalalim kong paghinga. "Eu can I ask you something?" Sandali siyang natahimik saka ako nilingon para tingnan ang ekspresyon ko bago muling ibalik ang tingin niya sa harap. "Ano yon?" "Ahh..gaano mo kakilala ang pamilya ko? Ano-anong alam mo?" malumanay na tanong ko para maiwasan niyang magduda. "I know a lot. Almost everything, Aris." sagot niya. She just confirmed to me na tama ako ng hinala na isa siyang reaper. But how? She look so carefree. She look normal. Parang pakiramdam ko isa lang siyang simpleng estudyanteng walang kung ano-anong thrill sa buhay pero don't judge the book by it's cover nga talaga ika nila. "Baka matunaw ako, Amaris." saway niya na kalaunan ay narealize kong nakatitig na pala ako sakanya. Agad kong iniwas ang tingin ko at ibinaling nalang ito sa labas hanggang marating namin ang bar na pupuntahan namin. Mabilis kaming nakapasok kahit pa pinagtitinginan kami. Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang kilala ng mga nandito si Eury at kinakatakutan siya. I wish I were like her. I know I'm strong but my family can't see that. "Two bottles of ******" hindi ko alam kung anong inomin ang inorder ni Eury kaya nanatili nalang akong tahimik sa table na pinili namin. Hindi parin nakatakas sa'kin ang ilang mga sulyap sa'min at karamihan ay lalaking mukhang ang habol ay maisayaw kami o makainoman. "Here. Let's drink," alok ni Eury nang maihatid na sa'min ang inomin na inorder niya. Tahimik kong sinimulang inomin ang hindi ko kilalang alak. Sa una ay masakit ito sa lalamunan pero kalaunan ay nasanay narin ako at sunod-sunod na ang naging pag-inom ko hanggang sa maramdaman ko ang kamay ni Eury na pumigil sa kamay ko. "Hey, hey that's enough. Hindi naman kita dinala dito para patayin yang sarili mo Amaris. May problema ka ba ha?" saway niya sa'kin at pilit na kinuha ang hawak kong bote. "We're here to drink, Eu. Kaya iinom ako kahit kailan ko gusto." angil ko sakanya saka sinubukang ilayo sakanya ang boteng hawak ko pero nabitawan ko iyon. Inirapan ko siya saka hindi siya pinansin at saka tumayo. "Teka, Amaris!" pigil niya sa'kin pero naitulak ko lang siya hanggang sa makaalis ako sa pagkakahawak niya. Nahihilo man ay nakarating ako sa gitna ng dance floor kahit na hindi na maayos ang lakad ko. I grab the chance to dance. Hindi ko ininda ang pagkakahilo ko. Bawat ala-alang kusang bumalik sa'kin nung mga nakaraang araw ay pilit kong binubura sa isip ko. Ang takot na habang buhay akong mabubuhay na pinapatunayan ang sarili ko sa pamilya ko. Ang galit na kailan man ay hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang alisin sa akin. Pilit kong inaalis ang pagod na kahit anong pahinga ay hindi iyon maiaalis. Halo-halong emosyon ang umiral sa loob ko na hindi ko na napansing may nakipagsayaw sa'kin. Hindi ko iyon pinigilan at tuluyan lamang inaliw ang sarili ko. "Ang galing mong sumayaw miss," bulong niya sa kalagitnaan nang pagsayaw namin. Hindi ko iyon pinansin at hinayaan lang na malunod ang sarili ko sa tugtog na naghari sa buong paligid. Not until another guy approached me, inalis niya yung lalaking kasayaw ko at mahigpit na hinawakan ang beywang ko habang sinasabayan ako. "We met again." malamig na sabi nung lalaki na kusang nagpatigil sa tibok ng puso ko. Bigla akong nanlamig at kung hindi lang disco lights ang ilaw ngayon ay alam kong mahahalata ng lalaking kasayaw ko ang pamumutla ko. "I-Ikaw? Anong g-ginagawa mo dito?" kabadong tanong ko. Parang kusang nawala ang alak sa sistema ko nung makilala ko ang boses niya. Nahihilo man ay sinikap kong hanapin sa paligid si Eury pero wala na ito. "Hey easy, she's enjoying the fight I prepared for her outside." agad na sabi nung lalaki na tila alam na kung sino ang hinahanap ko. Kinabahan ako sa sinabi niya at pilit na itinutulak siya pero masyado siyang malakas, sumasakit narin ang higpit ng pagkakahawak niya sa beywang ko. Alam kong babakat ang ilang kuko niya doon. "Anong ginawa mo? Don't hurt her! You jerk!" galit na sigaw ko pero alam kong walang makakarinig na iba dahil masyadong malakas yung tugtog. Halos mangibabaw narin ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lumabas ako ng university kahit alam kong may banta na ang buhay ko and now here I am facing the guy who's ready to kill me. Pero ito naman ang dahilan kaya ako lumabas diba? Para harapin siya? Para patunayang hindi ako natatakot? Alam kong mapapatay na niya ako dito dahil nasa labas na ako but I will definitely regret kong madamay ko si Eury. She doesn't know. She's innocent. I know she can fight but still kargo ng konsensya ko kung mapano siya dito dahil sa hindi ko sinabi sakanya na may humahabol sa'king kamatayan. "Calm down, princess. You'll die first before her, sa ganon ay hindi mo makikita ang kamatayan ng kaibigan mong reaper." sagot niya nang nakangisi. Naramdaman ko ang kamay niyang pababa sa hita ko. Lalo akong kinabahan pero hindi ako makakilos. Hindi ko alam ang gagawin ko, tila kusang nawala ang boses ko. I just want to cry. Lahat ng tapang na tinipon ko, lahat yon tinupok niya ng ganon kadali dahil lang sa isang paghawak. Gusto kong magwala, gusto kong pigilan siya pero masyado na akong naduwag. "That's it baby, don't move." nakakatakot na bulong niya na inilapit pa ang bibig sa leeg ko. His hands are moving to my undies strap under my dress. Isa-isang nagbagsakan ang luha ko hanggang sa tuluyan akong kinain ng emosyon. "No! D-Don't touch me!" natatakot na sigaw ko at pilit na inalis ang kamay niya pero tumawa lang siya. Tumawang parang isang demonyo. Mahigpit niyang hinawakan ang pisngi ko habang yung isa ay nailipat na niya sa beywang ko. "No one will help you here, no one. You're mine already Vallerion." nakakatakot na saad niya. He's smiling like a devil. A devil I don't want to see anymore. "H-Hindi! Hindi mo ko pag-aari!" Mas lalo akong natakot dahil sa tawang pinakawalan niya nung marinig ang sinabi ko. Parang isang biro iyon sakanya. "Why? Do you think someone here will help you? Poor Amaris," nakangising sabi niya na tila sabik na sabik sa mga susunod pang mangyayari. "My f-family...T-They will help m-me...He w-will." wala sa sariling banggit ko habang umiiyak. Naramdaman kong inilandas niya sa pisngi ko ang kamay na nakahawak sa beywang ko kanina habang yung isang kamay ay nakahawak sa may batok ko ko na abot hanggang pisngi. Hindi ko man nakikita ay ramdam ko na ang hapdi ng mukha ko at alam kong magkakapasa ito. "Com'on princess, call him. Mas mapapadali ang pagpatay ko sakanya kung ganoon." malamig na saad niya habang masama ang tingin sa'kin. Nakakatakot. Parang tuluyang nanglambot ang sarili ko sa sinabi niya. He will kill him. He will kill my brother! Kahit na hindi kami magkasundo non ay kapatid ko parin siya. I hate that I still love my family despite of what they made me feel. I cried. Hindi ko hinayaang makuha niya ang gusto ko. I will die here. Not them. Not him. "Amaris. I said call him!" galit na sigaw ng lalaki na lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko sa may batok habang ang isang kamay ay may hawak ng baril. Sobrang bilis ng kamay niya, ni hindi ko man lang nakita kung saan niya nakuha ang baril na hawak na niya ngayon. Pilit akong nagpumiglas sakanya kaya napansin na kami ng mga tao pero dahan-dahang lang silang dumistansya at lumalayo sa pwesto namin. Kakaiba ang nasa mata nila. Tila gusto nila ang nangyayari at wala silang balak na tulungan ako. F*ck them! "Wala kang mapapala sa'kin!" I screamed. Humahangos ako habang pilit na inaalis ang kamay niya sa buhok ko. "It hurts! Please...p-please.." pakiusap ko pero ngumisi lang siya at itinutok ang baril sa sentido ko. "N-No, No." natatakot na pakiusap ko habang umiiyak na umiiling. May ilan naring kumukuha ng video sa'min at may ibang sinisigaw na patayin na ako. D*mn this f*ckers. "Scream young lady. Ask him to help you." may diing utos ng lalaki sa'kin. I still can't see his full face dahil sa mask pero nararamdaman ko ang sabik sa boses niya at nakikita ko ang mga ngisi niya dahil kalahati lang naman ang mask na suot niya. "F*ck y- - - Ah!" sigaw ko nung sikmuraan niya ako. "Then I'll kill your friend first." he said while grinning. Nanlamig ako sa sinabi niya at paulit-ulit na umiling. Napaiyak nalang ako nung ipasok nila ang walang malay na si Eury. She's a reaper how come na natalo siya ng ganito? Baka masyadong marami ang nakalaban niya. She must be so tired plus she's drunk and alone. "She will die protecting you. You weak girl." bulong ng lalaki sa'kin at itinuon ang baril sa akay ng dalawang lalaking walang malay na si Eury. I cried. Yung lang naman ang magagawa ko. Ang matapang na Amaris kanina ay bigla nalang nawala na parang bola. Pinagsisihan ko ng hindi ko muna inisip ang mga ginawa kong desisyon kanina. Kung hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko ay sana okay pa kami, okay pa si Eury. "Alam mo bang kaya niyang taposin lahat ng tauhan ko? But she didn't. Hindi siya lumaban to save you." bulong sa'kin ng lalaki. Tuluyan akong napaluhod habang hindi parin tumitigil sa pag-iyak. "E-Eury? E-Eury!" tawag ko sa walang malay na si Eury sa harap ko. Wala akong nakuhang sagot sakanya. D*mn. This is all my fault. "Isa." pagbibilang ng lalaking kanina pa ako pinipilit na tawagin ang kapatid ko. He's being nonsense. Ano yon kapag tinawag ko yon dadating agad? "Walang-wala kang makukuha sa'kin! Hindi ko ihaharap sa'yo ang kapatid ko!" sigaw ko sakanya. Pinilit kong pigilan na ang mga luha ko habang nakatingala sakanya na nakangising nakatingin sa'kin,hawak hawak ang baril na nakatutok sa direksyon ni Eury. "Dalawa." may diing saad niya bago ikinasa ang baril. "No! Stop it! Don't kill her! Please!" pakiusap ko. Nagsisimula na naman akong umiyak dahil sa takot. Hindi ko kayang panuorin ang gagawin nila kay Eury. Hindi ko kayang mabuhay na dinadala ang pagsisisi dahil sa katangahan ko ngayon. "Scream his name princess," nakangising saad niya. Ngayon tanggap ko na. Hindi ako ganoon katapang tulad ng inaasahan ko. Ang mga bagay na ito ay hindi ganoon kasimple para harapin kong mag-isa. Tama ang pamilya ko. Mahina ako. Mahina at kailangan ko sila para hindi ako gawing instrumento ng iba para sa ikakapahamak ng pamilya ko. Isa akong walang kwenta. Kasabay ng pagputok ng isang baril ay ang pagpikit ko at pagsigaw sa taong kanina niya pa gustong tawagin ko. "LUAAAAAAN!!!" and I heard a loud sound of a broken glasses.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
good
21/12
0thankyou
17/05/2025
0maganda
19/01/2025
0Ver Todos