logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Six

Nagulat si Mommy nang ibang tao ang bumungad sa kanya pagkabukas ng pinto. Nakapajama na 'to pero hindi pa rin natatanggal ang pearl hairclip sa buhok. Halata sa mukha nito ang antok.
"Pasensya na po kung ginabi si Cassienne," sabi ni Mr. Eleavar.
"Pasok muna kayo."
Nang pumasok kami sa loob ng bahay, mukhang tulog na ang mga tao dahil nakasara na ang ilaw sa sala. Binuksan 'to ni Mommy at pinaupo kami sa sofa. Tiningnan nya ako nang may kabuluhang tingin pero umiling lang ako dahil baka kung ano ang isipin nya.
"Anong gusto mo? Kape o juice?" Tanong ni Mommy kay Mr. Eleavar.
"Ayos lang po. Hindi rin po ako gaano magtatagal. Mukhang antok na rin po si Cassienne.. at kayo."
Seryoso lang ang mukha ni Mr. Eleavar na nakatingin kay Mommy. Si Mommy naman, hindi ko mabasa kung anong ekpresyon ng mukha nya. Binalot ng katahimikan ang buong sala, dahilan para mas lalo kong marinig ang hindi magkandamayaw na pagkabog ng dibdib ko.
"Ako nga po pala si Paulo Ruiz Eleavar. Teacher po ni Cassienne sa Math, " panimula nya.
"Cassienne saved my mom. Alam ko pong mahirap paniwalaan, pero lagi syang hinahanap at gustong makita ng mama ko pagkatapos no'n."
Tumingin sa'kin si Mommy at bumalik ang tingin kay Mr. Eleavar.
"Ipagpapaalam ko po sana kung pwede pa syang magpunta ng bahay ulit?"
Nagulat ako sa naging tanong ni Mr. Eleavar. Pinagpapaalam nya ako? Mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
"I can give the address of my house, po. I can give my number too. Ihahatid ko rin po lagi si Cassienne. Makakaasa po kayong ligtas sya palagi."
Tumingin ako kay Mommy at hindi ko pa rin mabasa ang ekspresyon ng mukha nya. Binabasa nya ang bawat galaw ni Mr. Eleavar, at sinusuring maigi.
"Makakatulong po kasi sa recovery ng mommy ko ang presence ni Cassienne," dugtong ni Mr. Eleavar.
Ilang segundong naging maingay ang katahimikan sa sala. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang pagtulo ng pawis sa noo ko. Maya-maya, tumaas ang kaliwang kilay ni Mommy at bigla na lamang tumango.
"Okay, wala naman pong  problema. Can I have the address and your number?"
Tumayo si Mr. Eleavar at agad na pinahiram ang phone nya kay Mommy. Nag-usap sila ng kaunti at binigyan ng paalala si Mr. Eleavar.
"Just make sure din po na hindi 'to makakasagabal sa pag-aaral nya ha."
"Makakaasa po kayo."
***
Kinabukasan, umaga at ilang beses akong humikab. Maingay na hallway at classroom ang bumungad sa'kin pagpasok ng school. Sinalubong ako agad ni Marian sa pinto. Meron sa mga mata nyang hindi ko mabasa at may nag-iba sa kanya ngayong araw. Malungkot at malalim ang mga mata nya. Did she cry? Sa isang iglap, agad syang pumulupot sa braso ko.
"Na-miss kita!" Masayang sabi nito. Dahan-dahan nya akong nahila papasok sa loob ng classroom. Umiling ako at inilapag ang bag ko sa upuan.
"Isang araw lang tayong hindi nagkita. Bakit ka nga pala absent kahapon?"
Napatigil sya sandali sa tanong ko pero ngumuso lang sya sa'kin. "Nakakatamad eh."
Umiling ako ng ilang beses. Ngayon ko lang 'yon narinig sa kanya. Hindi sya aabsent dahil lang tinatamad sya. That's not her. Parang may mali.
Tinitigan nya lang ako at ngumiti.  Magsasalita palang sana ako nang pumasok si Mr. Eleavar ng classroom. Naging tahimik ang paligid bigla. Tinuon ni Marian ang atensyon sa kanya, kahit ako ganoon din at ang lahat ng estudyante sa silid. His familiar scent made my heart pound. Parang kilalang-kilala at kabisado na ng puso ko ang presensya at amoy nya. 
Sa isang iglap, naalala ko ang mga nangyari kagabi. He was asking for help. Napakalungkot ng mga mata nya  at humihingi ito ng tulong. Ngayon, maaliwalas ang mukha nya at wala akong nakikitang bahid na lungkot rito. Inaangkin ng araw ang mga mata at mukha nya. Mas lalo syang magandang pagmasdan nang nasinagan ng araw. Nang magtama ang mga mata namin, mas lalong hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Naging seryoso lang sya nang magbigay ng quiz at magturo.
Papalubog na ang araw nang matapos ang last subject. Nag-aaway ang kulay ng kahel at rosas sa langit. Tumama ang malamig na hangin sa balat ko nang lumabas ng gate ng school.
"Wala pa ang sundo mo?" Tanong ni Marian habang papunta sa kotseng naghihintay sa kanya.
Umiling ako at napakagat ng ibabang labi ko. Hindi ko alam kung masasabi ko ba sa kanya lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Isa pa, pakiramdam ko may sarili rin syang inaalala at problema, ayaw ko nang dumagdag pa.
"Mag ingat ka," bilin ko at kumaway sa kanya. Tumango sya at kumaway din sa'kin.
Nang umalis ang kotseng sinasakyan nya, nagsimula na akong maglakad salungat sa dinaanan nya. Ilang beses akong humikab habang binibilang ang mga hakbang ko papunta sa malapit na park. Pinagmasdan ko ang mga tao roon habang naghihintay.
Ang tanging naririnig ko lang ay ang paggalaw ng mga puno sa hangin at ang malawak na tawanan ng mga tao sa park. Maraming bata ang naglalaro doon, at hindi ko maiwasang mapangiti ng tipid nang makita ang mga ngiti sa labi nila. Walang iniindang problema, walang iniindang sakit, walang iniisip. Mababaw ang kaligayahan.
Maya-maya ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Awtomatiko akong napatingin doon. Agad akong tumayo para puntahan ang itim na kotse sa di kalayuan at sumakay.
A fresh new song was playing. Tumingin lang sa'kin sandali si Mr. Eleavar at nilagyan ako ng seatbelt. Naamoy ko ang pamilyar nyang pabango sa ginawa nyang paglapit at nagwala na naman ang dibdib ko.  Nagsimula na syang magmaneho at tanging ang musika lang ang nagbibigay ng ingay sa sasakyan.
Tinuon ko ang atensyon sa bintana at tiningnan ang mga nadadaanan namin. Unti-unti nang dumidilim ang paligid at nagkakaroon ng mga ilaw.
"Mom's excited to see you," kalmadong sabi nya. Napansin ko ang nagtatagong tuwa at kislap sa mga mata nya. Mukha syang masaya kahit hindi nakakurba ang labi nya. Sandali akong napatigil at hindi nakapagsalita.
"K-kamusta sya?" Tanong ko. Doon ko lang namalayan na matagal na pala akong nakatitig nang tumingin sya sa'kin. Bigla akong tumingin sa dinadaanan namin.
"Maganda ang mood nya ngayon. Inaasahan nyang darating ka," saad nya. Tinuon nya ang atensyon sa pagmamaneho.
"That's good to hear, sir."
"Sana nga magtuloy-tuloy na."
Hindi ko namalayan na napapatitig na ako sa kanya. Unang beses ko lang kasing nakitang ganito kaaliwalas at kaganda ang mga mata at mukha nya kapag masaya. Bagay na hindi nasasaksihan ng mga tao sa campus at ako lang ang nakakakita.
Napangiti ako habang pinagmasdan ang dinadaanan namin. Hinayaan kong balutin lang kami ng musikang umiikot sa sasakyan. Hindi na ganoon ka-awkward ang atmosphere kumpara noong una nya akong isakay sa sasakyan nya. It was a comforting silence. 
Nang makarating kami sa bahay ni Mr. Eleavar at nang pumunta sa kwarto ng nanay nya, naabutan naming naghihintay ito sa tapat ng pinto. Agad syang tumayo sa kama upang yakapin ako. Binati kami ng nurse nya na si Leah.
"Nandito na ang bisita mo," nakangiting sabi ni Leah. Maya-maya, lumabas ito at iniwan kaming tatlo sa kwarto.
Umupo ako sa tabi ng matanda at ganoon din si Mr. Eleavar. Sinubukan ko syang kausapin at magkwento ng nangyari sa'kin ngayong araw pero nanatili pa rin 'tong nakatingin lang sa'kin at nakangiti.
Bumaba kami sa kusina pagkatapos ng ilang minuto at sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Nang pabalik na kami ng kwarto nya, may tinuturo sya na pinto ng isang silid katapat ng kanya.
"Don't mind her," tipid na ngumiti si Mr. Eleavar at ginawa ko ang sinabi nya. Hinayaan lang namin ang tinuturo ng nanay nya at pinapasok ito sa kwarto.
Her mom is really pretty. 'Yon ang naiisip ko habang pinagmamasdan ito. Hinahaplos-haplos ko ang buhok nya at nagkwekwento ng nangyari sa paborito kong libro habang nakaupo  sa ulunan ng kama nya. Naiisip ko kung gaano ito kaganda noong kabataan nya. Kulubot man ang mga balat na nito at napaglipasan na ng panahon, alam kong hindi nagbago ang mapupungay nitong mga mata.
"You should sleep, mom." nakangiting sabi ni Mr. Eleavar. Tumingala sa'kin ang nanay nya at ngumiti ulit.
Umiling ito at pumulupot sa braso ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti, habang si Mr. Eleavar naman ay napapailing. Kailangan ko nang umuwi pero ayaw ng nanay nya kaya wala akong magawa kun'di ang mag stay pa ng matagal hanggang sa makatulog ito.
Ilang araw ang nagdaan at gano'n palagi ang nangyayari. Pagkatapos ng school, isasama ako ni Mr. Eleavar sa bahay nila at lagi akong nasa tabi lang ng nanay nya hanggang sa makatulog ito. Lagi akong nagkwekwento ng kung anu-ano at minsan magdadala pa ako ng ilan sa paborito kong libro at babasahin 'yon sa kanya.
Isang gabi, nasa ulunan ako ng kama nya at hinahaplos ang buhok nya. Binabasa ko ang ang isang pahina ng paborito kong libro, nakatingin lang 'to sa'kin at nakikinig lang si Mr. Eleavar. Bigla akong napatigil at hindi ko alam kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Isa 'to sa mga pagkakataon na pakiramdam ko, kalmado lahat at tahimik. Ang sarap sa pakiramdam. And I've been craving for something like this. Being in this room with just the three of us, feels like home.
Ilang ulit kong hinaplos ang buhok ng nanay ni Mr. Eleavar at napangiti. Unti-unti akong napapahikab at dinadalaw na naman ng antok. Hindi ko namalayan na unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko at bigla akong nakatulog.
Pero isa 'yong pagkakamali. Bigla nalang akong nagising ng dahil sa isang panaginip. Nang imulat ko ang mga mata ko, basa na ang pisngi ko dahil sa mga luhang bumabagsak galing sa mata ko. May nakapulupot sa'king kumot at gulat na gulat si Mr. Eleavar sa nangyari, dahilan para mapapreno sya ng kotseng sinasakyan namin.
"Anong nangyayari sa'yo?" Tanong nya.
Hinawakan nya ako sa magkabilaang braso at hinarap sa kanya. Bakas na bakas ang pagtataka at pag-aalala sa mukha nya. 
The pain felt so real.. and familiar. Ito na naman ang pakiramdam ng malalim na sakit na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Hindi tumitigil ang pagbagsak ng luha ko at hindi ko maiwasan ang mapahagulhol sa sakit na nararamdaman ko. Kahit ako hindi ko rin alam ang nangyayari sa'kin.
Tinatawag ni Mr. Eleavar ang pangalan ko pero nanatili akong humahagulhol. Narinig ko syang napamura at nagulat ako nang maya-maya, bigla nya akong niyakap.
Marahan nyang hinaplos ang likod ko ng ilang ulit. Wala syang kahit anong salitang sinabi at nanatili lang syang nakayakap sa'kin hanggang sa tumahan ako.
Nang kumawala sya sa pagkakayakap sa'kin, tinanggal nya ang ilang hibla ng buhok ko na nasa mukha ko. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang panyo nya at tumingin sa'kin ng seryoso.
Sa pagkakataong 'to, hindi ko maiwasang maisip, narinig o naramdaman nya kaya ang sobrang pagkabog ng dibdib ko?
***
7/11/19

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    Hamdan Kahar

    waw

    22d

      0
  • avatar
    Khatirene Rose Calilung

    khatirene_Rose7

    18/07

      0
  • avatar
    LeonaLea

    Subra ganda po nito 😊😊 nabasa q

    04/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes