logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Three

Ilang beses akong humikab habang tutok na tutok sa screen ng cellphone ko. Nasa kalagitnaan ako ng matao at maingay na hallway. Natigilan ako sa paglalakad nang makaamoy ng pamilayar na pabango kaya awtomatiko akong napatigil sa ginagawa ko.
Mabilis na dumaan si Mr. Eleavar sa gilid ko. Naiiwan ang pamilyar nyang pabango at hindi ko alam kung bakit bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Hindi man sya nakatingin sa'kin at hindi pa tuluyang nakakalayo, bigla syang nagsalita.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo. May tamang oras ng paggamit ng cellphone."
Napatingin ako sa hawak kong cellphone at binaling ulit ang tingin sa likod nyang unti-unting lumalayo sa'kin. Umiling ako ng ilang beses.
"My Casienne!"
Hindi ko pa man nakakalma ang sarili ko, nagulat na ako ng biglang yumakap sa'kin si Marian kaya nabitawan ko ang hawak-hawak kong cellphone. Mabilis nya 'tong pinulot at ilang segundong tinitigan ang screen.
"Hm, kelan ka pa gumagamit ng site na 'to?"
Mabilis kong kinuha sa kanya ang cellphone ko at ilang beses nya naman akong tinusok sa tigiliran. "Ikaw ha! Sinong kausap mo dito?"
Hindi ko alam kung bakit ako tinutukso ni Marian. Is it a dating site? Ang pagkakaalam ko, hindi. Tsaka kausap lang naman ang hinahanap ko. Isip-isip ko.
"Male-late na tayo sa klase. Dumaan na si Mr. Eleavar," pagbabago ko ng usapan.
"Talaga? Dumaan na si sir?" Nagtatakang tanong ni Marian.
"Oo, kaya tara na."
Naglakad kami papunta sa classroom namin. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob, rinig na rinig na agad namin ang ingay. Maya-maya din, pumasok na si Mr. Eleavar.
Ang maingay at magulong classroom ay laging nagiging tahimik bigla tuwing dumadating sya. Ang pamilyar nyang pabango ay lagi ring umiikot sa buong kwarto.
Sa isang ilang linggong pagtuturo nya, hindi ko pa sya nakikitang ngumiti o kahit magbiro manlang sa klase. Lagi syang seryoso at hindi kikibo kung walang kinalaman sa itinuturo nya ang sasabihin nya.
"Good morning," bati nya nang hindi tumitingin sa klase.
Ilang beses akong patagong humikab at nakita ko ang pagkunot ng noo nya. Agad-agad din syang nagpa-quiz katulad ng lagi nyang ginagawa.
Nakaramdam naman ako ng matinding antok habang nagsasagot at ilang beses napapahikab. Tuwing mapapatingin naman ako sa kanya, nakikita ko syang kunot lagi ang noo. Pansin nya kayang humihikab ako sa klase?
Halos kalahating oras nagturo at nagsulat sa board si Mr. Eleavar. Seryoso syang nagturo at mukhang alam na alam nya ang sinasabi nya. Sigurado sya sa bawat salitang binibitawan nya at halos buong klase, nakikinig lang sa kanya. Kung ibang teacher kasi, nag-iingay na ang iba o di kaya, hindi nakikinig. Meron sa kanya na kinukuha ang buong atensyon ng isang tao at kapag nakuha nya na, mahirap ng kumawala.
Hindi pa man tuluyang nakakalabas si Mr. Eleavar ng classroom pagkatapos nyang magturo at magklase ay nagsalita sya ulit. 
"Ms. Domingo, follow me," kalmadong sabi nya.
Awtomatikong napunta ang atensyon ng mga kaklase ko sa'kin. Halo-halong ekspresyon ang nakita ko. Ang iba, nagbabanta ng takot, ang iba nag-aalala, ang iba nagtatanong. Nang tingnan ko si Marian, punong-puno rin ng pagtataka ang mukha nya. Umiling ako ng ilang beses bago tumayo sa upuan ko.
Mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang sinusundan ang mga yapak ni Mr. Eleavar. Hindi ko alam kung bakit nya ako pinapasunod sa kanya at wala akong ideya kung anong nagawa ko para ipatawag nya.
Hindi sya tumitingin sa'kin at bawat hakbang na ginagawa nya, nagiging dahilan ng paglakas ng kabog sa dibdib ko.
Tumigil ang mga paa nya nang nasa tapat na kami ng pinto ng Faculty. Nagdalawang isip pa ako kung susundan ko sya sa loob pero nung tingnan nya ako nang may kunot sa noo, wala akong ibang nagawa kun'di ang pumasok. Maraming teachers ang nasa loob at natigil ang mga ginagawa nila nang makita ako. Yumuko lang ako at pumunta sa table ni Mr. Eleavar.
Nang nasa harap na ako ng table nya, tumayo sya para bigyan ako ng upuan. Sumenyas sya na umupo ako doon kaya ginawa ko.
Dahil mas matangkad sya sa'kin, kapantay ko lang ang balikat nya at nagpapasalamat ako dahil di ko kapantay ang mga mata nya. Mas lalo kasing magwawala ang dibdib ko sa di malamang dahilan. 
"Anong problema Ms. Domingo?" Kalmadong tanong nya sa'kin.
"Sir?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Nakikita kitang laging inaantok. Walang gana sa klase ko at matamlay. Mabababa din ang quizzes mo. May problema ka ba?"
"W-wala po."
"May problema ba sa bahay nyo? Sa family mo? May dinadamdam ka ba?"
Huminga sya ng malalim. Naging maingay ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Yumuko lang ako sa kanya at umiling.
"Are you sure?"
Tumingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Dahil do'n, napansin ko ang nunal nya sa ibabang mata. Parang umurong ang dila ko at wala akong ibang nagawa kun'di ang umiling.
"Alan mo ba kung bakit dito kita kinakausap?"
Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko kung gaano sya kaseryoso. It made my heart skip a beat.
"Kaya kita kinausap dito kasi ayaw kitang mapahiya sa klase at makausap kita ng masinsinan."
Huminga ako ng malalim.
"May mali ba sa pagtuturo ko kaya nawawalan ka ng gana? May maisa-suggest ka ba para mas maging maayos? You can tell me." Mahinahon na pagkakasabi nya. His words were sincere.
"W-wala naman po sir," nakayukong sagot ko. Ilang beses akong napakagat sa labi ko. Hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko.
"Maayos nga po 'yung pagtuturo mo."
"Are you sure?"
Napatingin ako sa kanya at walang kaemo-emosyon ang mukha nya.
"O-opo sir. Mahina lang po talaga ako sa Math."
Huminga sya ng malalim at ilang segundo na katahimikan lang ang umikot sa amin.
"If that's the case, you know what to do. Right?"
Tumango ako at gano'n din sya.
"You can go."
Dahan-dahan akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Bago pa man ako makalayo sa pwesto nya, nagsalita sya sandali.
"Kung may problema ka, wag ka magdalawang isip magsabi ha."
Napatigil ako sandali at tumango sa kanya. Ngumiti ako ng pilit at mabilis naman nyang tinuon ang atensyon sa lesson plan nya.
Nang makalabas ako ng pinto ng faculty room, napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi nya sa'kin. Bumalik ako sa classroom at mukhang naghihintay si Marian na magkwento ako.
"Anong sabi sayo?" Tanong nya agad pagkaupo na pagkaupo ko.
"Mabababa daw ang quizzes at exam ko," sabi ko at nangahalumbaba.
"Cool, buti hindi nya sa classroom sinabi at hindi namahiya. Kung iba 'yon, nako." Napapailing na sabi ni Marian.
Pilit akong ngumiti at maya-maya, binago na nya ang usapan. Nagsimula syang magkwento ng kung anu-ano. Halos ang iba do'n, hindi ko na maintindihan. Naglalayag ang isip ko kay Mr. Eleavar at sa nangyari kanina.
Nang sumapit ang lunchbreak, nadatnan namin ang ukupado na canteen. Nagkalat ang mga estudyante sa paligid. Sinubukan naming maghanap ni Marian ng bakanteng table at upuan pero nabigo kami. Walang table na bakante at lahat may nagmamay-ari na.
Hanggang sa nagulat ako nang may nangalabit sa'kin at hinanap agad ng mga mata ko kung sino 'yon. Nakaamoy ako ng pamilyar na pabango at bumungad sa' kin si Mr. Eleavar. Walang ekspresyon ang mukha nya at nanatili lang na nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit biglang nangarera ang puso ko.
"Tapos na ako, bakante na 'yung table. Dalian nyo para di kayo maunahan," kalmadong sabi nya gamit ang malalim nyang boses. 
Agad syang naglakad at nakita ko ang likod nyang unti-unting lumalayo. Naiiwan ang amoy ng pabango nya at hindi ko alam kung bakit hindi magawang kumalma ng dibdib ko. Hindi manlang ako nakapagpasalamat sa kanya.
"Ang bilis naman ni sir kumain. Nando'n pa 'yong mga kasama nyang teachers, oh." Tinuro ni Marian ang mga teachers na kasalukuyang kumakain at nagkwe-kwentuhan sa tabi ng bakanteng table. Hinila nya ako at mabilis naming inukupa ang pwesto.
"Anyway, atleast makakakain na tayo. Anong gusto mong kainin?"
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Chopseuy tsaka--"
Pinutol nya ang pagsasalita ko na parang alam na alam na kung anong sasabihin ko. 
"Cheesecake for dessert, I know."
Ngumiti ako sa kanya at gano'n din sya. Mabilis syang umalis sa table at nagawi ang tingin ko sa pinto ng canteen. Naalala ko ang ginawa ni Mr. Eleavar.
***
Ilang minuto akong nakatitig sa kisame. Rinig na rinig ko ang kamay ng orasan na dahan-dahang umaandar. Tanging buwan nalang ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto at dinadala ng malakas na hangin ang malaking kurtina. Alas onse na ng gabi at dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko.
Sinubukan kong pumunta ulit sa site na 'yon, umaasang makakausap ko ulit ang taong nakausap ko. Pumindot ako ng mga letra sa screen.
You: Pwede ka bang makausap?
Stranger: Iniisip mo pa rin ba 'yong mga bagay na 'yon?
Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga at ilang beses na binasa ang reply nya. Mabilis akong nagtype at hindi ako nagdalawang isip.
You: I found you.
You: You just disappeared.
Stranger: Yung internet kasi e, biglang nagloko.
Stranger: I'm sorry.
You: It's okay. Glad that you're back.
Stranger: Paano kita makakausap na hindi iniisip na pwedeng mawala ulit 'tong conversation?
Matagal akong tumitig sa cellphone ko at ilang beses binasa ang reply nya. Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko kung anong naiisip ko pero di ko namamalayan na nagta-type na ako sa screen ng cellphone ko.
You: Let's meet then?
***
6/24/19

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    Hamdan Kahar

    waw

    22d

      0
  • avatar
    Khatirene Rose Calilung

    khatirene_Rose7

    18/07

      0
  • avatar
    LeonaLea

    Subra ganda po nito 😊😊 nabasa q

    04/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes