logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Two

"Puyat ka na naman," boses ni Marian 'yon. Ramdam ko ang pag-upo nya sa upuan at ang pagharap nya sa'kin. 
"Is there something wrong, Cassiene?"
Unti-unting nadadagdagan ng mga estudyante ang classroom at mas lalong umikot ang ingay sa apat na sulok ng kwarto, hudyat na malapit na dumating ang teacher namin sa unang subject.
Nanatili akong nakasubsob sa mga braso ko at wala akong balak na tumungo. Parang gusto ko tuloy ulit umiyak ngayong nagtanong sya. Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya lahat-lahat.
"Hindi lang ako makatulog. Sawayin mo nalang mga classmate natin na wag silang masyadong maingay. May five minutes pa ako para umidlip. Sayang naman."
Narinig ko syang bumuntong hininga at maya-maya ay sumitsit. Nakahinga ako ng maluwag nang mabawasan kahit papa'no ang ingay sa classroom. Sinulit ko ang pagkakataon ko para makatulog pero maya-maya, bigla rin akong napatigil nang makaamoy ng pamilyar na pabango. A fresh woody scent. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko at nahirapan akong huminga. 
Bigla akong napatungo mula sa pagkakasubsob at awtomatiko syang hinanap ng mga mata ko. Isang makisig na lalaki ang nasa harap ng pisara at biglang nanlaki ang mga mata ko. Nawala ang ingay na naririnig ko kanina at halos kinukuha nya ang bawat hininga ng mga taong nakatingin sa kanya.
Niyayakap ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana ang magandang mukha nya, lalo na ang mga mata nyang nagiging kulay tsokolate sa liwanag. He's heartbreakingly beautiful.
"Good morning. I'm Paulo Ruiz Eleavar," bati nya sa klase nang hindi ngumingiti. Sabay-sabay naman namin syang binati pabalik.
"Sya ba yung papalit kay Mrs. Flores?"
"Sya ba yung bagong teacher?"
Nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga kaklase ko at hindi ko maiwasan ang hindi makinig habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nagulat kami ng bigla sya magsalita.
"Oo, ako muna ang magtuturo habang nasa leave si Mrs. Flores." Tumingin sya sa klase ng seryoso.
"Kung may problema kayo do'n, pwede naman kayong lumabas at hindi pumasok sa klase. Mas pabor sa'kin dahil mababawasan ang tuturuan ko."
So he's a teacher. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng teacher na papalit kay Mrs. Flores, ay sya pa. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng school na pwede nyang turuan, dito pa pala sya magtuturo. Hindi ko alam kung bakit may weird akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag dahil sa kanya. 
"Now, get a one whole sheet of paper," his voice was serene yet it shouted so much authority. 
Bigla akong napahalungkat sa bag ko at mas lalo akong nagmadali nang bigla syang magbilang. "5, 4..."
Parang nagkagulo ang classroom dahil may mga kaklase akong nagsitayuan para manghingi ng papel at meron namang nagsihiram ng mga ballpen. 
"3, 2.."
Nakahinga ako ng maluwag nang makakuha ng papel ko sa bag. Sinulatan ko agad 'yon ng pangalan ko. Nang maubos ang segundong binigay nya, agad syang nagtanong at pinasagutan nya 'yon sa papel. Lahat ng tinanong nya, galing sa nakaraang lesson pa ni Mrs. Flores at umabot ang ang mga tanong na 'yon ng hanggang twenty. Pagkatapos nyang magpa-long quiz, nagturo naman sya agad.
Kahit nakakaramdam ako ng antok at napapahikab, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang bawat detalye na bumubuo sa kanya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang bawat paggalaw ng kamay nya tuwing magsusulat sa pisara, o ang pagpupunas nya ng pawis sa noo, o bawat paghakbang na ginagawa nya habang iniikot ang classroom at ang bawat paggalaw ng labi nya sa t'wing magsasalita at magtuturo sya.
I wonder, how old is he? Nasa 20's pa rin ba sya o nasa 30's na? Matagal na ba syang nagtuturo? Parang ilang taon lang ang tanda nya sa'kin dahil mukha syang bata, natatakpan lang at hindi agad nakikita dahil sa misteryosong aura na binibigay nya. Parang ang dami-dami nyang tinatago. 
Nang matapos na syang magturo at ilapag ang chalk sa table nya, tinitigan nya ang buong klase.
"Goodbye class," sabi nya at mabilis na lumabas ng classroom.
Sabay-sabay nagpaalam ang mga classmate ko at napalunok lang ako ng laway ko. Napailing ako ng ilang beses. 
Natapos ang buong araw ng klase katulad lang din ng ibang mga araw.  Kung may bago man, 'yon ang  maraming tanong na nadadagdagan sa bawat araw na dumadaan.
Tumingin ako sa bintana ng kotse habang binabaybay nito ang daan pauwi. Papalubog na ang araw at kitang kita ang paghahalo ng kulay ng kahel at rosas sa langit. Parang magsisimula palang ang araw ng mga tao sa unti-unti nilang pagsulpot sa daan. Halos hindi sila mabilang. Ang iba pagod, ang iba tila nagmamadali. Hindi ko maiwasang maisip na sa dinadami ng tao sa mundo, meron kayang katulad ko? Meron kayang nararanasan din kung anong nararanasan ko? Meron kayang katulad din ng sitwasyon ko?
Nagulat ako nang mahagip ng mga mata ko ang pulubing babae na binigyan ko ng pagkain noong isang araw. 'Yon pa rin ang suot-suot nyang damit nang makita ko sya. Nakayapak 'tong naglalakad sa gilid ng daan, kung saan dumadaan ang di mabilang ng tao sa tapat ng palengke.
"Manong Ben, saglit po."
"Bakit po?"
Tumigil ang kotseng sinasakyan ko at binaling ko ulit ang tingin ko gilid ng daan kung saan ko sya nakita. Nadagdagan ang bilang ng mga tao at maya-maya pa, hindi ko na ulit sya nakita pa. Ilang beses akong napailing. 
"Wala po Manong Ben. Sige po magdrive na po kayo."
Inayos ko ang pagkakaupo ko at sumandal sa bintana. Meron na naman akong kirot na nararamdaman sa dibdib ko na hindi ko mapaliwanag. Huli na nang mapansin ko na may tumutulo na palang luha galing sa mga mata ko.
***
Alas onse na ng gabi nang humiga ako sa kama. Huminga ako ng malalim habang nakatingala sa kisame at pinipilit ko ang sarili kong h'wag matulog. Kanina pa ako tapos sa assignment ko at wala na akong ibang maisip gawin para maging ukupado ang isip ko.
Huminga ako ng malalim at tumayo para kunin ang mga gamit ko sa pagpipinta. Hindi ako nag-isip ng kahit ano at hinayaan lang gumalaw ang kamay ko.
Tumingin ako sa bintana at dinungaw ang nakasilip na buwan. Umiihip ang malakas na hangin at nakikisabay ang kurtina. Tahimik lang ang gabi at tanging ako nalang ang gising.
Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang pinipinta ko. It's a different face. Isang babae naman ang pinipinta ko pero napagtanto kong isa rin 'to sa mga naipinta ko na dati pa. Iba lang ang mga kulay na ginamit.
Humiga ako at tumingala sa kisame pagkatapos. Binitawan ko ang paintbrush na hawak ko at pinakiramdaman lang ang tibok ng puso ko.
I need to talk to someone.
Kahit may mga natira pang pintura sa kamay ko, kinuha ko ang cellphone ko sa lamesang katabi ng kama ko. I looked for a site where I can talk to a stranger again, which is something I thought I wouldn't ever do.
Halos ilang araw ko na 'tong ginagawa at umaasa akong makakahanap ng taong pwedeng makinig at makaintindi sa'kin dahil sa ngayon, 'yon lang ang alam kong makakatulong sa'kin.
Sabi nila, ang mga estranghero ang pinakamagandang tagapakinig. Dahil hindi ka nila kilala, pwede kang magkwento o magsabi ng kahit ano mang maisipan mong sabihin. Dahil hindi ka nila kilala, wala silang dahilan para husgahan ka. They just listen.
Pumindot ako ng mga letra sa screen ng cellphone ko at huminga ng malalim.
You: Pwede ka bang makausap?
Stranger: Pwede ka bang makausap?
Halos sabay nagrehistro ang mensahe namin sa isa't-isa. Mabilis akong nagtype ng reply ko.
You: Sure.
Stranger: Sure.
Stranger: Haha you go first.
You: Are you sure? Is it okay-?
Stranger: Yeah. What's bothering you?
You: Well..
You: Everything.
You: My whole life.
You: My existence.
Stranger: Why?
You: I was born to suffer. I was made to suffer.
Hindi ko alam na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko.
You: I am suffering.
You: And no one knows about it.
Stranger: Well, I do know.
You: You do? You know me?
Stranger: No, I don't know you. But I know how you feel. I'm suffering too and I can't tell anyone about it.
You: And you can't do anything about it.
You: Sucks, right?
Stranger: Sobra.
Stranger: Kaya ka ba hindi pa natutulog? Kakaisip sa mga bagay na 'to?
You: Yes.
Stranger: Natatakot ka.
Stranger: At kahit pagtulog mo, nagiging dahilan pa para mas lumala  ang sitwasyon mo.
Stranger: Tama ba ako?
Bigla akong napatigil at napatitig sa screen. Huminga ako ng malalim. Tumingala ako sa kisame at ilang beses kong binasa ang palitan namin ng mensahe.
Stranger: Still there?
Ilang segundo akong nag-isip. Who are you? Magta-type na sana ako ng reply ko nang biglang hindi na ako konektado sa kanya at hindi na ako makapagreply pa. Bigla syang nawala. Tinigil nya ba ang chat namin? Anong nangyari?
Sinubukan kong hanapin sya at mag simula ng panibagong conversation, pero iba't-ibang tao na ang nakausap ko. Hindi ko na ulit sya mahanap pa. Nanatiling nakaawang ang labi ko at di makapaniwala sa nangyari.
I've spent the whole entire week searching for that person. Araw-araw kong binabalikan ang site kung saan ko sya nakausap at nabibigo lang ako ng paulit-ulit. Pero hindi ako sumusukong mahahanap at makakausap ko sya ulit. Pakiramdam ko kasi, sya lang ang nakakaalam ng sitwasyon ko at pwedeng makatulong sa'kin.
***
6/24/19

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    Hamdan Kahar

    waw

    22d

      0
  • avatar
    Khatirene Rose Calilung

    khatirene_Rose7

    18/07

      0
  • avatar
    LeonaLea

    Subra ganda po nito 😊😊 nabasa q

    04/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes