logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Remembering Sunday

Remembering Sunday

lostpaint


Chapter One

Huminga ako ng malalim at ibinaba ang paintbrush na hawak ko. Matagal kong tinitigan ang painting na nagawa ko at napagtanto kong wala 'tong pinagkaiba sa mga naipinta ko na noon. Iba lang ang style at kulay na ginamit ngayon.
Tumayo ako para tingnan naman ang sarili ko sa salamin. Ilang beses akong humikab. Unti-unting napapalibutan ng liwanag ang buong kwarto dahil sa papasikat na araw. Mas lalo kong naaninag ang repleksyon at bawat detalye ng mukha ko sa salamin. I look pale and tired. Kitang-kita ang pagod sa itim at bilugan kong mga mata. Napapaligiran ng itim ang ibaba nito at walang segundo na hindi nito gustong pumikit. My lips were chapped and extremely dry, I didn't even bother touching it.
Sandali akong napatigil at nakagat ko ang ibabang labi ko nang makarinig ng hindi pamilyar na ingay mula sa unang palapag. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Unang tapak ko palang sa hagdan ay nakarinig na ako ng ilang mga boses. May mga bisita ba sa baba? Isip-isip ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilya kong gulat na gulat rin nang makita ako. Biglang nagawi ang mata ko sa mga hawak nila. May hawak na puting mga rosas si Papa. Chocolate cake ang kay Mama. Banner na may nakasulat na 'Happy 15th Birthday' ang hawak ni Yaya Soleng at Manong Ben habang mga lobo naman na may iba't-ibang kulay ang hawak ni Leila, na mukhang tuwang-tuwa sa mga 'to.
Mabilis akong napatakip ng bibig, hindi maalis ang pagkabigla. Sabay-sabay silang nagpalitan ng mga tingin na parang nag-uusap gamit ang mga mata. Hanggang sa bigla silang sumigaw ng, "Happy birthday Cassiene!"
Dahan-dahang kumurba ang labi ko. Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang niyakap. Abot tenga ang ngiti ni papa nang ibigay sakin ang hawak-hawak nyang rosas. Hinalikan nya ako sa pisngi. 
"Happy birthday, my princess." 
I hugged dad. Mabilis namang yumakap sa paanan ko si Leila pagkatapos. 
"Happy birthday, ate!" Tuwang-tuwa na sabi nya. May hawak-hawak s'yang mga lobo. Nawawalan 'to ng mata dahil sa malawak na ngiti at sumilay ang bungi nitong ipin. Lumuhod ako para mapantayan sya at mabilis na pinisil ang pisngi nya. 
"Thank you baby Lei."
"Make a wish!" said Mom. 
Hindi naalis ang saya sa mga mata nito. Tumayo ako at lumapit sya sa'kin, nakangiting tinapat ang cake. Tumingin ako sa kanila lahat, iniisip kung gaano ako kaswerte. Ngumiti ako at tiningnan ang unti-unting natutunaw na kandila. Mabilis akong pumikit at huminga ng malalim.
I want this suffering to end.
***
Maraming bumati sa'kin pagpasok ko sa classroom. Ang iba sa kanila, nang-asar at kinantahan ako.
"Happy birthday, Cass!" Marian, my bestfriend held my arm and giggled. Napapailing ako habang nakangiti. It was good to see her.
Nang pumasok ang teacher namin sa pangalawang subject, lahat kami ay umupo sa kanya-kanya naming upuan. Nagsimula itong magdiscuss at mas lalo akong nakaramdam ng antok. Mabuti nalang at ilang beses akong kinalabit ni Marian para hindi ako makatulog. Itinuon ko ang atensyon ko sa bintana at nangahalumbaba habang gumuguhit sa notebook.
Natapos ang klase at panay ang kwentuhan, asaran at tawanan ng mga classmate ko nang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa maingay at mataong hallway. Napatigil ako sa paglalakad nang makaamoy ng isang pamilyar na pabango. Agad akong napalingon sa likod ko, at naghanap ng kahit anong bakas ng kakilala ko. Nabuo ang kaba sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.
"Is there something wrong?" Tanong ni Marian. Naputol ang pagkukwento nya at bakas sa mukha nya ang pagtataka.
Tanging mga nahuhuli sa paglalakad na kaklase ko at mga taong naglalakad taliwas sa direksyon ko ang nakita ko. Sa isang iglap, nawala na ang pamilyar na pabangong naamoy ko. Kinalma ko nalang ang sarili ko ng palihim. Weird. 
"Wala. Ano nga pala ulit 'yong kinukwento mo?"
Nagkayayaan ang mga kaklase ko na kumain ng sama-sama para macelebrate ang birthday ko. Kulang nalang ay mapuno ang fast food chain na kinainan namin. Nagulat ako nang biglang tumayo si Marian at may dala na itong cake pagbalik. Naging maingay ang kainan dahil sabay-sabay nila akong kinantahan. I wished the same thing when I blew the candle. I want this suffering to end. 
"Be happy okay? You deserve it." Masayang sabi ni Marian.
Nang matapos kaming kumain ay hindi nila naiwasan ang magkwentuhan. Nakatingin lang ako sa pader na gawa sa salamin habang nakapahalumbaba. I took a deep breath when I saw the busy streets. May mga taong may iba't-ibang ginagawa, may mga naglalakad at papunta sa iba't-ibang direksyon.
"Ang boring ng klase kanina 'no? Wala kasi si Mrs. Flores, sya pa naman ang bumubuhay sa klase."
"Agree. Pero para sa isang buntis, kailangan nya ring magleave."
"May papalit daw sa kanya e. Sana hindi istrikto."
Sa gilid ng poste ay may nakita akong isang babaeng gusgusin at magulo ang buhok. Punit-punit ang damit nito, nangingitim na ang balat sa dumi at parang wala sa sarili. May bigla akong naramdamang sakit sa kaliwang dibdib ko. Mas lalo pa 'tong sumakit nang magtama ang mata naming dalawa.
"Para makamoving up tayo ng matiwasay 'di ba, Cassiene?"
Para akong nakabalik sa realidad nang kalabitin ako ni Marian. Wala akong ibang nagawa kun'di ang mapatango. Bumalik sila sa pagkwekwentuhan at nang binalik ko ang tingin ko sa pader na gawa sa salamin, nasa harap ko na ang pulubeng babae.
Nagulat ako pati na ang mga kasama ko habang ang iba naman sa kanila ay natakot. Sinubukan nila itong itaboy gamit ang mga kamay nila. Nang hindi ito umalis, tumayo ang dalawa kong kaklase at nagreklamo sa guard. Hindi ko alam kung bakit may luhang pumatak galing sa mga mata ko.
Hindi ko namalayan na bigla na pala akong tumayo at umorder sa counter. Agad akong lumabas at pinigilan ang ang pangtataboy ng guard at ilang kaklase ko.
Lumapit ako sa pulube at dahan-dahan kong inabot ang supot ng pagkaing binili ko. Nag-aalangan itong kunin ang binibigay ko at kailangan ko pang ihaya palapit sa kanya. Maya-maya, mabilis nitong kinuha ang supot at mabilis na tumakbo palayo sa kinakatayuan namin.
Huminga ako ng malalim at naging tahimik ang paligid. Nang tumingin ako sa guard at dalawang kaklase ko, nakita ko ang mga tanong at pagtataka sa mga mukha nila. Hindi ko 'to pinansin at bumalik sa loob ng kainan. Naging maingay ang katahimikan pero maya-maya, unti-unti na rin silang nagsalita at napuno ng mga kwentuhan, tawanan at asaran ang buong kainan na parang walang nangyari.
Nang napagdesisyunan ng mga kaklase kong umuwi na, isa-isa silang lumapit sa'kin para batiin ulit ako at magpaalam.  Kumaway sila sa'kin bago maghiwa-hiwalay ng landas.
Nang magsimula na akong maglakad-lakad, napahinga ako ng malalim nang maalala lahat ng mga sinabi ni Marian.
Be happy okay? You deserve it.
Sinusundan ko ng tingin ang bawat hakbang na ginagawa ko. Parang natanggal ang maskarang suot ko at halos lahat ng emosyong pineke ko kanina ay biglang rumagasa lahat ngayong mag-isa ako.
Ako na nga yata ang pinakaswerteng tao sa mundo. May mga mapagmahal na magulang at kapatid, kumpleto ang pamilya, may mapagkakatiwalaang kaibigan, nakakaangat sa buhay, nakukuha lahat ng gusto. Kung tutuusin nasa akin na ang lahat. Nasa akin na lahat ng gugustuhin at hihilingin ng isang tao.
I should be happy but why do I feel this way? Alam kong may mali dito at hindi ko alam kung ano at bakit ko 'to nararamdaman. I feel like I'm missing something here. Maraming espasyo na kailangang punan at wala akong ideya kung ano at kung paano.
Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang earphones sa bag ko at nilagay 'yon sa magkabilaang tenga ko. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ang isang shop na nasa harapan ko. Naramdaman ko na parang ilang beses na akong nakapasok doon, kahit unang beses ko lang 'tong napansin. Hindi ko namamalayan na dinadala na pala ako ng mga paa ko papasok doon. 
Lahat ng nasa loob ng shop ay halos lumang bagay ang mga tinitindang gamit. Tipid akong ngumiti nang nilibot ang mga mata doon. May mga lumang envelope na may pulang sealing wax, music box, type writer, lumang telepeno at iba pa.
May kumuha ng atensyon ko sa mga gamit na nandoon. Lumapit ako kung saan ito nakapwesto. Nakaamoy ulit ako ng pamilyar na pabango. A fresh yet warm, woody scent. Napailing ako.
Hahawakan ko na sana ang nag-iisang cassette player na nakita ko nang magulat ako na may kamay na naunang humawak doon. Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko at nakita ang isang lalaki sa harap ko.
Una kong napansin ang nunal nya sa ibabang mata. Sunod ang walang kaemo-emosyong mukha nito at mga mata nyang may sinasabi sa'king hindi ko mapagtanto. Hindi ko rin alam kung bakit parang pamilyar sya sa'kin kahit unang beses ko palang syang nakikita. 
Ilang segundo pa syang tumitig at biglang nangarera ang puso ko. Kumunot ang noo nya pagkatapos at nagdikit ang mga kilay. Mabilis nyang kinuha ang cassette player at napansin kong may hawak na rin syang cassette tape. Wala akong ibang nagawa kun'di mapatitig lang sa ginawa nya, hanggang sa nagbayad ito at lumabas ng shop. 
Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at naiwan akong nakatunganga sa glass door. Sinawalang bahala ko nalang ang nangyari. Nang papalabas na ako ng shop, agad akong napatigil sa paglalakad. Naalala ko ang mukha ng lalaki at ang mga bagay na pininta ko.
May mali ba sa'kin o parang kamukha nya ang mga ginuguhit at pinipinta ko?
Hindi ko alam nang araw na 'yon na isa na pala sya sa mga sagot sa napakarami kong tanong.
***
3/4/19

Comentário do Livro (56)

  • avatar
    Hamdan Kahar

    waw

    22d

      0
  • avatar
    Khatirene Rose Calilung

    khatirene_Rose7

    18/07

      0
  • avatar
    LeonaLea

    Subra ganda po nito 😊😊 nabasa q

    04/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes