logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Between Fiery and Steel (ONGOING)

Between Fiery and Steel (ONGOING)

azumi_kooo


PROLOGUE

Disclaimer
The characters and events mentioned in this story are purely fictional and are not to be construed as even remotely inspired by persons and events known and unknown to the author.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, mimeographing, or by any information and retrieval system, without permission from the copyright holder.
PROLOGO
"Booo!umalis ka nga!!do'n ka!che!che!"
"Alis!yucks! tao ka pa ba?sino ba naman ang nagluwal sa 'yo?!sigurado akong takot na takot din 'yon hahahah alis!bilis!"
"Ba't kasi gan'yan ang hitsura niya?ew!parang hindi tao!errr no wonder walang nakikipagfriends sa kaniya!"
"Who would dare?duh!maski aso nga ata ayaw sa kaniya e!"
Sa pangatlong beses ay muli 'kong hinayaan ang mga luhang tumulo sa pisnge ko. Ang buong parking lot na iyon ay puno ng mga sigawan at panlalait ng mga kaklase ko, ang mga taong tinuring 'kong kaibigan na basta nalang akong tinalikuran matapos ang lahat.
Napakasakit marinig ang mga pang mamaliit nila. Kaya hindi ko na naman naiwasan ang sariling kwestiyunin ang katauhan ko, lalo na ang histura ko.
Pero ang paulit-ulit 'kong naririnig mula sa kanila. Tinatanong nila kung tao ako?
Gusto 'kong sabihing, Oo,
Tao pa naman ako, sa tingin ko naman dahil may katawang tao naman ako tulad nila, may mata ako, may tainga, may buhok, may mukha...
Pero bakit gano'n ang mga sinasabi nila?
Lumayo ako sa kanila kahit hirap na hirap akong gumapang...
'yon lang...
dahil lumaki akong  walang kamay at paa...
Pero do'n ba talaga masusukat ang pagkakakilanlan ng isang tao kung buo ka o may kakulangan? Siguro hindi...dahil may ibang tao na kagaya lang ng mga kaklase ko...
Nagpatuloy ako sa pag gapang kahit na dinig na dinig ko pa'rin ang tawanan nila.
Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga mapigilan na pahinain ang pandinig ko...may kakulangan man ako, nararamdaman ko namang mas malalakas ang ibang parte ng katawan ko, tulad nalang ng pandinig at pakiramdam ko, hindi ko alam pero basta ko nalang nararamdaman e.
Pero may isa pa 'kong problema...itong dala-dala ko parati...
Bakit kasi kailangan mong lumaki ng gan'yan?
Nakababa ang tingin 'ko sa dibdib ko nang bigla akong mapahinto dahil sa magkapares na sapatos na bumungad sa 'kin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nabubulag ako ng liwanag sa sobrang taas niya, pero ang isang natitiyak ko...isa siyang babae.
Naramdaman ko nalang na umangat ako dahil bigla niya 'kong binuhat.
"Teka lang po ate!ano pong gagawin niyo?!"pinagiwang-giwang ko ang katawan ko nang maglakad kami papalayo.
"Teka po!ate!anong gagawin niyo?! classmate!tulong!tulong!"sigaw ko habang nakatingin kina Maya pero pinagtawanan lang nila ako.
"Asa ka pa na tutulungan ka nila." Biglang nagsalita si Ate, napagtanto 'kong nasa 20 yrs old na siya.
Hindi naman nakakatakot ang mukha niya, kung tutuusin ang ganda nga niya e, pero anong ginagawa niya?bakit niya ko binubuhat?at saan niya ko dadalhin?
"Ate." Ang lungkot sa boses ko kanina ay napalitan ng kakaibang kaba. "Ulilang lubos po ako at nakikitira lang po ako kina Ninang, kaya ibaba niyo na po ako dahil wala pong pang ransom ang Ninang ko sa inyo,"muling sabi ko, kung iisipin niyo para lang akong sanggol na karga-karga niya.
"Manahimik ka nga, mas mayaman ako sa'yo kaya hindi ko kailangan ng pera, dadalhin lang kita sa lab ko," aniya.
Lab?
"Teka lang po, ano po 'yong lab?saan po 'yon?" nalilitong tanong ko.
"Ang bobo mo naman," pranka niyang sagot. "Lab lang dimo alam? laboratory!isa akong scientist doctor hehe do'n tayo pupunta."
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Wala akong ideya sa mga sinasabi niya. "Teka lang po!hindi ko po alam ang sinasabi ninyo!bakit niyo po ako dadalhin do'n?ibaba niyo nalang po ako, please!"
"'Wag ka ngang malikot kung hindi itatapon kita sa kanal," matapos ang sinabi niya ay hindi na'ko nagsalita pa. Bigla kasi kaming dumaan sa tabi ng kanal.
Hanggang sa pumasok kami sa isang kotse ay tikom ang bibig ko. Ang mga tanong ko kanina ay pansamantala 'kong nakalimutan, 'yon kasi  ang unang beses na nakapasok at nakasakay ako sa marangyang sasakyan.
"Wag kang mag-alala...paggising mo... magiging normal na ang lahat para sa'yo." 'Yon ang huling narinig 'ko bago umusok ang buong sasakyan hanggang sa makatulog ako.
Kumurap ako ng tatlong beses, umaasang makakatulong iyon upang mas luminaw ang paningin ko.
May maaninag akong bulto ng tao...o masasabi 'kong babae...nakaputi siya...may eyeglasses at mariing nakatingin sa 'kin...hindi ko makita ang mukha niya dahil talagang napakalabo pa.
Bumaling ako sa harapan, paunti-unti ay nararamdaman ko na ang lamig... napagtanto ckong nakahubad ako?!
'Bakit ako nakahubad?! '
Kahit litong-lito ay hindi ko naisantinig iyon dahil nararamdaman 'kong may kung anong bagay na nakabusal sa bibig ko.
Nanlalaki ang mata ko nang maging malinaw ang paligid.
Nasa loob ako ng isang container na may tubig?dahil bumubula pa ang magkabilang gilid ko.
Humihingi ng tulong ang mga mata 'kong tumitig sa babae...hindi ko parin magawang makumpirma kung sino siya. Hanggang sa maalala ko ang mukhang doctor na kumuha sa 'kin kanina.
Teka?anong ginagawa niya sa 'kin?!

Comentário do Livro (98)

  • avatar
    Arvin Santos Sordoncillo

    5.0

    07/08

      0
  • avatar
    Nhora Gonzales

    maganda ang kwento mayroon matutunan ang nag babasa

    07/08

      0
  • avatar
    fiberhomejhully

    awesome

    07/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes